Will You Be My....?? (Complet...

By B2stful

12.9K 308 5

"Will you be my...." Hear his favorite line wherein this is the reason why are their lives changed. More

Prologue
WYBM 1- Handsome
WYBM 2: Photographer
WYBM 3: Unexpected
WYBM 4: Wallet
WYBM 5: Pretending
WYBM 6: Twin Bro and Twin Sis
WYBM 7: Renayld
WYBM 8: Welcome to Hell
WYBM 9: Something Unusual
WYBM 10: Right Time
WYBM 11: The Condition
WYBM 12: Cough of Guiltness
WYBM 13: Agreement
WYBM 14: Par
WYBM 15: Condo Unit
WYBM 16: Truth
WYBM 18: Blind of Love
WYBM 19: He's Concern?
WYBM 20: Curiosity Discussion
WYBM 21: Celebration
WYBM 22: Move In
WYBM 23: Gift
WYBM 24: Cotton With Alcohol
WYBM 25: Fight
WYBM 26: Don't Leave Me
WYBM 27: Whole Day Together
WYBM 28: Admit It
WYBM 29: Plan
WYBM 30: Secret Lover
WYBM 31: There's Something
WYBM 32: Chaos
WYBM 33.1: Convincing
WYBM 33.2: More Convincing
WYBM 34: Beginning
WYBM 35: Thanks To You
WYBM 36: Confession
WYBM 37: First Love
WYBM 38: Report
WYBM 39: Distracted
WYBM 40: Official
WYBM 41: Gone Wrong
B2stful Author's Note
WYBM 42: Heartbreaking
WYBM 43: Face the Fact
WYBM 44: On The Job Training
WYBM 45: Passionate Sincerity
WYBM 46: Marking his Territory
WYBM 47: Consequences
WYBM 48: Resigning
WYBM 49: Graduation
WYBM 50: Surprise
Epilogue

WYBM 17: Their Point of View

212 4 0
By B2stful

*Rhon

"Kuya", tawag sa akin ni Raine.

"Ano na namang problema mo?", masungit kong tanong.

"Ganda ni Kimminiel no?", tanong nya sa akin.

"Don't ask me okay? May sarili kang opinyon", sagot ko ulit.

"Di talaga kita maintindihan baket galit na galit ka kapag pinupuri ko si Kimminiel. May gusto ka sa kanya no?"

"Kung nananahimik ka, mas okay pa", sabi ko sa kanya.

Umupo sya sa harap ko saka ako pinitik sa noo.

"Aray! Ano ba!"

"Init ng ulo mo no? Baket ba? May gusto ka kay Kimminiel kaya ka nagkakaganyan"

"Tigilan mo nga ako Raine Mark! Baket ba di mo maintindihan yung hindi ha?"

"Ayaw ko pa ding maniwala"

"Edi wag! Paniwalaan mo yung gusto mong paniwalaan. Magluto ka nga muna doon!"

"Ano na namang lulutuin ko? Di ka ba nabubusog?"

"Buntis ako kaya gusto ko kumain ng kumain. Magluto ka ng cookies"

"Tanga, magbake hindi magluto"

"Wala akong pakialam sa terms ng mga chef. Dalian mo nagugutom ako!"

"Eto na nga oh!", sabi nya saka lumabas ng kwarto ko.

Sa totoo lang, di ko din alam kung baket ako nagkakaganto kay Kimminiel. Tanda ko non, sabi nya di tuloy yung performance nila pero narinig ko sa mga kaibigan ko na pupunta sila.

Edi ako naman si disguise para lang makanood. At sa totoo lang, namangha talaga ako sa kanya. May iba't iba kasing side si Kimminiel. Charming, adorable, badass and yung nakita kong side sa kanya nung nagperform sya ay sexy. Napangiti nya nga ako ng di oras non.

-FLASHBACK-

Naglalakad kami sa hallway ng building nila.

"Kuya Rhon, akala ko di ka pupunta"

"Pwede ba yon? Sinabihan mo ako na pumunta ako di ba?"

"Pero di ba kasi ang sabi ko eh di na tuloy"

Huminto ako sa paglalakad at humarap ako sa kanya.

"Baket nga ba sinabi mong di na tuloy?"

"Alam ko kasi itong date na to—"

"Wala akong pakialam tungkol kay Jenice cause now, I care for my friends"

Tumingin sya sa ibang direksyon.

"Kuya Rhon"

"Yes?"

"What if I say that I have a crush on you?"

Tinignan ko sya saka ko sya nginitian.

"I'm your inspiration, and it's a pleasure. Don't worry, di ako maa-awkward"

-END OF FLASHBACK-

Simula nung sinabi nya na may crush sya sa akin, parang gusto ko na sa akin lang atensyon nya. I mean, I hate clingy girls pero alam kong di naman ganon si Kimminiel.

Siguro kaya lang ako nagkakaganto kasi umamin nga sya sa akin na may crush sya. Kesa nga lang kung masyado syang close sa ibang lalaki, parang di nya pinapakita yung loyalty nya.

Pero ang tanga ko din eh. Babae yung tao, umamin lang naman na may crush sa akin. So may karapatan pa din yung iba. Ang bobo ko naman mag-isip! Pati kapatid ko, pinag-iinitan ko ng ulo.

"Kuya?"

Napatingin ako kay Raine na ang lapit ng mukha sa akin. Agad ko syang tinulak dahil sa sobrang lapit nya sa akin.

"Baket ba ang hilig mong manggulat?"

"Wow nanggulat ha? Kanina pa kasi tinatawag tulaley ka naman dyan. Sa akin ka pa magagalit ngayon no?"

"Lumabas ka!"

"LUTO NA YUNG COOKIES MO!"

Sinamaan ko sya ng tingin nang sigawan nya ako.

"Oh biro lang, isa ka pang di mabiro eh", sabi nya saka lumabas. Napabuntong-hininga na lang ako.

Sa totoo lang, mas pinoproblema ko pa ngayon si Kimminiel kesa kay Thalia. Hindi ko alam kung baket ako nagkakaganto. Abnormal na ata ako eh.

"Kuya"

Tinignan ko si Raine na nakadungaw sa pintuan ng kwarto ko ngayon.

"Pumasok ka dito kung gusto mo akong kausapin"

Pumasok naman sya at umupo sa tabi ko.

"Saan ka galing kanina? May sugat ka pa dyan sa kaliwang part ng bibig mo? Nakikipagbugbugan ka ba?"

"Ang dami mong tanong"

"Kuya, sumagot kano isusumbong kita kay Mama tsaka kay Papa"

"Fine. Galing ako sa tambayan naming magkakaibigan. Tapos nag-usap kami ni Kaydee. That's it"

"Eh baket may sugat ka dyan? May gasgas ka pa sa pisngi mo. Nakipagsuntukan ka ba?"

"Ganon kaming mag-hello sa isa't isa"

"Kuya naman!"

"Totoo yung sinasabi ko. Ikuha mo ako ng cookies ngayon na"

"Eh! Ginawa mo na naman akong utusan"

"Sumunod ka o gusto mo ding magkaroon ng hello sign", sabi ko sabay turo sa bibig ko na nasugatan dahil sa suntok ni Kaydee.

"Eto na nga eh! Parehas kayo ng mga kaibigan mo, hilig mang-blockmail!"

Lumabas sya at napangisi na naman ako.

/Benj

Pumasok ako sa kwarto ko at naabutan ko si Oni na kumakain ng ice cream. Napansin nya agad ako saka nya ako nginitian.

Nangiti din ako saka lumapit sa kanya. Pinunasan ko yung bibig nya gamit ang daliri ko at saka ko nilasahan yung ice cream sa daliri ko.

"Sarap", sabi ko saka sya nginitian. Pinalo nya ako saka nag-pout.

"Ang baboy mo!", sabi nya sa akin.

"What? Masarap lang yung ice cream. Oni flavor"

Pinalo nya ulit ako na ikinatawa ko lang.

"Ang baboy mo naman eh! Uuwi na nga ako!", sabi nya saka tumayo pero hinila ko sya papaupo.

"Joke lang. Eto naman di mabiro"

Umupo na ulit sya at kumain ulit ng ice cream.

"May itatanong ako sayo", sabi nya. Kinuha ko yung hawak nyang kutsara saka ako kumuha ng ice cream.

"Oh ano na naman?", tanong ko bago ko kainin yung ice cream.

"Baket mo sinabi sa pinsan mo na girlfriend mo ako? Hindi naman tayo ha. Ni hindi mo nga ako nililigawan eh"

Bigla naman akong nasamid sa sinabi nya kaya agad nya akong pinainom ng tubig. Hinahagod nya yung likod ko habang umiinom ako ng tubig.

"May sakit ka ba? Wag ka nang kumain ng ice cream kung inuubo ka"

Inagaw nya sa akin yung kutsara pero inagaw ko din kaagad yung kutsara.

"Okay lang ako. Isa pa, di pa ba kita girlfriend? Kasi gabi-gabi magkasama tayo. Tapos laging magkausap. Eto nagsasalo tayo sa iisang kutsara. Di pa ba halatang nanliligaw ako?"

"Nanliligaw ba yon? Eh parang nagpapakita ng kamanyakan yon eh"

Naubo na naman ako sa sinabi nya. Uminom ulit ako ng tubig. Hirap kay Oni, napakabait at napaka-inosente.

"Saan mo naman nakuha yung word na yon?"

"Alin? Yung manyak?"

"At inulit mo pa ha"

"Narinig ko lang sa inyo kapag nag-uusap kayo. Sa totoo lang, kapag may nanligaw sa akin gusto ko di naman ma-effort pero gusto ko napaparamdam nya na mahalaga talaga ako sa kanya"

"Eh ayun na nga ang ginagawa ko Oni ha"

Tinignan nya ako. Parang ang lalim ng iniisip nya.

"Oo nga. Ganon nga"

"Edi nanliligaw na nga ako sayo!"

"Sige sabihin natin na nililigawan mo nga ako. Pero di pa kita sinasagot ng matamis kong oo dahil unang-una, hindi ka pa naman nagtatanong"

Natawa naman ako bigla.

"Can you hire me as your boyfriend?", sincere kong sabi. Tinignan nya ako saka nya ako sinubuan ng ice cream.

"Boyfriend? Pwede bang asawa na?", sabi nya at ngumiti kaya nawala yung mata nya.

"Gusto mo ba? Payag naman ako"

"Joke lang. Boyfriend? Pwede bang pag-isipan ko muna?"

Magrereact sana ako pero sinubuan nya ulit ako ng ice cream.

"Magreact ka o hindi ako mag-iisip kasi ba-busted-in kita?"

Tumahimik na ako. Mahirap na, mamaya totohanin ng isang to ang sinasabi nya.

"Pero baket andito kanina si Kalvin? May problema ba yon?"

"Kinausap ko lang"

"Baket kanina may narinig akong condom na pinag-uusapan kayo?"

Bigla na naman akong naubo. Pinainom nya ulit ako ng tubig.

"Kanina ka pa nasasamid ha. Parang guilty ka. Gumagamit ka ba non?"

"Hoy hindi pa ako nakakagamit non—"

"Hala! Ibig sabihin maaaring nakabuntis ka na kasi di ka gumamit ng proteksyon?"

"Hindi! Abnormal ka naman Oni Rei eh. Wala pa akong naa-'ano' kaya hindi pa ako nakakagamit non! Itong babaeng to!"

"Sure ka? Hinuhuli lang naman kita eh. Kasi kung may naganon ka na, wag ka nang umasa na sasagutin kita"

Natawa ako bigla sa pagbabanta nya.

"Di pa nga. Virgin pa ako no!", panloloko ko sa kanya.

"Virgin? Lalaki ka kaya panigurado ginagawa mo na yung—"

Tinakpan ko yung bibig nya.

"Tigil na Oni. Masyado ka nang straight to the point eh. Oo na ginagawa ko na pero virgin ako kasi wala pa akong nagagalaw na babae"

"Talaga ba?"

"Oo nga. Ayaw nya na namang maniwala"

"Di ka kasi convincing", sabi nya saka sumubo ng ice cream.

Agad kong inagaw yung ice cream at kutsara sa kanya at saka ko binaba saka ko sya tinulak sa kama. Pumaibabaw ako sa kanya.

"Benj! Ano ba!"

"Di ba ako convincing? Pwes, ipapakita ko sayo nang maniwala ka—"

"Benj! Di kita sasagutin!"

"Sasagutin mo ako kapag natikman mo ang—"

"MAY NAHALIKAN KA NA?!"

And wrong move. Mali yung pang-blockmail ko. Tinulak nya ako bigla saka kinuha yung ice cream tsaka kutsara.

"Bahala ka dyan, makipaghalikan ka sa mga babaeng gusto mo. May nalalaman ka pa dyang virgin ka eh nakikipaghalikan ka din pala kung kani-kanino!", sigaw nya saka lumabas ng kwarto.

Agad naman akong tumakbo pababa ng kama ko at nalaglag pa ako kaya tumama yung tuhod ko sa kung saan.

Tumakbo akong iika-ika papalabas at nakita ko si Oni na papalabas na ng bahay.

"ONI REI SAGLIT!"

Sinamaan nya ako ng tingin pero lumamlam ulit yung ekspresyon nya nang makita na hawak ko yung tuhod ko.

Umakyat sya at hinarap ako.

"Oni let me—Awww!"

Bigla nya kasing sinipa yung tuhod ko na dahilan ng pag-ika ko. Napaupo tuloy ako.

"Iexplain mo kapag magaling na yang tuhod mo!", sigaw nya saka tumakbo papalabas ng bahay.

Hay nako! Galit na naman si Oni.

/Kyan

Nakaupo ako sa sofa ng bahay namin. Naghihintay kay Justine. Kahit kailan talaga ng late non.

"Twin bro"

Napatingin ako sa tumawag. Si Kimminiel.

"Baket twin sis?"

"Hintay mo si bhessie ko?"

"Obviously. Kupad talaga non"

"Grabe ka naman. Baka naman may inayos lang. Judgemental to"

"Ay sorry ha. Makupad ka din pala kaya natamaan ka"

Inirapan nya ako saka tumuloy sa kusina.

Sakto namang may nag-doorbell. Binuksan ko kaagad saka ko nakita si Justine na nakayuko.

"Huy may problema ka?"

Tinignan nya ako saka umiling. Pumasok sya sa loob ng bahay saka yumuko ulit. Weird.

"Huy, sabihin mo na kung may problema ka"

"La nga"

"Justine babe"

Tinignan nya ako.

"Patay na yung aso ko", sabi nya at halos mangiyak-ngiyak na. Agad naman akong lumapit sa kanya. Ang weird talaga ng magkakaibigang to.

"Sinong aso?"

"Si Pikachu, yung bigay mo"

Niyakap nya ako bigla. Kaya naman pala eh. Dami kasing aso ng isang to.

"Ssh, okay lang yon. Di naman ako galit"

"Kasi, malaki ang pagpapahalaga ko kay Pikachu eh", sabi nya saka niyakap pa ako ng mahigpit.

"Okay nga lang. Matanda na din naman kasi si Pikachu kaya namatay na sya. Wag kang malungkot kasi malulungkot din si Pikachu nyan"

Niyakap ko lang sya at saka sya kumalas.

"Ang weird", out of the blue nyang sabi.

"Ha? Baket?"

"Kasi nakita kita kanina"

"Ha? Saan? Eh magkasama nga tayo kanina tapos kababalik mo lang. Anong nakita mo?"

"Nakita kita, kasama mo si Agnes"

"HA?!"

Inisip kong mabuti yung sinasabi nya.

"Oh fvck"

"Baket? Tama ba yung nakita ko?"

"Ahmmmm... Wag kang magagalit ha?"

"Ano ba yon?"

"Nagkita kami kasi gusto nya daw ulit maging kaclose si Kuya"

"Ah"

Tinignan ko sya. Alam ko kapag nagseselos to.

"Nagseselos ka na naman?"

"Uuwi na ako"

Tumayo sya. Lalabas na dapat sya pero agad ko syang hinila.

"Saan ka pupunta?"

"Sabi ko sayo di ba? Uuwi na ako"

Niyakap ko naman sya.

"Babe"

"Di mo man lang sinabi"

"Babe naman"

"Sana man lang tinext mo ako. Alam mo na ngang selosa ako—"

"Love you Babe"

Di sya umimik at inirapan ako.

"Love you Babe"

Di na naman sya umimik.

"Babe, love you"

"Wala namang masama kung makipagkita ka sa ibang babae. Magpaalam ka lang. Kung di ko pa tinanong, di mo pa sasabihin"

"Sorry na nga Babe eh. Love you na"

"Love mo ako?"

"Love na love"

"Love you too"

=Jayson

Kumakain ako ng chocolate mousse cake sa condo unit ko. Hinihintay ko si Allysa kasi pumuntang market na katabi ng building na to.

"No ba yan. Tagal naman ng babaeng yon", sabi ko sa sarili ko. Sumubo ulit ako ng choco mousse cake at uminom ng juice. Saktong may narinig akong pumasok.

Agad akong tumayo at nakita ko si Allysa na nagsasara ng pinto.

"Ally"

Humarap sya at kinuha ko yung mga plastic bag na mga pinamili nya.

"Binili ko lang yung mga kailangan mo ha", sabi nya saka ko binaba yung mga pinamili nya.

"Di ko talaga alam kung papano mo na naman nakuha yung wallet ko", sabi ko saka tumawa.

"Alam mong mas gusto kong ako ang namimili ng mga gamit mo dito. Mahirap na, nasasayang yung pera mo kapag ikaw ang namimili"

Nag-pout ako.

"Grabe ka naman sa akin"

"Baket? Totoo naman eh. Minsan yung mga binibili mo, nabubulok sa ref mo o kaya minsan, naeexpire na. Mas mabuti nang ako na lang ang mamili"

"Wala ka bang tiwala sa akin?"

Tinigilan nya yung pag-aayos ng gamit.

"Meron. Pero pagdating sa pagma-manage ng pera wala. Biruin mo, 45 thousand ang allowance mo in just only one month. Iba pa yung pang-tuition mo. Pag di ka pa tumino, isusumbong na talaga kita kay Tita Millene"

"Eto naman, mas maganda na ang maraming stack kesa sa laging nauubusan"

"Baket? Lahat ba ng binibili mo kailangan all the time? Ang mga binibili lang dapat eh yung magagamit mo talaga. Konti lang yung pang-stack. Mas ayos na din yung nauubusan at bumili na lang ulit kesa naman sa bumili ka nga, nabulok lang din"

Binuksan nya yung refrigerator ko. Ilalagay nya na dapat yung meat sa freezer pero...

"Kaya ba hinayaan mo akong mamili ngayon at di ka nagpumilit na sumama kasi magb-bake ka nito?", tanong nya sa akin saka nilabas yung chocolate ice cream cake.

Napakamot ako sa ulo ko.

"Eh alam ko kasing marami akong stack ng pang-cake dyan. Eh as usual, magbubunganga ka kaya inunahan na kita. Bago mo icheck yung mga gamit ko, tinago ko na yan para makabili ka na din ng stack ko. Tapos ginawa ko to. Ayaw mo ba?"

Umupo sya sa harap ko at kinuha yung tinidor na ginagamit ko sa pagkain ng chocolate mousse cake kanina. Tinikman nya saka sya ngumiti.

"First time mo to di ba?"

"Ahmmm.. Oo. Di ba masarap?", worried kong tanong.

"Kaya ko nga tinatanong kung first time mo kasi yung gawa mo di pang-first time. Ang sarap kaya ng gawa mo", sabi nya saka sumubo ulit.

Napangiti ako. Kinikilig ako ano ba.

"Nga pala, baket ka gumawa nito? Anong meron? Di naman natin monthsary or anniversary. Di ko naman birthday at lalong di mo birthday. Anong meron?"

Ngumiti ako saka nilapit ko yung mukha ko sa kanya saka ko sya matamang tinignan.

"Baket? Kailangan ba special occasion ko lang ipakita kung gano kita kamahal ha?"

Bigla nya akong tinulak saka tumayo para pumunta sa ref at nakita kong uminom sya. Nakita kong namumula sya.

"Alam mo, halatang-halata na kinikilig ka sa akin", panloloko ko sa kanya.

"Thank Jays. I appreciate what you did. I love you"

"Welcome Ally. I just gave back all your sacrifices for me. Every month ikaw ang namimili para sa akin—"

"Eh pano ako din naman umuubos ng stack mo", sabi nya saka umupo ulit saka sumubo ulit ng chocolate ice cream cake na gawa ko. Nakakaproud.

"Okay lang yon. I love you too"

Ngumiti sya saka nya inilapit yung gawa ko sa bibig ko.

"Iyo yan—"

"Tikman mo din. Eto naman. Dali na!"

Sinubo ko at ngumiti sya. Tama nga, masarap nga.


Continue Reading

You'll Also Like

24.8K 171 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
71.4K 2.9K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!