I Almost Do ✅

By BlueAmazon

103K 1.8K 549

[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #5: Cristine Lauren When she thought they were never meant to be together... More

I Almost Do
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 - ANTON
Epilogue
Heels & Sneakers
Dear Marco

Chapter 24

1.7K 35 11
By BlueAmazon

Chapter 24


Naglilinis ako ng bahay ng biglang may kumatok sa pinto ko at tumunog ang doorbell. Nilingon ko ang natutulog kong anak at napangiti. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang noo niya. Kumunot ang noo niya pero di nagising.

Binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ng babaeng hindi ko inaasahan na darating rito. "S-Solemn..."

Ngumiti siya pero halata ang pagod sa mata niya, "Pwede mo ba akong papasukin?" Nagaalinlangan man ay pumayag ako.

"Juice? Coffee? Softdrinks? Or water?" Offer ko pero umiling lang siya.

"I'm fine. Kakalunch ko lang." Napansin kong napatingin siya sa anak kong natutulog sa stroller niya.

"Pwede ko bang malaman kung bakit ka nandito?" Mahinang tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya pero saglit lang dahil nagbreak down din siya. Awang awa ako sa kanya. Magkaibang hirap ang dinadanas namin pero hirap parin yun. "Gusto kong magalit sa'yo, Cristine. Pero bakit hindi ko magawa?" Umiiyak na tanong niya.

Namasa naman ang mga mata ko kaya pinunasan ko ito, "Kasi mabait kayo." Sagot ko.

"Wrong answer," aniya, "Dahil mabait ka. You don't deserve this. Gusto kong ipagdamot si Anton pero alam ko kung gaano niya kagusto magkaanak." Umiwas ako ng tingin. Hindi naman kasi ganun ang nakikita ko.

Bumuntong hininga siya, "You might not believe me now but someday you will."

"What's his name?" Tanong niya.

"Thoren Marco Javier." Kumunot ang noo niya.

"Shouldn't it be, Sylvestre?" Halata kong nasasaktan siya pero pinipilit niyang ipagsawalang kibo iyon. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

"Ayokong manggulo, Solemn. Hindi naman ako pinalaking ganun. Hindi ko gustong agawin si Anton sa'yo. Yes, I love him. Hindi ko idedeny. Pero anong purpose nun? Ayokong masaktan ang anak ko Solemn. At alam ko kung anong plano mo. Plano mong magparaya tama ba ako?" Ngumiti ako ng mapait.

Bakit hindi nalang siya maging masama? Yung tipikal na possessive girlfriend? Bakit kailangan halos sunayad na sa langit ang kabaitan niya? Bakit ganun? Hindi ko tuloy magawang magalit sa kanya.

"He broke off the engagement." Napatingin  ako sa kanya dahil dun. "And it's fine with me. You both need him more than I do." Umiling ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Just promise me one thing,"

"No. Ayoko. Bakit mo ba to ginagawa, Solemn?" Angal ko pero ngumiti lang siya.

"Can you please take care of him?" Parang bombang pinakawalan niya ang mga salitang yon. Pakiramdam ko naman ay isa akong nauupos na kandila. Diyos ko po, tuluyan na ba akong nakasira ng relasyon? Diyos ko, ayaw ko po nito. Kailan po ba titigil ang paghihirap na ito?

"Please, Cristine. I know you can love him more than I could." Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya.

"He hates carrots. Wag na wag mo siyang pakakainin nun. He loves to travel. He hates responsibilities pero hindi ibig sabihin ay iiwanan niya iyon sa ere. His favorite color is green. Tamad siya. Wala siyang alam na gawaing bahay--" hindi niya naipagpatuloy kasi napaiyak na siya. Hindi ko rin napigilan ang lumuha.

"He already knows how to cook, Solemn." Sagot ko. Naalala ko kung paano siya magluto noon kapag naabutan ko siya sa tinitirhan niya. "Hindi na siya ganun katamad. Nung nasa isla pa kami, kaliwa't kanan ang trabaho niya. Mahilig nga lang sa away." Bahagya kaming natawa pareho.

"Responsable na rin siya." Naaalala ko kung paano niya ipagsabay ang mga trabaho dahil sa hirap ng buhay sa isla. "Pero lagi kong pinagtataka kung bakit parang hindi siya bagay sa lugar na iyon. Iyon pala ang sagot. Mayaman pala siya. Sa mundo niyo siya napapabilang. Hindi sa amin. Maaari ngang mahalin ko siya ng higit sa kaya mo kahit ilang beses niya akong saktan. Pero hindi ibig sabihin nun ay ganun rin ang gagawin niya sa akin. Sa mundo niyo siya nabibilang. Sa iyo siya nararapat." Hindi siya nakasagot sa sinabi ko at nanatiling nakaamang na parang naubusan ng sasabihin.

"Mahal mo siya hindi ba? Bakit mo siya pinapasa sa iba, Solemn? Hindi niya yan magugustuhan. Kung mahal mo siya, ipaglaban mo. Kung sana lang mahal niya rin ako pero hindi e. Swerte mo nga kasi kahit ilang babae ang dumaan sa kanya. Andyan parin ang puso niya sayo. Ikaw parin ang mahal niya."

Saying those words is like picking up a knife and stabbing myself. Damn it! Alam kong mabait ako pero hindi ko inasahan na magiging ganito ako kabait na kaya kong isakripisyo ang nagiisang lalaking minahal ko.

Kailan kaya ako magpapakaselfish? Kailan kaya ako magkakaroon ng akin na matuturing? Napatingin ako sa anak ko. Ah, tama. Meron nga pala akong anak na hinding hindi ako ipagpapalit.

"Aalis na ako. I mean for good. Matagal ko na itong plano. Mag-aaral ako ulit." Aniya. Napakunot ang noo ko.

Naiinis na ako sa kanya. Bakit ba pinapasa niya sa akin si Anton? Hindi niya ba talaga ipaglalaban ito?

"Ang kulit mo eh ano?" Medyo naiinis na sabi ko pero ngumiti lang siya.

"I can be very persuasive if I have too."

"Sige aalagaan ko siya. Pero hindi ko maipapangako na hindi ko gagawin ang lahat para mahulog siya sa akin. At kung sakaling magtagumpay ako, wag mo akong sisihin ha?" Biro ko. As if magagawa ko yan. Halos iwasan ko nga ang bwisit na yon. Akala ni Anton natutuwa ako sa kanya sa lahat ng sinabi niya sa akin? Asa.

Ngumiti siya at umalis na lang. Hindi ko na siya hinatid.

Napasandal ako sa sofa. Bakit ganun? Bakit kahit galit na galit ako kay Anton meron parin sa aking nagmamahal sa kanya? Tangina! Ang tanga ko talaga! Nakakainis! Kailangan mawala na ito. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko!

Pinagpatuloy ko ang paglilinis sa buong bahay. In that way, mawawala sa isip ko ang lahat ng problema. In-on ko na rin ang music player para hindi naman boring kahit papaano.

Wish I could be the one
The one who could give you love

Sinamaan ko ng tingin ang music player dahil sa music na pinatugtog niya. Oo na, kahit kanta lang affected pa rin ako! Kainis!

I'm not the one you're needing
I love you, goodbye.

"Lauren..."

Napalingon ako sa pinto. Nakita ko roong nakatayo si Anton na medyo gulo gulo ang buhok at mapula ang mata. Hindi ko tuloy mawari kung lasing lang ba siya o umiyak.

Tumalikod ako. Ano ba naman! Ayoko siyang makita. "Bakit ka nandito?"

"I got the result." Rinig kong sabi niya. "I-I can't believe it. How...how did it happen?" Mahinang bulong niya. Ang boses niya ay may pinaghalong disbelief at amazement. Na para bang nakakita siya ng isang pambihirang magic trick.

"Gusto mo ipaalala ko sa'yo?" Sarkastiko kong tanong habang naglilinis. Namula rin ako agad nang mapagtanto ko ang sinabi ko sa kanya. Shit talaga yan bibig mo, Tine!

Narinig ko siyang natawa ng bahagya. "Oh I remember it clearly." Aniya bago tumahimik. Nacurious ako kaya nilingon ko siya at parang piniga ang puso ko nang makita ko siyang nakatayo sa harap ng anak ko at pinupunasan ang pisngi nito. Namamasa rin ang mga mata niya.

Huminga ako ng malalim. You still hate him, Tine. Masama pa rin siya. Nagawa niyang sabihin sa'yo ang lahat ng 'yon last week ng walang kurap. Wag kang makaramdam ng awa.

"P-pwede ko ba siyang kargahin?" Tanong niya. Kumuyom ang kamao ko. Ngayon parang anghel na ulit siya?

"Mamaya na. Baka magising siya." Malamig na saad ko habang pinagpapatuloy ang paglilinis. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa walis na kitang kita na ang pamumuti ng kamay ko sa sobrang higpit.

"A-ah...ganun ba? S-sige." Nauutal na sagot niya bago tumahimik ulit.

Hindi kami nagusap. Wala naman kaming paguusapan e. Wala na akong sasabihin sa kanya.

"M-mommy?" Nilingon ko si Thoren na ngayon ay nakatitig kay Anton. Nakikipagtitigan rin si Anton sa kanya. Dahan-dahang kumalat ang ngiti sa labi ni Anton habang namasa ang mga mata niya. May kung anong naramdaman ako sa dibdib ko pero pinagwalang bahala ko.

"Hello, buddy." Basag ang boses na bati ni Anton sa anak ko.

Yumuko si Thoren. Tanda na nahihiya siya. Hindi kasi tulad ng ibang bata medyo mahiyain si Thoren. Hinawakan ni Anton ang pisngi ni Thoren bago dahan-dahang lumapit sa kanya at hinalikan ang noo niya.

Hindi ko namalayang pigil ko na pala ang hininga ko.

Binalingan niya ako ng tingin pero saglit lang dahil iniwas niya rin agad iyon. Tumayo siya at pinagpagan ang pantalon. Isang bagay na hula ko ginagawa niya tuwing hindi siya kumportable.

"Ready yourself we'll get married as soon as possible."

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
18.9K 631 66
"Are you flirting with me Doctor Hace Vinagracia?" Tanong ko habang nakataas pa ang isang kong kilay at pinag cross ang braso sa dibdib. "I'm afraid...
5K 55 27
"Ni minsan ba minahal mo ako? O pinilit mo lang ang sarili mong mahalin ako dahil kapag kasama mo ako pansamantala mong nakakalimutan ang pag-iwan ni...
2.7K 569 33
©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: January 3, 2022 Ended: May 27, 2022 "I never realized you were my home, until I noticed that I always ran t...