Western Heights: Casanova's P...

By foolishlaughter

114K 3.5K 406

*complete* Western Heights is a renowned school/academy. Known for its academic excellence, Western Heights... More

Western Heights
Chapter 1: Scholarship
Chapter 2: Gossips
Chapter 3: Sir Brent
Chapter 4: The Hierarchy
Chapter 5: Kulay Tae
Chapter 6: Which Category
Chapter 7: Asher Lance Ynarez
Chapter 8: Peasant
Chapter 9: Instant
Chapter 10: Workmate?!
Chapter 11: Hyacinth Imperial
Chapter 12: Kodigo
Chapter 13: Collapse
Chapter 14: Chef Lance
Chapter 15: Desperate Measures
Chapter 16: Pride and Dignity
Chapter 17: Kapit Sa Patalim
Chapter 18: Crazy Contract
Chapter 19: The Calm
Chapter 20: Big Ben
Chapter 21: Mama Tori
Chapter 22: The Storm
Chapter 23: It's A Date!
Chapter 24: Kilabot
Chapter 25: Theme Park
Chapter 26: Wheel of Questions
Chapter 27 : Call From Abroad
Chapter 29: An Unexpected Guest
Chapter 30: Engagement Party
Chapter 31: Hand To Rely On
Chapter 32: Tom-Tom
Chapter 33: The Boss Is Back
Chapter 34: Take Out
Chapter 35: Intense Review "daw"
Chapter 36: Differences & Comparisons
Chapter 37: Hospital Disaster
Chapter 38: Friends For Real
Chapter 39: Ano 'to?
Chapter 40: He's A Total Wreck
Chapter 41: Bicol Express
Chapter 42: All Is Well
Chapter 43: First Love
Chapter 44: Surprise!!!
Chapter 45: Grandparents
Chapter 46: Mission Accomplished
Chapter 47: To The Rescue!
Chapter 48: Stay Away
Chapter 49: Spilled Beans
Chapter 50: Consequences
Chapter 51: Aftermath
Chapter 52: Emergency
Chapter 53: The Burial
Chapter 54: I'm Sorry
Chapter 55: Frame Up
Chapter 56: Us
Chapter 57: Foolish Hearts
Epilogue
Special Chapter
Castaway

Chapter 28: His Family

1.7K 49 2
By foolishlaughter

"No."

"Asher-"

"No."

"Sige na..."

"I said, NO."


Ilang araw nang ganito ang mga pag-uusap namin ni Asher. Sa school o sa trabaho man. Bakit ba naman kasi sa akin naibigay itong trabaho na makumbinse si Asher na pumunta dun sa party ng tatay niya?

Oo nga pala, 'girlfriend' niya ako.

Huminga ako ng malalim, "Please? Nangako ako kay Big Ben na papasamahin kita." Pakiusap ko sa kanya.

"Thalia, sinabi ko nang hindi di ba? Don't push it." Inis niyang pagtatanggi.

"Pero bakit ba kasi? Party lang naman yun eh. Sumaglit lang tayo, tapos alis na. Gusto ka lang siguro nilang makita. Tapos kakain lang naman, hindi naman mahirap yun di ba?" Pilit ko pa rin sa kanya, subalit hindi niya ako pinansin. "Wala namang masama dun di ba? Magpapakita ka lang tapos kakain lang, tapos... tapos!"

Hindi niya ako pinansin.

"Asher..."

Wala pa rin.

"Dahil ba hosted ng Daddy mo yung party kaya ayaw mong magpunta?" Sa totoo lang, wala akong alam kung ano ang istorya sa likod ng away na nasaksihan ko noon kay Asher at ng Daddy niya. Hindi naman siguro ganoon kalala, hindi ba?

Napansin kong humigpit yung hawak ni Asher sa cellphone an kanina pa niyang kinakalikot. "Baka naman ito na yung chance niyo na magbati? Sandali lang naman eh, pero malay natin-"

"Will you shut up?!" Gigil na sigaw ni Asher. "Do you even know what kind of party he's hosting?! Do you even know the reason why I don't want to go?! Kung hindi, you better shut your mouth, Thalia. You may be my girlfriend, but it's all an act. So stop acting like you f*cking have the right to interfere with my private life!"

"Gusto ko lang naman-"

"Well don't." Putol niya sa sasabihin ko. "Pwede bang isaksak mo sa kokote mo na binabayaran kita para magbalikan kami ng ex girlfriend ko at hindi para pakialaman mo ang buhay ko? Ayan, tinagalog ko na para maintindihan mo." Galit niyang sabi.

Ang akala ko, sanay na ako sa lutong ng pananalita ni Asher.

Pero laking gulat ko nalang ng maramdaman ang pagbabadyang paglabas ng luha sa mga mata ko. Kaagad akong tumalikod, at naglakad palabas ng staff room.

Paglabas ko, napahawak ako kaagad sa counter kung saan naroroon yung mga pastries namin. At gamit ang isang kamay, napahawak ako sa puso ko. Nagawa ko mang pigilan ang pagtulo ng mga luha ko, subalit hindi ko magawang pigilan ang pagsakit nito.

Bakit ka nasasaktan?

Sinuntok ko yung kaliwang dibdib ko.

Hindi ka dapat nasasaktan.

Sinuntok ng isa pa.

Si Asher lang yan.

At sinuntok ng ulit.


Hindi dapat ganito.


***


Maraming eksena ang pumasok sa isip ko noong nagsink-in na sa akin na mapapakilala ako sa pamilya ni Asher bilang kanyang girlfriend.

Isa na rito ang mga eksena sa teledrama, na kapag nalaman ng pamilya ng bidang lalaki na saksakan ng yaman na isa lamang akong hamak na peasant sa isang prestihiyosong Western Heights, naisip ko nang itataboy ako palabas, o ang tatapunan ng tubig, pati na rin ang pagsabi sa akin ng isang sikat na linya, 'You're nothing but a second rate, trying hard copy cat!'.

"Thalia, Thalia! Come on! My Dad's gonna be cooking barbeques!" Sigaw sa akin ng isang lalaking bata sabay hila sa dress ko. Oo, nakadress ako. Isa ito sa mga pangyayari sa balat ng mundo na napakadalang na mangyari. Pero, ito na kasi ang pinakamagandang damit na mayroon ako. Binigay lang ng asawa ni Tito Julio noong ika-16 na kaarawan ko. "Come on, hurry!"

"Teka lang, Ashton!" Natatawang sabi ko sa kanya, sa kahihila kasi niya, masyadong tumataas yung palda ko. Ito ang hindi ko inasahan, ang makasundo ang mga kamag-anak niya.

Hinila niya ako papunta sa Daddy niya. "Good morning po, Sir." Bati ko kaagad paglapit namin, dahil malayo pa lamang ay nakatingin na siya sa amin ng anak niya.

"Oh, you need not call me sir. Call me Tito Juan, if Asher is your boyfriend, might as well I treat you as my niece." Sabi sa akin ng Daddy ni Ashton habang hawak-hawak ang isang hindi lutong barbeque. Medyo natitigan ko pa yung hawak niya dahil hindi ako sanay na ganoon kalalaki ang mga karne na nakatusok sa stick, na sinamahan pa ng iba't ibang gulay.

Tumango ako, "Osige po... tito Juan." Naiilang kong sabi. Siguro masyadong masama sa parte ko na pangunahan sila. Ang akala ko kasi, matapobre sila at mapangmata ng tao. Ganoong mga tao kasi ang nakikita ko sa Western Heights. Pero sobrang iba ang mga taong nakilala ko na sa bahay na ito sa mga tao sa eskwelahang iyon.

*plonk*

Parehong mabilis na umikot ang mga ulo namin paharap kay Ashton.

"Ashton!" Sermon kaagad ni Tito Juan sa anak niya na natabig ang sauce ng mga barbeque.

Ito namang si Ashton, kaagad na umiyak.

"Go to your yaya, and ask her to clean you up." Sabi ng Daddy niya sa kanya, pero nagpatuloy lamang si Ashton sa pag-iyak. "Where's your yaya, Ashton?" Tanong niya, habang inililibot ang kanyang tingin.

"Ay, Tito Juan, nag-CR po si ate Grace sandali eh, masama raw po ang tyan." Singit ko, patukoy sa yaya ni Ashton. Pinabantayan muna kasi ni ate Grace itong alaga niya sa akin. Tinignan ko si Ashton, "Ano bang nangyari kasi?" Tanong ko sa kanya.

"I was hungry." Umiiyak niyang sabi.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya, na sobrang lagkit dahil sa sauce. Tapos ay tinignan ang Daddy niya, "Tito Juan, punta lang po kami doon sa may shower room." Paalam ko sa Daddy niya.

Mukhang nagulat sa itinanong ko si Tito Juan, subalit pumayag naman ito kinalaunan. Sinamahan ko si Ashton tungo sa shower room ng napakalaking pool nitong sina Asher. "I want to swim."

"No, hindi pwede." Tanggi ko kaagad. "Kailangan mong magbanlaw muna." Sabi ko sa kanya habang inaalalayan siya sa paglalakad.

"Thalia, that shower room is for girls." Sabi niya nang makarating na kami.

Tumango ako, "Yes, because I am a girl." Paglilinaw ko sa kanya.

"But I'm a boy!"

"Ashton, hindi kita mapapaliguan kapag dun sa pang boys na shower room pumasok."

"I can take a bath by myself."

Umiling ako, "Madulas sa shower room, at lalong mas madudulas ka dahil sa barbeque sauce dyan sa buong katawan mo." Sita ko sa kanya.

"But Thalia..." Base sa mga karanasan ko kay Tom-tom, ito na yung panahon na magsisimula ng gumawa ng eksena ang mga kasing edad niya. Yung kapag hindi na nila nakukuha yung gusto nila, magta-tantrums.

Kaya bago pa niya iyon magawa, binuhat ko na kaagad siya. At dahil sa ginaw akong iyon at sa pagsisipa niya paalis sa pagkakabuhat ko, dumikit na rin sa akin yung barbeque sauce. "I don't want to take a bath!" Sumisigaw niyang sabi.

"Akala ko gusto mong magswimming?" Tanong ko sa kanya.

"I do! But not shower!"

"Kailangan mo munang magbanlaw!"

"NO!" Ibinaba ko siya ng magsimula na siyang umiyak.

Umupo ako, para magkatapat ang mga mata namin. "Why are you crying?"

"Because I don't want to take a bath."

"Pero puro barbeque sauce yung katawan mo, bawal yan sa pool." Sabi ko sa kanya.

"I don't want to take a bath." Umiiyak niyang ulit.

"Sino bang may kasalanan kung bakit ka nabuhusan ng sauce?"

"M-me."

"Ikaw pala, di ba? So now you have to take a bath."

"I want to go swimming."

Tumango ako, "Okay, swimming kaagad pagkatapos mong magshower, okay ba tayo doon?" Tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya, at tila ba nag-isip kaya bahagya akong napangiti. Napaka-cute kasing bata.

"Fine." Nakahinga ako ng maluwag nang pumayag rin siya. Hinawakan niya ako sa kamay. "Come on." Aya pa niya sa akin.

Bahagya akong natawa sa pagpapalit niya kaagad ng mood. Madali lang din siyang suyuin kagaya ni Tom-tom. Nakakatuwa kasi kahit na nanggaling sa may kayang pamilya itong si Ashton, na sobrang halata naman dahil halos dumugo na ang ilong ko sa pakikipag-usap sa kanya, ay napakabait parin at napakalambing na bata parin niya. May pagka-spoiled, oo. Pero mabait.

Sa totoo lang, lahat ng nakilala kong kamag-anak ni Asher ngayon, sobrang babait. Nalaman ko na siya ang panganay sa magpipinsan, dahil ang Daddy niya ang panganay nina Mama Tori at Big Ben. Hindi ko pa nakakaharap ang Daddy ni Asher, mamaya pa ang dating nila ng dinner. Itong barbeque party kasi ay pakana pa lamang nina Big Ben at Mama Tori, pero mamaya pa yung pormal na party.

"Oh dear, what have you done?"

Tumakbo kaagad si Ashton papunta sa Mommy niya. "Mommy!"

"What did you do to your kuya Asher's girlfriend?!" Sermon subalit natatawang tanong ng mommy ni Ashton sa kanya. Hindi ko siya masisisi, saksakan naman kasi ng cuteness itong anak niya, at tiyak na hirap siyang tiisin ito. Hinarap ako ni Tita, "I'm sorry, Thalia."

"Okay lang po Tita Maricon." Tumatawa ko ring sabi. "Gusto pong magswimming ni Ashton kaya pinapagbanlaw ko muna siya." Naipakilala na ni Big Ben si Tita Maricon kanina sa akin. Sobrang ganda niya, at parang hindi man lang nanganak dahil sa katawan niya. Kung ako ang tatanungin, mukha siyang model, kasi ilang oras na ang lumipas, parang hindi man lang nagulo ng kahit kaunto ang buhok niya at ang make up niya. Sobrang elegante.

Kung tutuusin, ang gwapo naman din kasi ni Tito Juan, pero mula pa naman kay Mama Tori at Big Ben, ang gandang lahi naman talaga ang mayroon itong mga Ynarez.

"Right, I thought I hear your voices from outside." Sabi niya. "You should change, Thalia." Patukoy niya sa mga damit kong nabalot na sa barbeque sauce.

Umiling ako, "Hindi po, okay lang po ako." Sabi ko na lang. Pero ang totoo niyan, wala kasi akong dalang damit na pangpalit.

"Thalia, let's go swimming!" Aya sa akin ni Ashton.

"Hindi pwede." Tumatawa kong sagot.

Bumusangot siya, "Please?"

"Sorry, baby. Wala akong damit na dala eh." Pagrarason ko.

"Please, Thalia, please?" Pilit niya ulit.

"Porke ba alam mong hindi kita matitiis kaya naggaganyan ka?" Tanong ko sa kanya.

Tumawa si Tita Maricon, "Oh Thalia, I understand what you're feeling right now." Pagsang-ayon niya sa sinabi ko. "If you want, you can wear my clothes. I'll lend you my cycling shorts for the mean time if you want? And we can just ask a helper to buy you clothes later on."

Akala ko nagbibiro siya, pero mukhang seryoso si Tita Maricon. "Ay hindi na po-"

"Thalia..." Sita niya kaagad. "You don't have to be shy around us. We're Asher's family, kaya we are your family na rin. Sige, think of it this way: Tita Maricon will be doing this favor for Ashton because she wants to make her son happy. Okay ba?" Suhestyon niya.

Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang sumang-ayon nalang din, lalo pa't nakatingin sa akin ang nagpapaawang mga mata nitong si Ashton sa tabi ng Mommy niya. "Yehey!" Tuwang-tuwang sigaw niya kaagad.


***


"1...2...3!"

*SPLASH!*

Kaagad kong iniangat si Ashton mula sa tubig, "Again! Again!" Tuwang-tuwang sigaw niya.

"Hindi ka pa ba napapagod?" Tanong ko sa kanya, pero ang totoo, ako yung napapagod.

"No! Let's do it again!" Masayang sagot naman niya.

"Sige na nga! Pero last na, okay?"

Tumango siya, pero base sa pagkapilyo ng itsura niya, alam kong hindi pa ito ang huling pagkakataon na tatalon siya mula sa gilid ng pool at sasaluhin ko siya. Pero binuhat ko nalang din siya ulit paakyat sa gilid.

Tumayo siya, at akmang tatalon na ulit.

"I want to try it too!" Sigaw ng isang batang babae.

Pareho kaming tumingin ni Ashton sa kanya. "Maybel!" Sigaw ni Ashton.

Lumapit sa amin si Maybel, tinignan niya ako. "Are you Asher's boyfriend?" Tanong niya kaagad, ang ganda niya. Alam kong cute ang dapat kong gamitin sa paglalarawan ng mga bata, pero ang ganda kasi niya kahit pa hindi nalalayo ang edad niya kay Ashton. "But you're not pretty." Dagdag niya.

Binabawi ko na pala, cute na lang pala. Eto na pala yung hinahanap kong kaugali ni Asher sa pamilya niya. Kung kanina ay nagtataka ako kung bakit napakabait ng mga Ynarez, ito na talaga ang nagpapatunay na kamag-anak pa ni Asher ang mga nandito sa BBQ party, si Maybel.

Rinig kong tumawa si Ashton.

Ibang klase. Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan namin nitong Ashton na 'to, tatawanan lang niya yung pinsan niyang tumawag sa akin na pangit? Ouch?

"But I like her."

"Awwww!" Oo, ako yung nagsabi nun. Sobrang natouch ako sa sinabi ni Ashton, kahit apat na salita lang yun. "Halika na nga dito bilis, payakap!" Sabi ko sa kanya.

Nginitian niya ako ng malaki, "1...2...3!" Bilang niya bago siya tumalon.

Pagbagsak niya sa mga kamay ko, malakas siyang tumawa bago niya sabihin ang mga salitang sinabi niyang hindi na niya uulitin pero inasahan ko nang sasabihin niya ulit: "Again!"

Napailing na lamang ako, pero pinagbigyan ko ulit siya. Dinala ko ulit siya sa gilid ng pool at binuhat paakyat. Napansin kong naroroon pa rin si Maybel at nakatingin sa amin ni Ashton. Halatang gusto niyang masubukan yung ginagawa ng pinsan niya.

Sige na nga, kahit makulit ka.

"Gusto mong i-try?" Tanong ko sa kanya.

Bahagya siyang tumango. "Halika." Aya ko sa kanya. "Take turns kayo ni Ashton, ha?" Isang pagtango lamang ulit ang isinagot niya sa akin.

"Ready?" Tanong ko. Pumwesto siya, "1...2...3!"

*SPLASH!*



Nagsalitan sila ni Ashton sa pagtalon, kahit na nanginginig na ang mga braso ko sa pagod, hinayaan ko nalang dahil ang sarap pakinggan ng pagtawa nina Maybel at Ashton. Naglaro din kami ng habulan sa pool, habang naka life vest sila. Hinila ko rin sila ng nakapatrain sa tubig.

Hindi ko na namalayan na parami na kami ng parami. Nakilala ko na si Barbara, 16 yrs old na pinsan ni Asher, ang isa sa magpipinsan na tanging nalalapit sa edad ko; Leandro, 13 yrs old na pinsan nina Asher; si Cassandra, 13 yrs old din na kapatid ni Maybel; at si Macky at Sushi na kambal na lalaki at babaeng 5 yrs old na pinsan din nina Asher na saksakan ng cute habang nakasakay sa sushi na salbabida nila.

Hindi ko na alam kung papaanong napipigilan ko pa ang pagdugo ng ilong ko habang kausap ko sila, pero buti nalang nagagawa ko pa. Mabuti nalang din at madali lang silang kausapin at pakisamahan, dahil kilala narin nila ako bilang girlfriend ng kuya nila.

Lahat kami nasa pool, magkakahawak sa balikat habang nagkukunwaring train at iniikot ang pool. Nalaro na namin lahat ng pwedeng malaro sa isang swimming pool, at halos bumigay na ang buong katawan ko dahil sa dami nilang lahat.

Akala ko dahil may mga halos kasing edad ko, madadalian lang ako. Pero nang pati sila gustong maglaro, doon ko na hinarap ang kamatayan ko.

Tumigil ako, "Time out!" Sigaw ko sa kanilang lahat.


"Noo!"

"More!!"

"Thalia, go!"

"Thalia!"

"Thalia, play with us!"





Huminga ako ng malalim, bago nagsalita. "Sabi ko nga." Pagpayag ko rin sa huli.


Don't forget to vote, comment na rin while you're at it!

#WHTCP

Continue Reading

You'll Also Like

5K 283 28
Grew up in Baguio, Charlotte Vandella notices a huge difference from her new hometown named Griffin's Cove. When she messed up with her friends and e...
18.1K 1.2K 42
Lana Custre, The Miss Cheerleader of Knight University. She transferred Knight University during her first year. Noon pa lang ay maugong na ang kaniy...
134K 2.5K 19
"Honestly, I don't have much to offer. I'm just a typical random guy who was born with a silver spoon in my mouth. Nothing more, nothing less. But I...
7.1K 396 26
• Chasing the Vampire Prince (Novel) • Vampire Prince Series #2 Being born into the family of a vampire hunter, Hailey Stewart has only one goal in l...