Deal Breaker (Published under...

By swirlybitch

5.4M 96.2K 7.5K

Princess Nicole "Nick" Madrigal wants nothing more than to regain the independence that she lost noong nalama... More

Chapter 1: Goddamn Shoe
Chapter 2: Hala, Nas'an na?!
Chapter 3: By Hook Or By Crook
Chapter 4: Stiletto Heels, You Rock!
Chapter 5: I Should've Stayed
Chapter 6: Akala Ko
Chapter 7: Lesson No. 1
Chapter 8: Reconciliation
Chapter 9: Sweetest Instant Noodles Ever
Chapter 10: WDF?!
Chapter 11: Train Train Go Away
Chapter 12: The Sister I Never Had
Chapter 13: Love Sick
Chapter 14: I'm Sorry
Chapter 15: Third Wheel
Chapter 16: First Time In My Bed
Chapter 17: ABC Song
Chapter 18: Back Off
Chapter 19: Good Night Gone Bad
Chapter 20: I Lo-- Ano Daw?!
Chapter 21: He Left
Chapter 22: She Got Drunk, He Got Heartbroken
Chapter 23: I Just Can't Help It
Chapter 24: His
Chapter 25: Oh No
Chapter 26: The Truth.. It's Sad
Chapter 27: What Now?
Chapter 28: Ano Na Naman 'To?!
Chapter 29: What Really Happened
Chapter 30: Moves Like Jagger?
Chapter 32: The Meet
Chapter 33: All About Us
Chapter 34: Will You Take Me Away With You?
Chapter 35: Don't Say It, 'Coz You'll Definitely Break My Heart
Chapter 36: The Truth... It Sucks
Chapter 37: Only Him
Chapter 38: Bestfriends' Day. Yay!
Chapter 39: The Phone Call
Chapter 40: Love Me, Love Me, Say That You Love Me
Chapter 41: Boy Talk
Chapter 42: Versus
Chapter 43: Dreams
Chapter 44: This Is It
Chapter 45: Dealing With It
Chapter 46: Too Late?
Chapter 47: Tragic
Chapter 48: What About Love?
Chapter 49: Points Of View
Chapter 50: Let's End This From The Start, Shall We?
SIDE STORY - Shut Up Or I'll Kiss You
OTORS NOWT: LAST NA TO! HEHEHE.
The Story Behind THE STORY.

Chapter 31: Nasaan Na Ako?!

67.4K 1.1K 38
By swirlybitch

It's been almost a week at wala pa ding nagbago sa sitwasyon ko. Isa pa rin akong 18 anyos na batang babae na nakakulong sa piling ng mga lalaking bulong ng bulong. Kahit saan ako magpunta, nakasunod sila. Badtrip di ba??

Kahit sa school. Si Ed lang ang palaging nasa tabi ko. Pero the rest, nakakalat sa buong campus. Ang original nilang plano eh ilipat ako ng school. Tss. Hindi ako pumayag.

Bakit?

Kasi DISASTER YUN!! Ewan ko ba sa mga to. Parang ewan, kung ano na lang pumasok sa utak. Bigla na lang gagawin. Nasa canteen kami ngayon.

"Ampogi naman niya."

"Oo nga eh... Yummy teh."

"Mmmm. Ambango!! Amoy lalaki!"

"Gaga! May amoy bakla ba?!"

"Oo. Ikaw!"

"Hahahahaha!!"

May mga magkakabarkada sa tabi namin ni Ed. Ed ang tawag ko sa kanya, hirap tandaan ng pangalan niya eh. At si Ed ang topic nila. Hindi pa din kami nag-uusap at wala akong balak kausapin ang lalaking to. Hindi ko alam kung pano nangyari, pero classmate ko yata siya. Nasa room siya kasama ko palagi. Badtrip diba?

Ngayon, iniisip mo ba kung bakit ang napakamiserable ng buhay mo? ISIPIN MO NA LANG KUNG ANONG ITATAWAG KO SA BUHAY KO.

DOMINIC!!!

 

May panyo bigla sa harap ko, tinignan ko siya ng masama. Lumapit siya at bumulong sa kin.

"Tumutulo na po ang luha niyo miss." pinunasan ko yun gamit ang sarili kong kamay at tinignan ko siya ng masama.

  

"Ay. Sayang magjowa yata sila."

"Hindi mo ba nakita teh? Umiiyak si girlalooo! Nag-aaway yan. Moment na natin to."

"Ayeah!! kaya pa agawin."


Lumingon ako sa kanila, tapos bigla silang tumahimik at umalis.

"Nick!! Teh!!" tapos may biglang dalawang bakla ang yumakap sa kin.

"Hay! Miss ka na namin day!!" tapos humiwalay silang dalawa. At halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.

"Nate?! Arturo?!" Tanong ko.

"Nate? Nate ka diyan! Ako si Tanya! Ano ka ba teh!" sabi sabay hampas nang malumanay sa braso ko.

"Arturo?! Wit ako si Arturo day!! Arti! Arti ang name-sung ko." dugtong niya sabay flip ng wig niya.

"Anong nangyari sa inyo?"

"Kilala niyo ba siya miss?"

"Ay... sino to? Mmmm. Amoy papa." Sabi ng gay na si Arti, tapos inamoy niya si Ed. Ako? Nakatingin pa din sa kanila ng naguguluhan.

"Ay day! Di ka type niyan ni pogi. Di ba?!" tanong naman ni Tanya. Sumingit siya kay ed at artiii tapos nagpacute siya kay Ed.

"HAHAHAHAHA!" Hindi ko na napigilan yung tawa ko. Halatang awkward para kay Ed ang lahat. At natutuwa ako na hindi siya komportable.

"Miss, kilala niyo ba sila?" pag-uulit ni Ed sa kin.

Tumango ako.

"Sino siya Nick? Jowaers mo? Pwede matikman? Kahit konti lang day!" tanong ni Arti.

"Tss! Tumigil ka. Ako kahit hindi konti lang, kahit isang buo kaya ko yan teh!" singit ni Tanya.

Hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang mga pinagsasasabi nila, pero magaling sila ah. Baka naman bakla talaga sila. "Hahaha! Sige! Gusto ko kainin niyo ng buo para mawala na sa tabi ko!" Tapos tumingin ako ng masama kay Ed.

Napalunok siya. Hindi siya sanay na kasama ang mga bakla. "Nasa labas lang po ako..." Tapos dali-dali siyang lumabas, para makaiwas kila Arti at Tanya. Baka kainin pa siya ng buo ng dalawang ito. Naiwan ako kasama ang dalawang bakla na to.

"Hindi ako makapaniwala. BAKLA KAYONG DALAWA?!"

"Tss! Mamatay na!" Angal ni Arti gamit ang lalaki niyang boses.

"F*ck! This is the most embarassing thing I've ever done!" sabi ni Tanya gamit din ang boses niya na normal.

"Ha?!"

 "Tss. Sumama ka sa 'min." Hinatak nila kong bigla papunta sa kabilang labasan ng cantene. May malapit na cr dun at dun nila ko pinasok.

"Anong ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila.

Inabutan nila ko ng damit, bagong bag, shades at ano to?? Wig??!!

"Disguise!" sabi ni Nate.

"Disguise? Para saan?" tanong ko.

"Seriously Nick? Gusto mo bang makaalis dito? Bilisan mo, bago malaman ng lalaking yun na nawawala tayo." Bulong ni Art. Pero halata na nagmamadali sila.

Mabilis akong nagbihis at habang nagbibihis ako, they give me instructions. Pumunta daw ako sa interfate chapel at may red na kotse daw doon. Pumasok daw ako doon and they'll be inside. Waiting. And then yun na bigla silang umalis.

Saan ko iiwan yung mga luma kong damit? At ano tong pinasuot nila sa kin? Think of disguise. I'm wearing whtie spaghetti shirt on top of it is a cream coat. Then a suuupppeeerr short shorts and an unbelievably super high heeled boots. May shades na malaki and yung wig It's a long wavy brunette hair.

Nung sinoot ko, Infareness. Di siya mukhang fake. Kung ordinaryong araw to? Hinding hindi ko isusuot ang mga to. Pero poootek! Desperado na kong makalabas dito no!

Llumabas ako ng c.r, tapos tinapon ko yung mga damit ko sa trashcan.

Nakita ko si Ed at hinahanap na niya ko.  Pero naglakad lang ako ng normal. Sana naman hindi nila ko makilala.

Nasa interfate chapel na ko at isa lang ang red na kotse doon ngayon. Pumasok ako sa back seat at nandoon nga sila.

"May nakakita ba sa'yo?" tanong ni Nate once I've settled on my seat, siya yung nasa driver's seat.

"Oo."

"Ha?!" gulat na tanong ni Art na nasa passenger's seat.

"Malamang. Pero wala namang nakakilala sa kin. As of the moment."

At sabay na nakahinga nang maluwag ang dalawa. Napansin ko din na wala na silang make-up.

"So..."

"Pwede may sabihin muna ako?" tanong ni Art. Tinignan niya ko, tapos si Nate. Tumango si Nate. Seryoso pa din mukha niya "Goddamn shoe girl! You're one hot piece of a shit." Biglang namula yung mga pisngi ko, tapos hinatak  ko yung shorts na ubod ng ikli. Hoping na humaba siya.

"Stop it Art! We need to focus." Tapos nag-umpisa nang umandar yung kotse. 

"Oo nga pala." Art said, focusing kung ano man yung task nila at hand.

"Kay Dominc ba tayo pupunta?"

Tumango silang dalawa.

"So inutusan niya kayong magbakla-baklaan para makuha ako?"

"Hell no!!" sagot nilang dalawa ulit.

"Nagmakaawa siya." Sabi ni Nate.

"Oo tama. Lumuhod. Umiyak at nagmaka-awa." dugtong ni Art

"Ha? Umiyak siya?!" Alam kong imposible, pero nalungkot pa din ako.

Binatukan ni Nate si Art. "Hindi." bawi ni Nate.

"Malapit na tayo sa gate. Ini-inspect nila yung mga id's natin. Nick, may ID ka diyan sa loob ng bag mo. As good as the original. Yan ang ipapakita mo."

Tapos nung nasa gate na kami, nagkaroon nga ng inspection. Hindi naman ganito dito dati ah.

"Miss. ID mo" tanong ng isa sa mga guard. Kinuha ko yung ID sa shoulder bag na binigay nila. And whoa! Kamukha ko nga. Yung disguised na ako. Paano nangyari yun?

Ibinalik niya sa kin yung ID, matapos kilatisin nung guard at nakalabas na kami ng payapa. Nakangiti yung dalawa ng ubod ng lapad.

"Tae yan si Dominic. Kung hindi lang dahil sa kotse na ibibigay niya. Hindi ako papayag sa ganito eh." Sabi ni Art.

Tumango lang si Nate. Nakangiti.

"So kay Dominic na tayo pupunta?" Tumango ulit sila ng nakangiti.

Hindi ko alam kung saan namin specifically pupuntahan si Dominic, pero palabas yata kami ng city. Makalipas ang ilang oras ang dami ng puno kong nakikita eh, wala din masyadong sasakyan na nagdadaan.

"Saan tayo pupunta?" pang-ilang tanong ko na.

"Kay Dominic mo." sagot ni Nate.

"Ayiiieee!" tukso ni Art.

Namula ulit yung pisngi ko. "Eh san yun?"

"Sa lugar na hindi mo pa daw napupuntahan." sabi ni Art.

"I'm wondering. How come you haven't been to that place. You're pathetic nick."dugtong ni Nate. Nakangiti naman siya ng kaaya-aya, kaya hindi ako nainis sa sinabi niya.

"Ha?!"

Putik! Nagmumukha na kong tanga dito ah. Saan bang lugar yung hindi pa ko nakakapunta? Ang dami nun! Waaaaahhh! Saan ba kasi yun?!

"May sumusunod sa 'tin." bulong ni Nate.

"Ha?! " Na naman Nick? Wala ka na bang ibang sasabihin kundi "ha?!" 

"Sila ba ang body guards mo Nick?"tanong ni Art sa'kin. Seryoso na mukha nilang dalawa. Tumingin ako sa likod at may tatlong kotse na nakasunod nga sa min.

"Hindi. Itim yung mga kotse nila. Hindi grey." tapos umayos ulit ako ng upo. Nakita kong tensyonado na yung dalawa. Fury in their eyes.

So kung hindi yun ang mga body guards ko, sino sila? Biglang lumapit yung mga grey na kotse. At huminto bigla yung sinasakyan namin. Nagulat na lang ako na nasa harap na namin yung dalawang kotse tapos yung isa sa likod, blocking our way. Biglang humigpit yung pagkakahawak ni Nate sa manibela. 

May mga lalaking lumabas doon sa mga kotse, at ang daming nila. Kinatok nila yung bintana namin, pero hindi bumababa si Nate, o si Art o ako.

"Art, I think I know who's behind all this." sabi ni Nate kay Art.

"Ako din pre. At wala na tayong magagawa." sagot naman ni Art.

"Pero hindi naman sigurong masama ang lumaban di ba?" Nakangiti sila. Putek.

"Teka. Teka. Anong nangyayari?! Hello?! Nandito kaya ako."

"Kaya nga dito ka lang. Wag kang lalabas." Utos ni Nate.

"Tama. Pero pagkatapos nito, don't worry. Sumama ka sa kanila ng maayos. Susunod si Dominic sa'yo." sabi ni Art sa'kin.

"Ano daw?!"

Lumabas silang dalawa, tapos next thing I knew, nakikipagsuntukan na sila sa labas. May mga napatumba sila pero nakita ko si Nate na nasuntok ng ubod ng lakas ng malaking mama. Si Art naman yung sunod.

Yung tibok ng puso ko ubod ng lakas.

Kinakabahan ba ko? OO! UBOD NG SOBRA SOBRANG KABA!! WAAHHH! Biglang bumukas yung pinto ng kotse at may dalawang lalaki na sumakay sa magkabilang gilid ko at may isa sa driver's seat.

"SINO KAYO??! SAAN NIYO KO DADALHIN??! WAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko. Hindi ako normal na sumisigaw, sa mga pagkakataon lang talaga na kailangan. Kagaya ngayon.   Tinakpan nung dalawang katabi ko yung tenga nila.

"Miss. Tumahimik ka nga." utos nung lalaki sa kanan ko.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!"

 "Isa pa miss masasak---" banta niya s'akin.

"Tumahimik ka." sabi nung lalaki sa driver's seat. Umaandar na pala kami.

Nasaan na si Nate? Si Art? Pa'no na sila?  Waaahhh!

"Eh nakaka-asar ang ingay ng babaeng to eh." dugtong nung lalaki sa kanan ko pa din.

"Ang utos, dalhin siya ng walang galos. Kapag may ginawa kayo sa kanya. Ako ang makakaharap niyo." sabi nung lalaki sa passenger seat.

Malaki siyang maitim na lalaki, pero kalmado yung boses niya. Yung dalawa sa tabi ko? Wag niyo na tanungin, wala akong balak manlait ngayon. 

Umandar ng umandar yung kotse hanggang sa dumating na kami sa kung saan man to. Unti unting huminto yung kotse.

"Nandito na tayo miss."

Bumaba ako sa isang mansyon. Isang ubod ng laking mansyon, actually nasa garden pa lang ako. At yung pinaka-bahay? Nanduuuuuuuuunnn!


NASAAN NA KO?!





-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

OTOR'S NOWT:



nasa'n na si nick?

malay ko.

hahaha.



anyways.

mamaya na ulit.

aral pa ko acco eh..

next.


is..




something you never expected.




eks.ow.eks.ow

-otor 

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...