Western Heights: Casanova's P...

By foolishlaughter

114K 3.5K 406

*complete* Western Heights is a renowned school/academy. Known for its academic excellence, Western Heights... More

Western Heights
Chapter 1: Scholarship
Chapter 2: Gossips
Chapter 3: Sir Brent
Chapter 4: The Hierarchy
Chapter 5: Kulay Tae
Chapter 6: Which Category
Chapter 7: Asher Lance Ynarez
Chapter 8: Peasant
Chapter 9: Instant
Chapter 10: Workmate?!
Chapter 11: Hyacinth Imperial
Chapter 12: Kodigo
Chapter 13: Collapse
Chapter 14: Chef Lance
Chapter 15: Desperate Measures
Chapter 16: Pride and Dignity
Chapter 17: Kapit Sa Patalim
Chapter 18: Crazy Contract
Chapter 19: The Calm
Chapter 20: Big Ben
Chapter 21: Mama Tori
Chapter 22: The Storm
Chapter 23: It's A Date!
Chapter 24: Kilabot
Chapter 25: Theme Park
Chapter 26: Wheel of Questions
Chapter 27 : Call From Abroad
Chapter 28: His Family
Chapter 29: An Unexpected Guest
Chapter 30: Engagement Party
Chapter 31: Hand To Rely On
Chapter 32: Tom-Tom
Chapter 33: The Boss Is Back
Chapter 34: Take Out
Chapter 36: Differences & Comparisons
Chapter 37: Hospital Disaster
Chapter 38: Friends For Real
Chapter 39: Ano 'to?
Chapter 40: He's A Total Wreck
Chapter 41: Bicol Express
Chapter 42: All Is Well
Chapter 43: First Love
Chapter 44: Surprise!!!
Chapter 45: Grandparents
Chapter 46: Mission Accomplished
Chapter 47: To The Rescue!
Chapter 48: Stay Away
Chapter 49: Spilled Beans
Chapter 50: Consequences
Chapter 51: Aftermath
Chapter 52: Emergency
Chapter 53: The Burial
Chapter 54: I'm Sorry
Chapter 55: Frame Up
Chapter 56: Us
Chapter 57: Foolish Hearts
Epilogue
Special Chapter
Castaway

Chapter 35: Intense Review "daw"

1.8K 51 1
By foolishlaughter

"Mama Tori, ilalagay ko na ba yung mga dough sa oven?" Tanong ko.

"Napre-heat na ba yung oven?" Tumango ako bilang sagot. "O sige ilagay mo na yan. Gagawa na ako ng hot chocolate." Sabi niya habang inilalabas ang cocoa powder mula sa counter, naglabas din siya ng almond milk, at iba't ibang pakulo niya sa version niya ng hot chocolate.

Naglalaway na ako kahit wala pa siyang ginagawa. "Mama Tori, sobrang soulmate niyo po ni Big Ben no?"

"Bakit mo naman nasabi yan?" Natatawa niyang tanong.

"Kasi siya, magaling magluto ng main course. Tapos kayo naman po, dessert ang forte ninyo. Sbrang perfect match." Paliwanag ko, hindi ko na naitago ang pag-fafan girl ko sa kanila ni Big Ben.

Tumango siya, "Siguro. Pero I believe more na kayo ng apo ko ang soulmate."

"Si Asher? Kami? Soulmate?" Labas sa ilong kong sabi. "Parang hindi naman po. Minsan ko na siyang iniwan sa pagluluto ng carbonara, nagkalat ang gatas sa buong kitchen. Sobrang didaster, Mama Tori." Dagdag ko pa.

Tumawa ng malakas si Mama Tori. "Such thing happened? Wala ka bang video?" Tanong niya. Umiling ako. "Sayang naman. Pero don't you see my point? Soulmates kayo because kaya mo namang lutuin ang main course at dessert, at siya naman ang palagi mong ipagluluto." Sabi niya, na sinabayan pa niya ng kindat.

Sinimulan nang lutuin ni Mama Tori yung hot chocolate. "Kung sabagay, sobrang takaw ni Asher."

"Totoo."

"Lalo na kapag spicy food/ lalo na kapag maanghang." Sabay naming sabi ni Mama Tori.

Parehong nanlaki ang mga mata namin, at tumawa ng malakas pagkatapos. "Ewan ko ba, Mama Tori. Sobrang weird ng apo ninyo."

"I know. But we love him like that, don't we?"

Isang ngiti ang isinagot ko sa kanya.


"I smell something nice!"

"I smell something nice too!"

Sabay kaming napatingin ni Mama Tori sa pintuan ng kitchen. Napailing na lamang ako at natawa nang makita ang maglolo na nakasilip mula sa pintuan. "Hindi pa luto." Sabi ko.

Bumusangot si Asher, "Matagal pa?"

Sobrang ibang-iba niya kapag nasa bahay siya at sa tuwing kasama niya ang lolo't lola niya. Para siyang baby. Kahit hindi parin siya palangiti, mas maaliwalas ang mukha niya sa tuwing kasama niya si Big Ben at Mama Tori.

"Don't worry. Malapit na."

Si Asher ang kinakausap ko pero kay Big Ben ako nakatingin. Kasi ang totoo niyan, naiilang ako doon sa ginawa kong pagtakbo noong nasa loob kami ng classroom. Hindi naman ginawang big deal ni Asher yon, naniwala naman siya kaagad noong sinabi kong sumama lang ang tiyan ko kaya kumaripas ako sa pagtakbo. Matakaw daw kasi ako kaya hindi na siya magugulat kapag naimpacho ako. Kung alam lang niya.

"I'm hungry already." Maktol parin ni Asher.
"A food made from love takes time, Apo. Start setting up the table instead, then you can taste the kind of love your girlfriend has for you through her cinnamon rolls." Sabi sa kanya ni Mama Tori.

Tumingin ako kaagad kay Mama Tori, kinindatan lang niya ako at pasimpleng sinabi sa akin: soulmates.

Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa oven kung saan naluluto na ang mga tinapay ko. "What about your love for me?" Biglang singit ni Big Ben.

Hindi ko mapigilan ang matawa sa segway ni Big Ben. At lalo akong natawa nang pabiro siyang sinagot ni Mama Tori ng:

"Wala na expired na."

***

"Delicious. Very delicious." Kumento ni Big Ben habang ngumunguya.

"Pwede na." Habang itong apo niya, sinamaan ko na lamang ng tingin. Pwede na? Ano pwede na siyang maka-panlimang serving ng cinnamon roll ko? "Mapagtya-tyagaan." Dagdag pa niya.

Tumawa sina Mama Tori at Big Ben. Maging ako ay natawa nang makitang yung cream sa bibig ni Asher ang tinatawanan nila.

Kumunot ang noo niya, "What?"

Sabay-sabay kaming tatlo na umiling, at pare-parehong nagpipigil ng pagtawa. "Doesn't look like it's nothing." Kumento ni Asher sa mga itsura namin.

Pasimpleng umubo kunwari si Big Ben. "So Thalia, why don't you tell us something about Western Heights? How is it?" Halatang binabago na lang niya yung pinag-uusapan para malihis ang atensyon naming lahat sa itsura ni Asher.

"Okay naman po Big Ben."

"By okay she means that she's a candidate for valedictorian, acing all the tests given to us in every subject." Singit ni Asher.

"So we've got ourselves an excellent kitchen warrior and a genius. What can't you do dear?" Manghang kumento ni Mama Tori.

Ngumiti ako, "Hindi maman sa ganon Mama Tori, grabe maman." Nahihiya kong sabi.

"Hindi. It's true. You seem to be effortlessly good at everything." Tatanggi pa sana ako subalit nagpatuloy pa siya sa pagsasalita. "And you have no idea that you do."

"Indeed, these are the best cinnamon rolls I had. Well second to Victoria's of course." Pahabol ni Big Ben.

"Thank you po." Sabi ko nalang. Naiilang kasi talaga ako kapag nalalagay ako sa ganitong sitwasyon.

"Well unlike the other kids your age, you seem like a very mature person and someone who has achieved quite alot." Sabi ni Mama Tori.

Nagtaas ng kamay si Asher, "By other kids your age she meant me." Sarkastiko niyang sabi.

"Almost at the bottom of his class, never even bothered to show anyone his report card but we've seen it once and we never wanted to see it again." Kwento ni Mama Tori.

"Wow. Thank you so much." Sarkstikong maktol ni Asher.

"About to graduate, still at the bottom." Dagdag pa ni Big Ben.

Nag-make face si Asher habang kumukuha pa ng isang cinnamon roll. "I wonder if there's still hope remaining for our apo, Ben." Madramang saad ni Mama Tori.

"I don't even know Victoria... It's not like we haven't done anything about it. We've tried everything we can but still..."

"They want you to tutor me, Thalia." Walang ganang sabi ni Asher.

Tumango ako, "Tingin ko rin." Sabi ko.

Painosenteng ngumiti lamang ang mag-asawang nasa harapan ko na tila ba wala silang alam tungkol sa sinasabi namin ng kanilang apo.

"By the way, Asher. I heard Brent came back to the Philippines?"

Linunok muna ni Asher ang nginunguya niya bago sumagot, "Yes he did."

"So when is he visiting?"

"Ewan. Baka bukas."

Tumango si Mama Tori. "I wonder what's his pasalubong for me?"

"Something related to vanity, syempre." Binelatan lang ni Mama Tori yung sinabi ni Asher.

"Mine is a spice from Singapore for sure." Sabi ni Big Ben. Tapos bigla siyang napatingin sa akin. "Does Brent know Thalia?"

Pareho kaming naubo ni Asher. "Well... He does." Puno ng pag-aalinlangang sabi ni Asher.

"Well she's your girlfriend after all and Brent is your closes cousin. Why did I even bother asking, right?" Natatawang sabi ni Big Ben.

Pilit na tumawa nalang ako habang itong si Asher biglang namutla. Ipupusta ko lahat ng meron ako na ngayon lang niya napagtatatanto ang kalagayan ang sitwasyon namin. Nagbalik na si Brent, ang boss ko, at wala siyang ideya sa pinaggagawa namin nitong si Asher.

"Oh my God, would you look at the time!" Biglang sigaw ni Mama Tori. Tapos ay tumingin sa amin ni Asher. "We're sorry mga apo. Big Ben and I have a flight to Bangkok in a couple of hours. We have to go." Paalam niya.

Hindi na niya kami binigyan pa ng pagkakataon ni Asher na magpaalam o magsalita, dahil tumayo na sila palabas. "And-oh! Asher! You've got cream on your lips by the way!" Mapang-asar na sigaw ni Mama Tori nang makalabas na sila ng dining room.

Kaagad na pinunasan ni Asher yung bibig niya habang ako, hinayaan nang kumawala ang tawa ko.

"Very funny." Sarkastiko niyang sabi.

"E kasi naman, sabi mo hindi masarap. Nahiya naman ako sa cream cheese na nasa labi mo di ba?" Pagrarason ko.

"Have you spoken with Brent?"

Nawala kaagad ang masayang mood na mayroon ako kanina. Bahagya akong tumango bilang sagot sa tinanong niya.

"And?"

"And, wala siyang alam syempre." Sagot ko. "Sasabihin ba natin sa kanya? Siya yung closest cousin mo di ba? Baka naman-"

"No." Madiin niyang saad.

"So anong gagawin natin? Anong gagawin ko?"

"Same as before. Noong wala pa siya. You're my girlfriend, I'm your boyfriend. It's simple."

Simple? Saan banda doon yung simple? Buti sana kung hindi umuwi dito sa Pilipinas si Brent na ibang-iba ang aura at tila nakakakain ng kung ano sa Singapore na naging dahilan ng pag-iiba ng pakikitungo niya sa akin hindi ba? Buti sana kung hindi ko boss yung si Brent at hindi niya pinsan hindi ba? At buti sana kung hindi kami lalabas ni Brent sa makalawa, di ba?

Pero papaano pa ako tatanggi, naka-oo na ako nung pa-dinner ni Brent.

Jusko, Thalia. Heto ka nanaman sa mga pinapasok mong mga gulo.


"Hayaan mo na nga lang. Bahala na si Batman." Sabi ko nalang. "Maiba na nga. Papaano pala natin mapapataas yung grades mo? Hindi ko kinaya yung actingan nina Big Ben at Mama Tori kanina ah." Patukoy ko sa ginawang pagpaparinig ng lolo't lola niya.

"Natin? Aba ewan ko kung papaano mo, mapapataas grades ko."

"Ko? Hindi ba pwedeng natin? Ikaw yung sasagot sa test paper, hindi ako no. Next week na yun, ilang araw nalang yung meron tayo."

"Kaya nga it's impossible. Don't bother. Hayaan mo nalang sina Big Ben at Mama Tori. Ako na bahala."

Umiling ako, "Hindi pwede."

"Pwede."

"Hindi."

"Pwede."

"Iluwa mo lahat ng kinain mong binake ko, kung pwede nga talaga."

"What does that even have to do with me getting higher grades?"

"Kasi nga hindi pwedeng petiks lang." Sermon ko sa kanya. "Magkakaroon tayo ng madugong pagrereview."

Tumawa siya, "Not gonna happen."

"At magsisimula tayo ngayon din." Mariin kong sabi.


***


"All real numbers nga yung domain!" Naiinis kong sabi kay Asher habang paulit-ulit na binibilugan yung mali niyang sagot. "Nasa linear function palang tayo, ano na?"

"I told you, this is useless!"

Huminga ako ng malalim, "Gumawa nga tayo ng kasunduan."

"Meron na tayong ganon."

Sinapok ko siya, "Hindi yun." Inis kong sabi sa pagpapapaalala niya ng kabaliwang kasunduan na yun na sinang-ayunan ko. "Ganito. Kapag nakapasa ka sa exam, gagawin ko lahat ng gusto mo kahit ano. At kapag naman bumagsak ka, ako ang papagawa ng kahit ano sayo."

"Ayoko."

"Asher!"

"Kahit ano?" Paglilinaw niya.

Tumango ako kaagad. "Oo, kahit ano pa yan. Kahit ipagluto pa kita araw-araw ng cinnamon roll." Desparada kong sabi sa kanya. Pagod na rin kasi akong magpaulit-ulit ng sinasabi sa kanya, siya mismo naman kasi walang motibasyong mag-aral kaya balewala lang din yung ginagawa ko. At ang isa pa, gusto ko rin naman na makitang sumaya sina Big Ben at Mama Tori. Kahit pa naman kasi sabihin na pabiro yung ginawa nila, alam kong kahit papaano ay gusto talaga nilang mangyari yung sinasabi nila kanina.

"Hindi yun ang ipapagawa ko." Nakangisi niyang sabi.

Pero hindi ko na pinansin yon, "So pumapayag ka na?"

Tumango siya.

"Yes!" Hindi ko mapigilang sigaw.

"Ssh!" Sita sa akin kaagad ng librarian.

Dahan-dahan akong tumingin papunta sa gawi niya,"Sorry po." Pabulong kong sabi.

Nang ibalik ko ang tingin ko kay Asher, nakita kong nagpipigil siya ng kanyang tawa, kaya kaagad ko siyang siniko. Sa ginawa kong yon, napasinghap siya. "Ssh!" Siya naman ang sinita ng librarian, at ako naman ang nagpipigil ng pagtawa.

Binuksan ko yung bag ko at patagong kumuha ng isang piraso ng chichiryang dala-dala ko. Nang makita kong nakatingin sa akin si Asher, sinenyasan ko siya na wag mag-ingay. "Pahingi ako." Sabi niya.

Umiling ako, "Di pwede sa brain cells mo to, nagrereview ka."

"Nagrereview ka rin naman ah?" Reklamo niya. Hindi niya ako pinakinggan dahil siya na mismo ang kumuha sa bag ko at sapilitang binuksan ito. "Asher!" Pabulong kong sita sa kanya.

"Nagugutom ako." Sabi lang niya.

"Oo na, oo na, bibigyan na kita. Ibalik mo muna yung bag ko." Sabi ko.

Tinignan muna niya ako, bago niya ibalik yung bag ko.

Pagkakuha ko nito, kaagad kong isinara ulit ang zipper at binelatan siya. "Joke lang."

"Baboy."

"Sabi ng nang-aagaw ng pagkain ng may pagkain." Bwelta ko.

"Damot."

"Bagsakin."

Kunwari siyang napasinghap, "That was way below the belt." Sumbat niya, pero halatang natatawa siya sa sinabi niya.

"Kaya mag-aral ka nang huminga ulit yung mga grades mong lunod na lunod na."

"You're judging me, aren't you?"

"Ikaw kaya yung judger, tinawag mo kong baboy eh."

"Pero-"

"Anong domain ng quadratic function!" Pambibigla ko sa kanya ng isang tanong.

Nataranta muna siya bago siya makasagot ng: "All real numbers!"

Nanlaki ang mga mata ko sa isinagot niya. "Naks naman! Galing ah!"

"Gwapo eh." Kaagad naman niyang sagot.

Natawa ako. Yung tawang naipit sa ilong kaya tunog baboy nanaman. Kaya muli akong natawa, at ganoon nanaman ang pagkakalabas. Naalala ko kasi yung mukha niya noong bigla ko siyang tinanong.

"Thalia, stop it." Sita sa akin ni Asher.

"Alin?"

"Yung tawa mo." Natatawa na rin niyang sabi.

"Hindi ko kaya."

"Thalia-"


"Get out!"


Pareho kaming napatingala sa boses na bigla na lang umawat sa tawanan namin ni Asher- yung Librarian. Kaagad naming inipon ni Asher yung mga gamit namin at isinik-sik sa kanya-kanya naming mga bag. Mabilis pa sa kisap mata ang pagtayo namin at nag-unahan kami sa paglabas mula sa library.

Paglabas namin, pareho kaming hinihingal. "Na-nakita mo ba yung mukha niya? Parang mangangain na ng tao sa galit!" Natatawa kong sabi.

Tumawa siya, "And have you seen the faces of the other students? Sobrang priceless. Even Hyacinth was dumbfounded."

Natigil ako sa pagtawa.

Nasa library si Hyacinth?

"Tara na nga lang sa cafeteria, kumain nalang talaga tayo. Nagutom ako sa kakaaral." Aya ni Asher. "Hoy? Thalia, are you still there?"

Tumango ako kaagad, "H-ha? O-oo naman."

"Mukhang natrauma ka dun sa mukha nung librarian ah? Can't blame you though." Sabi niya, habang nagsisimula na sa paglalakad papunta sa cafeteria. "Tara na."

"Sige." Mahinang sagot ko, kahit pa alam kong hindi na ako maririnig ni Asher dahil may kalayuan na rin ang nalakad niya. Umiling ako. At umiling ng isa pang beses upang gisingin ang sarili ko, at ibalik ang siglang biglang naglaho ngayon-ngayon lang.

Anong ba talagang nangyayari sa akin?


Don't forget to vote, comment na rin while you're at it!

#WHTCP

Continue Reading

You'll Also Like

627K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
85.5K 5.5K 51
Bleik had a wonderful family and friends. Everything was good. The boy she had a crush on had eyes on her too. But on the night of her eighteenth bi...
219K 2.2K 8
"How much do you love her?" Tanong ni Pierce kay Wrath. Wrath smirked. "I had her pictures in every corner of my room. That's how." The baritone vo...
5K 283 28
Grew up in Baguio, Charlotte Vandella notices a huge difference from her new hometown named Griffin's Cove. When she messed up with her friends and e...