~Zeila
Tinakpan nya yung bibig ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Jusko po!
"Ang simple lang nung gusto ko ha?", sabi nya saka ko naramdaman na nakangisi sya
"Ayos lang naman kung ayaw mong sumunod eh. Basta ba kaya mong ipagtanggol yung sarili mo sa mga tao sa university kapag ipinagkalat kong girlfriend kita"
Tinulak ko sya bigla kaya napaharap ako sa kanya.
"Ano bang problema mo ha?! Baket ako pa naisipan mong pagtripan ha!"
"Simple lang naman yung hinihingi ko sayo ha? Madali pa nga yung iyo eh. Kasi sa iba, they are my toys"
Tinulak ko ulit sya.
"Mayaman ako so I don't need that kaya pwede ba tigilan mo na ako Kalvin Dean Ramirez!"
"Ayaw mo? Then, asahan mong bukas na bukas kalat na kalat na sa university na girlfriend na kita"
"ANO BA!", sigaw ko saka sya tinulak ulit.
"Sabi ko sayo, ang simple lang ng gusto ko"
"BAKET KASI SA DINAMI-DAMI NG TAO SA UNIVERSITY, AKO PA ANG NAPAGTRIPAN MO HA?!"
Lumapit sya sa akin saka binulungan ako.
"Kasi nakahanap ako ng katapat ko"
Tinulak ko sya.
"Hindi pa din ako papayag! Di mo man lang ba naisip yung pagkakaibigan nyo ni Kuya Rhon ha?!"
"Ayun na nga eh. Isa pang problema si Rhon. If ever na di ka pumayag, isa pa sya sa magugulo ang buhay dahil SAYO. Papayag ka ba non? Pati mga kaibigan mo, magugulo ang buhay. Papayag ka ba non?"
Natahimik ako bigla.
"Kinokonsensya mo lang ako! Kaya pwede ba tigilan mo na ako!"
"Di kita kinokonsensya, sinasabi ko lang ang maaaring mangyari sa mga tao sa paligid mo—"
"Eh kung may concern ka pala sa kanila, wag mo nang ituloy tong gusto mo!", sabi ko saka ako tumalikod sa kanya.
"May concern ako sa kanila in a way na pati ako magbebenefit. Kaya kung ayaw mo talaga, parang lumabas na din na wala kang concern sa mga taong nakapaligid sayo"
Humarap ako sa kanya. Lumapit ako sa kanya saka sya sinuntok.
"Tigilan mo na nga ako!"
"Sa tingin mo titigilan pa kita lalo na't ilang beses mo nang nirereject yung alok ko ha? Ako na ang nagsasabi sayo, mas mahihirapan ka kapag nalaman ng lahat na boyfriend mo ako"
"Pwede ba Kalvin! Tigilan mo na ako! Naguguluhan na ako"
"Accept it or else idadamay ko ang Kuya Rhon mo", sabi nya saka ngumisi.
"So now, you're threathening me huh? Idadamay mo na si Kuya Rhon? I thought you are concern?"
"Concern ako lalo na't bestfriend ko si Rhon pero kung ayaw mo talaga, ako na ang nagsasabi sayo na lahat ng kademonyohan alam ko"
"Kalvin, please"
"You can't please me. Matigas ang ulo ko kaya pinipilit ko yung mga bagay na gusto ko. So from this day on—"
"Saglit, saglit, saglit!"
"What?"
"In one condition"
"Excuse me—"
"Kapag di ka pumayag sa kondisyon ko, mas mahihirapan kang iplease ako. So makinig ka okay?"
"Oh anong arte mo?"
"Hindi ako magsisimula ngayon. Magsisimula ako kapag pumasok ka na sa university natin"
"Excuse me, ang tagal non ha!"
"Eh di sana nag-hire ka na lang kung nagmamadali! Gusto mo lang naman akong pagtripan ikaw pa ang nagmamadali!"
"Fine. Next school year! Siguraduhin mong di ka lilipat ng university kundi..."
"Sige ano?"
"Susundan kita"
"Whatever. Go away. Isusumbong kita kay Kuya"
"Hep, ako din may kondisyon"
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Ano iyon?"
"Ako ang magsasabi sa Kuya mo"
"NO EFFIN WAY! GUSTO MO BA TALAGANG MAGKAAWAY KAYO HA?!"
"Oh eh di sige ikaw na. Madali naman akong kausap eh. Ayan ha, wala akong kondisyon sayo. Ay meron pala, sumama ka lang sa unit ko"
Inirapan ko sya. Madaling kausap pero napakakitid ng utak.
NAKAHIGA ako sa kama ko at nakapikit. Naiinis ako. Baket ba ako pumayag? Nabudol-budol ata ako ng walangyang Kalvin na yon eh.
Speaking of Kalvin, nasa bahay pala sya ngayon ni Oni dahil hiniram nya. Parang laruan lang si Kalvin no?
Nagvibrate yung phone ko at agad ko namang sinagot.
"He—"
'ASAN KA NA?! NAKAUWI KA NA BA?!'
Nilayo ko sa tenga ko yung phone ko saka tinignam yung caller. Si Kuya Rhon pala.
"Kuya, kumalma ka nga. Nasa bahay na ako—"
'Di ba sabi ko tawagan mo ako kapag nakauwi ka na?!'
"Nakalimutan ko lang kasi nakaidlip na ako"
Yan sige ayos yan Thalia, magsinungaling ka sa Kuya mo.
'Jusko pinag-alala mo ako. 10:40 na kasi at di ka pa din tumatawag'
"Okay nga lang ako Kuya. Nakaidlip nga lang di ba?"
'Eh baket parang ang tamlay mo? May problema ka ba?'
Gusto ko sanang sabihin yung tungkol kay Kalvin pero....
"Kasi nga kakagising ko lang. Itong si Kuya masyadong mapag-alala"
'Natural. Sige na, matulog ka na ulit. Goodnight and sweet dreams'
"Sige same to you"
I ended the call saka nilagay sa bedside table yung phone ko.
Hay nako! Naiinis pa din ako. Baket ba kasi ako pumayag sa gusto nang walangyang yon? Di ko din naman kasi aakalaing sa akin nya gagawin yung pantitrip nya na yon. At ako namang si tanga, pumayag. Bobo ka talaga!
Di din naman ako bagay sa trabaho na yon. I mean, masipag ako pero di ko na kailangan non kasi kaya kong buhayin yung sarili ko kasi may photography studio ako. Sa ganda ko ding to, pano ako babagay sa ganong trabaho? Jusme naman! Baket ba kasi ako pa ang pinili nya?!
Naalala ko pa yung sinabi nya bago sya umalis.
"Soon, you're my official maid now"
Ahh fvck! Napasabunot ako sa buhok ko. Tsaka nagpapapadyak sa kama ko. Naiinis talaga ako.
Kinuha ko yung picture ni Daddy.
"Dy, baket ba sa dinami-dami ng kapangalan nya, ikaw pa? Ibang-iba ka sa kanya Daddy eh! Papabago ko nga ang pangalan nun para di mababoy ang pangalang Kalvin"
Hinalikan ko yung picture ni Daddy saka nilagay ulit sa bedside table.
Humiga ulit ako saka nag-isip ulit. Pano ko sasabihin kay Kuya Rhon to?
*Rhon
Nakaupo ako sa sofa sa sala ng bahay namin saka nagpapalipat-lipat lang sa tv. Dis oras na ng gabi di pa din ako makatulog.
Pinatay ko yung tv saka ako napaisip bigla. Actually malungkot ako. Nasaksihan ko kasi kung pano nabihag ng iba si Jenice. Yung pagluhod nung lalaki sa gitna, yung pagbigay nung lalaki ng bulaklak, yung pagtanong ng 'Will you be my girlfriend?' at pagyakap ni Jenice dun sa lalaki. Na alam kong lahat ng yon, di ko nagawa.
Napahilamos ako sa mukha ko saka ko nilagay yung braso ko sa tuhod ko saka nag-isip. Naiinis ako!
Saktong sa isang araw, anniversary dapat namin. Pero, nakahanap na sya ng lalaking ipinalit nya sa akin.
Nagvibrate yung phone ko saka ko sinagot.
"Lo?"
'Kuya Rhon, pagod ka na po ba?'
Napatingin ako sa caller. Si Kimminiel.
"Di naman. May sasabihin ka?"
'Ah, opo sana. Kung pepwede lang po?'
"Wag ka ngang mag 'po' nagmumukhang ang tanda ko eh. Anong sasabihin mo?"
'So ayun nga Kuya Rhon, pwede ka sa isang araw?'
Napabuntong-hininga ako. Kung kami pa ni Jenice, syempre hindi ako pwede pero...
"Oo pwede ako. Saan ba?"
'Ah kasi may performance kasi kami sa Foundation Day ng university namin. Nasabihan ko na din yung iba and ikaw yung hinuli ko. Open naman sya sa iba kaya pwedeng manood'
Napapikit ako.
"Sige. What time ba?"
'Ahmm, 6 ng gabi! So pupunta ka Kuya?'
"Yep, nakakahiya naman kasi sayo if di ako nakapunta eh"
'Talaga Kuya?! Sige salamat! Babye!'
She ended the call and napangiti ako. Ngayon lang kami naging magclose ni Kimminiel pero komportable na kami sa isa't-isa. Dami ko na ngang nalaman sa kanya eh. Ngayon ko lang din kasi nalaman na Tourism pala ang course nya. Sabi nya marami daw syang alam ng language and pinasubok ko sa kanya kanina yung Italian and Korean na nasabi nya naman ng maaayos.
Parang medyo isip-bata sya pero ang kwento sa akin ni Kyan, kaaway nya si Kaydee as always. Sa kagaguhan ba naman ni Kaydee, lahat naman talaga aawayin sya. Pero close silang tatlo.
Nagagandahan ako kay Kimminiel pero... bata pa kasi sya eh! Gusto ko kasi kasing tanda ko. Di ko din alam kung baket pinupush ako ng kapatid ko kay Kimminiel.
Nagbukas ulit ako ng tv at saktong tumugtog yung When I Was Your Man ni Bruno Mars.
♪Same bed but it feels just a little bit bigger now
Our song on the radio but it don't sound the same
When our friends talk about you, all it does is just tear me down
'Cause my heart breaks a little when I hear your name
It all just sounds like oooooh...
Mmm, too young, too dumb to realize
That I should've bought you flowers
And held your hand
Should've gave you all my hours
When I had the chance
Take you to every party
'Cause all you wanted to do was dance
Now my baby's dancing
But she's dancing with another man
My pride, my ego, my needs, and my selfish ways
Caused a good strong woman like you to walk out my life
Now I never, never get to clean up the mess I made, ohh...
And it haunts me every time I close my eyes
It all just sounds like oooooh...
Mmm, too young, too dumb to realize
That I should've bought you flowers
And held your hand
Should've gave you all my hours
When I had the chance
Take you to every party
'Cause all you wanted to do was dance
Now my baby's dancing
But she's dancing with another man
Although it hurts
I'll be the first to say that I was wrong
Oh, I know I'm probably much too late
To try and apologize for my mistakes
But I just want you to know
I hope he buys you flowers
I hope he holds your hand
Give you all his hours
When he has the chance
Take you to every party
'Cause I remember how much you loved to dance
Do all the things I should have done
When I was your man
Do all the things I should have done
When I was your man♪
Nagpunas ako ng mukha ko dahil naiyak na naman ako. Naiinis ako sa buhay ko. Baket ba mahal na mahal ko si Jenice?
Nagvibrate na naman yung phone ko. Pinakalma ko muna yung sarili ko bago ko kinuha yung phone ko.
"Hello?"
'Kuya Rhon, are you okay?'
Tinignan ko yung caller. Si Thalia.
"Oo naman. O-okay lang ako"
'Kuya Rhon, okay ka lang ba?'
"Ang kulit ni lil' sis"
'Di mo ba nagets ha? Hindi ako naniniwalang okay ka. Kasi ang tamlay-tamlay mo'
"Thalia, okay nga lang ako. Inaantok lang siguro ako kaya ako nagkakaganto okay?"
'May nalaman kasi ako'
"Ano na namang nalaman mo ha?"
'May bago nang boyfriend si Jenice hindi ba? At alam kong nasaksihan mo yung ginawa nung lalaki kanina sa kanya?'
Napakuyom ako ng kamao.
'Kuya, kumalma ka okay? Alam kong yang fist mo naka-close na naman. Tama ba ako Kuya?'
"Yeah tama ka na nasaksihan ko lahat. Tama ka na nasasaktan ako ngayon. Tama ka. Tama lahat ng naiisip mo tungkol sa akin"
'Mag-uusap tayo bukas'
She ended the call saka ako napatakip sa mukha ko. Naiyak na naman ako.