Ghost Detective! (COMPLETED)

Af MCMendoza21

573K 17K 570

Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng... Mere

SEASON I:: Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Author's Note and Trailer for Season II
Ghost Detective: Mysteries. Secrets.
SEASON II:: Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 [Part 1]
Chapter 25 [Part 2]
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 [Part 1]
Chapter 35 [Part 2]
Chapter 36 [Part 1]
Chapter 37 [Part 2]
What I want to say! [Author's say]
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 [Part 1]
Chapter 41 [Part 2]
AUTHOR's NOTE
SEASON III:: Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 [Part 1]
Chapter 46 [Part 2]
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 [Part 1]
Chapter 54 [Part 2]
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57 [Part 1]
Chapter 58 [Part 2]
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 62 [Part 2]
Chapter 63 [Part 3]
Chapter 64 [Part 4]
Chapter 65 [Last Part]
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part 1)
Chapter 71 (Before what happened:1)
Chapter 72: (Before what happened:2)
Chapter 73 (Part 2)
Chapter 74: Pagtatapos (Part 1)
Chapter 75: Pagtatapos (Part 2)
Chapter 76: Pagtatapos (Last part)
EPILOGUE - Part 1
EPILOGUE - Part 2
EPILOGUE - Part 3
EPILOGUE - Last Part
LAST AUTHOR's NOTE
REMINDER

Chapter 61 [Part 1]

4.7K 114 0
Af MCMendoza21

MC: Wala lang.. happy lang! *ala-Tinay style*

****
Same day, Evening...

(MC: Pansin niyo, daming nangyayari in just a day no? Haha)

GELLO

Alas nuebe na ng gabi pero ako nagpapaikot-ikot pa sa harap ng bahay.  Naghihintay sa pinsan kong lately umuuwi na ng gabi.. kapag tinatanong ko naman babarahin lang ako na parang hindi nakakapag-alala iyong ginagawa niya.. kung anuman iyan.

Si Jerry naman nasa loob ng kwarto niya at parang wala rin sa sarili nitong nakaraang ilang araw, kasabay ni Kayla. Ano bang nangyayari?

*Taxi arrives in front*

FINALLY, SHE'S HERE!

Inabangan ko lang siya habang mataman na tinitingnan ang ayos niya. There's nothing different about her, walang kahit anong bahid ng pangamba, takot o kung anu-ano pa. Parang normal Kayla Marien lang na tahimik, walang emosyon. Nung hindi ako mapakali at hindi ko na matiis ay inilang hakbang ko ang maliit na distansya namin at hinawakan ko ang wrist niya at hinila siya papasok sa bahay. She's not saying anything or pulled herself, she just go with me hanggang sa nandito na nga kami sa room niya. I let her sit on the side of her bed habang umupo naman ako sa sofa na nakapaharap sa kanya.

"What, again?" Walang ganang tanong niya. Hindi ko naman sinagot ang tanong niya at mataman lang siyang tiningnan. Nakita kong bumuntong-hininga siya at napapapikit pa na parang nagpipigil mainis. "Gello, pagod ako. Ano ngang sasabihin mo? May pasok pa ko bukas ng maaga at may pupuntahan-"

"THAT'S WHAT I WAS ASKING! Saan ka ba talaga nagpupunta tuwing uwian? Alam din ba ni Jerry kung saan!? Sabi mo huwag kong pag-initan ang lalaking iyon and so I'm not. Nanditi lang naman siya sa bahay all-day kaya nawala na ang paghihinala ko sa kanya, pero ikaw! Anong ginagawa mo ba talaga!? Saan ka ba nagpupunta at ginagabi ka lagi!? You know that I am always worrying about you! Na baka inatake ka nalang bigla at mawalan ng malay, just like what happened when we were in America--"

"SHUT UP, GELLO." Nanlilisik sa galit na tiningnan niya ako at nagpipigil na manigaw. Napahawak ako sa batok ko at minasahe ito dahil parang nanakit. Pati ulo ko sumasakit na rin. "Huwag na huwag mong mababanggit iyan, na mahina ako, na hindi ko kaya, na parang kailangan ko lagi ng kasama kasi baka any minute, mawala nalang ako. Huwag mong ipamukha sa kin na MAHINA AKO! Sorry kasi napag-aalala kita, sorry kasi stubborn ako, sorry kasi naging responsibility mo pa ata ako instead na nakikipag-date ka lagi kay K, sorry Gello.. sorry." Tumayo siya at pumasok sa CR na may dalang towel.

"Pakisara ng pinto when you leave." I heard her inside the rest room.

Haayy.. I was just worried about her and this is all I got? Great! Masyado na ba akong mahigpit sa pagbabantay na nakakasakal na? Maybe she was right, maybe I was over-protective that it makes her feel that she's weak. Maybe I just need to give her some space.. pero babantayan ko pa rin siya on the side.

At kailangan kong malaman ang ginagawa niya para magawa ko iyon.

I went outside her room at tamang-tama na lumabas din si Jerry sa room niya kaya nagkagulatan pa kami. Walang nagsasalita sa amin at nagkatinginan lang. Ako na ang unang nagtanggal ng mata sa kanya at lumakad papunta sa kwarto, pero napalapit ako sa kanya nung naglakad siya pasalubong sa akin.

Nung nasa harap na kami ng isa't-isa, huminto siya saglit. "I will protect her, Gello." He said.

Napaharap ako sa kanya, sa nagtataka na hitsura. "What do you mean? Tell me honestly, Jerry. May alam ka ba sa mga ginagawa ni Kayla? Were you behind all this?" Sunud-sunod na tanong ko.

"Wala. Pero katulad mo, mahal ko rin si Kayla dahil siya ang kapatid na wala ako. Kaya natural lang na protektahan ko rin siya. Excuse me." Naglakad na siya pababa. Napatigil lang ako ng ilang minuto doon bago ako naglakad ulit papunta sa loob ng room ko at pabagsak na nahiga at ipinatong ang mga braso ko sa noo.

Hindi ako sigurado kung nagsasabi nga si Jerry ng totoo, pero mas maayos na rin na siya ang isa sa mga nagbabantay kay Kayla. Pareho namin mahal ang babaeng iyon kahit nga matigas ang ulo at hindi sumusunod sa mga sinasabi namin. We felt the need to protect her. Mayroon kasing aura si Kayla na kahit mukha siyang matapang at walang kalambing-lambing sa katawan o parang wala siyang pakialam sa ibang tao, you will still feel the need to protect her. Iyon ang nararamdaman namin ng mga kaibigan niya, panigurado.

Nakita kong nakapatong ang remote ng TV sa side table kaya kinuha ko ito at pinindot ang 'ON' button at nagbukas naman agad ang TV.

"Breaking news! Isa na namang babae ang nakitang patay sa isa sa mga kilalang hotel sa bansa, ang Brilliantes Hotel and Resort. At kumpara sa ibang mga naging kaso noong nakaraang apat na taon, ngayong taon lang may namatay sa ikalawang beses. Sa ngayon ay nai-disclosed ng mga pulis at sa gobyerno na may mga hakbang na silang ginagawa para matigil na ang kaguluhan at patayan na ito. Hanggang ngayon ay sinasabi ng iba na isang multo daw ang may kagagawan ng patayan pero meron ring iba na sinasabi na may malalim na dahilan daw siguro ang killer para gawin ito sa BHR pero ayon sa may-ari ng nasabing hotel na si mr. Brilliantes, wala naman daw silang nakaalitan sa mga ibang kumpanya. Nakiki-usap din ang pamilya nila sa mga pulis na sana ay maayos ng maaga ang kaso para hindi laging natatakot ang mga tao. Ako po si Sherry Cruz, nag-uulat." -TV

Damn! Nagkakasunud-sunod na ang mga problema namin! Sabi ni K sa kin nung isang araw na dumadalaw daw sila lagi nila Pran at Heyenne kay Lindonne na naka-stay sa hotel nila at siyang nag-aayos ng problema dahil si Tito ay nasa ibang bansa at inaasikaso rin ang ibang branch ng nasabing hotel. Lahat na ng tao nagkakagulo at iyong iba hindi na nagtitiwala sa palakad ng mga Brilliantes kaya nagsisiback-out daw ang mga ito, sabi ni Lindonne.

*This I promise you-Nsync*

Kinuha ko ang phone na nakapatong rin sa side table at sinagot ito. "Hello?"

"Nakita mo ba iyong balita, Noob?" Si K.

"Yeah, I just watched it. Tinawagan niyo na ba si Lindonne?" I asked worriedly.

"I tried calling her pero cannot be reached lagi ang sagot! Fuck! What is happening!? Masyado na atang atat na mapunta sa impyerno ng mga killer na iyon!" Kung sa ibang sitwasyon lang, tatawa na ko sa pagmumura ni K. Cute kasi siya pag nagagalit, namumula ang buong mukha.

Pero seryosong bagay ito. "Wait, tumatawag sa kin si Pran, confe tayo." May narinig ang parang nagpipindot at maya-maya lang ay narinig ko na ang boses ni Pran na kalmado pa rin. "Pran, did you call Lindonne!"  K asked.

"Yeah, kaso cannot be reached. I texted Heyenne and she told me the same. Hay, what is happening to this world?" -Pran

"Are you sure you're worried? Eh parang kalmado ka pa rin sa mga nangyayari eh." -me

"Tss." -K

"Yes, I'm worried and thankfully, Gello, I'm drinking my soothing tea to keep me calm. Kung wala akong tea dito, you will see my devil side, again." -Pran

Napangiwi akong tumingin sa phone ko na parang si Pran iyon at binalik ko rin sa tenga ko. Double damn! Ayoko nang makita si Pran na nasa devil side niya. Nakaka-trauma. Lahat ng mga taga-PCA, yung mga matatagal nang estudyante doon, alam nila ang ugaling iyan ni Pran kaya nahihintakutan silang inisin o asarin ito.

Huwag niyo na itanong kung anong klaseng tao ang devil side ni Pran at baka magkaroon kayo ng ilang araw na sleepless nights. Trust me because I experienced it first hand.

Nag-uusap pa sila na parang may napagkasunduang gawin at hindi ko narinig kung anong usapan iyon kaya nagtanong ako kung anong napag-usapan nila.

"Tss.. di kasi nakikinig. We're going to BHR. Sama ka? Si Kayla.. anjan na ba? Kapag sumama ka isama mo rin siya." -K

Si Kayla? Ayoko munang pag-alalahanin siya dahil alam kong kailangan niya ng pahinga ngayon.

"Kakauwi palang ni Kayla eh. Ako nalang pupunta. Doon nalang tayo magkita-kita sa BHR?"

"What? Kakauwi palang niya? Aba, napapadalas naman ata yang gabing uwi ni Kai. What's happening to her? I can't contact her, also, these past few days. Hihingi pa naman sana ng tulong si  Lindonne sa kanya.. kung multo nga ang dahilan ng mga killings sa BHR nila." -Pran

"Honestly, I don't have any idea what's going on with her these days. Nagkaroon pa kami ng small arguments ngayon kaya ayoko siyang istorbuhin eh." I honestly told them.

Matagal na walang nagsasalita sa kabilang linya, nag-aayos na ata sila. Ako naman nagsuot ng simpleng ripped jeans at puting shirt, konting ayos sa sarili at lumabas na ako ng room na dala ang susi ng kotse ko. Nakasalubong ko ulit si Jerry pero nilagpasan ko nalang siya. Nagulat din ako ng makita si Kayla sa labas ng main house. Nasa swings siya at seryosong nakayuko lang. Hindi ko rin muna siya pinansin at pinabuksan ko iyong gate kay nanay Felicidad at inilabas ko ang kotse ko at diretso na sa BHR.

I hope everything's going to be okay, for Lindonne, and for all my friends.

****

KAYLA

Ayokong i-blame lahat ng iyon kay Gello. Hindi ko sinasadyang sabihin lahat ng iyon sa kanya at sigawan siya.. pero sa dami ng iniisip ko, nagiging mas mainitin ng ulo ko at mas umiikli ang pasensya ko. Lumalala kasi ang patayan sa BHR at nakausap ko kanina sa hotel room ko lahat ng mga kaluluwang biktima at sinasabi nilang iba-ibang tao ang pumapatay sa kanila at hindi nila alam kung bakit ganun at kung sino ang nag-uutos sa mga ito. So, I deduced that it was someone from the outside and has a huge grudge on Brilliantes' family.

Ilang beses na akong nawawalan ng malay sa sobrang pagod, pag-iisip.. pero buti nalang kasama ko si Leira, she's keeping me company and she's joking na hindi ko sure kung joke nga, to make me happy pero sa sitwasyon na ito, hindi tumatalab ang joke.

"Kayla.. gusto mo sabihin mo na sa kanila--"

"No, Leira. Mas lalong ayokong sabihin sa kanila ito. Delikado. Hindi natin alam ang mastermind at sa totoo lang parang wala ring kwenta ang pag-recruit sa kin dahil wala rin akong nakuhang concrete information sa mga biktima. I'm just confused." I leaned backward and let the swing moved. Pero parang nahihilo naman ako kaya tinigil ko at napahinga nalang ako ng malalim na parang hindi ako makahinga.

"Hindi totoo iyan, Kayla. Hindi iyon walang kakwentahan kasi sa totoo lang, makakatulong na ng malaki iyon!" Nag-angat ako ng mukha at tiningnan siya. "Paano? Napapanuod ko dati iyong detective conan, at sinabi doon na ang mga maliliit na bagay ay sobrang halaga sa mga kaso dahil kapag inipon mo ito, magiging isang malaking sagot ito sa mga katanungan sa kaso! Trust your instincts and trust me, Kayla."

"I trust you Leira. Really. Hindi ko lang naman ginagawa ito para sa mga biktima eh, para na rin ito kay Lindonne.. sa ganitong paraan makatulong man lang ako na hindi naidadamay ang kahit sino sa kanila." -ako

Parang nanghihina na naman ako. Lately, nararamdaman kong bibigay na iyong katawan ko, lalo na kapag nakikipag-usap ako sa mga kaluluwa at tinitingnan ko sila na parang may nakikita akong little flickers of images. Kaya nga nalaman ko rin ang hitsura ng mga pumapatay sa kanila at nalalaman ko kung paano silang walang awang pinatay.

Naramdaman kong may tumabi sa kin at sa amoy palang ay alam ko kung sino iyon.

"Are you sure you wanna continue this, Kayla?" He asked. Ilang ulit na niya yan tanong sa akin at sa totoo lang naiirita na ako.

"Oo kuya, sure akong gusto kong ipagpatuloy ito. At hindi mo ako mapipigilan."

"Kahit sabihin ko ito kay Tito Harold?" Agad akong kinabahan at hindi makapaniwala na tumingin kay Kuya Jerry. Mukhang naramdaman niyang tiningnan ko siya kaya sinalubong niya rin ang titig ko.

"You wouldn't dare." Pagmamatigas ko.

"Try me. I'm sure, kahit wala akong sabihin makakarating na sa kanya ito.. baka nakakalimutan mo na dating chief officer ang daddy mo, katulad ni chief blast ngayon."

Biglang nanlamig ang mga kamay ko at naalala ko ang mommy at papa ko na masayang nakangiti sa akin at kalauna'y biglang nalulungkot itong nakatingin sa akin, iyong lungkot na parang disappointed sila sa akin. I don't wanna see that! Ayokong makitang disappointed sila sa kin!

"Kuya Jerry, you wouldn't.. please, gusto kong tumulong--"

"You can help in a different way, wag lang sa ganitong paraan, na pinapasok mo ang trabaho ko. Delikado Kayla. Sobrang delikado. Iba ito sa mga dating kasong nalutas namin.. " hindi kami nagsalitaan ng ilang minuto.

Until I broke the silence. Sa iksi ng minuto na iyon ay nabuo ang desisyon ko. Tumayo ako at tiningnan ko siya. "Buo na ang desisyon ko kuya. Hindi ako aatras sa kasong ito.. maybe I am my father's daughter, nasa dugo ko rin ang pananabik sa ganitong trabaho, kaso sa aking paraan. Kung malaman man nila mommy at papa ito, tatanggapin ko ang galit nila. I always told myself to be uptight and careful of what I am doing because I don't want them to be disappointed in me. But I come to realised that it's not bad to break loose from my uptight self and be free to do what I want. Hindi habang-buhay ay susunod nalang ako sa gusto sa akin ng magulang ko... may sarili na akong utak at desisyon at hindi na ako bata. If they would be disappointed one day, sasabihin ko rin sa kanila ang mga sinabi kong ito sayo. Good night, matutulog na ko." Naglakad na ako palayo hanggang sa nasa kwarto na ako at nakahiga sa kama.

Kaylangan ko ng mahabang pahinga para sa education ko at para sa natatanging misyon ng isang GHOST DETECTIVE.

****
Kinabukasan...

RODNEY

[TBC]

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

4.5M 13.8K 6
(COMPLETED) Isang simpleng dalaga lang si Amara ngunit nagbago ang lahat ng maganap ang trahedyang magbabago sa kanyang buhay. Pinatay ang kanyang T...
44.4K 1.2K 33
hope you like reading this new story of mine :) so yeah Enjoy reading ?
4.2M 91.2K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...
258K 1.4K 8
Magics? Powers? Hindi ako naniniwala dyan. Sa books at movies lang merong ganyan. 'Yan ang paniniwala ko NOON pero nagbago ang lahat dahil sa pagigin...