Loved Your Music

By tarakwentuhantayo

45.1K 1K 242

Don't find for love, let love find you. Wag mag madali ienjoy ang buhay at hayaang dumating ang isang taon... More

Chapter 2 || Mr. Anonymous
Chapter 3 || May Bago?
Chapter 4 || Blending
Chapter 5 || Getting to know you
Chapter 6 || Deal or No Deal?
Chapter 7 || Intramurals
Chapter 8 || Jelly Bean
Chapter 9 || Label?
Chapter 10 || Date
Chapter 11 || Call of Nature
Chapter 12 || Pagbabalik
Chapter 13 || Awkward
Chapter 14 || The Confession
Chapter 15 || Hangin
Chapter 16 || White Rose
Chapter 17 || Reconciled
Chapter 18 || One Call Away
Chapter 19 || I Miss You
Chapter 20 || Los Angeles
Chapter 21 || JM is Back?
Chapter 22 || JM is Back? II
Chapter 23 || Through Lens
Chapter 24 || Ligaw 01
Chapter 25 || Ligaw 02
Chapter 26 || Game!
Chapter 27 || Weird
Chapter 28 || The Boss
Chapter 29 || Beginning of the End
Chapter 30 || Jealous Twins
Chapter 31 || Loved Your Music
Chapter 32 || She said YES! He said NO!
Chapter 33 || Wrong Timing
Chapter 34 || Choose Wisely
Chapter 35 || Strike 1
Chapter 36 || Uh oh
Chapter 37 ||Marry - Merry Christmas
Chapter 38 || Wedding Day
Chapter 39 || Sa Wakas
COMMERCIAL MUNA ❤️
Chapter 40 || FINALE

Chapter 1 || The New Me

6K 76 12
By tarakwentuhantayo

GENERAL POV

"All i wanna do is find a way back into love 🎧"

Ito ang kantang pagsisimulan ng istoryang gugulo sa buhay ng dalawang taong pinaglapit ng tadhana.

Magsisimula ang kwento sa isang paaralan sa Laguna kung saan nagaaral si Karylle second year highschool mejo maliit, chubby, at kulot pero mabait at masipag mag aral kahit me pagka mainipin.

_________________________________
KARYLLE'S POV

"Ano ba naman yan? Wala si Sir first day ng klase wala agad sya? Tsk asan kaya mga kaibigan ko kakainis d kami magkaklase panibagong pakikisama nanaman ito" reklamo ni Karylle dahil wala siyang kakilala sa klase nya dahil tumaas ang section nya kaya hindi na nya kaklase mga kaibigan nya.

"Kulot!" 

Laking gulat naman ni Karylle dahil sa pagsigaw ng grupo ng nga kababaihan mula sa labas ng kanyang silid aralan, napalitan naman ng napakalaking ngiti ang pagka simangot nya nang makita kung sino ang mga ito.

"Mga bespren!! Ahhhh hahaha saan ang room nyo? Nakakainis bakit d tayo magkaklase, kamusta kayo? Magkakaklase ba kayo? Wala ba kayong klase ngayon? Anong gi..."

Literal na napanganga mga kaibigan nya dahil sa sunod sunod na tanong ni Karylle sa kanila kaya naman sumingit na agad sila.

"Hep!! kulot, grabe ka naman daming tanong ah pwedeng isa isa lang?" Sabat ni Anne, isa sa pinaka fashionistang kaibigan ni Karylle.

"Oonga naman bes, dami mong tanong nakakatawa ka tignan mo itsura mo o" sabi ni Coleen, isa sa pinaka nerd sa magkakaibigan.

Napatawa naman din si Karylle dahil sa inasta nya, kaya imbes na magsalita ay napatawa nalang siya at niyakap mga kaibigan.

"To answer all your questions ang room namin ay dun sa kabilang room sa dulo, mga apat na rooms ang lalagpasan papunta dto. And... " - sabi ni Anne kay Karylle

"Magkaklase kami!!! Wahahahaha belat" - sabay na bulalas nila Anne, Mariel at Coleen sabay tawa.

"Hahaha ikaw kasi e masyado mo ginalingan ayan tuloy umakyat ka ng section chill chill ka lang kase!" Sabi ni Mariel

"Ano ba yan nakakainis naiinggit ako hayy pero ok lang training nadin ito para makakilala ako ng ibang tao pa, aiy! Hoy magsilayas na kayo time na o baka malate pa kayo kasalanan ko pa mamaya nalang uli txt txt nalang tayo " - sabi ni Karylle at nagpaalam na sa mga kaibigan nya dahil oras na para sa sunod na klase niya.

RIIIIIIINNNNNNGGGGGGGGGGG!!!!!

"Hayy sa wakas makakauwi na din wala naman ginawa ngayong first day, sayang pasok pero ayos lang may ba... ARAY!" - Daing ni Karylle dahil nabangga sya ng isang lalake.

"Hala ! Si Vhong ba'to? Omg ang cute nya padin yung dimples nya ayan nanaman huhuhu karylle magpigil ka galit ka sa kanya ha inis ka sa kanya ok 1...2...3 kalma ok action karylle galingan mo" sabi ni Karylle sa isip nya.

"Aiy sorry Miss pase.... Shrek?!, hahaha ikaw na ba yan?! Akalain mo nga naman si Shrek Payat na hahaha" bulalas ng lalakeng nakabangga sa kanya.

"Vhong? Ha ha ha! Hindi na ako si Shrek payat nako o, onga pala kailangan ko na umalis wala akong oras makipagusap sa mga kagaya mo excuse me hmp!! ..." Sabi ni Karylle sabay walkout.

"Sungit naman nito nangangamusta lang e, pshhh pumayat ka lang ganyan ka na, pero cute mo padin kahit muka kang si Shrek noon, ingat !" - sigaw ni Vhong mula sa malayo.

Sa bahay nila Karylle

"Argh! Nakakainis bakit ba crush na crush kita kahit na inaasar mo ako noon na Shrek?!, pero. HA HA! ngayon ano ka. Nga nga ka dahil payat na ako. " sabay sabunot nya sa buhok nya dahil sa kilig at inis na nararamdaman dahil nakita nyang hndi padin pala nagtransfer ang crush nya.

"Ewan makatulog na nga para makita ko na uli si crush / enemy bukas andun padin pala sya "

------KINABUKASAN----

*beep beep* beep beep* beep beep*

"Second day of class bilang sophomore sana naman present na mga teachers ko para di sayang ang paggising ng maaga" sabi ni Karylle habang naguunat unat

After nyang ayusin ang kama ay ginawa na nya ang morning routines nya sa banyo at saka naligo at nagbihis na ng pampasok at naghanda na para makakain ng breakfast.

"O Karylle kumain ka na baka malate ka pa nyan, hmmm mukang ang ganda ng gising ng apo ko ah anong meron? Saka bakit parang ang ganda mo lalo ngayon? " sabi ng lola niya

Simula kasi nung grade one sya ay umalis ang mama nya papuntang Singapore para dun ay mag trabaho samantalagang ang papa naman nya ay isang dentista na palagi ding nasa clinic at busy sa trabaho kaya madalas ay sa lola nalang nya sya palagi naiiwan kasama ng dalawang kapatid pang babae na mas nakababata sa kanya.

"Si lola talaga o, talagang maayos lang po akong nakatulog kagabi kaya po maganda ang gising ko ngayon." - sabi ni Karylle

"Baka naman may nagugustuhan ka na sa eskwela kaya gumaganda ka pa lalo ha sabihin mo lang para makilatis kong maige" - sabi ng lola ni Karylle

"Naku la! Wala po ayoko papong magka boypren sakit sa ulo lang po iyan"

"Sinabi ko bang boypren ? taga hanga or kras man lang wala ba?" - lola

"Hmmm basta la magaaral po akong mabuti pramis yan, sige napo la, papasok na po ako ingat po kayo dito ha i love you" paalam ni Karylle sa kanyang lola.

"Sige apo ingat ka din ha pagbutihin mo" sagot ng kanyang lola.



----SA SCHOOL----

Habang masayang naglalakad si Karylle papunta sa kanyang silid ay may biglang sumitsit naman sa kanya na kaya nawala ang malaking ngiti naman nito sa mukha...

"Psst! Psst! Ms. Shrek! Suplada neto o hui!"

KARYLLE'S POV

Juiceko sino nanaman kaya yung natawag sakin ng shr.... SHREK?! hay nako Navarro sya nanaman yun panigurado -_- wag kang lilingon Karylle pagtitripan ka lang nyan magpahard to get ka.

BOOOOGSSHHHH*

"Ano ba?! Kita mo namang ang da....." -Napatigil si Karylle sa pagsusungit dahil sa mukang nakita nya.

Si Vhong na nakangiti at kitang kita ang dalawang malalalim na dimples sa magkabilang pisngi nito at nakatingin lang din sa kanya.

"Karylle to Earth? Helloo?? Ayos ka lang ba?"
"Shrek! Princess Fiona nalang pala yiheee mas gusto nya yun hoy ! Aba baka matunaw ako nyan!"
- sabi ni Vhong sa kanya.

"Ah eh... Akin na nga yang libro ko! Ano bang problema mo?! Agang aga nambubwisit ka! Nakakainis naman e saka bakit ka ba andito pa? Diba dapat transfer ka na?" Sabi ni Karylle

"Ito naman napakasungit meron ka ba? Psshh bahala ka nga jan!" - sabi ni Vhong na agad inabot ang libro kay Karylle at sabay umalis na.

"Problema nun? Sya pa nagalit? Ha ha ha ewan ko" - Karylle


VHONG'S POV

Ui si Karylle ang ganda nya pala lalo ngayong chubby nalang sya. Makapagpapansin nga..

"Psst! Psst! Ms. Shrek! Suplada neto o hui!" Tawag ko sa kanya mula sa di kalayuan

Nako! Vhong bakit mo tinawag na shrek dapat hindi shrek sabi ko sayo Fiona na dba? Nako magagalit yan sakin panigurado tsk bahala na nga! Mabilisan na nga lang para mahabol ko sya...

BOOOOGSSHHHH*

"Ano ba?! Kita mo namang ang da....."

OMG Vhong ang cute nya din talaga, pero wag pahalata na nacucutan ka sa kanya. Ngiti lang Vhong titig ka lang para di halata. Haha ang cute nakatulala sya saken ano kaya iniisip nitong si Kulot.

"Karylle to Earth? Helloo?? Ayos ka lang ba?"
"Shrek! Princess Fiona nalang pala yiheee mas gusto nya yun hoy ! Aba baka matunaw ako nyan!"
- sabi ko sa kanya.

"Ah eh... Akin na nga yang libro ko! Ano bang problema mo?! Agang aga nambubwisit ka! Nakakainis naman e saka bakit ka ba andito pa? Diba dapat transfer ka na?"

Bakit ba napakasungit nito saken di ko naman sinasadyang mabangga siya e. Saka bakit daw ba ako andito pa? E sa ayokong umalis e gusto nya na pala ako umalis dito nakakalungkot naman isipin gusto ko pa naman sya magin kaibigan.

"Ito naman napakasungit meron ka ba? Psshh bahala ka nga jan!" - sabi ko nalang dahil mukhang nasira na ang araw nya dahil sa akin.


----VACANT HOURS----

Pinuntahan naman ni Karylle ang mga kaibigan nya sa silid ng mga ito para mabisita at dahil vacant na din nya ay nagbaka sakali na din sya na makakapag bonding silang apat at di naman sya nabigo dahil wala ding klase ang mga ito kaya dumeretso sila sa canteen para kumain at makapag kwentuhan narin.

"Oi Kulot, anong naisipan mo at nag yaya ka? Anmeron?" - sabi ni Mariel

"Grabe ka naman Ma, pagka ba nagyaya may okasyon agad? Di pa pwedeng gutom ako at naghanap ako ng kasama? Gutom din naman kayo for sure e " - sabi ni Karylle

"Oonga naman Ma, minsan na nga lang tayo makapagkwentuhan si kulot  kasi masyadong ginalingan sa klase dinaig si Coleen,  e ayan tuloy nawala tuloy sya sa section natin hahaha" - sabi ni Anne

Natawa nalang si Karylle dahil sa mga pinagiiisip ng mga kaibigan nya. Pero nagiba ang timpla ng mukha nya nang matanaw nya si Vhong na may hawak na pagkain at naghahanap ng upuan ng biglang madako ang tingin nito sa kanilang table.

"Girls, asan mga bag nyo? Akin na dali! Bilis bilis!" - sabi ni Karylle na ipinagtaka naman ng mga kaibigan nya.

"Ha? Bakit? Bakit ano yun? Para kang timang anyayare sayo?" - sabi naman ni Anne

Lumingon ulit si Karylle sa kinaroroonan ni Vhong na ngayon ay papalapit na sa kanila kaya naman lalong nataranta ang dalaga ang di nya alam sinundan ni Coleen ang tinitignan nya kaya nagka idea naman ito kung bakit biglang nagkaganito ang kaibigan nila kaya bigla itong natawa.

"Bwahahahaha!!! Mariel mukhang tama ka! May problema itong si Kulotski, at yung problemang yun ay papalapit na " bulalas ni Coleen na may halong pangaasar sabay nguso sa kinaroroonan ni Vhong..

"Ohhh, mukhang alam na namin hahaha hanggang ngayon ba naman sya padin ang dahilan. Crush mo padin sya nu?" - sabi ni Anne

"Ok girls! Stop! Psshhh oo na pero please lang wag kayo maingay pag narinig nyan baka lalo akong asarin nyan e tsk." Pag amin naman ni Karylle na may pigil na ngiti.

"Alin ang baka marinig ko? Ha kulot?" - pang aasar naman ni Vhong na nakalapit na pala sa table nila.

"Wala sabi ko baka marinig mong nakakainis yang pagmumukha mo! Bakit ka ba andto?" - tanong ni Karylle

"Grabe ka naman sis, ang hard mo baka wala lang maupuan si Vhong kaya makikishare right Vhongskie? Sabi naman ni Anne na mejo nagpapacute.

"Ahh oo wala ako makuhang table e puno na kasi sa lahat e nakita kong may isa pang upuan dito sa inyo kaya baka pwedeng makishare nalang kung ok lang sa inyo?" Pagaalangan ni Vhong

" oh yeah sure sige upo ka jan sa tabi ni Karylle makikiabot nalang ng bags namin please :)" sabi ni ni Mariel na may pagtaas babang kilay pa.

Kaya naman itong si Karylle ay sobra ang inis pero may halong kilig dahil katabi nya ngayon ang enemy / crush nya. Sakto namang nag bell kaya naman umalis na ang mga kaibigan nya dahil may klase pa sila samantalang naiwan naman si Vhong at Karylle dahil vacant padin nila.

" byee sis, enjoy ;)" - paalam nilang tatlo.


KARYLLE'S POV

Bruha talaga yung mga yun, bakit nila ako iniwan kasama 'tong mokong na'to? Pero ihh kinikilig ako para kaming nagdedate. ok karylle ha kalma lang.

"So, Shre... Ay este Princess Fiona... kamusta ka naman? Saka bakit ang payat mo na? Bagay sayo ah." - sabi niya sakin hayy ang cute nya.

Ano daw? Tama ba ang naririnig ko? Princes fiona daw? Aba aba ano nakain nito at di ako inaasar na Shrek? Hahaha well mas ok na to kesa shrek

"Mabuti ako kanina dumating ka lang kaya hindi na ako Okey" bkit parang nalungkot sya sa sinabi ko?

"Ahh sige sorry, sige tatapusin ko na pagkain ko tapos aalis nako salamat sa pagpapashare ng table" -Sabi ni Vhong sabay umalis na

"Vhong! Sorry kaya lang naman ako naiinis sayo kasi minsan inaasar mo ako kaya nasusungitan kita" sabi ko na may hiya sa sarili

"Hmmm so friends na tayo? Sige na kulot p..pleaseee?"

Friends? Wow Ouch naman friendzone haha osige papayag na ako sa gusto nya pwede na yun ihhh
"Okey sige friends lang, sige na uuna na ako ha may klase pa ako e byee" sabi ko sa kanya at nagpaalam na

"Ugh friends na kami ng crush ko huhuhu ang saya ko sana naman di na nya ako pagtripan and sana hindi trap yung pakikipag friends nya saken."

END OF POV



Pumasok na si Karylle sa kanyang klase at maghapong naging aktibo sa lahat ng talakayan sa klase, bukod sa masaya sya dahil nakapag bonding silang magkakabarkada at nakapagusap na sila ni Vhong na crush nya na ngayon ay kaibigan na nya. Kaya naman hanggang sa umuwi sya ay dala dala nya ang ngiti sa mukha na ikinatuwa naman ng kanyang lola dahil alam nito na masaya ang kanyang apo sa eskwelahang pinapasukan.

~~~~~~~~~~~~~~~03/24/26~~~~~~~~~~~~~

sorry po guys kung waley yung 1st part at yung story itself first time kopo kasing magsusulat kaya pagpasensyahan nyo napo. Kung nagustuhan nyo po e salamat kung hndi po e salamat padin po :)

Please vote kung and Comment lang po kayo kung itutuloy ko pa ba ito hahaha

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 93.5K 62
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
852K 32.4K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...