DAME'S P.O.V
"Ba't ba ang ingay niyo?? Hah??"...rinig kong tanong ng isang babae na mukhang naiirita na..
"Para magising na si Dame noh.. ang tagal na kaya niyang natutulog diyan..hmpft!".. isang boses babae na naman.. may lalaki din akong naririnig na nagsasalita.. sa tingin ko ay apat o lima silang nag-uusap-usap..pamilyar ang kanilang mga boses pero hindi ko pa matukoy..
Gising na ako pero hindi ko naman maigalaw ang buo kong katawan.. unti-unti kong minumulat ang aking mata kahit pakiramdam ko ay sobrang bigat ng aking talukap..
Malabo sa una.. pero kalaunan ay nakakita na ako ng maayos.. bumungad sa'kin ang puting kesame.. kaninong silid ito?? Gusto ko sanang lumingon pero hindi ko naman maigalaw ang ulo ko..
''Ang lakas pa din ng ulan sa labas.. mamaya pa tayo nito makakauwi..-".. umuulan pa rin pala hangang ngayon.. pero teka lang??panuh nangyaring buhay ako?? Pero buhay nga ba ako??
Bigla akong may narinig na tunog, parang nabasag na baso..
"D-Dame.., you're awake..-".. hindi ko alam kong panuh ko nagawang makalingon sa nagsalita.. at ng makita ko sila ay dun rumihestro sa mukha ko ang sobrang pagkagulat.. bakit sila nandito??.."you're finally awake..-"..may namumuong luha sa kanilang mga mata.. paanong napunta sila dito?? Papanuh..-??
"Tawagin niyo si Doc..-".. utos ni Maine kay Loki.. na agad din namang lumabas ng hospital.
Napakunot ako sa sinabi niya..doctor?? Wala namang doctor sa mundong 'to ehH! Si Samantha lang naman ang healer dito ehH..
"Tawagan niyo na sina tita..-".. excited na usal ni Kesha.. "oh Gosh!!"..
"Teka lang.. ako na ang tatawag..-".. nagkukumahog na nagdial ng cellphone niya si Drake..
"A-anong.. gi-na-ga-gawa ni-niyo d-dito??".. tanong ko ng mahanap ko ang boses ko..
"Malamang binabantayan ka namin.. hmmpft!nakakatampo ka.. ang tagal mo kaming tinulugan diyan.. -"..mungkahi ni Maine na nakataas pa ang kilay at naka-crossed arm pa.."..alam mo bang lagi kaming pumupunta dito para bisitahin ka.. mabuti naman at naisipan mo ng gumising diyan.. kung hindi pa.. baka binuhusan na kita ng sobrang lamig na tubig diyan.. ikaw ahH..pinagworry mo kami ng masyado..-im glad you're awake.. akala namin kailangan pa naming mahanap yung prince charming mo para halikan ka.. alam mo na.. nag-ala-sleeping beauty ka kaya diyan..-"..
"Tabi muna mga ijo at ija.. ichecheck ko lang ang pasyente..-".. naputol ang sinasabi ni Maine ng pumasok ang doctor at isang nurse.. ano bang nangyayari?? Nakabalik na ba ako dito sa'min??pero paanuh nangyari yun?? Naguguluhan ako ng sobra sa mga pangyayari. .hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nangyayari???!
Binuka ng doctor ang mata ko at tinutukan ito ng parang maliit na laser.. hindi ko alam kong ano ang tawag dun..basta ginawa niya yun sa magkabila kong mata.. at matapos ang ilang pagcheck sa'kin at pagtanggal ng ilang aparatong nakakabit sa'kin ay.."..-she's getting fine.. hope na magtuloy-tuloy na ito.. tell her parents na dumeritso sa opisina ko pagdating nila...-"..sabi nito bago siya tuluyang lumabas ng silid kasunod ng nurse..
"Yuhooo... makakagimik na tayo..-"..nakatawang saad ni Loki matapos niyang maibaba ang kanyang phone.."tara Dame..tayo ka na diyan..magMall tayo..-aray!"..napangiti ako ng bahagya.. nabatukan kasi siya ni Maine..
"Gusto mong masapak?? Kakagising lang ohH??makapagyaya ka naman jan..-"
"Nagbibiro lang eH..-"..nakangusong turan niya pero biglang hinawakan ni Maine ang Nguso niya at inunat ito..nakakatuwa silang pagmasdan.. namis ko sila..lalo na ang kakulitan nila..ilang buwan din akong nawala dito., kaya naman nakakamiss talaga..
"EhH!!anu ba..-"
"Oh Dame..-"..agad akong inalalAyan ni Drake ng sinusubukan kong bumangon.. "dahan-dahan lang..-"..tinulungan niya akong makasandal sa headboard ng hospital bed at makaupo ng maayos.. kanina lang parang hindi ko maigalaw ang katawan ko pero ngayon parang okay na.. medyo nangangalay lang ng konti at may parteng namamanhid..
"Nandyan na sina tita at tito..pero dumiresto na muna sila kay Doc.. -"..
Hinawakan ni Drake ang kamay ko.. at napansin kong umiiyak siya.."Sorry Dame.. im so sorry.."
"Ba't ka nagsosorry..wala ka namang kasalanan ehH.. it was an acccident.. no one wants it to be happened..-"..
"Tss..anong wala.. ehH!!kasalanan 'to ng bruhang Kath na yun ehH??tss..hindi naman yun Aksidente Dame..itinulak ka niya..alam kung sinadya niya yun..hmpft!! Inggiterang palaka..-".. alam kong hindi naman niya iyon sinadya.. pero alam ko ding makikipagtalo lang ang mga ito kapag sinabi ko pa iyon.. "kung pwede lang ihulog din ang babaeng yun sa balon..ginawa ko na!maexperience naman niya yung naexperience mo..yung nabagok ang ulo, nabalian ng mga buto, nagasgasan ng bongang-bonga.. at na-coma ng tatlong buwan..-''..napatingin ako sa kanya ng hindi makapaniwala..
"Coma??"..pagkagulat at pagtataka ko.. at napasalubong din ang aking kilay..
Umupo muna si Kesha sa gilid ng bed ko.."oo you're been in coma for almost 3months Dame.,-"..3months??panuh nangyari ang bagay na yun.."almost 3 months kang tulog..''
"Ano ba ang nangyari matapos akong mahulog sa balon??"..tanong ko kahit alam ko naman ang nangyari sa'kin.. napunta ako sa mundo nina Kiel at dun nag-stay ng ilang buwan.. pero nakakapagtaka lang kasi na nandito na ako at na-coma ng tatlong buwan..
Nabaling naman ako kay Drake ng siya ang magsalita..''.. nang mahulog ka sa balon ng gabing yun,.agad akong humingi ng saklolo..agad din namang may nagrespondeng Rescue Team.. at agad ka din nilang nailabas sa balon na higit 100ft. ang taas.. pagdating dito sa hospital agad kang inoperahan dahil sa natamo mong pinsala sa katawan.. pero kasamaang palad na-coma ka nga..-".. napakagat ako ng labi dahil nagbabadya na ang mga luha ko sa mata.. nanginginig na din ang kamay ko.. hindi maari!! Imposible..
".. pero sabi ng doctor himala ang nangyari sa'yo..ang dami mong natamong komplikasyon.. pero hindi ka agad binawian ng buhay.. isipin mo yun.. Sa 100ft. kataas ka nahulog pero tingnan mo ngayon nakaligtas ka..di ba himala yun.."..mungkahi naman ni Loki..".buti na lang at hindi ka nagka-amnesia tulad ng sabi ng doctor na posible daw mangyari..buti naman at ayos pa ang pakakaturnilyo ng utak mo..-"
Naramdaman ko namang dumaloy na ng tuluyan ang luha ko.. ang bigat ng nararamdaman ko..ang sikip-sikip ng dibdib ko..hindi ko na alam kong ano ba ang dapat isipin ko..
Ang conto de Fadas..alam kong totoong nakarating ako dun..pero bakit ganito.?? Bakit ang gulo-gulo??
"Hindi ba ako nawala dito o..-??"
"Ano bang pinagsasabi mo??panu ka naman mawawala dito??ehH tulog ka lang dito buong tatlong buwan..-".. parang naguguluhan naman sa'kin si Kesha..
"Hindi kaya naapektuhan ang utak mo sa nangyari??"..
"..kasi..- Sina Kiel??"..nabigkas ko na lang ang pangalan ni Kiel ng hindi sinasadya..
Napatingin naman sila sa isa't-isa na parang nagtataka..
"Who's Kiel??"..
"I met him..-".. hindi ko na naideretso ang sasabihin ko dahil napahikbi na ako..agad naman akong dinaluhan ng mga kaibigan ko at pilit na pinapakalma..
"You said you met him?? Saan??kailan?? Wala ka namang nababanggit sa'min na Kiel ang pangalan dati.. baka naman sa panaginip mo siya nakilala..??"..
No!!hindi yun panaginip..alam kong totoo ang lahat ng yun..hindi yun panaginip!!hindi!! Imposible.. dahil ramdam kong hindi lang isang panaginip ang nangyari sa'kin sa mundong yun... totoong nakasama ko't nakausap pa ang guardians..ang mga half-humans.., ang iba't-ibang nilalang na nakilala ko dun..at alam kong totoo na nagmahalan kami ni Kiel..
Naramdaman ko yung mga yakap niya..at saka bago ako nawalan ng malay..naramdaman kong hinalikan niya ako..hindi lang yun imahinasyon ko dahil alam ko sa sarili ko na totoo yun.. . Totoong-totoo yun.. pero panuh ko sa kanila sasabihin ang lahat ng naranasan ko?? Alam kong hindi sila maniniwala dahil hindi naman talaga ito kapani-paniwala.. iisipin lang nila na baka panaginip lang ito..
"Dame ,are you okay??".. nag-aalalang tanong ni Maine sa'kin habang hinahaplos ang buhok ko..
"May ikukwento ako..-".. mahinang sabi ko..bahala na!! Gusto ko lang din malinawan at gusto kong mabawasa ang bumabagabag sa'king kalooban..bahala na kong anong maging reaksyon nila..kailangan ko lang talagang ilabas ito.. baka kasi mabaliw ako sa kakaisip..
Nagkatitigan ulit sila pero sabay-sabay na lang din silang nag-nod...
Huminga muna ako ng malalim saka ko sinimulan ang pagkukwento simula ng mapadpad ako sa kaharian ng Conto De Fadas hanggang sa mamatay ako sa bisig ng aking mahal na prinsipe..
"Akala ko ba hindi nadamage ang utak niya??"..narinig kong bulong ni Loki Kay Maine kaya nakatanggap na naman ito ng batok..
"Manahimik ka!".. singhal ni Maine sa kanya..bago niya ako nilingon..".. Dame.. sa tingin ko'y nabuhay ang diwa mo sa panaginip habang ang katawan mo nama'y nandito.."..napabagsak ako ng balikat..sabi ko na nga ba hindi sila maniniwala.. ang hirap naman kasing paniwalaan ang pinagsasabi ko.. sino nga namang baliw ang maniniwala na nakapunta ako sa ibang mundo?? At nakasalamuha ng iba't-ibang klase ng nilalang??
"Bawasan mo na nga ang panunuod at pagbabasa ng mga Fantasy stories.. tingnan mo na ang nangyari pati sa sarili mo ay nai-aapply mo na yan..-"
"Hindi yun panaginip. .totoo yun!"...paninindigan ko pa sa kanila pero napailing lang sila at napahawak sa noo..
"Dame..that's impossible alam mo yan.., wag mo ng isipin pa yan baka lalong magulo ang isipan mo..-"
"Dame.., it was just a Dream.. "
Panaginip??
panaginip nga lang ba ang lahat?? Pero kung panaginip lang ang lahat bakit ako sobrang nasasaktan.. :'(
-------------
To be continued.....
A/N:.. uhH!!panaginip lang pala.. panuh na yan??