GETTING BACK TO EACH OTHER'S...

By KimVerly

637K 6.9K 764

ito na po yung book2 nang getting to now each other on bed..basahin muna ang book1 bago ito para hindi malito... More

GETTING BACK TO EACH OTHER ARMS
PAGE-1-
PAGE-2-
PAGE-3-
PAGE-4-
PAGE-5-
PAGE-6
PAGE-7-
PAGE-8-
PAGE-9-
PAGE-10-
PAGE-11-
PAGE-12-
PAGE-13-
PAGE-14-
PAGE-16-
PAGE-17-
PART-18-
PAGE-19-
PAGE-20-
PAGE-21-
PAGE--22--
PAGE-23-
PAGE-24-
PAGE-25-
PAGE-26-
PAGE-27-
PAGE-28-
PAGE-29-
PAGE-30-
PAGE-31-
PAGE-32-
PAGE-33-
PAGE-34-
PAGE-35-
PAGE-36-
PAGE-37-
PAGE-38-
PAGE-39-
PAGE-40-
PAGE-41-
PAGE-42-
PAGE-43-
PAGE-44-
PAGE-45-
PAGE-46-
PAGE-47-
PAGE-48
PAGE-49-
PAGE-50-
AUTHORS NOTE:PASASALAMAT
THE LAST PART(EPILOGUE)
SPECIAL CHAPTER

PAGE-15-

11.9K 110 11
By KimVerly

PART-15-



Opening nang Daffodils store niya at nandito ang mga kaibigan niya,yung Mama niya sana ang mag-gugupit nang ribbon ang kaso hindi ito makakarating dahil nasa Spain ito ngayon dahil sa trabaho.si Nina nalang tuloy ang pumalit dito



Daffodils yung pinangalan niya dun sa art store niya dahil sa bulaklak na naging saksi sa pagmamahalan nila noon ni Harley,daffodils kasi ang pangalan nang bulaklak na iyon, yun ang sabi sa kanya ni Harley nung tinanong niya



Nag imbita din sila nang pari para bendisyunan at dasalan ang magiging negosyo niya.nandito rin si Throwie,Lenard at ang kapatid nitong si Sophia.may kasama din pala si Yzhel na ang pangalan ay Drake,uhm!mukhang nakakaamoy ako nang something sa lalaking iyon at kay Yzhel



Napapailing naman ako habang pinagmamasdan si Lenard na panay ang sulyap kay Yzhel at sa lalaking kasama nito.kung hindi ba naman kasi nagpakatino eh di sana,masaya sana ang naging buhay nilang dalawa.tsk!sayang.


I’m so  happy for you friend at last at nakapag patayo ka narin nang magiging negosyo mo.”si Nina na todo yakap sakin nang matapos ang bendisyon nang pari



salamat at salamat dahil nakapunta kayong lahat.


syempre naman pupunta talaga kami,super excited nga kaming dalawa dito ni Nina nung sinabi mong tapos na ang pinatayo mong art store.si yzhel na nag beso din sakin


oh siya tara nang kumain muna.nagpahanda din siya nang makakain para sa mga taong dumalo sa opening nang daffodils store niya



Niyakap din naman ako at binate ni Lenard at kapatid nito,nakipag-kamay din sakin si Drake at si throwie ay super niyakap akong maigi na kinabatok ni Nina dito.kung yakapin ba naman daw ako parang wala nang bukas


Natawa nalang tuloy ako sa dalawang iyon na hanggang ngayon hindi parin pala maubos-ubos ang bangayan sa isat-isa.to think na malapit narin ikasal yung dalawa.dumating din naman si Near pero humabol nalang ito gawa nang may meeting daw kasi ito


Naging masaya naman yung opening nang daffodils store ko at bago ako umuwi ay kumuha pa ako nang limang tao na libreng magpapa sketch sakin.hindi na nga ako nahintay nila Nina at hindi narin ako nakapagpaalam sa mga ito nang maayos dahil sa pagiging busy ko doon


Nauunawaan naman nang mga ito yung sitwasyon ko kaya nag-iwan nalang ang mga ito sakin nang message nang pasasalamat at mag-ingat ako sa pag-uwi.si Near naman ay may biglaang tawag na natanggap kaya hindi narin ako nahintay


Uminat-inat naman siya dahil sa pangangalay nang balikat at mga kamay.pasado alas otso na pala at isang tao nalang ang ipipinta niya.kumagat nalang muna siya sa isang pizza na natira pa kanina sa handaan bago pinapasok yung last na taong iguguhit niya yung mukha



papasukin muna yung last.sabi niya sa magiging secretary niya sa daffodils store niya



Kumuha siya nang isang makakatulong doon para hindi siya mahirapan at maari ring maging taga bantay niya doon kung sakaling hindi siya makapunta,syaka kailangan niya ito para sa mga magpapa appointment sa kanya kung sakaling meron mang gustong magpapinta sa bahay nila or mga bagay na personal na ipapapinta sa kanya.


nandito na po siya ma’am.”narinig niya yung boses ni Aida ang siyang makakasama niya doon


ok,pakipaupo nalang siya diyan sa upuan.nakatungo niyang sabi habang inaayos yung mga gagamitin niya


ok napo siya Ma’am.


ok,salamat!iwan mo na siya.hindi parin tumutunghay niyang sabi



sige po ma’am.”narinig niya ang pag-sara nang pinto nang studio niya.saglit pa at tinunghay na niya yung mukha para tignan yung huling taong ipipinta niya


anong ginagawa mo dito?gulat na sambit niya nang makilala ito


hindi mo kasi ako inimbitahan sa opening nang art store mo kaya nakipila nalang ako sa limang swerteng libreng maipipinta mo.”napatayo siya mula sa pagkakaupo at mabilis na naglakad papuntang pintuan nang studio niya


“umalis ka!asar niyang sabi dito



woah!grabe ka naman future wife hindi mo pa nga ako naipipinta eh,bakit ba ang kulit nang lalaking ito


“umalis kana kung ayaw mong tumawag ako nang pulis.pagbabanta ko dito



sobra na yun!wala naman akong ginagawang masama saiyo para tumawag kapa nang pulis,”



get out!”sigaw niya,ayaw niyang tumingin sa mga mata nito,ayaw niya kasi baka biglang mawala na naman siya sa sarili


bakit naman ako aalis.?tumayo ito at lumapit narin sa pintuan nang studio



Sa gulat niya bigla nalang nitong tinaggal yung kamay kong nakahawak sa doorknob at mabilis na sinaruduhan ulit iyon.naasar siya sa ginawa nito kaya sinubukan niya ulit buksan yung pintuan pero mabilis nitong hinila yung kamay ko



ano ba?!ano ba talagang kailangan mo sakin?



bakit kaba ganyan future wife,bakit ba parang takot na takot kang tumingin sakin?mukha ba akong masamang tao?pinaling niya sa iba yung mukha niya nang idikit nito yung mukha sa mukha ko



hindi kita kilala kaya pwede ba.”narinig naman niya yung pagbuntong hininga nito


ok!i’m kaden marlon martines,ngayong kilala mo na ako siguro naman hindi muna ako iiwasan?



hindi ko tinatanong ang pangalan mo.”


pero gusto mo akong makilala diba?para makilala mo ang isang tao kailangan mo munang alamin ang pangalan niya diba?”hindi parin nito inaalis yung pagkakalapit nang mukha nito sakin


hindi ko sinabing gusto kitang makilala at hindi batayan ang pagsasabi nang pangalan para makilala mo ang isang tao.pwede kang magimbento nang ibang pangalan para lang may masabi ka.”naalala niya yung sa kanila noon ni Harley


at bakit ko naman gagawin iyon?hindi ko kinahihiya ang pangalan ko para mag-imbento pa ako nang iba,at ang pag-iimbento nang pangalan ay para lang sa taong merong tinatagong lihim.so?hindi siya katulad ni Harley?


Pero bakit ba kinukumpara ko siya kay Harley.iba si Harley dito at kahit pa naging ganun sa kanya si Harley,naunawaan niya ito dahil sa nakaraan at trabaho nito at kung nag-sasabi man ito nang katotohanan ano naman ang mapapala niya dito?


ano ba talagang balak nito sakin at bigla nalang itong lumitaw sa buhay niya?



sino kabang talaga?bakit parang ang dami mong alam sakin?ano bang balak mo?”



ikaw lang ang makakasagot nang lahat nang tanong mo at hindi ako.”



hindi kita maintindihan!bakit hindi mo pa ako diretsyahin!naasar na talaga siya sa lalaking ito



maaalala mo rin ako,alam ko!”


hindi nga kita maalala!wala akong natatandaang kaden ang pangalan,hindi kita kilala,hindi!”napasigaw na siya sa sobrang inis



huwag kang magalit,hindi naman kita minamadaling maalala ako.mas gusto kong maalala mo ako sa paraang hindi kita pinilit kundi kusang loob mo akong naalala.”anong klaseng nilalang ba ito?parang hindi manlang natatakot sa mga pag-sigaw ko,parang si Harley lang



Tsk!bakit ba ganun siya,may katangian siyang parang si Harley yung tipong mapapatahimik siya pag sa tuwing titig siya sa mga mata nito.at pag sa tuwing magagalit siya ay nakukuha lang nitong magpakahinahon at ngitian ako,tulad nang ginagawa nito ngayon


umalis kana,kung pwede lang!kung isa ka sa nakaraan ko na nakalimutan ko noon,pwes!didiretsyahin kita hindi kita gustong maalala dahil alam kong naging walang kwenta ang papel na ginampanan mo noon sa buhay ko.naramdaman niya ang pagbitiw nito sa kanya


Kahit anong iwas niya hindi na niya napigilan tignan ito sa mga mata.sa kauna-unahang pagkakataon nakita niya yung emosyon nitong parang nasaktan sa sinabi ko.natahimik ito at napailing na napatungo.ilang Segundo din siguro itong nakatungo bago muling tumunghay at tinignan ako



si future wife talaga ang lambing magsalita,ang bilis magpalit nang mood akala ko nagalit ito sa sinabi ko dahil sa sakit na bumalatay sa mukha nito



bakit kailangan mong magpanggap na masaya ka,kahit alam mong hindi ka naging masaya sa sinabi ko?ngumiti ulit ito sakin at tinap yung ulo ko


ang tagal kong hindi naging masaya nung nawala ka at kahit nasaktan ako sa sinabi mo mas pipiliin ko parin maging masaya dahil nakikita at nakakausap na kita.hindi tulad noon na puro ilusyon lang akong magkikita ulit tayong dalawahindi ko alam kung bakit pinangilidan ako nang luha sa sinabi niya



Bakit ganun?bakit pakiramdam ko damang-dama ko yung paghihirap na naranasan niya noon.bakit ganito?mabilis tuloy akong tumalikod at humakbang palayo sa kanya.pinag-pupulot niya yung mga gamit niyang nalaglag sa lapag


Nakita naman niya sa side niyang tinulungan din siya nitong mag-ayos nang mga gamit niya sa loob nang studio.kailangan niyang bilisan yung pagkilos para makaalis na siya doon,hindi na talaga niya kayang Makita ito.



hahatid na kita.”narinig niyang sabi nito pero hindi siya umimik



Tuloy-tuloy siyang lumabas nang studio,alam naman niyang nakasunod lang ito sa kanya pero hindi niya ito nililingon.napatayo naman si Aida nang Makita siya,inutusan nalang niya itong ito na ang mag-sara nang artstore nila at humingi nang paumanhin na hindi ito matutulungan 



Pagkatapos niyang pagbilinan ito ay nagtuloy na siyang lumabas at naglakad na sa kalsada,hindi naman masyadong kalayuan yung bahay niya doon at pwede iyon lakarin kaya nilakad nalang niya.ramdam padin naman niya yung pag-sunod na ginagawa nito sa kanya


kaya kong umuwing mag-isa kaya please lang! huwag mo na akong sundan pa.”hindi na niya napigilang tumigil at harapin ito



gabi na at babae ka,masyadong delikado kung maglalakad kang mag-isa.”



kaya ko ang sarili ko.at nag-umpisa na ulit maglakad


Hindi na ito umimik pa.pero panay parin naman ang sunod sa kanya.hinayaan nalang niya ito dahil alam naman niyang hindi rin naman siya nito tatantanan.nakarating na siya sa tapat nang bahay niya.mabilis niyang binuksan yung gate



Hindi na naman ito sumunod sa kanya,pero nagulat siya sa sinabi nito na kinatigil niya nang pag-bubukas nang pintuan nang bahay niya.hindi na nga sana niya papansinin yung sinabi nito pero biglang nangilid yung luha niya sa mga sinabi nito


sobrang dami na nga talagang nagbago saiyo,alam mobang namimiss ko yung time na hahawak ka sa mga kamay ko dahil natatakot kang baka madapa pag naglakad ka,namimiss ko yung araw na itatanong mo sakin ang kulay nang langit at nang mga bulaklak sa paligid.at pagdating nang gabi sasabihin mong bilangin ko yung mga bituin dahil hindi mo Makita,


Nanlalamig yung mga kamay niyang napahawak siya sa pintuan,nanginginig din yung mga tuhod niya.iisang tao lang ang gumagawa nun sa kanya dati at kahit kailan hindi niya iyon malilimutan,hindi kailanman.



panong nangyaring alam niya ang tungkol doon?impossibleng siya yun,ang sabi nila. Ang sabi nila..limang Segundo din siguro siya sa ganung posisyon bago pinasyang lingunin ito pero wala na ito sa tabi nang gate niya

kaden?..”parang sasabog ang puso niya nang mahina niyang sinambit yung pangalan nito


Umiiyak siyang tumakbo palabas nang gate nila at nagpalinga-linga para hanapin ito pero hindi na niya ito Makita.sinisigaw niya din yung pangalan nito,tumakbo pa nga siya nang ilang kilometro pero hindi narin niya ito Makita


Puno nang katanungan ang isip niya,panong nangyari ang lahat nang iyon?buhay siya?yung batang lalaking palagi siyang dinadamayan noon pag sa tuwing umiiyak at naiiwan siyang mag-isa sa bahay.ang batang lalaking walang sawang nakikinig sa mga sama nang loob niya sa magulang


Ang batang lalaking pinagtatanggol siya sa mga batang palagi siyang inaaway at tinutukso.ang batang lalaking pinapatahan siya at binibigyan nang candy pag sa tuwing umiiyak at nadadapa siya.ang batang lalaki na naging lakas niya noon.



Ang batang lalaking pinangakuan niya noong magiging asawa niya pagdating nang araw.ang batang lalaking hindi sinasabi ang pangalan sa kanya dahil ang gusto niyang lang itawag ko sa kanya ay future husband,



Ang batang lalaking iyon nga ba si kaden na palagi siyang sinusundan at kinukulit.ang batang lalaking iyon na dumanas nang kalupitan noon dahil sa kanya.pero pano?bakit?naikuyom niya yung mga palad niya.


Kasinungalingan?isa na naman ba ito sa pakana niya?isa na naman ba itong kasinungalingan na dapat niyang alamin ang katotohanan oh dapat nang ibaon para wala nang masaktan?.

_____________________TO BE CONTINUED__________

Continue Reading

You'll Also Like

182K 4.2K 14
Cognac-Mateo Abarde—ang binatang umiikot ang buhay sa sports at pagkahilig sa kompitisyon. Pilipino-Pakistan, ipinanganak sa Spain pero mas gustong t...
1.6K 59 12
A CHRISTMAS SPECIAL Nezuko kept a diary of every scenarios between her and her long time crush, Levi. She often writes everything in her diary with d...
322K 6.5K 13
GENTLEMAN series 12: Raphael Padilla Every woman fantasized him. Every girls desire him. Lahat sila ay magkakandarapa para lang mapansin niya. Lahat...