I Almost Do ✅

By BlueAmazon

103K 1.8K 549

[TAGALOG STORY] PDA GIRLS SERIES #5: Cristine Lauren When she thought they were never meant to be together... More

I Almost Do
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 - ANTON
Epilogue
Heels & Sneakers
Dear Marco

Chapter 17

1.6K 36 4
By BlueAmazon

Chapter 17


"Ano? Nakita niya kayo?" Namumutlang pagkumpirma ni Laura. Napasuklay siya sa buhok niya. Alam ko namang nagaalala siya sa akin e. Kahit medyo nagkasagutan kami kanina. "Anong gagawin mo, ate?"


"May dapat ba akong gawin lagi, Laura?" Napabuntong hininga ako, "Ngayon kasi, parang ayoko munang mag-isip kung anong gagawin ko. Ayaw kong makita nila si Thoren pero ayoko rin naman na magisip ng plano sa ngayon. Ewan ko ba. Nakakapagod rin palang magtago."


"Bakit mo kasi tinatago ate? Saka mas may karapatan ka kesa dun sa Solemn na yun. May anak kayo ni Kuya Anton." Napatingin ako sa kanya. Tama ang pagkarinig ko diba? She said Solemn. Hindi ba't yun ang pinaguusapan sa CR nung isang araw? Sila ba ang pinaguusapan nun? I'm sure sila yun!


"Laura? Alam mo bang bali-balita baog raw si Anton?" Sinamaan niya ako ng tingin bago tinuro si Thoren.


"Sige ate, ikaw na sumagot sa tangang chismis na yan. Ano ba naman yan! Hindi ba sapat na proof si Thoren? Kamukhang kamukha oh! Parang pinagbiak na bunga!" Lintanya niya. Napakamot naman ako sa ulo. Oo nga naman. Bakit ako makikinig kung may proof naman ako?


Magsasalita pa sana akonang biglang may pumasok. Napatingin kami sa pinto. "Tita Leann!" bati ni Thoren. Tumalikod naman ako. Hindi ko muna siya pinanasin at bumalik sa pagkain. siyempre kunyare galit pa rin daw ako. Kahit hindi na naman. Magpapakipot lang medyo masakit kaya yung sinabi niya.


"Sorry na Tin! Kasi naman eh." nagulat ako nang bigla siyang umiyak at niyakap ako. Nalaglag talaga ang panga ko at nanlaki ang mga mata. Nakakaloka! Unang beses to!


"Hala! Bakit ka umiiyak?"


"Eh ikaw kasi e!"


"At ako pa ang nasisi? Ako na nga itong maganda, matalino, at mabait dahil pinatawad na kita di ka pa man nagsosorry! Oh diba? Full package na!" binatukan niya naman ako bago pinunasan ang pisngi niya.


"Full package eh kinulang ka sa height! Che! Umalis na nga lang tayo puntang mall apat. Magbihis na kayo aantayin ko lang kayo." saka siya umupo sa sofa


***


"Nakita mo na ba si Laura? Asan na ba iyon?" tanong ko kay Leann. Kanina pa kasi kami paikot ikot sa mall bigla na lang kasing nawala si Laura. Nakakita ako ng magboyfriend-girlfriend na sobrang sweet kaya may naalala ako. "Oy! Ikaw ha! PDA ka sa parking lot! Talagang nakipagtukaan sa gitna ng daan? Aba! Kinailangan ko pang takpan ang mata ng anak ko! Maharot ka!" ani ko at pinalo ang pwet niya.


Namula naman siyang parang mansanas kaya natawa ako. "Manahimik ka nga! Malay ko bang gagawin niya yon!" aniya at iniwas ang tingin sa akin. Pero tinawanan ko lang siya.


"Ano ba, Ryder! Hindi ko nga alam kung nasaan si Ate! Pwede ba tigilan niyo na siyang magkapatid?!" napatingin ako kung nasaan nanggaling ang pamilyar na boses na iyon ng kapatid ko at halos mawalan ako ng malay sa kaba ng makita kong kausap niya si Ryder Mark Sylvestre. Ang nakababatang kapatid ni Anton.


Biglang nanlamig ang mga kamay ko at namawis ako ng malamig. Medyo blurred na rin ang paningin ko at ang lakas ng tibok ng puso ko na tingin ko ang rinig na ng ibang tao. Halos dalawang metro nalang ang layo ni Mark sa amin. Paano kung may kasama siya? Worse, paano kung kasama niya si Anton? Paano ako makakatakbo. Dahan-dahan akong umatras pero bigla na lamang binanggit ni Leann ang pangalan ni Laura. Sobrang hina pero dahil magkalapit lang kami ay narinig ni Laura...at ni Mark.


Nanigas si Laura nang makita ako at namutla. Sa tingin ko ay ganun rin ang sinasalamin na ekspresyon ng mukha ko ngayon. Unang dumapo ang tingin ni MArk kay Leann bago dumapo sa akin. Nanlaki ang mga mata niya at akmang magsasalita nang mapadapo ang tingin niya sa batang nasa bisig ko ngayon. Batang kamukhang-kamukha ni Anton, ng kuya niya.


Kung ano man ang sasabihin niya ay tila nawala na parang bulang tinangay ng tubig. Nanigas siya sa kinatatayuan at hindi nakareact agad. Aatras pa sana ako nang mukhang nakabalik na siya sa katinuan. Ang pangungusap na namutawi sa kanyang labi ay nagpapawis ng malamig sa akin.


"It can't be, sa kanya yan?"


Ang mukha niya ay tila ba hindi makapaniwala na may anak ang kuya niya sa akin. Bakit? Bakit parang isang himala kung tingnan niya si Thoren? Bakit? hindi ko maintindihan.


"I'm out of here." napalingon ako kay Leann na pinaningkitan ako ng mata. Mas namutla ako dahil I can see recognition in her eyes nang tingnan niya si Mark, "At  ikaw, maguusap pa tayo. Ayusin mo yan." saka niya kami iniwan.


"Can we...can wee talk somewhere private?" pambasag ni Laura sa tension. Tumango si Mark habang nakatingin parin kay Thoren. Humakbang rin siya papalapit sa amin.


"Yes. We should really talk in private. I want to discuss and ask...something." aniya at tumikhim. Nilingon niya ako, "Pwede ko ba siyang kargahin?" aniya.


Hindi ko alam kung bakit ako tumango. Pero yun nga ang ginawa ko at ibinigay ko si Thoren kay Mark. Nung una ay ayaw pa lumapit ni Thoren pero sinabi ko na si Tito iyon at kapatid ni Daddy niya kaya kahit medyo alangan ay nagpakarga siya. Lumapit naman sa akin si Laura at hinawakan ang kamay ko. "Ate," bulong niya. Pinisil ko lang ang kamay niya bilang sagot.


Naglakad si Mark at agad akong tumabi sa kanya. Ayokong malayo kay Thoren. Wala akong tiwala sa kanya. Baka kung saan niya pa dalhin ang anak ko. Mukhang nahalata niya naman yon kaya nilingon niya ako, "Hindi ko sasaktan ang anak mo. I just want to talk..." aniya at tiningnan ulit si Thoren. His expression in awe. Medyo naflatter ako sa ekspresyon niya. May gut feeling ako na mabait naman si Mark pero ayokong magpakasiguro. Pwede parin siyang baliktarin ng nanay niya.


Naisip ko bigla kung yan din ang ekspresyon ng mukha ni Anton kapag nakilala niya na ang anak namin? Matutuwa rin kaya siya? Bigla namang pumasok sa utak ko ang imahe ni Solemn. Oo nga pala. May Solemn na nga pala siya. Hindi niya na kailangan ang anak ko. Pwede na silang bumuo ng isang pamilya. Hindi nila kailangan ang anak ko.


May kung anong kumurot sa dibdib ko sa isiping iyon. Hindi man niya kailangan ang anak ko pero sigurado akong kailangan siya ni Thoren. MAtalino ang anak namin. Magtatanong at magtatanong iyon kung nasaan ang daddy niya. Ano ang isasagot ko? Na may asawa at pamilya ng iba? Baka kamuhian niya si Anton? Ayoko namang mangyari iyon. Kasalanan ko rin naman kung bakit hindi kilala ni Thoren si Anton. Nilayo ko kasi si Thoren sa tatay niya.


"Don't overthink, Miss Javier. I just want to talk." ngayon ko lang napansing nakatigil na kami sa kotse niya. Inabot niya sa akin si Thoren na agad ko namang niyakap na paa bang siya ang life-force ko which is possibly true. Siya at ang kapatid ko na lang ang natirang matino sa buhay ko ngayon.


"Please," ani Mark at pinapasok kami ni Laura sa kotse niya. Umupo ako sa likod samantalang pinaupo niya sa shotgun si Laura. "So..."


"Anong kailangan mo sa akin? Bakit mo ako hinahanap?" panimula ko.


Tumikhim siya, "My mom saw you that night. At the engagement. She wanted me to find you. She..." tumikhim ulit ito na parang nahihirapan na sabihin ang susunod.


"Gusto niyang makasiguro na hindi ako biglang sisipot at sisirain ang kasalan na magaganap kina Anton at Solemn ganun ba?" may hinanakit na saad ko. Umiwas siya ng tingin. Doon pa lang alam ko na agad na tama ako.


"Tine, my mom isn't that bad. Gusto niya lang ang nakakabuti sa aming magkapatid." he lamely said. Natawa ako at pinunasan ang luhang tumulo na pala mula sa mga mata ko.


"Oh trust me, I know. She's exactly the reason why I left years ago." napalingon siya sa akin. "Sinabi niyang hindi ako nararapat sa kapatid mo. Hindi ako ang makakabuti sa kanya. And I believed her. Wala akong kayamanan na gaya ng inyo. Kakatapos ko lang mag-aral." tinuro ko si Thoren na natutulog na ngayon. "At nabuntis ng walang asawa. Ngayon wala na ring trabaho. Tama nga ang nanay niyo. Hindi nga ako ang nararapat sa kapatid mo."


"S-sino ang ama ng bata?" napakunot ang noo ko. May gusto ba siyang sabihin?


Si Laura ang sumagot, "Gago ka ba!? Anong tingin mo sa ate ko kaliwa't kanan ang lalaki? Ang kuya mo lang ang nakagalaw sa kanya! Mga gago kayo! Ganyan kababa ang tingin mo kay ate?" sigaw nito. Napaiwas ako ng tingin. The apple doesn't fall far from the tree then?


"No. Hindi sa ganu--"


"Tumahimik ka! Pareho lang kayo ng nanay niyo! Ang babaw ng tingin niyo sa aming mahihirap! Tara na ate!" ani Laura at binuksan na ang pinto pero napatigil kami sa sinabi ni Mark.


"Kuya is sterile because of a certain accident! Baog si kuya! Baog! Exactly the reason why he sleeps around! So you can't blame me kung hindi ako makapaniwala na may anak siya kay Tine!" sigaw nito.


What?


-----------------------------------

Bitin ulit. Blah blah. Haha. Pampaexcite yan. Comment your reactions.

Continue Reading

You'll Also Like

13.7K 3K 71
Hazelyn Saoirse Candelaria, a Student Council President in their University and a Grand Champion in the World Archery Championship when back in highs...
21.9K 1.7K 35
Creepy Pasta Series no. 2: Unchained Story copyright 2014 by nightly001 Started: 11/30/2014 Ended: 05/15/15
30.6K 486 28
Young Love Series #1 [COMPLETED/190504 - 190513] Book cover made by: @Jiguang - This story shows the love of Yuna Braiden Reyes to her cold Professor...
1.7K 150 23
Signature bags, designer clothes, fancy jewelries, branded cosmetics, gadgets, expensive cars, huge mansion and a good school.Thralaine Alondra Fajar...