I Almost Do ✅

By BlueAmazon

103K 1.8K 549

[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #5: Cristine Lauren When she thought they were never meant to be together... More

I Almost Do
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 - ANTON
Epilogue
Heels & Sneakers
Dear Marco

Chapter 19

1.6K 38 5
By BlueAmazon

Chapter 19


Nagising akong masakit ang buong katawan. Unang bumungad sa akin ang maputing ilaw. Ale nasa langit na ba ako? Iiling sana ako kaso parang may harang sa leeg ko kaya't kinapa ko ito.


"Mommy?" Tanong ng isang maliit na tinig. Dahan-dahan kong nilingon ang pinanggagalingan ng boses at nakitang nakapatong siya kay Laura. Namumugto ang mga mata ng kapatid ko samantalang may bakas pa ng pag-iyak sa mata ng anak ko. Parang pinunit ang puso ko.


"L-laura?" Tawag ko sa kapatid ko. Naninibago ako sa boses ko. Para kasing hindi ako. Paos ang boses ko ngayon e.


Dahan dahan namang dumilat si Laura, "Ate!" Bati niya nang makitang gising na ako. Saka nagsituluan ang mga luha niya.


"Ate, ano ba naman ang pumasok sa kokote mo? Tatlong araw kang walang malay! Alam mo ba kung gaano mo kami tinakot? Ate naman." Reklamo ni Laura.


"S-sorry," mahinang saad ko. "Anong n-nangyari?"


"Sumalpok ang sasakyan mo sa puno. Iniwasan mo raw kasi yong lasing na driver na iyon! Buti nga sa kanya naka kulong na." Nakaramdam naman ako ng awa sa driver.


"D-di lang ang driver may kasalanan. A-ako r-rin kaya." Sabi ko sa kanya.


Hindi niya ako pinansin, "Kamusta ka na ate? Okay ka na?"


"O-oo. Hirap m-magsalita."


Sasagot pa sana siya nang may magsalita sa may pinto. Isang boses na di ko inaasahang maririnig ko pa.


"Anak?"


Nilingon ko agad ang pinanggalingan ng boses. Nagrereklamo ang leeg ko sa biglaang paglingon pero wala akong pakialam. My parents are standing in the doorway. "Nay, Dad." Ani ko.


Tinakbo ni nanay ang distansya namin at niyakap ako. Hindi sobrang higpit pero nangrereklamo talaga ang katawan ko. "Patawarin mo ako, nak. Pasensiya kung umabot sa ganitong pangyayari bago kami lumapit sa'yo. Patawad, Tine. Patawarin mo na kami."


Gusto kong magbiro pero masakit ang lalamunan ko kakasalita at wala pa akong boses na hindi ko alam paano nangyari, "A-ayos na po y-yun. S-sorry rin po."


"Shhh. Ayos na yon. Tanggap ka namin. Alam ko naman na may malalim na rason para sa nangyari." Sabi ni daddy na nagpaiyak sa akin.


Miss na miss ko na sila. Simula nang itakwil nila ako ay talagang nabawasan ang pagkatao ko. Mga magulang ang laging naririyan para sa iyo. Medyo natagalan bago ako tinanggap ulit pero worth it. At least ngayon, alam ko nang hindi naman talaga ako nag-iisa.


Natahimik sila kaya nagtaka ako. Nakita kong nakatingin ang mga magulang ko sa pogi kong anak. Napangiti ako dahil ang inosente ng mukha nito habang naka-thumbsuck. Namasa ang mata ni nanay, "Siya na ba?"


"O-opo." Sagot ko.


"Kegwapong bata. Mana sa lolo." Pabirong saad ni daddy pero alam ko na agad na nakuha ng munting anghel ko ang puso ng mga lolo at lola niya.


"Lalo akong nanlulumo na hindi ko agad kayo tinulungan. Anong klaseng nanay ba ako?" Malungkot na saad ni nanay. Pinilit kong makaupo pero pinigilan nila ako.


"T-tama ang ginawa niyo n-nay. Kung di niyo ginawa 'yon, m-marami akong hindi matututunan. Dahil don, t-tumapang ako kahit papaano." Nakangiti kong sagot. Mas napangiti ako nang kunin ni nanay si Thoren na nagpakarga naman agad na ikinagulat namin ni Laura.


Sinandal ni Thoren ang ulo niya sa dibdib ni nanay saka pinagpatuloy ang pagtathumbsuck.


"Pasensiya na talaga, Tine. Patawarin mo ang nanay." Naluluha na saad ni nanay at lumapit sa akin. Natawa naman ako ng mahina.


"Ang kulit ng nanay. Lambingin mo nga yan dad? Kulang lang yan sa lambing e." Nanaig naman ang tawanan sa kwarto.


"Oh my God." Natigilan ako nang marinig ko ang singhap ni Laura. Napatingin ako sa tinitingnan niya at nanlamig nang makita ko roon si Mrs. Sylvestre kasama ang babaeng mahal ng tatay ng anak ko. Naglaglag ang panga ko. Shit! Anong ginagawa nila rito?


"Ma'am! Nako kanina pa po ba kayo? Talagang nagabala pa po kayong bumisita." Ngiting-ngiting bati ni daddy sa kanya. Hindi ako makagalaw. Parang bigla akong naubusan ng sasabihin. Isa lang ang nasa utak ko ngayon. Si Thoren. Andito si Thoren at naririto naman ang nanay ni Anton. Kasama ang babaeng mahal niya! Shit!


"Wala lang 'yon, syempre bibisita ako sa anak ng tapat at masipag kong empleyado." Tinapunan niya ako ng tingin. Nakangiti siya pero di ko mabasa kung anong nasa utak niya. Hindi ko alam kung ano ang nasa likod ng mga ngiting iyan niya. "Kamusta ka, hija?" Sa tanong niya alam kong hindi lang kalagayan ko ngayon ang kinakamusta niya.


"Ah, where are my manners. Eto nga pala ang fiancè ng anak kong si Raymond, si Solemn Anastavio." Ngumiti naman si Solemn at binalingan ako. "Hello,"


Gusto ko siyang sungitan. Gusto ko silang palayasin. Gusto ko silang duraan at mura murahin. Pero anong mapapala ko sa gagawin kong iyon? Wala naman diba? Pilit na ngiti ang ginawad ko sa kanila.


"I'm f-fine. S-salamat po sa pagbisita." Paos kong saad.


"Bumisita lang talaga kami rito." May inabot si Mrs. Sylvestre na prutas sa basket kay daddy na malugod na tinanggap ng tatay ko. "At nagdala mg prutas. Pagaling ka ha, hija? I'm looking forward to meeting you again." Hindi ako sumagot. Ano pa ba ang sasabihin ko?


Nakahinga ako ng maluwag nang maglakad na sila papunta sa pinto. Konti na lang. Konti na lang talaga at makakalabas na sila. In fact nakalabas na si Solemn at si Mrs. Sylvestre nalang ang inaantay kong makalabas, nang biglang umiyak si Thoren.


"Mommy!" Iyak nito at nagpupumiglas sa hawak ni nanay. Nanlamig ako lalo na nang abutin ako nito. Nakatalikod ito kay Mrs. Sylvestre kaya't hindi nito makita ang anak ko. Bumalik bigla ang kaba ko at nakita kong namutla si Laura. Syempre siya lang ang may alam sa lahat ng nangyayari.


"Maya na baby, masama pa pakiramdam ni mommy." Sabi ni nanay pero nagpupumilit si Thoren kaya inabot niya ito sa akin. Nakatingin sa akin ang umiiyak na mukha ni Thoren. Pulang-pula ang buong mukha nito kakaiyak habang nakapasak sa bibig nito ang kamay.


"Shhh," pagpapatahan ko.


"Anong nangyayari sa poging apo ko?" Tanong ni daddy kaya napalingon sa kanya si Thoren.


Nakita ng dalawa kong mata kung paano nanlaki ang mga mata ni Mrs. Sylvestre at ang pamamasa ng mga mata niya habang nakatingin kay Thoren. "Jesus," usal niya at kita ko ang panginginig niya.


Kinarga naman ni daddy si Thoren. "Ah ma'am, eto nga po pala ang apo ko. Thoren Marco Javier. Mag-hi ka baby?" Dad cooed. Nanatiling nakatitig si Mrs. Sylvestre sa bata. Iniwas ko ang tingin ko at nakadapuang tingin ang nanay. Alam kong may duda siya sa nangyayari pero alam ko ring hindi niya ako papangunahan. Si daddy lang ata ang walang kamuwang-muwang sa tension sa kwarto e.


"I-ilang taon na siya? Kay gwapong bata naman," ani Mrs. Sylvestre pero pilit ang ngiti niya.


"Ah..." natigilan saglit si daddy at nilingon ako. Napatingin din tuloy sa akin ang ginang. Mariin ang paraan ng paninitig niya sa akin. May mga tanong sa mata niya pero hindi ko pinansin. "Tine, ilang taon na nga itong si Thoren?"


"One year and two months po, dad." Ani ko.


"Ah ayun!" Natatawang saad ni daddy.


"Ayos lang ba na kausapin ko ang anak mo, Laurence? May itatanong lang ako. Balita ko kasi wala na siyang trabaho?" Nagningning ang mga mata ni daddy sa pagaakalang purong trabaho ang paguusapan namin ng boss niya.


You're wrong dad. You're very, very wrong.


"Walang problema." Saka sila lumabas lahat at itinira lang si Thoren sa akin na umiiyak pagdadalhin nila palabas.


Umupo si Mrs. Sylvestre sa tapat ko pero hindi nagsalita. Huminga ako ng malalim, "Anong panibagong insulto na naman po ang sasabihin niyo sa akin?"


"This is...impossible. Papaano kayo nagkaanak kung baog si Raymond? He looks just like him when he was still a baby. It's like a deja vu." Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.


"I can't hurt, Solemn. She loves my son so much." Bulong niya sa sarili pero rinig ko parin. "How much?" Tanong niya sa akin.


"What?"


Mariin niya akong tinitigan sa mata. "How much do you need to keep your silence?" Nalaglag ang panga ko.


"Makakaalis na po kayo." Paos ang boses ko nang sinubukan kong sumigaw.


"But--"


"Get out! H-hindi niyo na muling makikita ang anak ko. Hindi ko ito ipapakilala sa anak niyo at hindi ko kailangan ang pera niyo para mangyari yun!" Dumaan ang sakit sa mga mata niya.


"That's my grandson!" Mariin niyang saad.


"And he is MY son. Ako ho ang magdedisisyon kung gusto kong makilala niya kayo. At ang pasya ko ay hindi." Muling dumaan ang sakit sa mata niya.


"He deserves to live the life of a Sylvestre. Ako na ang bahala sa gastusin mo sa kanya. Hindi niya kailangang makilala ang tatay niya pero dadalhin niya parin ang apelyido namin." Parang loka-lokang pilit niya.


"P-please ma'am. Hindi pa ako magaling. Umalis na kayo bago ako magsisigaw rito." Alanganin man ay tumayo na siya at naglakad papunta sa pinto pero hindi niya pinalampas ang pagtitig sa anak ko. "Please," ulit ko kaya't lumabas na siya.


Niyakap ko ng mahigpit si Thoren na niyakap rin ako pabalik gamit ang maliliit niyang kamay. "Tama siya, dapat kasing ginhawa ng buhay nila ang buhay mo. Tama bang ilayo kita, baby boy? Tama ba si mommy?"


-----------------

Nakikinita ko na ang ending. At dito nagsisimula ang tunay na storya. Walang fairytale sa tunay na buhay. Because life isn't made of magic and fantasies we thought it is. Life is a survival game. Matatalo ang mahina.

Comment your reactions

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 533 35
A Senior high school life with a full of surprises for Stella, a grade 11 student at Knight Academy. Stella is a nerd minus the nerdy clothes and gla...
191K 6.6K 73
Belle hates this particular boy named Romeo. Romeo is her brothers' bestfriend and she can't accept the fact na kahit anong gawin nya ay hindi mawawa...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
13.7K 3K 71
Hazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highs...