I Almost Do ✅

By BlueAmazon

103K 1.8K 549

[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #5: Cristine Lauren When she thought they were never meant to be together... More

I Almost Do
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 - ANTON
Epilogue
Heels & Sneakers
Dear Marco

Chapter 28

1.8K 33 15
By BlueAmazon

Chapter 28



Kasalukuyan kaming nakapaikot lahat sa isang malaking apoy. Napagkasunduan ng iilang natira na magbonfire na lang daw kami. Namiss ko bigla yung kasimplehan ng buhay habang nakatingin ako sa kanila at nag-oobserba. May maliit na lamesita at mayroong hindi ko alam kung anong klaseng alak.


"Mag iinuman kaming mga lalaki, bakit hindi na lamang kayo magsipasukan? Tutal ay gumagabi na rin at sa loob na lamang kayo mag-usap usap." suhestyon ni Mang Kardo.


"Yes. Go inside, Ren. Magiginawan ka." sabat naman ni Anton na nagpakunot ng noo ko. Nagkatuksuhan naman dahil sa sinabi niyang iyon. He's unusually sweet at ayoko nang magtanong kung bakit. Malaki kasi ang posibilidad na dahil lamang ito sa mga trabahante niyang nanunuod sa amin. Damn did that hurt?


"Okay," pagsang-ayon ko na lamang at sumama na sa ibang kababaihan. Pagkarating sa kubo ay biglang pumalibot sa akin ang mga dalaga na wari'y ko ay kaedad ko lamang. Meron rin namang may asawa na pero siguro matanda lang sa akin ng dalawa o tatlong taon.


"Ang lambing naman ni sir sa'yo, Ma'am Tine!" kinilig na saad ni Carlotta. Humagikhik naman sila. Naiiling na lang sa kanila ang mga matatandang babae na naglilinis, sina Aling Lena at Aling Perla.


"Hindi naman. Issue kayo." natatawang saad ko.


"Ano buntis na ho ba kayo? Ingat na ingat sa inyo si sir eh! Naku! Panganay kung sakali!" saka ulit sila naghagikhikan na para bang kilig na kilig bigla naman akong namula. Ano ba naman 'to!


"Hindi. Actually, may anak na kami. Magda-dalawang taon na siya." nakangiti kong saad. Nanlaki naman ang mga mata nila. Wari ko'y may gusto silang itanong pero pinigilan nila ang sarili nila na siyang ikinatuwa ko.


"Talaga po? May picture naman po ba kayo?" tanong naman ni Alina.


Magiliw akong tumango, "Oo. Teka eto oh." saka ko pinakita ang litrato ni Thoren sa cellphone ko. Nagtipon-tipon naman sila kasama sina Aling Perla at Aling Lena.


"Ay kagwapong bata! Manang mana kay Sir!" puri ni Aling Perla.


"Hindi halata sa'yo ineng na may anak ka na." ani naman ni Aling Lena na sinang-ayunan ng iba. Namula ulit ako. Ano ba naman. Humahaba ang buhok ko rito sa mga papuri nila.


"Mahilig ho ba kayo sa kantahan, Ma'am Tine?" tanong nung isang babaeng nakalimutan ko na ang pangalan.


"Medyo ho," nahihiyang saad ko.


"Ay tamang tama at may nirentahan kaming videoke! Dun na ho tayo sa terasa!" saka nila ako hinila. Nakita kong andoon na pala sina Carlotta, Alina at Saning. "Ako mauuna ha!" saad ni Saning. At siya nga ang nauna, Nagkahalakhakan naman dahil hindi naman sa nagyayabang o nang-iinsulto, talagang wala siyang future sa pagkanta pero ang sabi naman nila magaling raw siyang sumayaw. Ganun talaga di binibigay lahat.


"Si Ma'am tine na naman! Ang hahayok niyo sa mic eh!" suway ni Alina.


"Mahilig po ba kayo sa mga tagalog na kanta, Ma'am?" Tumango lang ako. Medyo nahihiya pa rin kasi ako sa kanila. Naghiyawan naman sila at saka binigay sa akin ang microphone.


"Eto ma'am kantahin niyo. Feel na feel ko ang kantang ito dahil ginamit ito dun sa teleseryeng Alyna. Teleserye ko," Humahagikhik na saad ni Alina.


Napakamot naman ako sa pisngi ko dala ng pagkailang. "Er..sige." ayoko namang sabihin nilang KJ ako at mapang-mataas.


Tumikhim ako dahil parang nanga-ngati ang lalamunan ko. Kelan pa ba nung huli akong kumanta? Matagal tagal na 'yon.


"Kapag ako ay nagmahal,
isa lamang at wala nang iba pa.
Iaalay buong buhay, l
umigaya ka lang lahat ay gagawin.

Tumingin ka man sa iba
Magwawalang kibo nalang itong puso ko.
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iniwang saksi

Bakit nga ba mahal kita
Kahit di pinapansin ang damdamin ko?
Di mo man ako mahal eto parin ako nagmamahal ng tapat sa'yo..."


"Yon naman 'yon eh!" Hiyawan nila at naghagikhikan ang iba. Napailing nalang ako. Pero hindi ko itatanggi na pumasok sa utak ko ang sitwasyon namin ngayon nina Anton at Solemn.


Totoo, minsan tinatanong ko sa dinami dami ng lalaki bakit kay Anton ako nagkagusto? Dahil ba siya ang unang lalaking napalapit sa akin na hindi kaibigan? Dahil siya ang unang pinagalayan ko ng sarili? Dahil siya ang tatay ni Thoren? Hindi ko alam. Pati ako di ko alam bakit. Ang alam ko lang mahal ko si Anton kahit masakit siyang mahalin.


Hindi gaya ng babaeng kumanta rito, hindi ako kasing martir niya. I may act as weak pero magmula nang maging nanay ako ay marami akong narealize.


Tulad ngayon, pinakasalan ako ni Anton dahil ayaw niyang magkaroon ng illegitimate child. Pero hindi niya naman ako mahal dahil si Solemn naman ang talagang mahal niya. Pero pinakasalan niya na ako kaya't wala akong planong pakawalan siya. I want him to be man enough to fulfill his promise. I want him to be a man of his words.


Kaya kahit alam kong in the process ay mayroong masasaktan, titiisin ko. Magwawalang kibo ako.


Napatingin ako kay Anton na andun na pala kasama ang mga ibang lalaki at nanunuod sa amin. Walang emosyon ang mga mata niya.


Iniwas ko ang tingin ko dahil nasasaktan ako. This song is for you, Anton. Ramdam mo ba?


Pagkatapos ko kumanta ay nagpalakpakan sila na tila ba ay may concert rito. "Ang galing!" Sigaw ni Saning.


"Hindi naman. Pero salamat." Nahihiyang saad ko.


"Ang ganda ng boses niyo ma'am! Bakit di kayo sumali sa mga contest-contest na 'yan?" Curious na taning ni Carlotta sa akin.


"Naku! Kesa sumali sa mga ganyan ay maghahanap nalang ako ng trabaho at mag-aalaga ng anak ko, no!" Natatawang tugon ko. Hindi naman talaga pumasok sa isip ko yun.


"Ganyan talaga basta ulirang asawa!" Saad ni Mang Danny isa sa mga trabahador na sinang-ayunan ng lahat. Ngumiti lang ako bilang tugon.


Ulirang asawa?


Kung asawa ngang maituturing? Napatingin ako kay Anton na nasa tabi ko na pala. Walang imikan kaming dalawa nang magkatitigan kami. Binigyan naman yun ng kakaibang kahulugan ng mga nakakita sa amin.


"Ay iba 'to! Parang love at first sight again!" Saad ng isang tabahador na nakalimutan ko na ang pangalan. Napangiti lang ako ng simple at hindi nagsalita.


"Maggagabi na kelangan na naming umalis. Sa susunod ulit. Ingat kayo dito at pagbutihin ang trabaho." Paalala ni Anton. Hindi naman ako kumibo. Ano bang sasabihin ko?


Nang makaalis kami ay wala parin kaming imikan. Una sa lahat, wala naman akong sasabihin sa kanya. Mukhang wala rin siyang gustong sabihin kaya't talagang tahimik. Pero hindi siya kumportableng klase ng katahimikan. to yung tipong mas gugustuhin mo pang lumabas ng kwarto kesa manatili sa loob. Kung may kutsilyo lang siguro akong dala maari ko nang hiwain ang tensyon sa loob ng kwarto, ang kapal. Nakakasakal.


Ilang beses akong bumuntong hininga para pagaanin ang tensyong nararamdaman ko.


"Ren..." panimula niya kaya't napalingon ako sa kanya.


"Ano?"


Akmang sasagot siya nang biglang tumunog ang cellphone niyang nakapatong sa sidetable. Kitang kita naming pareho kung sino ang tumawag. Napasinghap ako dahil parang naninikip ang dibdib ko. Siya na naman?


Calling...

My Solemn


Parang may bara sa lalamunan ko na ang hirap lunukin. Tangina! My Solemn daw kasi. Ang picture pa ng caller ID ay silang dalawa nakahalik siya sa pisngi ni Solemn habang nakapikit ang dalaga. Wow! Ang sweet naman!


"Sagutin mo na." ani ko at humarap sa bintana para di ko na makita ang letseng cellphone. 'Pag ako ang nakahawak diyan sa cellphone na 'yan papaltan ko lahat ng litrato nila diyan ng litrato namin. Makita nila!



"Hello baby," napakagat ako ng labi. Ang sarap paulanan ng mura ang gagong ito. Pero sige lang. Kaya ko pa.  I'm Cristine Lauren Javier, ano lang ba ang sakit na 'yan?


"What!" napalingon ako sa kanya na namumutla. "Where is she? What happened?" nag-aalalang tanong niya. Napabalik ang tingin ko sa bintana at pilit nalang inaadmire ang view. Pero shit talaga! Hindi ko magawa.


Kelan ka kaya mag-aalala sa akin ng ganyan, Anton?


"I'm comming. Is she okay? Di naman siya napuruhan? Damn it! I'll sue that fucking bar for this!" saka niya galit na ibinaba ang cellphone. Nakatitig lang ako sa kanya. Nakuha niya kasi ang atensyon ko nang sabihin niyang papunta na siya. Umuulan sa labas at gabing-gabi na, anong pumasok sa kokote nya?


NAkita ko siyang kinuha ang maleta niya, "Saan ka pupunta? Iiwan mo ako rito?" may hinanait na tanong ko.


"Stop this, Lauren. I don't have time for this."


"Bakit? Kasi kelangan ka ni Solemn?" napabaling ang tingin niya sa akin. Sinalubong ko ang nagbabaga niyang tingin sa akin. Hindi naman siya nagsalita kaya't nagpatuloy ako. "It's raining outisde. Kung rain pa ba yan na maituturing sa lakas niyan. At isa pa, gabing gabi na! Mag-isip ka naman, Anton. Mapapahamak ka." kalmante kong saad. Nakakuyom ang kamao ko sa pagpipigil na sumigaw.


"I don't care, she needs me." aniya at pinagpatuloy na ang ginagawa.


"Susuong ka sa dagat?" di makapaniwalang tanong ko.


"Oo! Stop questioning me! Pakiusap. Ayokong mag-away tayo dahil kahit papaano ay asawa kita," natahimik ako sa sinabi niya.


Wow, nakakainsulto pa ata na naging asawa niya ako. Kahit papaano? Kahit papaano lang? IS that even the right term when you're pertaining to your wife? I don't think so.


"Stop, Anton. Sleep. You're not going anywhere." mariin kong saad kahit ang hirap na magsalita. He will risk his life just because Solemn needs him. So iiwan niya ako rito? Mag-isa? Habang halos bumagyo sa labas? Wow, dude! I've never felt so worthless!


"Stop this, damn it! You're not going anywhere!" sigaw ko nang papalabas na siya ng kwarto. Nilingon niya ako at tinitigang mabuti. Ngumiti siya ng mapait na siyang ikinagulat ko, "She's my anchor and my happiness. And she needs me." saka siya umalis na para bang naipaliwanag ng sinabi niya ang lahat ng tanong ko.


Pagkasara ng pinto ay tumulo ang luha ko. Damn it! Umalis siya dahil kailangan siya ni Solemn. Kapag ba sinabi kong kailangan ko rin siya, babalik siya?


I don't think so.

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...
2.7K 569 33
©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: January 3, 2022 Ended: May 27, 2022 "I never realized you were my home, until I noticed that I always ran t...
108K 1.5K 62
What will happen if two completely stranger married people trapped together in a total stranger island and be forced to rely on each other in order t...
7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...