7 Ways to Become Beautiful

De SecretlyAPanda

25K 546 105

Meet Luisa. Siya ang babaeng aminadong pangit and halos wala na siyang pakialam. Kung tutuusin, proud pa ng... Mai multe

Prologue
Ask Miss Pretty!
Way #1 (Part 1)
Way #1 (Part 2)
Way #1 (Part 3)
Way #2 (Part 1)
Way #2 (Part 2)
Way #2 (Part 3)
Way #3 (Part 1)
Way #3 (Part 2)
Way #3 (Part 3)
Way #3 (Part 5)
Way #4 (Part 1)
Way #4 (Part 2)
Way #4 (Part 3)
Way #4 (Part 4)
Way #4 (Part 5)
Way #4 (Part 6)
Way #5 (Part 1)
Way #5 (Part 2)
Way #5 (Part 3)
Way #5 (Part 4)

Way #3 (Part 4)

934 22 3
De SecretlyAPanda

“Oh? Ano? Nakakapagsalita ka pa ba?” ang satisfied ng ngiti na binigay sa akin ni coach.

Kelan pa ako nawalan ng bibig para hindi na makapagsalita? Gusto ko sana sabihin kay coach pero sa sobrang hingal ko, napa-upo na lang ako sa floor.

Tumawa siya ng malakas. “Hindi mo na kaya, ‘no? Next time, ‘wag kang papasok ng late!”

Para tumahimik na siya, nag-nod na lang ako. Sa 600 laps kasi na kailangan kong gawin, nakaka-twenty five laps pa lang ako. TWENTY FIVE! Ano ba ang 600 minus 25? 575! May five hundred seventy five pa akong laps na kailangan gawin!

TT____TT Ayaw ko na pumayat.

“Sige, pumunta ka na sa girls’ lockers at magkikita ulit tayo bukas,” sabi ni coach.

“O-opo.” Sa wakas, naka-sagot din ako ng maayos.

Matagal nang wala si coach nung nakayanan ko na tumayo. Grabe, hindi talaga biro ang pagtakbo. Ang sakit ng buong katawan ko. Ang tagal ko na talagang hindi nakakapag-exercise ng maayos. -_-‘

Mabagal akong naglakad sa lockers ng girls. Nandun kasi ang pamalit ko at gamit. Ang suot ko kasi ngayon ay PE uniform namin.
Pero since basing-basa na ako ng pawis, kailangan ko nang magpalit.

Nakapagpalit na ako ng damit nung tiningnan ko ang cellphone ko. May text.

From: Unknown Number

Hello Luisa! This is Anna and I just wanted to ask if wala kang gagawin this Saturday.

Wow. Akala ko Globe Prepaid ang nagtetext sa akin nung una. Kumpleto kasi magtext, hindi jejemon. Nakakamangha lang. @__@ Pati ba sa text, dapat sosyal din? SIYA NA!

Naaalala pa niya ako. Nakaka-flatter naman na may isang mala-Aphrodite na nakaka-alala sa akin. Kahit pangit ako, nagawa pa niya akong i-text.

Pero free ba ako sa Sabado? Hmm. Wala naman akong ibang gagawin kung hindi maghanap ng trabaho at mag-aral. Siguro may free time na ako sa bandang hapon.

Ni-register ko muna yung number ni Anna sa contacts ko bago magreply:

Hi Ana!! Mdyo bsy aq sa sabdo e... pede bng itanong qng baket mu tinatanong? 

Para namang nakakahiya yung pagtext ko sa text niya. T___T Sige na nga, pahabain din natin para sosyal! XD

Yung sinend ko sa kanyang message:

Hi Ana! Medyo busy ako sa Sabado eh. Pwede bang itanong kung bakit mo tinatanong?

Oh, sosyal na rin ang isang chimay! HAHA.

Pinasok ko ang cell phone ko sa bulsa at lumabas na ng school. Kanina pa kasi nag-ring ang bell. Usapan kasi naming ni coach na after school ko gagawin ang punishment ko. Ayaw ko ngang before school, natutulog pa ako!

Nang maabutan ko yung jeep, isa na lang ang kailangan nila. Nagbabayad na nga ang ibang pasahero kay manong drayber.

Hindi ko alam kung ‘upo’ ang tatawagin ko sa pwesto ko. Dahil nga ako na lang ang hinihintay na pasahero, punong puno na yung jeep. Halos 1/100000th lang ata ng puwet ko ang nagkasya sa upuan eh. Hay nako.

Kinuha ko yung wallet ko para magbayad.

Teka...

T___T

Ulit tayo. Rewind muna.

Kinuha ko yung wallet ko mula sa bulsa ko para magbayad.

...

Teka...

Isa pa. Last na.

Kinuha ko yung wallet ko mula sa bag ko para magbayad.

Wait. Halungkat muna ng bag.

...

Wala.

Nawawala ang wallet ko. >.> UWAAAAAAAAAA.

ANONG GAGAWIN KO?

Nakatingin na sa akin yung katabi kong lalaki. Alam niya siguro na hindi pa ako nagbabayad. Paano na ba yan? Nalimutan ko ata sa Newspaper room yung wallet ko!

Bumili pa kasi ako ng banana cue kanina. >.< Napala ko sa pagkain!

Hala, nakatitig pa rin sa akin si kuya. O.O Anong gagawin ko?!?

ANO BA? ANO BA? ANO BA?

Sagutin mo ako! ANO ANG GUSTO MONG GAWIN KO!

Wait. Teka, since tatlo na ang tips na ginagawa ko, siguro naman maganda na ako ngayon. Nagtwenty five laps pa nga ako kanina! Siguro sexy na ako.

Ma-try ngang i-seduce si kuya para ilibre niya ako sa pamasahe.

Dahil nakatingin pa rin siya sa akin, dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Yung tipong pati yung eyelashes ko, naka-slow motion ang pagtingin. Then, nag-pout ako ng aking lips.

Medyo napa-sandal si kuya sa inuupuan niya. Siguro hindi na niya kaya ang tension sa aming dalawa. HOHO. Nase-seduce ko na ata siya!

“PARA PO!” biglang sigaw ni kuya sabay takbo paalis.

Hala, hindi pa nga gumagalaw ang jeep, pumara na siya. T___T

Then, napansin ko na nakatingin na sa akin yung drayber.

“Ikaw, totoy? Bayad mo?”

Patay, alam niyang hindi pa ako nagbabayad.

WAIT. TOTOY?!?

“Manong, babae po ako!” napalakas masyado ang sigaw ko.

“Weh? HAHAHAHA. Oh sige na nga! Bayad mo, NENE?” ayaw maniwala nung drayber na babae ako.

Kelan pa naging possible mapagkamalan na lalaki sa sobrang pangit? -_-‘

“Manong, pwede po bang utang muna?”

“Hindi ako nagpapautang. Kung wala kang pambayad, bumaba ka na!”

Nakatingin silang lahat sa akin nung bumaba ako. Nakakhiya lang. TT_____TT

Bumalik na lang ako sa school para hanapin yung nakakagigil na wallet. Siguro nga sa Newspaper room ko lang yun nalimutan. Sana naman.

Ayaw ko maglakad papauwi, dadaan pa kasi ako sa isang sikat na bar. Kahit mga 7:30 pa lang, marami na ang lasing dun. Mga palaboy-laboy sa kalsada. Nakakatakot dumaan, baka kung ano pa ang mangyari sa akin dun.

‘Pag pasok ko sa hallway namin, madilim na. >.< Sa buong hallway, parang tatlo lang ang ilaw na nakabukas. Nakakatakot naman, nasa dulo pa yung pupuntahan kong room.

Dahan-dahan akong naglakad. Takot kasi ako sa mga multo. Ibigay mo na ang lahat, ‘wag lang multo.

Pero kahit takot na takot ako sa kanila, hindi pa ako nakakakita ng multo. Minsan, may malamig na hangin ang dumadaan sa likod ko ‘pag solo ako sa bahay. Pero hanggang doon lang. Siguro pati yung mga multo, ayaw ako makita. Napapangitan din siguro sa akin.

Sa akin pa natakot ang multo. XD

Nung papalapit na ako sa Newspaper room, napabagal ang lakad ko. May isang figure na nakaharap sa bukas na pinto ng Newspaper room. O.O

Hindi ko maanino kung lalaki siya o babae. Pero nakatigil lang siya, nakatitig sa kung ano man ang nasa loob ng room na yun.

NAKAKATAKOOOOOT. AYAW KO NA. SIGE, DIYAN KA NA WALLET! MAKIKIPAG-AWAY NA LANG AKO SA LASING.

Bago pa ako gumalaw, naunahan ako nung multo/figure/kung-ano-man-yun. Lumakad na siya papalayo sa pinto. At nung lumiko siya sa corner, nagshine ang ilaw sa mukha niya. Si Jean.

Mabilis ko lang siya nakita pero sigurado akong si Jean yun. Mukha malalim ang kanyang iniisip, nakasimangot pa siya. Ano ba ang nakita niya sa loob ng Newspaper room?

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa bukas na pinto. Tumigil ako nung nasa pwesto na ako ni Jean kanina. Naghanap ako ng possibleng nakita niya.

Ayun. Sa isang table, may lalaking naka-upo. Tumagos ang ilaw ng street lamps sa mga kurtina ng room. At dahil dito, nakita kong may mga luha na dumadaloy mula sa kanyang mga mata.

Teka, parang familiar ‘tong lalaking ito. =____=

O.O Kilala ko na! ISA SIYA SA MGA KAIBIGAN NI NEON! Isa siya sa mga fourth year na niloko ako at pinagtawanan! At kung hindi ako nagkakamali, ang pangalan niya ay Orion.

Pero...

Bakit siya nandito? Bakit siya umiiyak? At bakit siya tinitingnan ni Jean kanina?

Ang first impression ko sa kanya, masamang tao. Ang dilim-dilim kasi ng kanyang aura. Tapos itim na itim pa ang kanyang buhok. Naka-eyeliner pa.

Ngayon, nag-iba bigla ang paningin ko sa kanya. 

Sa totoo lang, ito ang unang beses na nakakita ako ng lalaking umiiyak. Kadalasan kasi, ayaw magpakita ng emosyon ng mga lalaki. 

Tama. Pati pala lalaki, nasasaktan. 

Ang tanong: Bakit siya nasasaktan?

Wait. Teka. =_____=

Bago ako makisawsaw sa problema ng iba, kailangan ko muna i-solve ang sarili kong problema. 

PAANO AKO PAPASOK SA ROOM NA HINDI NAPAPANSIN NI ORION PARA KUNIN ANG WALLET KO?

Mukha naman kasing may moment yung tao. Nakakahiya naman kung sisingit ako. Baka magalit pa sa akin.

Hmm. Siguro kung dahan-dahan akong gagapang papasok, hindi niya ako mapapansin. Nasa other side kasi ng room yug wallet ko. Feeling ko, nasa drawer lang siya.

Okay! Gagapang ako!

Dumapa ako sa floor. Hinigit ko papauna ang katawan ko gamit ang aking mga siko. Kaya ko 'to!

I'm a barbie girl,

In a Barbie world

Life is plastic

It's fantastic!

You can to--

WHAT THE HECK?!? BAKIT NGAYON PA TUMUNOG ANG RINGTONE NG CELLPHONE KO?!?

"Sino yan?" narinig ko ang boses ni Orion.

Bago pa siya makagalaw, tumayo na ako at mabilis na umalis ng room. 

Tumigil lang ako sa pagtakbo nang nasa labas na ulit ako ng gates ng school. 

Habang hinihingal ako, tiningnan ko kung sino yung unggoy na nagtext sa akin. MUNTIK NA PO KAYA AKO MAMATAY DUN!

From: Anna

I just wanted to hang with you. :) Can you meet me at Starbucks? Maybe around 4? If it's okay with you, that is.

Hindi pala unggoy ang nag-text sa akin. DYOSA pala. -_-'

Sige na nga, sasama ako sa kanya!

To: Anna

Okay lang sa akin. Kita na lang tayo ha!

Oh! Ayan! Send na!

Ngayon, ano na ang gagawin ko?

Babalik ba ako sa school para kunin ang wallet ko (at kainin ng isang nakakatakot na Orion)

o

Makikipaglaban ako sa mga lasing para makauwi ng bahay?

Please text your answer to 2266 for a chance to win...

HAHAHA. JOKE! Wala kayong mapapanalunan dyan; wala akong pera. Nasa wallet nga eh! XD

Sige na nga, makikipag-world war 3 na lang ako sa mga lasing na yun! 

CHAAAARGE!

A/N: Filler chapter lang po 'to. Pero may important details din. :D

Continuă lectura