WYBM 10: Right Time

235 7 0
                                    

+Kaydee

"So ginagawa mo yon para mapa-oo mo sya?!", gulat na tanong ni Vince at Kratos. Nakipagkita muna kasi ako sa kanila bago ako pumuntang exhibit.

"Sort of. Hirap kayang mag-pretend na mabait sa kanya. Gusto ko kasi napagtitripan sya", sabi ko saka ngumisi.

"Eh pano kapag nalaman nga ni Rhon to? Bahala kayo dyan ha!", sigaw ni Kratos.

"Nag-usap na kami par!", sabi ko saka ngumiti. Biglang napaupo ng maayos si Kratos.

"Talaga?! Napapayag mo si Rhon?!", natutuwang tanong nya pero agad ko syang pinatahimik.

"Hindi. Of course di ko sinabi ang agenda ko kaya kapag nalaman nya ang lahat, kayong dalawa lang ang sisisihin ko kasi kayo lang ang nakakaalam ng kagaguhan ko ha?", sabi ko saka pinalo sa tiyan yung dalawa.

"Kailangan nananakit ka pa? Oo na, di na makakarating kahit pa mas matagal na kaming magkakakilala nila Rhon!", sabi ni Kratos na nakangiwi.

"Good. Then, I'm going to start my plan!", sabi ko saka ngumisi.

"Ikaw di pa nagsisimula ang klase mo sa university, may nagiging kaclose ka na kaagad. Samantalang yung iba, three years na sa university, yun at yun pa din ang kilala nila", sabi ni Vince.

"Iba kasi kapag famous. Tulad natin di ba?", sabi ni Kratos saka inakbayan si Vince. Agad namang inalis ni Vince yung akbay ni Kratos.

"Tigilan mo ako Cheetos!", pang-iinis ni Vince saka tumawa. Pati tuloy ako natawa.

"Kayong dalawa, wala ba kayong balak pumunta ng photo exhibit at maghaharutan lang kayo dito?", tanong ko sa kanila.

"Eh pinatawag mo kami dito di ba? Pano kami makalapag-ayos?", sabi ni Vince saka umirap. Nag-cling sya sa braso ni Kratos.

"Lika na nga Papi Cheetos, mag-aayos pa tayo ng sarili natin. Hahanapin pa natin yung gowns natin", sabi ni Vince saka yumapos kay Kratos na parang bakla. Pati boses, parang bakla.

"Pwede ba tigilan mo ako Beans!", sigaw ni Kratos habang tinatanggal yung pagkakakapit ni Vince sa kanya.

"Ayaw ko Papi Cheetos!"

Ayun na lang ang narinig ko sa kanila. Andito kasi sila sa condo unit ko. Nakita ko yung susuotin ko. Ang formal masyado. Three-piece suit in the other words ang susuotin ko.

"Baket pa kasi ako pinauwi dito sa Pilipinas? Okay na ako sa Canada eh. Payapa pa buhay ko", sabi ko sa sarili ko saka tumayo saka tumuloy sa cr.

~Zeila

Grabe, ngarag na ngarag ako. Buti na lang at maayos pa ang itsura ko kahit papano. Nakasuot ako ng black cocktail dress at naka-heels pa ako ngayon. Then messy hair na naman ang buhok ko.

Naglagay lang ako ng konting make-up saka ako tumakbo pababa. Kahit naka-heels ako, kaya kong tumakbo ng mabilis. Sanayan lang.

"Thalia! Wag ka ngang tumatakbo ng ganyan!"

Tinignan ko yung sumigaw. Si Kuya Rhon.

"Baket andito ka? Himala't ang bilis mo ata", sabi ko.

"Kasi gusto ko. Nagbabagong-buhay na ako. So halika na?", tanong nya. Tumango ako saka nya ako inakbayan.

"Revealing ang suot mo lil' sis", sabi nya saka ako tinignan.

"Kuya, eh anong isusuot ko? Natural ganto naman ang mga tipuhang suotan sa univeristy kapag ganong okasyon", sabi ko saka sya nginitian. I'm smiling because I want to assure him.

Will You Be My....?? (Completed)Where stories live. Discover now