Will You Be My....?? (Complet...

By B2stful

12.9K 308 5

"Will you be my...." Hear his favorite line wherein this is the reason why are their lives changed. More

Prologue
WYBM 1- Handsome
WYBM 2: Photographer
WYBM 3: Unexpected
WYBM 4: Wallet
WYBM 5: Pretending
WYBM 6: Twin Bro and Twin Sis
WYBM 7: Renayld
WYBM 8: Welcome to Hell
WYBM 9: Something Unusual
WYBM 10: Right Time
WYBM 11: The Condition
WYBM 12: Cough of Guiltness
WYBM 13: Agreement
WYBM 14: Par
WYBM 15: Condo Unit
WYBM 16: Truth
WYBM 17: Their Point of View
WYBM 18: Blind of Love
WYBM 19: He's Concern?
WYBM 20: Curiosity Discussion
WYBM 22: Move In
WYBM 23: Gift
WYBM 24: Cotton With Alcohol
WYBM 25: Fight
WYBM 26: Don't Leave Me
WYBM 27: Whole Day Together
WYBM 28: Admit It
WYBM 29: Plan
WYBM 30: Secret Lover
WYBM 31: There's Something
WYBM 32: Chaos
WYBM 33.1: Convincing
WYBM 33.2: More Convincing
WYBM 34: Beginning
WYBM 35: Thanks To You
WYBM 36: Confession
WYBM 37: First Love
WYBM 38: Report
WYBM 39: Distracted
WYBM 40: Official
WYBM 41: Gone Wrong
B2stful Author's Note
WYBM 42: Heartbreaking
WYBM 43: Face the Fact
WYBM 44: On The Job Training
WYBM 45: Passionate Sincerity
WYBM 46: Marking his Territory
WYBM 47: Consequences
WYBM 48: Resigning
WYBM 49: Graduation
WYBM 50: Surprise
Epilogue

WYBM 21: Celebration

198 5 0
By B2stful

~Zeila

It was so busy. Alam nyo yon, a week pa lang bago magsimula yung klase eh naiistress na ako. Ang dami kasing pinapagawa ni Sir Ramirez. Akala nya ata secretary nya kami. Even my friends are stressed because of Sir Ramirez's 'ka-echosan'.

And kagabi pa lang, pinatay ko na ang cellphone ko and even social media, di ako nagpunta para maayos lang lahat ng kailangan. Ikaw ba naman pagawain ng history assessment for three years, action plan at regulations. Sino ba namang tao ang makukuha pang gumamit ng Facebook, Twitter, Instagram at kung ano-ano pang mga website kung saan puro kayabangan, kaartehan at mga kalandian lang ang makikita. Sensya, mainit ulo ko kasi dalawang oras lang ang tulog ko.

At ngayon, first day ng klase. At dahil first day, madadagdagan na naman ang gawain. Take note ha, wala akong pasok ng Monday pero kinailangan kong pumunta sa university para lang makapag-picture ng Orientation namin. Lagi na lang may orientation eh halos lahat naman ng estudyanteng nag-aaral doon eh yon at yon din.

Binuksan ko yung phone ko at tinignan ko lang yung oras. 10 na ng umaga kaya tumakbo ako palabas. Kailangan kami ng 9:30 doon pero dahil sa sobrang dami kong inasikaso, di ko na namamalayan yung oras.

Pagkadating ko sa school, nagkakalatan pa yung mga estudyante. Ibig sabihin di pa nagsisimula. Mabuti naman. Tumakbo agad ako sa office namin at walang tao. Natural, yung iba nag-aayos na.

Kinuha ko yung camera ko at tinignan kung ayos na iyon. Nung na-check ko na, agad akong lumabas saka nag-ayos ng buhok. Nag-ipit lang ako ng buhok ng mabilisan kahit na alam kong magulo, hinayaan ko na lang din.

Nang makarating ako sa grounds, nakita ko kaagad yung mga kabarkada ko kaya agad akong lumapit.

"Hello Zeila!", bati nila at masiglang ngumiti. Anong problema ng mga to?

"La ba dyan?", pang-iinis ni Kyan at tumawa. Tinignan ko sya ng weird at nagsimula na din syang kumuha. Cameraman yan. Isa sa mga kailangan nyang i-report eh yung video para sa mga nagaganap na program sa school.

Umakyat sya sa stage at yung mga kaibigan kong journalist, nasa stage din at nakaupo at nasa tapat ng long table.

Dumating na si Sir Ramirez sa gitna kaya agad akong pumunta sa harap para kumuha ng litrato.

Tumabi muna ako kila Justine para makapagpahinga.

"Hey Zeila, baket parang ang weak mo ngayon?", tanong ni Justine.

"Two hours lang tulog ko", sabi ko saka sumandig sa balikat nya.

"Di mo ba narereceive yung text namin?", tanong ni Oni. Agad naman syang siniko ni Allysa. Napakunot yung noo ko.

Titignan ko na dapat yung phone ko pero sumenyas si Len na magpicture daw ako kaya ginawa ko. Clueless pa din ako kung anong meron.

Nang matapos akong mag-picture umupo na ulit ako katabi nila Allysa.

Kinuha ko yung phone ko saka ko tinignan. Daming chat sa Kakaotalk ko. Binuksan ko iyon at nagbasa ng mga messages.

'Happy birthday Thania Zeila!'

Agad kong tinignan yung date sa cellphone ko.

"Shemay!", sigaw ko saka napasapo sa noo ko.

"Ngayon alam mo na? Happy birthday!", sabi nung tatlo at niyakap ako.

Kumalas sila at hanggang ngayon nakatulala pa din ako.

"18 years old na ako?", tanong ko sa kanila.

Tumango sila. Bigla akong nalungkot. Naalala ko si Mamsie tsaka si Papsie.

"Wag kang mag-alala, masaya si Tito Kalvin sayo tsaka si Tita Theresa"

Nginitian ko sila.

"Hey, can I take a break?", tanong ko sa kanila. Tumango naman sila kaya bumaba ako ng stage. Naglakad-lakad lang ako sa university. Naalala ko yung sabi sa akin ni Papsie nung birthday party ko nung 13 ako.

'Kapag nag-debut ka kahit may boyfriend ka na, ako pa din ang last dance mo'

Di ko alam pero feeling ko naiiyak ako. Kapag kasi birthday ko na, nararamdaman kong malapit na ang death anniversary nila. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit-sakit pa din pala nung mga pangyayari.

Umupo ako sa isa sa mga bench saka ako yumuko.

"Papsie, Mamsie. Legal na ako ngayon. 18 years old na ako", sabi ko saka ngumiti. Nagpunas agad ako ng luha nang maramdaman kong tumutulo yung luha ko.

Nakita ko na may nagtapat sa akin ng panyo. Tumingala ako at nakita ko si Kaydee.

"B-Baket ka nandito?", nauutal kong tanong.

Umupo sya sa tabi ko saka ako dumistansya sa kanya ng konti.

"Thania"

"Yep?"

At dahil humarap ako sa kanya, pinunasan nya yung mukha ko na ikinagulat ko.

"So tama nga ako, tama nga ako na yung birthday mo, malapit sa death anniversary ng magulang mo"

"B-Bumalik ka na doon sa orientation", pag-iiba ko ng topic.

"Marami pa nga akong hindi alam sayo. But don't worry, naiintindihan kita. Happy birthday", sabi nya saka nya inayos yung buhok ko.

"K-Kaydee..."

"You're my friend so I'm concerned. I know you're feeling lonely but always remember that I'm always here"

Tinignan ko sya ng masinsinan. Di ko sya maintidihan. Pati sarili ko, may mga insekto ata sa loob ng tiyan ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.

"I'm always here and of course, your bestfriends, your Kuya Rhon and your Tatay Rico", sabi nya at ngumiti. Tinititigan ko sya na parang may mali. Kasi, yung tiyan ko iba ang reaksyon. Kahit na yung puso ko. Pati utak ko, nadrain na ata kasi hindi na ako makapagsalita.

"Thania?"

Nabalik ako sa realidad ng tawagin nya ako.

"Yes?"

"Happy birthday", sabi nya. Nagulat ako nang hilahin nya ako at bigla nya akong... niyakap. Naramdaman ko na naman yung abnormal na pagkabog ng puso ko. Di naman ako ganto kapag niyayakap ako ni Tatay, ni Kuya Rhon o kahit ng mga kaibigan ko. Pero baket nung kay Kaydee, ang gara ng feeling. Pati yung tiyan ko, parang mas dumami ata yung insekto sa loob.

Kumalas sya sa yakap at nakatitig pa din ako sa kanya. Ngayon ko lang sasabihin to, ang pogi ni Kalvin. Full of sincerity yan. Parang kasi nung nakita ko sya nung una, yabang lang ang tingin ko sa kanya.

Tumayo sya at ginulo yung buhok ko saka sya naglakad palayo. Napahawak ako sa pisngi ko. Naalala ko yung hinalikan nya ako sa pisngi ko at feeling ko, nadrain yung utak ko. Tayna! Porket ba birthday ko, gagana na pagiging praning ko?

NAGLALAKAD ako pauwi at medyo madilim na. Inabot na naman ako ng gabi sa office. Jusko, porket legal age na ako kailangan magpaabot na ako ng gabi. Kung buhay pa si Papsie, nasermunan na ako non. Kaya din ako ginabi kasi natagalan ako sa paggawa dahil occupied utak ko dahil kay Kaydee. Tayna naman!

Nang papasok na ako sa bahay, natakot ako nang bukas yung gate. Shtness overload!

Agad akong tumakbo papasok at mabilis kong binuksan yung pintuan namin at nagulat ako nang bigla kong buksan yung ilaw eh may pumutok.

"HAPPY BIRTHDAY!"

Natameme ako sa nakita ko. Buong barkada at yung iba ko pang kaibigan eh nandito. As in, sinurprise nila ako. Nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa naabsorb na ng utak ko yung nangyari.

"Wow guys", ayun na lang ang nasabi ko dahil na- speechless na talaga ako.

"Blow the candle!", sigaw nila at lumapit si Tatay Rico. Nginitian ko sya at ako naman pumikit. After 3 minutes, saka lang ako nagbukas ng mata saka ko hinipan yung candle.

"HAPPY BIRTHDAY!", sigaw ulit nila at pumutok na naman yung party popper na hawak ni Kyan at Jayson.

Nakita ko na may mga regalo sa sofa.

"Akin yon?", tanong ko kila Justine.

"Of course, sino bang may birthday?", panlolokong sabi nya.

"Thank you guys", sabi ko sa kanilang apat saka sila niyakap.

"Kumpleto na ang IQ 5!", sigaw namin at nagyakap ulit.

Pumunta kami sa kusina at namangha na naman ako. Ang daming pagkain.

"Sinong nagluto?", tanong ko sa kanila.

"Ayun oh!", sabi ni Oni saka ngumuso kay... Nicho? Andito sya?

"Tsaka si Raine", sabi ni Allysa.

Nagpaalam ako saka lumapit kay Nicho na nakaupo sa mesa habang hinaharass ni Len. Naka-cling pa nga sya eh.

"Hey Nicho!", bati ko sa kanya. Tumingin naman sya at saka kumaway.

"Hoy Len, siguro pwede ko muna syang makausap no?", sabi ko sa kanya saka tumawa.

"Ay sorry na bossing, mamaya na lang Papa Dean, usap tayech ha!", sabi nya saka tumayo. Umupo naman ako sa tabi nya saka ako tumingin sa kanya.

"Thank you", sabi ko sa kanya.

Nagpunas muna sya ng bibig nya.

"Welcome. And actually, it's your birthday kaya okay lang. Happy birthday", sabi nya.

"Salamat. Di ko talaga aakalain na ikaw ang magluluto ng lahat ng to", sabi ko sa kanya.

"Actually, it took 14 hours nang matapos ko lahat ng 6 dishes na yan. Iba yung oras ng pag-marinate sa iba dyan", sabi nya saka ngumiti.

"Salamat talaga. I wonder how'd they approached you", sabi ko saka tumawa.

"Nakilala ako ni Raine di ba? Yung boyfriend mo? Parehas kaming nagluto dito. Di ako pumuntang orientation tsaka sa Wednesday pa first day ko sa klase", sabi nya saka ngumiti.

"I appreciate what you did. I think eto na birthday gift mo sa akin", sabi ko sa kanya.

"No, you're wrong. Meron pa ako doon sa mga gifts sa sofa. Sana magustuhan mo ha?", sabi nya saka ngumiti na naman.

"Salamat talaga Nicho!", sabi ko saka sya kinurot sa pisngi. Binitawan ko sya saka sya ngumiti.

"Welcome. Kumain ka na, tikman mo lahat ng niluto ko sayo!", sabi nya saka ngumiti.

"Ay teka, may itatanong muna ako sayo", sabi ko kaya huminto sya sa pagkuha ng carbonara para sa akin. Nasa mesa kasi kami, remember?

"Ano yon?"

"Pano ka nakabili ng lahat ng yan? Panigurado kahit mayaman ka di ka papayag na ikaw ang gumastos ng lahat ng yan"

"Eh pano kung sabihin ko sayong, akin lahat yan?"

Nanlaki yung mata ko bigla.

"WEH?!", sigaw ko.

"Kidding aside. Sa mga kaibigan mo. May isa pang pasabog, mamaya makikita mo", sabi nya saka ngumiti.

"Baket ba ngiti ka ng ngiti ha? Ang creepy!", pang-iinis ko sa kanya saka tumawa.

NAGSISIUWIAN na sila at nahuli sila Kuya Rhon, Raine, Justine, Kimminiel, Kyan at Nicho dito. Actually, ihahatid ko na nga sila sa gate. 10 na din kasi ng gabi. Yung sinasabi ni Nicho na pasabog eh yung cake na TZE na malaki tapos dark chocolate flavor. Pinagtulungan daw nila ni Raine.

Unang sumakay ng kotse sila Kyan, Justine at Kimminiel saka sila nagpatiuna. Sunod si Raine at Kuya Rhon. Tapos si Sir Rico nagcommute. Nung nakaalis na yung mga kasama ko, di pa din umaalis si Nicho. Akala ko nga magpapaandar na pero bumaba pa sya ng kotse na ikinagulat ko.

"Oh baket bumaba ka pa?", tanong ko sa kanya.

"Wala lang, goodnight", sabi nya saka ngumiti.

"Asus. Yun lang naman pala, salamat ulit sa lahat ng ginawa mo ha?", sabi ko saka ngumiti sa kanya.

"You're welcome. Goodnight ulit", sabi nya saka sya pumasok ulit sa kotse nya. Inistart nya yung engine saka ko sya kinawayan.

"Ingat ka ha!", sigaw ko.

"Of course. For you", sabi nya saka kumindat at saka umandar yung kotse nya. Napatawa na lang ako. Abnormal.

Papasok na dapat ako pero naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko sa bulsa ng cardigan kong suot. Tumatawag si Kaydee. Di ko alam pero bigla akong nataranta.

"H-Hello?"

'Where are you?'

"S-Sa bahay, natural"

'Good, akala ko magsisinungaling ka kasi itatago mong may kasama kang lalaki na kaaalis pa lang'

Napalingon-lingon ako sa paligid.

"A-Asan ka?!"

'Here'

Napatingin ako sa likod ko at nandoon na naman sya. Ang hilig nya talagang manggulat. Binaba ko yunh phone ko saka ko nilagay sa bulsa ng cardigan ko.

"A-Anong oras na ah? B-Baket andito ka pa?", sabi ko sa kanya. Eto na naman po kami sa mga insekto sa tiyan at ang mga bass drums sa puso ko.

"Nasurprise ka ba?", tanong nya saka ngumiso.

"O-Oo! Di ko kaya expected n-na dadating ka!", sabi ko saka tumingin sa ibang direksyon.

"Here", sabi nya at may inabot na isang box na maliit.

"T-Teka, ano to?", tanong ko sa kanya.

"My gift", sabi nya saka sya ngumiti sa akin.

Bubuksan ko na dapat pero pinigilan nya ako.

"Tignan mo yan kapag wala na ako", sabi nya at may kinuha na naman sya sa compartment ng kotse nya. Hinintay ko sya at bumalik sya. Nanlaki yung mata ko nang may dala syang box na malaki.

"T-Teka, cake yan di ba?!", gulat kong tanong.

"Yep, don't worry walang message yan na 'Happy 18th Birthday' kasi alam kong legal age ka na. It's just a part of my present. Medyo nakakaumay pero sana magustuhan mo. Lalo na yan", sabi nya sabay turo sa maliit na box na hawak ko. Kinuha ko yung cake sa kanya.

"Salamat talaga Kaydee ha. Want some food? Wanna come in? Sorry wala nang pagkain pero pwede—"

"Can I have a coffee?"

Di ko alam pero nagwawala na naman yung mga insekto sa tiyan ko at yung mga drummer sa puso ko, nagiging wild na naman.

"L-Lika pasok ka", sabi ko saka sya pinapasok sa gate at pumasok sya sa bahay namin.

"Masyadong malaki ang bahay na to para sa isa", komento nya nang maupo sya sa sofa.

"We used to be three here", sabi ko saka ngumiti.

"Oops. Sorry", sabi nya saka ngumiti.

"That's okay. Be right back. Gotta make your coffee", sabi ko saka pumunta sa kusina. Nag-slice na din ako nung cake na bigay nya para sa akin. Tapos binigyan ko sya nung cake na red velvet na galing sa IQ5.

Tinimpla ko yung coffee nya saka ako pumunta sa sala. Nakita kong iniikot nya yung paningin nya sa bahay namin.

Binaba ko yung cake at kape sa mini table.

"Ang ganda ng bahay nyo yet, masyadong malaki kahit na tatlo kayo", sabi nya sa akin.

"Actually, sabi sa akin ng father ko na if ever daw na magkapamilya ako, dito pa din kami titira kaya malaki", sabi ko saka uminom ng juice na ginawa ko para sa akin

"Your father loves you very much", sabi nya saka ngumiti.

"Of course, my mother too", sabi ko saka ngumiti. Nakita kong tumingin sya sa ibang direskyon.

"You're lucky", sabi nya saka uminom ng kape saka sumubo nung cake. Na-speechless na naman ako sa sinabi nya.

"Can I ask you a question?", I asked.

"What?", he answered.

"Don't you think that we're like doing a midnight date?"

Tinignan nya ako saka kumain ng ice cream cake.

"Nevermind what I've said. I like the cake, ice cream cake. Thank you", mabilis kong sabi saka sumubo ulit ng cake. Eto na naman ang walang preno kong bunganga.

"Welcome", yun lang ang sinabi nya. Natahimik naman ako. Ang bobo din kasi ng bunganga ko. Walang preno.

NATAPOS syang kumain at hinatid ko sya sa labas.

"Thanks Kaydee", sabi ko sa kanya saka kumaway.

"You're welcome, Thania. Happy birthday", sabi nya saka inistart yung engine.

"Ingat ka ha?", sabi ko saka sya nginitian.

"Ikaw din. Malapit ka nang di mag-isa sa bahay", sabi nya saka ngumiti. Nagpaharurot na sya ng sasakyan nya at saka ko lang inisip yung sinabi nya. Pinapaalala nya ba yung tungkol sa deal namin? At yung insekto ko sa tiyan ay di pa din nawawala kahit yung mga rakistang drummer sa puso ko.

Continue Reading

You'll Also Like

63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
8.9M 324K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
24.6M 990K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
6.4M 275K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...