WYBM 19: He's Concern?

207 4 0
                                    

~Zeila

Hinatid ako nung tatlo sa bahay namin.

"Hoy kayong tatlo, siguraduhin nyong di malalaman ng mga labiduds nyo ang nangyari sa akin ha. Lalo na din kay Kuya Rhon okay?"

"Seryoso ka ba na itatago natin?", tanong ni Oni.

"Oni, ganon ka ba kabait para sa simpleng pagtatago lang eh kasamaan na?", panloloko ko sa kanya.

"Hindi naman. Pero para din naman sayo yon", sabi nya saka nag-pout.

"Basta, wag nyong ipagsasabi na sumasakit yung braso ko dahil kay Kaydee ha. Siguraduhin nyo"

"Fine. Magpahinga ka na ha? Baka lumala yang braso mo", sabi ni Allysa.

Tumango ako saka ako pumasok. Nakita ko na umalis na sila. Pagkabukas ko ng pinto, bigla kong nalaglag yung mga libro kasi namamanhid yung braso ko. Ang hapdi kasi.

Pagkasara ko ng pinto, isang kamay lang yung ginamit ko kasi yung braso ko talaga, nanghihina. Nagagalaw ko naman sya, katunayan nakapagbihis at nakapagluto na nga ako pero humahapdi pa din sya.

Tinignan ko yun at namamaga na pala sya. Grabe, bampira nga ata talaga yung isang yun kaya ang lakas nya. Pagkakain ko, umupo ako sa sofa at nagsimulang magbasa. Pero di ako makapag-concentrate dahil sa mga sinabi ko kay Kaydee kanina. Nag-guilty ako kasi nasaktan sya sa mga sinabi ko. Nadala lang din naman ako ng galit ko kanina kaya lumabas sa bunganga ko yung alam ko tungkol sa kanya.

Nakita ko yung phone ko at agad kong kinuha yon. Pumunta agad ako sa messaging at nilagay yung number ni Kaydee.

Gusto ko sanang mag-sorry pero... may mali sya. Pero may mali din ako. Ano ba yan!

Mga ilang minuto din akong nag-isip ng sasabihin ko sa kanya. And it ended up

'Sorry'

Yan mismo. As in yan lang yung sinabi ko sa text. Mga 10 minutes ata akong nag-isip non. Ayos diba? Di na ako nag-expect ng reply.

Pinatong ko yung libro sa mukha ko at humiga sa sofa. Makakatulog na dapat ako pero naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko.

"Lo?", tamad kong sagot.

Walang sumasagot kaya tinignan ko yung phone ko. Text lang pala, di pala tawag. Tinignan ko yung nagtext. Si Kuya Rhon.

'Ingat ka dyan sa inyo. Di kita mapupuntahan, may inaayos pa kaming plates eh. Sorry lil sis'

Nagreply ako sa kanya.

'Kuya naman. That's okay ^^ Ingat ka na lang din :)'

Matutulog na dapat ulit ako pero bigla na namang nag-vibrate yung phone ko.

"Hello?", tamad ko ulit na sinabi. Tinignan ko na naman yung phone, text na naman pala.

Binuksan ko yung phone ko at tinignan kung sino ang nagtext.

'That's okay. Gonna talk to you if I go back here in the Philippines in the next day'

Tinignan ko kung sino yung nagtext. Nanlaki yung mata ko at napatayo ako bigla nang makita ko kung sino yung messenger.

"Kalvin!", sigaw ko at napangiti ako. Di ko alam kung baket.

ISANG araw ang lumipas at di ako nakapasok. Sabi ko sa mga kaibigan ko, wag na munang pumunta kasi kaya ko pa naman. Tapos alam ko lahat sila busy kaya okay lang din.

Will You Be My....?? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon