Western Heights: Casanova's P...

بواسطة foolishlaughter

114K 3.5K 406

*complete* Western Heights is a renowned school/academy. Known for its academic excellence, Western Heights... المزيد

Western Heights
Chapter 1: Scholarship
Chapter 2: Gossips
Chapter 3: Sir Brent
Chapter 4: The Hierarchy
Chapter 5: Kulay Tae
Chapter 6: Which Category
Chapter 7: Asher Lance Ynarez
Chapter 8: Peasant
Chapter 9: Instant
Chapter 10: Workmate?!
Chapter 11: Hyacinth Imperial
Chapter 12: Kodigo
Chapter 13: Collapse
Chapter 14: Chef Lance
Chapter 15: Desperate Measures
Chapter 16: Pride and Dignity
Chapter 17: Kapit Sa Patalim
Chapter 18: Crazy Contract
Chapter 19: The Calm
Chapter 20: Big Ben
Chapter 21: Mama Tori
Chapter 22: The Storm
Chapter 23: It's A Date!
Chapter 24: Kilabot
Chapter 25: Theme Park
Chapter 26: Wheel of Questions
Chapter 27 : Call From Abroad
Chapter 28: His Family
Chapter 29: An Unexpected Guest
Chapter 30: Engagement Party
Chapter 31: Hand To Rely On
Chapter 32: Tom-Tom
Chapter 33: The Boss Is Back
Chapter 34: Take Out
Chapter 35: Intense Review "daw"
Chapter 36: Differences & Comparisons
Chapter 37: Hospital Disaster
Chapter 38: Friends For Real
Chapter 39: Ano 'to?
Chapter 40: He's A Total Wreck
Chapter 41: Bicol Express
Chapter 42: All Is Well
Chapter 43: First Love
Chapter 44: Surprise!!!
Chapter 45: Grandparents
Chapter 46: Mission Accomplished
Chapter 47: To The Rescue!
Chapter 48: Stay Away
Chapter 49: Spilled Beans
Chapter 50: Consequences
Chapter 51: Aftermath
Chapter 52: Emergency
Chapter 54: I'm Sorry
Chapter 55: Frame Up
Chapter 56: Us
Chapter 57: Foolish Hearts
Epilogue
Special Chapter
Castaway

Chapter 53: The Burial

1.6K 50 5
بواسطة foolishlaughter

Last week lang. Last week lang nung nagluto kaming magkakasama nina Big Ben at Seb. Last week lang, sobrang saya pa namin at punung-puno pa siya ng saya at lakas. Isa sa mga pinakatahimik na sakay ko sa isang sasakyan, ang pagpunta namin sa simbahan ni Brent. Wala ni isa ang nagsalita sa amin, walang kumibo. Habang siya, sa daan ang tingin; ako sa kawalan.

Kasi ayaw mag sink in. Hindi pa rin ako naniniwalang totoo yung sinabi ni Brent. Pero bakit naman siya magbibiro ng ganoon di ba? Kung para lang kausapin ko si Mama Tori, hindi naman siguro kailangang umabot sa ganto, hindi ba?

"We're here, Cade." Saka lamang ako nagising sa katotohanan ng hawakan ni Brent ang kaliwang kamay ko.

Tumingin ako sa kanya, at hindi napigilan ang sarili ko na mapailing, "May oras pa para sabihin mong joke lang 'to, Brent."

Napayuko si Brent, at ang tanging natanggap ko mula sa kanya ay ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Napapikit ako nang makaramdam ako ng matinding sakit sa puso ko. Pakiramdam ko may kamay na nasa loob ng dibdib ko, at mahigpit na nakahawak sa puso ko- pahigpit ng pahigpit ng pahigpit.

Lumabas si Brent sa sasakyan, hindi rin nagtagal ay pinagbuksan na rin niya ako ng pinto. Pagbaba ko, tumingin ako sa paligid.

Nasa harap kami ng isang maliit na simbahan, simbahan na ngayon ko lang nakita; simbahan na nasa gitna ng malawak na damuhan. "This church is owned by the Ynarez's."

Bahagya lamang akong tumango bilang sagot. Muling hinawakan ni Brent yung kamay ko, subalit inalis ko ito. "Okay lang ako." Mahinang sabi ko sa kanya. bahagyang humawak ako sa kamay niya, sa may bandang pulso niya, yung tama lang na maaalalayan niya ako. "Ganito na lang." Sabi ko sa kanya.

Tumango siya, "Are you ready?"

Kahit na umiling ako bilang kasagutan, inalalayan niya ako paakyat sa simbahan. At sa bawat paghakbang ko pataas, pabigat ng pabigat yung paa ko; at pabagal ng pabagal yung mpagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko, panandaliang tumigil ang pagdaloy ng dugo sa katawan ko, at wala akong ibang marinig kung hindi ang mabagal na pagdaloy nito.

Dahan-dahang binuksan ni Brent ang malalaking pintuan sa harap ng simbahan, dahan-dahan lang dahil may seremonya pang nagaganap.

Nang marinig ko ang tunog ng kampana, at ang pag-iyak mula sa mga taong nakaupo, doon. Doon ko lang talaga napagtanto na wala na si Big Ben. Na totoo ang lahat, iniwan na niya kami.

Panandaliang nawalan ng lakas yung mga paa ko, mabuti na lamang at nandyan si Brent para saluhin ako, "Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.

Tumango ako, kahit hindi naman talaga 'oo' ang sagot ko.

"Thalia! Thalia!"

Nagulat ako nang makarinig ng maliit na tinig na paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan ko. Pagyuko ko, nakita kong si Ashton iyon, at nakataas ang kanyang mga kamay. Tinignan ko si Brent upang ipahawak muna sa kanya yung bag ko, kinuha naman niya ito. Bumwelo ako, at binuhat si Ashton. Niyakap kaagad niya ako at itinago ang ulo niya sa pagitan ng leeg ko at balikat ko. "Big Ben's dead." Bulong niya sa tenga ko, kasabay ng pagramdam ko ng mainit na pagpatak ng luha niya sa balikat ko.

Binilasan ko ang pagkurap ng mga mata ko upang pigilan ang sariling mga luha ko na nagbabadyang kumawala rin. Napansin kong nakatingin sa akin si Tito Juan, yung daddy ni Ashton pati narin si Tita Maricon, mommy niya. Nginitian lang nila ako, at hinayaan lang si Ashton sa balikat ko. Bakas sa mga mukha nila na wala pa silang tulog.

"Why did you come just now?!" Napatingin ako sa side ko, nakita ko si Maybel na napakasama ang tingin sa akin at nakapamewang. Pero kahit mataray ang itsura niya, nakita ko ang panginginig ng mga labi niya, kaya naman kaagad ko siyang nilapitan at niyakap. Hindi nagtagal, ay humagulgol siya. "You should've come earlier." Mahinang sabi niya sa akin.

"Sorry." Sabi ko, bahagyang pumalya ang boses ko dahil pinipigilan ko talaga na maiyak. Inalis ko yung pagkakayakap namin sa isa't isa, pero kaagad na humawak sa bewang ko si Maybel.

Tumingin ako kay Brent. Tumango siya sa akin, at tinuro yung harapan ng simbahan kung saan nakahimlay si Big Ben.

Huminga ako ng malalim, at sinabayan si Brent na maglakad papunta doon, habang buhat-buhat si Ashton at hawak-hawak si Maybel na mahigpit na nakahawak sa akin. Nadaanan namin si Leandro, na bahagyang ngumiti nang makita ako. Nang makita ako ni Cassandra at Barbara, patakbo silang lumapit sa akin at niyakap ako ng walang sinasabi. Hindi na rin sila lumayo, at sumunod na rin sa amin nina Brent sa paglalakad papunta sa harapan.

Habang papalapit ako, mas kinakabahan ako.

Paano? Paano ko siya titignan? Paano ko makakayang makita si Big Ben doon, gayong sanay akong makita siyang nakatayo at palaging nakangiti at tumatawa? Paano ko siya titignan, gayong alam ko na kahit kailan ay hindi ko na maririnig yung tawa niyang mahal na mahal ko? Paano?

Subalit nang makararating na ako sa harap, saka ko lang naisip na may nakalimutan ako. Na bago ko problemahin ang mararamdaman ko, kailangang isipin ko muna yung taong alam kong pinakanasasaktan ngayon.

Tinignan ko siya, at laking gulat ko nang makitang tulala lamang siya at hindi umiiyak. Mas nasasaktan ako sa ikinikilos niya.

Naglakad ako papunta sa harapan niya, at nang harangan ko ang kung ano man ang tinitignan niya, doon lamang nabalik ang tingin niya sa reyalidad. Pagkakita niya sa akin, "You rude, rude, rude girl!" Pasigaw niyang sabi sa akin. Pagkatapos noon, ay nasundan na ito ng hagulgol. YUng hagulgol na napakalakas na parang inipon niya ng napakatagal.

Tumingala ako, dahil pinipilit ko paring pigilan yung luha ko.

Habang si Mama Tori, mahigpit na nakahawak sa damit ko at pauli-ulit akong hinahampas. "You rude, rude girl! I've called you so many times! But you couldn't even spare a minute for you Mama Tori! I needed you! I needed you beside me, Lia. Our Big Ben's gone! What am I supposed to do now? How will I live? How can you let your Mama Tori suffer alone?!" Sumbat niya sa akin.

Kusa nang umagos sa mga pisngi ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"I just wanted to hear your voice, to tell me that it's gonna be okay, but you wouldn't even answer even one call."

Habang sinasabi sa akin ni Mama Tori ang lahat ng hinanakit niya, napukaw ng tingin ko sa isa sa mga nakikipaglamay si Hyacinth.

Nakakalungkot isipin na ang akala kong nakakatulong, ay nakakasakit pa pala sa mga taong mahal ko. Dapat, si Mama Tori ang inisip ko at hindi si Hyacinth. Napangunahan nanaman ako ng pagkamakasarili ko, na nagawa kong kaligtaan si Mama Tori pati yung mga nararamdaman niya.

Ibinaba ko muna si Ashton, at lumuhod sa harapan ni Mama Tori. Hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit, "Andito na po ako, Mama Tori." Sabi ko sa kanya.

Kaagad niya akong niyakap at wala siyang ibang ginagawa kung hindi ang umiyak sa balikat ko pagkatapos.


***


"It's kind of rude, don't you think?" Panimula niya. "Just when I was getting close to him, bigla siyang kukunin." Sabi ni Seb.

Inilapag ko sa tabi niya yung kapeng ginawa ko para sa kanya. Andito kami ngayon sa labas ng simbahan, sa ilalim ng isang malapit na puno.

"Hindi siguro." Tutol ko sa sinabi niya, sabay upo sa tapat niya. "Sa tingin ko, hindi siya rude, Seb. Kasi andun ka sa mga huling sandali ng buhay niya. Andun ka, napasaya mo siya at naging kaclose mo siya. At sa tingin ko, hindi rude yun."

Hindi sumagot si Seb pagkatapos nun.  "Ako, thankful ako na nakasama natin siya bago mangyari to. Na nagluluto tayo nung huli natin siyang magkasama. Alam mo yun? Yung special bond na meron tayo dahil sa pagluluto, kumbaga. Masaya ako na naging paraan ng pamamaalam natin sa kanya yun."

"Ha? May bond tayo?" Tanong niya.

Sinipa ko yung tuhod niyang naka indian seat. "Wag mong sisirain yung moment! Ang ganda-ganda na eh!"

Tumawa siya ng malakas, "What a ball of sunshine you are, huh, best friend?" Sabi niya. "Yung literally lifted everyone's mood the moment you came. May grand entrance ka pa with Brent, was that a scheme to make Asher jealous?"

Siniko ko siya, "Tigilan mo ko ha."

"But on a serious note, I never thought that you were that close to his whole family. Pwede ka na nilang maging in law sa sobrang close mo sa kanila eh."

"Seb!!!"

"It must've been very hard for you huh? To distance yourself away from all of them?"

Tumango ako, "Sobra."

"That's why you should stop doing everything for others, Lia. You can never please everybody, might as well please the people you love." Payo niya.

"Oo na."

"Pero curious lang ako. Why did you do it? Bakit mo pinagbigyan yung request ni Hyacinth sayo?" Sa pagkakataong ito, hindi na pilyo ang itsura niya. Seryoso siyang nagtatanong, at humihingi ng sagot.

Huminga ako ng malalim, "Kasi babae ako. Kahit naman papaano, naiintindihan ko yung pinanggagalingan niya. Sino nga bang gugustuhin na malapit sa ex ng boyfriend mo yung buong pamilya niya di ba?

Tsaka... Sige, aaminin ko na. Nakakapagod kasi. Alam mo yun? Yung lahat nalang ng bagay, nagpapaalala sa kanya. Na sa tuwing makikita ko si Mama Tori o si Big Ben, palaging andun yung pag-isip ko kay Asher. Gusto ko sanang bigyan ng break yung sarili ko mula doon, pero di ko naman ineexpect na magkakaganito. Sa sobrang katangahan at pagkamakasarili ko, nakalimutan kong matanda na pala sina Big Ben at Mama Tori."

"You know, speaking of Asher... dumating ako dito the moment I heard about his passing. And from the moment hanggang ngayon, I haven't seen Asher cry. Siguro minana niya kay Mama Tori, hindi rin siya umiyak before you came eh. Umiyak lang siya nung nakita ka niya."

"Oh? So anong point mo?"

"Puntahan mo si Asher."

Tinignan ko siya para masiguradong normal pa siya at hindi nababaliw, "Bat ako?"

"Come on. The guy needs you."

"Sino may sabi? Wag ka ngang know it all dyan." Sita ko sa kanya. "Tsaka kasama nun si Hyacinth no. Ano? Eeksena ako bigla? Parang di mo naman narinig yung sinabi ko kanina eh."

"Bahala ka. I'm just stating a hypothesis, pero I really think hindi kung sinong nasa tabi niya ngayon ang kailangan ni Asher."

Labas sa ilong akong tumawa, "Alam mo, kahit kailan, ang dami mong alam sabihin.

"Well, ikaw rin naman kailangan siya ngayon."

"Seb, seryoso, tama na." Seryosong sabi ko sa kanya. "Sa lahat ng nagluluksa ikaw pa yung lumalala yung pang-aasar eh."

Matamlay siyang napangiti, "I'm just distracting myself. Lia..." Tinignan ko siya dahil sa biglang pagseryoso ng tono niya. "Pano na tayo?"

"Hm?"

"Anong gagawin natin? All my life si Big Ben ang tinitingala ko. Sa tuwing magluluto ko, iniimagine ko na para kay Big Ben yung iluluto ko at kaya dapat I always do my best. Ganun ka rin naman di ba? After you met Big Ben. I just don't know how to continue doing what I love now."

Tumingin ako sa langit, "Andun naman siya."

Sarkastiko siyang tumawa, "Pambata naman yan, Lia eh."

"Totoo nga. Andun siya. Kasama yung Mama ko, kasama yung Mama ko. At ano naman kung pambata? Sa mata nilang tatlo, habang buhay tayong bata. Kaya dapat ipagpatuloy lang natin yung pagluluto, kasi passion natin yun at sasaya sila kung susundin natin kung anong gusto natin."

"So dapat kong sundin si Elle? At dapat mong sundan si Asher?"

Sinampal ko siya ng mahina, "Yung pagluluto kasi! Di ka talaga papaawat no?"

Umiling siya habang nakangiti.

"Sus, edi inamin mo rin na gusto mo si Elle."

"For the nth time, never ko namang dineny." Sambit niya, sabay kindat sa akin na inirapan ko lamang.

"Can I speak with Thalia, alone?"

Naputol ang asaran namin ni Seb nang biglang may magsalita mula sa likuran ko. Nakita ko na panandaliang nagulat si Seb sa nakita niyang nasa likod ko, pero nawala rin to agad at napalitan ng pagngisi.

Bukod pa sa kilala ko ang boses niya, iyang itsurang ginagawa ni Seb ang nagkumpirma sa iniisip kong nasa likod ko ngayon.

Hindi naman nagdalawang isip si Seb na tumayo, ni hindi man lang nagpaalam sa akin o ano, at maglakad na palayo. Pero bago pa siya tuluyang makaalis, liningon ulit niya ako at sinabing "Told ya." Kahit hindi ko na rinig ang boses niya.

Huminga muna ako ng malalim, bago ako tumayo at hinarap siya.

"Asher."




Don't forget to vote, comment na rin while you're at it!

#WHTCP

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

7.1K 396 26
• Chasing the Vampire Prince (Novel) • Vampire Prince Series #2 Being born into the family of a vampire hunter, Hailey Stewart has only one goal in l...
29.4K 1.5K 33
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
18.1K 1.2K 42
Lana Custre, The Miss Cheerleader of Knight University. She transferred Knight University during her first year. Noon pa lang ay maugong na ang kaniy...
7.5K 1.9K 196
𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐓𝐖𝐎 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐏𝐄𝐑𝐈𝐍𝐊 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄 _____ 𝙳𝙰𝚃𝙴 𝚂𝚃𝙰𝚁𝚃𝙴𝙳...