WYBM 44: On The Job Training

178 6 0
                                    

~Zeila

"Si Kuya Kaydee, engage na"

Nanlumo ako bigla. Napabuga ako ng hangin at nagsimulang mamuo ang luha ko.

"Shemay!", sabi nila pare-parehas.

Napaiyak ako bigla dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Baket bigla-bigla naman ata? Two weeks ago lang ha", sabi ni Justine.

"Sabi ni Agnes, gusto nya na daw eh", sabi ni Kimminiel.

Napayuko ako. Lalo akong naiyak at saka ko narealize na ako pala yung may mali.

"Kailan daw sila ikakasal?", tanong ni Allysa.

"Pagtapos daw ng pag-aaral nilang dalawa. Zeila, natatakot ako", sabi ni Kimminiel pero wala na akong naisip kundi yung kasal. Gusto ko silang pigilan pero di ko alam kung papano.

(Three months passed)

Nagsusuot ako ng long sleeves na white ko at slacks ko saka ako nagsuot ng high heels. Nag-ipit ako at naglagay ng light make-up. OJT ko na at busy kaming lahat. Pare-parehas kaming OJT at magkakaiba kami. Si Raine naman parehas kaming sa abogado pero syempre, ibang abogado yung kanya. Nakausap ko na din yung iba kong kaibigan at wala silang sinabi na kahit ano kay Kaydee.

And yung abogado na nakasama ko, si Attorney Harold Revusta. Attorney of the Ynares family. Pero wala eh, mabait naman si Attorney at alam kong ibang-iba sya kila Agatha. Yung mga walang kwentang yun.

Narinig ko na may malakas na beep sa labas. Si Raine yon panigurado.

Lumabas ako at saka nakita kong umirap sya.

"Kupad ka talaga", sabi nya saka nagsuot ng shades nya. Take note, naka formal suit sya at saka naka-shades parang tanga lang di ba?

Pumasok ako sa kotse nya at saka sya nagmadaling nagdrive.

"Nga pala, sabi ni Attorney Lapuz bigyan mo daw sya ng mga law affirmations", utos sa akin ni Raine.

"Baket? Wag nga ako Raine! Panigurado sayo pinapagawa yan, pinapasa mo na naman sa akin. Pag sinumbong kita, tignan mo di ka matutuwa", sabi ko saka sya inirapan.

"Bat di ka pumunta sa office nya nang malaman mo na ikaw nga pinapagawa", sabi ni Raine at saka nagtanggal ng shades nang malapit na kami sa office. Pinapagalitan kasi sya kapag nakikita syang naka-shades.

Nagpark lang sya at bumaba na ako. Agad kaming pumasok at naghiwalay na muna dahil kay Attorney Hernando sya, ako kay Attorney Harold. Sya sa second floor, ako sa fourth floor.

Nakarating ako sa floor at nakita ko kaagad sa glass window na may kausap sa cellphone si Attorney. Kumatok ako saka ako pumasok. Nginitian nya ako at saka ako umupo sa table ko.

"And yeah bata, maaga ka ata ngayon ng five minutes", sabi nya at tumawa.

"Si Attorney, joker. Talaga naman lagi akong maaga no. Nal-late lang ako dahil kay Raine", sabi ko saka nag-ayos ng mga paper sa table ko.

"Well Zeila, may sasabihin ako sayo", sabi nya at umupo sa couch nya. Humarap sya sa akin kaya humarap din ako sa kanya.

"Ano po yon?"

"Ano bang meron sa inyo ni Kaydee? Sorry kung nabanggit ko pa ulit pero pwede ko bang malaman kung anong meron sa inyo?"

Napayuko ako at saka napalunok.

Will You Be My....?? (Completed)Where stories live. Discover now