GETTING BACK TO EACH OTHER'S...

By KimVerly

637K 6.9K 764

ito na po yung book2 nang getting to now each other on bed..basahin muna ang book1 bago ito para hindi malito... More

GETTING BACK TO EACH OTHER ARMS
PAGE-1-
PAGE-2-
PAGE-3-
PAGE-4-
PAGE-5-
PAGE-6
PAGE-7-
PAGE-8-
PAGE-9-
PAGE-10-
PAGE-12-
PAGE-13-
PAGE-14-
PAGE-15-
PAGE-16-
PAGE-17-
PART-18-
PAGE-19-
PAGE-20-
PAGE-21-
PAGE--22--
PAGE-23-
PAGE-24-
PAGE-25-
PAGE-26-
PAGE-27-
PAGE-28-
PAGE-29-
PAGE-30-
PAGE-31-
PAGE-32-
PAGE-33-
PAGE-34-
PAGE-35-
PAGE-36-
PAGE-37-
PAGE-38-
PAGE-39-
PAGE-40-
PAGE-41-
PAGE-42-
PAGE-43-
PAGE-44-
PAGE-45-
PAGE-46-
PAGE-47-
PAGE-48
PAGE-49-
PAGE-50-
AUTHORS NOTE:PASASALAMAT
THE LAST PART(EPILOGUE)
SPECIAL CHAPTER

PAGE-11-

12.4K 138 11
By KimVerly

PAGE-11-

Napaluhod siya kasabay nang pagputok nang baril niya.nangangatal na unti-unti niyang nilapitan ang ngayon ay naliligo sa dugong babaeng minahal niya.awang ang mga labi na inangat niya ang mga kamay niya para sapuhin ang mukha nito para makita niya

"aaaaaaaahhhhhh"sigaw niya nang makita ang kalagayan nito

isang mga bisig naman ang siyang nakapagpakalma sa kanya at nang lingunin niya ay ang babaeng akala niya pinatay niya kanina.panaginip?isa ba iyong panaginip?pero bakit parang totoong-totoo?tumingin siya sa palagid at mukha ngang panaginip lang iyon

umiiyak na sumiksik siya dito nang makumpirma niyang panaginip lang iyon.parang gusto na niyang mabaliw sa mga nangyayari sa kanya.bakit kailangan danasin niya ang lahat nang ito?bakit?ang gusto lang naman niya ay sumaya at kalimutan na ang lahat.

"hon?nandito lang ako palagi,kung ano man ang masamang napapanaginipan mo hayaan mong yakapin kita para mawala lahat nang takot mo."

"i'm sorry,i'm sorry..sweety.."

"sshh,lahat tayo may masamang panaginip kaya normal lang iyan,huwag kang humingi nang sorry sa mga bagay na hindi mo maiwasang mapanaginipan at katakutan."parang batang mas lalo pa niiyang siniksik ang sarili dito

"natatakot ako,natatakot ako.."

"huwag kanang matakot hon,nakikita mo itong kamay ko?"napatingin naman siya sa kanang palad nitong tinaas

"uhm.."patangong sagot niya

"kukuwanin nito ang masamang panaginip mo at itatapon sa malayo para hindi kana matakot."

hinaplos nang kanang palad nito ang buong mukha ko pagkatapos ay inikom na para bang kinuha nga nito ang masamang panaginip ko.pagkatapos ay nag mistula itong parang may binato sa kawalan.

"salamat sa lahat sweety.."ngumiti ito at pagkatapos ay niyaya na ulit siyang humiga ulit sa kama

"tulog kana ulit Hon,bayaan mo kakantahan kita para mas maganda na iyong panaginip mo."muli isang tango nalang ulit ang sinagot niya dito at sumiksik dito nang yakap

natatakot siyang muling pumikit dahil baka ang mukha nitong duguan na naman ang makita niya.ang katawan nitong wala nang buhay dahil sa ginawa niya.nakakatakot na panaginip na hindi niya maiwasang hindi mapaiyak sa tuwing naalala niya

hindi niya akalain na magagawa niya iyon kahit sa panaginip lang.baka sakaling mabaliw na siya nang tuluyan kung sakaling magawa niya nga iyon.pinikit niya ang mga mata niya at unti-unti nilamon na naman siya nang isang panaginip.ang isa sa nakaraan niya.

DREAM

"harley,nandito ako."natatawang hinabol niya ang babaeng ngayon ay nakangiting kumakaway sa kanya

"ang daya mo naman,dito ka nalang sa tabi ko."kunwaring reklamo niya dito

"haha,pagod kana agad sa paghabol sakin?"lumapit ito sa kanya at natatawang kinurot ang dalawang pisngi niya

"ouch!ito talagang mahal ko sadista."ginantihan niya din ito nang kurot sa pisngi

"abah,gumanti ang gwapo kong boyfriend."binitawan naman nito yung pisngi ko pagkatapos pang-gigilan na maigi

"hay!sakit nun.san mo gustong pumunta ngayon?"tanong niya dito habang magkahawak kamay silang naglalakad sa gilid nang park

"uhm!ikaw,maaga pa naman kaya ayos lang."

"kain nalang tayo dun sa bagong tayong lugawan.ano deal?"tumawa naman ito

"deal na deal,favorite ko yatang kumain sa mga ganun."natuwa naman siya sa sinabi nito

halos isang taon narin niyang karelasyon si ICY,kaklase niya ito nung fourth year high school sila at nung unang kita niya palang dito ay nagkagusto na agad siya.niligawan niya ito bago sila magtapos nung high school

sinagot din naman siya nito pagkatapos niyang manligaw sa loob nang dalawang buwan.iba kasi siyang babae,iba sa lahat dahil hindi siya katulad nang iba na konting ligaw mo lang ay bibigay na.simple lang din siyang babae at iyon ang nagustuhan ko dito

hindi naman mayaman ang pamilya nito pero masasabi mong may kaya din naman sa buhay.sa iisang school din kami pumasok nang kolehiyo para kahit papano nagkikita at nagkakasama parin kami kahit magkaiba kami nang course na kinuha

simple lang din ang ganda nito na kahit sinong lalaki talagang ma aatract dito.at isa sa mga nagustuhan niya sa mga ugali nito ay pagiging mabuti nito sa mga taong walang makain sa buhay.madalas itong magbigay sa mga pulubi nang mga pagkain na minsan ay niluluto pa nito

mga bagay na alam mong talagang ikahahanga mo sa isang babae.parehas silang seven teen years old nito kaya hindi malalayo ang isip nila sa mga kalokohan at kasiyahan na nagpapasaya sa kanilang dalawa.

"malayo paba?"tanong nito na kinatingin ko dito

"medyo malapit na,paglampas natin sa eskenitang iyan nandun na tayo."

"yiie,excited na akong kumain nang mainit-init na lugaw,sana may unlimited lugaw no?"natawa siya nang malakas sa sinabi nito

"haha,huwag kang mag-alala magpapatayo ako nun balang araw."

"bilisan mong magpatayo at baka bigla akong mawala at hindi ko pa iyon matikman."natigilan naman siya paglalakad at galit na sinuway ito

"huwag ka ngang mag-sasalita nang ganyan.alam mong mahal na mahal kita kaya hindi ko kayang mawala ka sakin."

"haha,ito naman hindi na mabiro.halika na nga at gabi na oh,"kokontra pa sana siya dito pero mabilis nitong tinakpan nang hintuturo yung labi ko "ok na,sorry na,hindi na mauulit."

tumango nalang siya dito at nag-umpisa na silang maglakad sa may eskinita.pero pagdating sa kalagitnaan nang paglalakad nila ay may biglang humarang sa kanilang apat na lalaki.yung dalawa sa kanila ay may dala  pang dospordos

"makikiraan po."sabi niya habang mahigpit ang kapit sa kamay nang nobya niya

"sandali lang boy.ganda nang kasama mo hah!amin nalang."kinabahan siya nang mabilis sa narinig,si Icy naman ay agad na sumiksik sakin

"haha,mapagbiro po pala kayo hindi po laruan yung girlfriend ko kaya pasensya na ho,makikiraan po sana."pinilit niyang makaraan sila pero kinuwelyuhan siya nang isang lalaki

"kung ibibigay mo samin ang babaeng kasama mo hindi ka masasaktan samin."

"harley.huwag mo akong ibibigay sa kanila."takot nitong sabi sakin

"huwag kang mag-alala hindi kita ibibigay."nilakasan niya yung loob niya at inundayan nang suntok sa mukha yung lalaking nakahawak sa kwelyo niya

nanlaban siya pero ano mang laban niya ay hindi siya manalo sa mga ito.nawalan siya nang malay dahil sa isang malakas na hapit sa kanya nang dospordos sa ulo.isang nakakagimbal na eksena naman ang bumungad sa kanya nang magising siya

tumayo siya sa pagkakadapa niya at napatingin siya sa paligid niya,para silang nasa isang abandonang bahay.halos manindig naman ang balahibo niya nang mapatingin sa unahan niya kung saan kitang-kita niyang walang saplot ang babaeng mahal niya

"oh,gising kana pala?mabuti naman at nang makapanood ka nang liveshow."ilang ulit siyang napalunok at mangiyak-ngiyak na tinignan ang girlfriend niya

"anong?anong gagawin niyo sa kanya?."galit na bulyaw niya

"haha,easy boy!magpapa-raos lang kami,huwag kang mag-alala mag-eenjoy ka naman sa makikita mo."

"harley..harley,tulungan mo ako,tulungan mo ako.."sumisigaw na sigaw ni Icy pero hindi niya magawang ihakbang ang mga paa niya papunta dito

"simulan na mga pare.."narinig niyang sigaw nang isang lalaki at nag simula na ang mga itong mag hubad

napahawak siya sa ulo niya sa nasasaksihan niya,ilang beses siyang umiling na parang nababaliw sa pag-asang isa lang iyong masamang panaginip.pinilit niyang ihakbang ang mga paa niya palapit sa mga ito

pero isang matigas na bagay ang siyang nagpalugmok mula sa kanyang paglalakad.inundayan siya nang suntok at sipa nang isang lalaking nag-aabang na papalit sa ginagawa sa kanyang nobya ngayon.

"ahhhhh,maawa kayo!harley..harley tulungan mo'ko.."

"Icy..."sigaw niya sa pangalan nito at nagtakang muling lapitan ito pero sadyang malakas yung lalaking bumubugbog sa kanya ngayon

wala siyang nagawa kundi mapaluhod na tulalang nakatingin sa nobya niyang walang awang pinag-sasamantalahan nang mga hayop na lalaking nagpapalit-palit sa katawan nito.awang ang mga labing halos mag-sama ang luha at sipon niya sa nasasaksihan

"haha,sige lang isigaw mo ang pangalan nang boyfriend mo at isipin mong kami iyon."

"tama na!"tulala niyang sabi na halos hindi na makagalaw mula sa pagkakaluhod

maraming beses niyang narinig ang pagtawag sa kanya nang nobya niya,maraming beses itong humingi sa kanya nang tulong habang umiiyak at nag-mamakaawa,maraming beses niyang nakita ang pagluha nito,maraming beses pero wala siyang nagawa para tulungan ito

pagkatapos nang lahat ay iniwanan nalang itong parang basahan sa harapan niya.dun lang,dun lang siya nagkaroon nang pagkakataong lapitan ito.halos ikawasak nang buong pagkatao niya nang malapit na siya dito ay dalawang putok nang baril ang narinig niya

"ICCCCCCYYYYYYY.."sigaw niya nang balikan ito nang isang lalaki at patayin sa harapan niya

>>>> 

napabangon naman siya mula sa pagkakahiga niya at naihilamos sa mukha niya ang kamay niya nang mapanaginipan niya ang isa sa nakaraan niyang halos isang taon din niyang kinawala sa sarili.

tinitigan niya ang babaeng ngayon ay mataman pang natutulog sa tabi niya.buo na ang pasya niya,siguro nga kailangan ko muna iyon gawin.kailangan para mawala na ang lahat nang takot at pangamba sa sarili niya.

bumangon siya at tinawagan ang nag-iisang taong tumulong sa kanya noon,ang nag-iisang taong tinuring niyang Ama nung mga panahon na nawala sa kanya ang lahat.ang taong iyon lang ang alam niyang makakatulong sa kanya ngayon

"hello.."

"it's me harley."sagot niya sa kabilang linya

"problem?"alam na agad nito ang nasa-isip niya

"yah,"maikli niyang sabi

"uhm,mukhang alam ko na.don't worry nandito lang ako para saiyo,pero buo naba ang pasya mo?"

"yeah!mas malala ako ngayon kaysa noon,ayokong hintayin na tuluyan akong mawala sa sarili at makasakit ako nang tao."narinig niya ang mahabang buntong hininga nito

"ok!so call me when you're ready"



"sa isang linggo,handa na ako sa isang linggo."

"uhm!pano nalang si codilyn?nasabi mo naba sa kanya?"napahawak siya sa sintido niya nang medyo sumakit iyon

"ipapaliwanag ko sa kanya kung bakit kailangan ko iyon gawin,at alam kong maiintindihan niya ako sa gagawin kong desisyon."



"uhm!ok,gudluck son!"

"thanks Dad.."mabilis na siyang nagpaalam dito

tinuring na niya itong pangalawang ama niya simula nang tulungan siya nito at kailanman hindi siya nito pinabayaan.isang buntong hininga pa ang pinakawalan niya bago binalingan ang natutulog na si codilyn

meron pa siyang isang linggo para ipaliwanag dito ang balak niyang gawin.sa isang linggo na iyon sana makuha ko siyang titigan nang maayos para sa araw na iyon,matatag ko nang masasabi sa kanya ang lahat-lahat nang walang galit sa puso.

>______________<

AN:

uhm!ano nga kaya yun,ano kayang gagawin ni harley,masyadong patagal eh,,xd,,ok,slamat po sa mga patuloy na nagbabasa nito,salamat tlga dahil simula sa book1 at hanggang ngayon ay hindi kau nag-sasawang subaybayan ang pag-iibigan ni odin at harley..hope na sana nga wag kaung mag-sawa ang hanggang sa huli.mwuah.love u guyz.

love:kimverly

Continue Reading

You'll Also Like

108K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
774K 37.7K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
1.6K 59 12
A CHRISTMAS SPECIAL Nezuko kept a diary of every scenarios between her and her long time crush, Levi. She often writes everything in her diary with d...
1.2M 26.7K 31
GENTLEMAN Series 9: David Tyndale "You can fool around David. But please, Not my sister." David always knew what his role to Lucas younger sister. H...