DAME'S P.O.V
huhuhuhu T_T
Grabe po talaga ang prinsipeng yun..wala man lang kagentle-gentleman sa pangangatawan!! Isipin niyo yun, ginawa niya akong tagadala ng gamit niya!!?! At ako naman itong si uto-uto, binitbit ko din naman.. bakit??? Kasi po tinakot niya ako na isusumbong niya daw ako kay Armaggedon na sinukahan ko siya..nakakatakot pa man din ang lalaking yun.. siya kasi ang nagpapataw ng kaparusahan sa mga nakakagawa ng kasalan sa prinsesa at prinsipe.. kaya kahit gusto kong magprotesta at talakan siya ay hindi ko magawa!!! Wala akong magawa kundi ang sundin siya!! Txk!!
Nakakaawa naman ang ganda ko!! Magiging Alila lang ng napaka-heartless na prinsipeng 'to… T_T
"Tss.. bagal talaga.."… urgGhH!!! Kung inihahampas ko kaya 'tong gamit niya sa pagmumukha niya!! Asar.. "hoy babae.. anu tutunganga ka na lang dyan??"
"..ito na nga oh.. kahiya naman sa'yo!!".. i shouted sarcastically with a hint of irritation in my voice..
Kung isudsud ko kaya itong gamit niya sa lupa habang naglalakad ako.. para naman hindi na ako masyadong mabigatan.. bright idea sana eh kaso baka lalo akong mapasama!haixtz!!
"..nasa bayan na tayo kaya umayos ka.. wag ka ditong magkakalat!".. hindi ako bata para pagsabihan niya noh!!tss.. at anu tingin niya sa'kin Aso para magkalat??
I just rolled my eyes at him.. No need to say something!! Wala din namang magbabago kahit kumuntra pa ako!masasayang lang ang laway ko sa isang 'to!!
Kesa sa kuntrahin siya ay bumulong-bulong na lang ako…
"Stop murmuring woman!!!"… inis na naman niyang sabi sakin… txk!!! Woman ng woman siya eh Dame nga ang pangalan ko… isaksak ko kaya sa bunganga niya yung birth certificate ko nang malaman niya ang pangalan ko…txk!!ay sayang at wala pala ako sa mundo namin!!
"… done daydreaming uh???"…
"Tziee…don't talk to me im not talking to you!!"… pagsusungit ko sa kanya…
Pagkasabi ko nun ay binangga ko siya sa balikat ng lagpasan ko siya pero agad din naman akong napatigil sa paglalakad ng mapansi kong maraming mata ang nakatingin sa'min…more on sa'kin…eh!?
Nakaka-conscious tuloy!
"Sabi ko naman kasi sa'yo eh!wag kang magkalat…"… bulong sa'kin ni Kiel ng tumapat siya sa may pwesto ko saka ako nilagpasan…
"Magandang Araw po mahal na prinsipe…"… paulit-ulit na sambit ng mga taong nadadaanan namin sa daan na may kasama pang pagyukod ng konti… at ito namang si kiel feel na feel naman ang kasikatan!! Maka-kaway kala mo naman tatakbong presidente!tss! GWAPO LANG SIYA PERO WALANG PUSO!!
"Nagawi po kaya dito mahal na prinsipe?"… tanung nung matandang lalaki sa kanya ng tumapat kami sa tindahan ng mga prutas…
"…sinamahan ko lang po ang babaeng 'to sa paglilibot…"
"Ah ganun po ba.." ngumiti siya sa'kin kaya sinuklian ko din yun ng napakalapad na ngiti.
"Mukha kang tanga sa ngiti mong yan.."..bulong na naman sa'kin nung hinayupak na prinsipe..
Inismiran ko lang siya.. at siya naman ay ini-smirk-an lang ako.. sarap tabasin ang pagmumukha!!
"Ito po…para sa inyo…"… sabi nung matanda at inabutan ng isang basket ng prutas si Kiel..
"Salamat po.. dito.." nakangiting turan nito sabay kuha ng basket sa kamay ng matanda..tss!ang plastic niya!!
"Walang anuman po…"
"Mauna na po kami…"…pagpapaalam niya.
"Sige po.. ingat po kayo.."
Nagbow ako ng kunti dun sa matanda bago kami umalis.. tanda na din ng paggalang.
"As you can see.. ang mga taong nakatira dito ay yung mga normal na tao kung titingnan.. sila ang pinaka-ordinaryong nilalang sa kahariang ito..".. paliwanag niya sa'kin.. so meaning..madami pang nilalang ang mame-meet ko dito.. ".. sila ang mga nilalang na mas kailangan ng proteksyon laban sa mga dark witches.."
"Hah??bakit naman??"
".. wala kasi silang kakayahang protekhan ang mga sarili nila.. wala silang kapangyarihan para lumaban..".. napatingin-tingin naman ako sa mga taong nandito.. mukha nga silang mahina.. kaya pala madami ding mga kawal ang nakabantay dito..
Nagpatuloy lang kami sa paglilibot sa lugar dito.. madami na din kaming nakasalamuha sa daan.. at karamihan dun mga babaeng panay ang pa-cute sa lalaking 'to.. at ang herodes namang 'to ay tuwang-tuwa.. txk txk!!YABANGNESS OVERLOAD DUDE!!!!tss…
Nalaman ko ding… hindi basta-bastang makakapasok sa kahariang 'to ang mga tinatawag nilang dark witches… dahil may malakas na spell ang nakapalibot sa kaharian… parang shield ganun! at makakapasok lang ang isang dark witch dito kapag may kasama itong nilalang na nagmula sa kaharian ng conto de fadas…
So ibig sabihin ligtas ang mga nilalang na sakop ng kaharian… pwera na lang kung may magtraydor…
Sa lugar kung saan ako natagpuan ni Krypton… dun ang pinakapanganib!!wag na sana akong mapadpad sa gubat na yun!
"Oh!!"…
"aray naman!!"… bigla ba namang itulak ng lalaking 'to ang basket sa may bandang tiyan ko!!napakawalang modong nilalang talaga… parang hindi prinsipe eh!!
"Ikaw magdala niyan…"… akala ko pa naman makakaligtas na ako!txk!hindi pala… urgh!
"…oo na po kakahiya naman po sa'yo MAHAL NA PRINSIPE!!"… inemphasize ko talaga yung Mahal na prinsipe para mas mukha akong asar sa kanya…
"Buti naman at alam mo…"
"Nyenye…"
Lakad ulit kami…at kung saan-saan na kami dinala ng paa namin!
At sa sobrang frustration ko ay binalingan ko na lang ng inis ang mga prutas!!
Lakad……
Kagat dito…
Lakad…
Kagat doon…
Lakad…
Kagat ulit…
Lakad…
Kuha ng panibagong prutas saka kagat ulit…
at tuloy ulit sa paglakad…
Para na nga akong tuta dito eh!!nakasunod lang kay Kiel… akala ko ba tour ito!?? Inalila lang kaya ako dito… hmft!!!
*boogshH*
"Ouch!!!".. i moaned when i bumped unto him.. bigla kasing tumigil ang gago.. yan tuloy!!hmft! Buti na lang at nasa gilid ko yung basket… kung nagkataon,eh di yung tummy ko na naman ang nasaktan.. txk!!
"Tss..tanga…"
"…Kung hindi ka huminto di sana hindi ako nabunggo dyan sa likod mo na kasing tigas ng pader!!"
"Kung hindi ka tatanga-tanga hindi ka mababanga sa'kin… stupid woman…"…aba't!!!may gana pa siyang manginsulto!! GRrr!!!
"…napakahambog mong prinsipe ka!!! UrgGh!!! Panu ka ba naging prinsipe sa ugaling mong yan??"… nangigigil kong tanung sa kanya …
"Simple lang…kasi anak ako ng hari…" …nakangising-yabang niyang sabi..
"GrrrrR!!!!!!!! Napakabwisit mo talaga!!!"…tinalukaran ko na lang siya at baka hindi pa ako makapagpigil at maitumba ko siya ng mali sa oras…
Pero hindi pa man ako nakakalayo ay hinawakan na niya ang braso ko…
"Teka nga lang…"…sabi niya at saka ako pinaharap sa kanya!
"anu ba??"
Bigla naman siyang nangunot ng mapadpad ang tingin niya sa basket na dala ko…
Kaya napatingin na din ako…
O_o
Anung nangyari!??
"…nasan na yung mga prutas??"…
"Ah eh…"… napatakip ako ng bibig ng marealized ko ang nangyari…"hehe… naubos ko??"
"ANU NAUBOS MO!??"… hindi makapaniwalang tanung niya sa'kin with matching hand gesture pa!
"Makasigaw ka naman dyan…makabasag eardrum…"… hehe hindi ko naman inakalang mauubos yun eh! Ininis kasi niya ako eh!hindi ko man lang namalayan na ubos na pala!hahaha
"Sa dami nun…nakaya mong ilagay yun sa tiyan mo??anung alaga mo dyan!??anaconda!?daig mo pa sa katakawan si Krypton ah!"…
"Walang pakialamanan!ako naman ang nagdala nun eh. Hmft!!"
"..tss..".. naiiling niyang reaksyon saka ako nilagpasan.." tara balik na tayo sa palasyo.."
UwaaahH!!!
Sasakay na naman sa kabayong yun!! <(_ _)>
-----------
To be continue..