WYBM 48: Resigning

190 4 0
                                    

+Kaydee

Nakaupo ako sa couch sa sala nila Agnes. Sa totoo lang, ayaw kong pumupunta sa bahay na to. Ayaw ko sa bahay na to. Kung di lang inutos nung kapatid ni Attorney Harold na sumama ako dito eh hindi naman ako pupunta. Ang galing ko din kasing mag-pretend na okay lang ako. Pero tanga din naman sila kasi di nila mahalata na hindi ako natutuwa sa gusto nilang mangyari.

Ginamit pa nila si Attorney Harold para ipakausap si Daddy para sa engagement naming. Psh, as if gusto kong magpakasal kay Agnes. Obsess masyado sa kapogian ko eh. Mahangin masyado right? Wag nyo anng pansinin, ganto ako kapag naiinis.

"Baby, want to eat breakfast or want to eat something?", sabi nya at kinindatan ako. Tinignan ko lang sya ng walang emosyon.

"Ayaw kong kumain ng kahit ano ngayon okay? Lalo ikaw, wala akong balak", sabi ko at bumuntong hininga. Ang hirap pang gumalaw sa bahay na to, parang lagi kasing namomonitor yung ginagawa ko eh.

Iniisip ko pa si Thania. Kamusta na kaya yon? Kumain na kaya yung babaeng yun? Ihahatid kaya ulit sya ni Raine? Hays. DI ko mapigilang magselos kahit alam ko na may girlfriend yung isang yun. Syempre sanay ako na ako ang gumagawa kay Zeila ng mga ganong bagay. Pero ngayon, parang masyado kaming tago. Parang malimit kaming magkikita.

Nagulat ako nang biglang magvibrate yung phone ko. May sakit na ata akong nerbiyos eh. Lagi na lang akong nagugulat kapag may gumagalaw na mga bagay-bagay eh. Nasobrahan na ata ako sa kape.

"Lo?"

'Kaydee, balik ka daw muna dito. May ibibigay kami sayo. Importante to'

"Baket pa? Pwede namang mamaya di ba?"

'Kaydee, alam namin na ayaw mo kung asan ka ngayon. Kaya kung ako sayo, babalik ka dahil importante to'

"Ang drama mo Rhon Geraldino. Oo na, babalik na dyan", sabi ko at binabaan sya ng telepono.

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Nakita ko si Maam Agatha at Agnes na kumakain.

"Aalis lang ako. May emergency daw sa office eh", sabi ko saka nag-ayos ng damit.

"Sumunod ka na lang sa building ni Attorney Harold", sabi niya kaya tumango ako.

Agad akong lumabas at nagdrive papunta sa office at nang makarating ako, nakaupo si Rhon at Benj sa mga bleachers at parang pinag-uusapan na kung ano sa papel na hawak nila.

"Hoy, baket nyo ako pinabalik?", tanong ko at napatingin naman agad sila sa akin.

"Hay salamat! Ikaw lang ang nakakaalam nung mga to", sabi ni Benj at iniabot sa akin yung papel. Tinignan ko at napakunot yung noo ko dahil sa nakita ko.

"Seriously? Eh hindi nga ako nakikinig sa labelling ng widths and heights sa infrastructures tapo sa akin nyo itatanong yan?", sabi ko saka sila inirapan.

"Eh anong gagawin natin? Ipapasa nating tatlo to kasi part daw ng grading para sa first semester natin", sabi ni Rhon kaya napabuga ako ng hangin.

"Sige, pupuntahan ko kayo mamaya kapag natapos kami sa agenda namin don", sabi ko at saka hinilot yung sentido ko. Nahihilo ako sa ginagawa nya.

"Uy, bumabalik na pagtingin nya kay Agnes", natatawang sabi ni Benj.

"Gago ka ba? Magagalit sa akin si Sir kapag di ako pumunta. Utos daw nung Attorney Harold", sabi ko saka ko sila inirapan.

"Si Sir, may favouritism. Kung di lang magagalit sila Sir, sasama kami sayo eh", sabi ni Rhon at tumawa.

"Wag na", sabi ko saka sila inirapan.

Will You Be My....?? (Completed)Where stories live. Discover now