Ghost Detective! (COMPLETED)

נכתב על ידי MCMendoza21

573K 17K 570

Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng... עוד

SEASON I:: Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Author's Note and Trailer for Season II
Ghost Detective: Mysteries. Secrets.
SEASON II:: Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 [Part 1]
Chapter 25 [Part 2]
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 [Part 1]
Chapter 35 [Part 2]
Chapter 36 [Part 1]
Chapter 37 [Part 2]
What I want to say! [Author's say]
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 [Part 1]
Chapter 41 [Part 2]
AUTHOR's NOTE
SEASON III:: Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 [Part 1]
Chapter 46 [Part 2]
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 [Part 1]
Chapter 54 [Part 2]
Chapter 55
Chapter 57 [Part 1]
Chapter 58 [Part 2]
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 [Part 1]
Chapter 62 [Part 2]
Chapter 63 [Part 3]
Chapter 64 [Part 4]
Chapter 65 [Last Part]
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part 1)
Chapter 71 (Before what happened:1)
Chapter 72: (Before what happened:2)
Chapter 73 (Part 2)
Chapter 74: Pagtatapos (Part 1)
Chapter 75: Pagtatapos (Part 2)
Chapter 76: Pagtatapos (Last part)
EPILOGUE - Part 1
EPILOGUE - Part 2
EPILOGUE - Part 3
EPILOGUE - Last Part
LAST AUTHOR's NOTE
REMINDER

Chapter 56

4.9K 125 13
נכתב על ידי MCMendoza21

DETECTIVE BLAST

"hah!! Mga buang na ba sila!? To think the society will come to a conclusion like this.. pathetic!"

Napayuko ang mga tauhan ko na lagi naman nilang ginagawa. Alam kasi nila kapag mainit ang ulo ko at hindi ko mapipigilan ito nang hindi ako sumisigaw o nagsasalita kaya kailangan may gawin ako. Hirap talaga kapag matanda ka na nga, tapos may anger management ka pa. Nag-aalala na nga si Cres, ang asawa ko, sa palagian kong pagkainit ng ulo dahil baka daw iyon pa ang ikamatay ko. Pero hindi naman ako magkakaganito kung walang nagpapainit ng ulo at nagpapakulo ng dugo ko hindi ba? Sad to say.. talagang meron lang mga pasaway.

Hindi pa nga kami tapos sa paglutas sa kaso ng nakaraang mga taon sa BHR, tapos eto na naman? Panibagong kaso na naman? At ang nakakatawa pa, multo!? Multo ang ginagawa nilang salarin!? Mga gago ba sila!? Mga inutil?! Tss.. brats these day..

".... Hindi ka man naniniwala, batang Blast, pero ang anak ko ay hindi ordinaryong tao. Baka kapag sinabi ko to matawa ka pero ang anak ko.... she can see and talk to a ghost. Kalokohan, di ba?"

she can see and talk to a ghost...

she can see and talk to a ghost...

Chief Harold... kalokohan nga iyang sinabi mo. Sobrang kalokohan na hindi ko mapaniwalaan na naniniwala ako.

"Hey, you." Sinenyasan ko ang isang tauhan na lumapit sa akin.

"Yes, sir!" Nag-salute pa siya at marahan akong tumango. "Ano pong iuutos niyo?" Tanong niya. Napaisip naman ako.. Ano nga bang iuutos ko? Tsk. I hate to say this and to even believe in stupidity like this but if this so-called 'stupidity' will be the answer,..

Then I would like to take a risk.

"Tawagan mo sila Adrian, Jerry at Ace. Papuntahin mo sila dito sa office ko mamayang gabi."

"Yes, sir!" Nagsalute ulit siya at ginawa na agad ang inutos ko.

Sa ngayon, kailangan ko munang ikondisyon ang sarili ko. Kung handa na ba ako sa ganitong usapan at hindi iinit ang ulo ko.

It doesn't makes sense to me but I wanna try...

I wanna see for myself if talking to a person who can see ghost will be the key to this case.

No matter what happens I'd take a risk listening.

****

ADRIAN

"Ah, ganun ba... Geh dude, I'll inform the two." Agad ko nang pinatay ang tawag at umupo sa sofa na kinauupuan din nila Jerry at Ace. "Ano naman kayang kailangan ni chief?" I uttered to myself.

"Sino ba iyon?" -Ace

"Si chief." Maikling sagot ko.

"Oh, bakit daw?" -Jerry

"Pinapatawag tayo sa office. Mamayang gabi. Malamang alas otso yun." I let my head rest sa sandalan sa likod.

Mainit pa ang ulo ko dahil sa babaeng iyon.. sinabi ko na nga na mahal na mahal ko pa rin siya at hindi ko siya nakalimutan nitong nagdaang tatlong taon tapos ang gagawin niya makikipag-usap siya sa isang lalaki sa harap ko pa!? Fuck!

But I'm more than desperate to have her back because of that. I can't afford to lose her now.

Ako, si Adrian na hinahabol ng mga babae pati binabae, kahit pa nga matatandang matrona, susuko lang dahil sa isang lalaki na hindi ko ka-lebel? Ha! Patawa lang!

Makikita niya kung anong gagawin kong plano para sa akin lang siya.

"May bagong kaso kaya?" -Ace

"Malamang. At mukhang alam ko na kung anong kaso iyon." -Jerry

Napatingin ako at si Ace sa tinitingnan ni Jerry sa dyaryo na kanina niya pa hawak, tiningnan ko yung binabasa niya at nakita ko yung headline news, about sa isang Hotel na nasa ikalimang murder case na for five consecutive years. Teka? Alam ko 'tong kasong to ah..

"Ade, diba ito yung kasong ipinahawak sa tin ni chief last last year? Yung sa BHR?" -Ace

"Gago, oo!"

"Ba't kailangang may mura?" -Ace

"Siyempre, pagmamahal ko iyon, Acie-baby! Come on, pa-kiss~" ako, sabay nilalapit ko yung mukha ko na naka-pout ang labi sa nandidiring mukha ni Ace.

"Yuck! Adrian, Ano ba!? Magseryoso ka nga! Kaya walang nagseseryoso sayong babae eh!"

"Oops? Taboo na yan dude. Wala naman pakialamanan ng love life. Yabang mo porket may gf ka lang ah.."

"Oo may gf ako kasi seryoso akong tao. I even want to walk down the aisle with her." Sabay seryoso akong tiningnan. Oy, naging seryoso bigla si pareng Ace!

Napayuko naman ako at napaisip.

So, kailangan ko lang bang mag-seryoso? Tss.. seryoso naman ako, sa kanya lang.

Sa lahat ng babaeng na-link sa akin, ikaw lang ang seseryosohin ko at nakikita kong lumalakad na naka-gown papunta sa altar.. sa akin.

Ikaw lang, my Milka...

****

LINDONNE

Hmm... ? Ilang box ba ang bibilin kong pepero biscuits? Tatlo? Apat? O sampu kaya? Pero kung iisipin... kulang pa ang sampu sa akin eh. Kulang na kulang pa.

Ay, hello po!  I'm Lindonne B. Park, 20, and an anime-addict as well as food-addict, favorite snack ko ang pepero na isang korean snack and ginagamit din sa mga korean variety shows as a game element. Paano? Kakainin ng partner ang pepero in both sides at ang challenge doon ay kung gaano nalang ka liit yung matitira o pwedeng wala na rin matira... kaso ibang usapan na pag ganun. And one more thing, 'pepero' means 'kiss' in korea. Gets niyo?

Nagtataka kayo kung nasaan ako ngayon? Nasa isang convenient store ako malapit sa BHR, na pinagsstay-an ko ngayon at nagde-desisyon kung ilang box ng pepero ang bibilhin ko, like I said earlier. Yep, I am staying sa BHR, although nakakabahala at nakakatakot kasi nga may kaso dito ng patayan eh.. and it's been going on for four years.. Ika-limang taon na ngayon at nung isang araw lang nangyari yung pagpatay sa isang babae. If you'll think about it, it's sooo creepy but since I will inherit this business someday kailangan kong maging matapang at patunayan sa iba na wala naman talagang anumalyang nangyayari dito.

Ah nga pala, apo ako ni lolo Arneo Brilliantes, yun lang. ^.^

"20 pepero boxes will do, for tonight." Nasabi ko sabay dukot ng saktong bilang ng pepero at lumakad na ko agad papunta sa counter at buti nalang wala masyadong tao dito kaya nai-process agad ang babies ko. My sweet snack!

"Thank you ma'am, please come again!" -cashier.

"Babalik ako kung meron lagi kayong pepero!" -ako, sabay kinaway-kaway ko pa ang kamay ko.

"Always pong meron kami niyan, ma'am!"

Madilim na rin pala ngayon, alas diyes na nga eh pero naglalakad pa ako pabalik sa hotel. Ang sipag ko rin maghanap ng snacks ko no? Para kasing kulang ang buong araw ko kapag hindi ako nakakakain ng pepero eh. May pakiramdam rin ba kayong ganun, o ako lang talaga ang weird, like my friend Kai said? Siguro both. Hihi~

Habang naglalakad ako at papasok na sa loob ng hotel ay may nakita akong babaeng hindi halata na purple ang kulay na favorite niya, buong ayos niya kasi wala kang ibang makikita kundi yung kulay lang na iyon eh. Nakatalikod siya sa direksyon ko pero kilala ko siya.. oo kilala ko.

Pero anong ginagawa niya dito, ng ganitong oras?

Lumapit ako sa reception area at nginitian naman ako ng dalawang babaeng nandun. I went inside their working place while they still working.

"Ate Jen," tawag ko sa isang receptionist. Nilingon niya agad ako.

"Bakit po, miss Lindonne?"

"Eyy, wag na 'miss', Lindonne nalang ate Jen. By the way, that girl na naka-purple all over.." Sabay turo ko sa nakatalikod na babae. "Nagpa-reserve ba siya ng room dito?" I asked.

"Ah yes po- I mean yes L-lindonne. Kaka-book niya lang ng room sa bandang malapit pa nga sa rooftop eh. Medyo weird kasi hindi ba siya natatakot? Eh doon din nag-stay yung n-namatay e-eh.."

Hmm.. If my memory serves right, this girl's name is Strawberry, right? Cousin ni Kamil and a cool person. She just knows what I dream of learning.. and that is to be a hacker! Oo, pinangarap ko din maging magaling na hacker, kaso wala naman akong talent sa ganun at ang tanging alam ko lang ay kumain at malaman ang uri ng food base lang sa pang-amoy. Oh bakit? Talent iyon! Naa-astigan nga sila sa pang-amoy ko eh!

"Ah sige, thanks sa info ate Jen." I said. Naglakad na ako palayo sa reception at sikreto akong sumunod sa pinsan ni Kamil kasama ang bell boy na may dala ng isang purple na maleta niya, na parang wala namang laman kasi parang nagtataka rin yung bell boy habang nagbubuhat eh. Malamang nagagaanan at weird nga iyon kung titingnan. Kasi lahat naman ng nagsstay dito sa hotel ay minsan pa nga maraming dala o di kaya may isang maleta na punum-puno ng gamit kaya mabigat. Yung tipong maglalayas na ng bahay.

Buti hindi ako napapansin dahil bukod sa naka-hoodie ako ay simple lang ang ayos ko. May hawak lang akong plastik na may mga pepero na binili ko kanina.

Tiningnan ko yung pinindot na floor sa elevator at tama nga si ate Jen, sa malapit na nga sa rooftop yung floor niya. Tapos ngayong napagmamasdan ko siya ng mabuti, she seems to be thrilled and excited at something. I don't have any idea what is she so thrilled and excited about. Maybe because she likes tall buildings? She likes to be on rooftop? Wala siyang phobia sa tall heights?

Nung huminto na sa floor niya ay lumabas na sila pati ako pero pumunta ako sa opposite direction, siyempre para hindi naman halata na sinundan ko sila. Baka magtaka pa iyon kung bakit sumusunod ako. Nung nasa tamang layo na ako, tiningnan ko yung nilakaran nila at salamat sa 20/20 vision ko, nakita ko mula sa pwesto ko ang room na pinasukan ni Strawberry at ang room number. 1002.

Good thing, I am beside her room. Nung wala na yung bell boy at nakapasok na si Strawberry, naglakad na ako papunta sa room ko at agad pumasok. I get one box of my snack and ate it while thinking.

Is she staying here because she just wants to or.. is there another reason?

Am I just thinking too much or my gut feeling is right?

"Argh! Stress! *nom*nom*nom* lalo lang akong nagugutom kakaisip eh!"

****

ACE

Saktong alas otso nandito na kami sa loob ng office ni chief at nasa mismong harap niya na kami habang siya nagpapaikot-ikot sa harapan at wari bang malalim ang iniisip pero nakikita ko sa mukha niya na parang may hindi siya sigurado kung sasabihin o hindi. Ano naman kaya problema ni chief?

Ang inaasahan ko pa naman, at alam kong pati itong dalawa rin, na tatalakan at mumurahin kami tapos bibigyan ng kaso tapos papaalisin kami. Iyon ang normal niyang ginagawa sa amin.

Nakakapanibago lang ngayon.

"Jerry." He called Jerry's name in monotone, making it sound scary.

Parati ko nang nakikita si chief blast na laging nakasigaw at sobrang makasalanan na siguro ang bibig niya sa dami ng foul words na lumalabas, pero this seems different.

"Yes, chief?" -Jerry.

"Tsk, bwisit..." I heard him murmurs. "Jerry... i-is chief Harold's daughter busy tomorrow?" Parang nag-aalinlangan niyang tanong. Kami naman napatanga.

Bakit naman kaya biglang nagka-interes si chief kay Kayla? Seriously, I'm nervous about this one.

"H-hindi naman po sa pagkakaalam k-ko... b-bakit po chief?" -Jerry

"I need to talk to her tomorrow.. kung pwede ay paki-relay ng message ko sa kanya. Pati kayong tatlo ay sumama bukas. Same time, same place. Dismissed." He suddenly got up and all we heard is the loud shutting of the door.

None of us is speaking at the moment. Probably because we're surprise and confused as to why he wants to talk to Kayla, plus with us three. Just what is he thinking?

"Hindi maganda ang kutob ko dito, Jerry." Nasabi ko.

"Me too. But.. should I tell this to tito Harold?" -Jerry

"No. Sa tingin ko wag muna. May pakiramdam ako na walang alam si sir Harold sa gagawin ni chief blast at baka kapag nagsabi ka ay mapagalitan sa itaas si chief. Let's follow what he says for now." -Adrian.

Aba, himalang seryoso 'to ngayon. Naniniwala na nga ako na nagiging seryoso din siya in times like this.

"I agree with Ade, Jerry. Baka rin kasi masyado lang natin pinag-aalala ang sarili natin."

"Hmm.. you think?" -Jerry

"Yeah? I guess."

"Then, kita nalang tayo tomorrow." He said as he walked towards the door pero huminto siya ng hindi pa rin humaharap sa amin. "I hope this isn't what I'm thinking. I don't wanna involved Kayla to this world." Sabay bukas niya ng pinto at umalis.

Anong ibig niyang sabihin? Ano bang iniisip niya?

"Pero pakiramdam ko mangyayari ang hindi kapani-paniwala bukas. Tsk, he can't avoid that." -Adrian.

Huh? Shit! Ang gulo nila. -__-

המשך קריאה

You'll Also Like

64.2K 5.4K 98
[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great p...
46.8K 1.7K 58
Highest Rank: #10 in Thriller. Naniniwala si Mareuz na murder ang kinamatay ng kinilala niyang ama bagama't iba ang sinasabi ng imbestigasyon. Upang...
47.8K 1.1K 69
Alex'Sky notes Yung inakalang normal na pagpi-fieldtrip lang nila Mary Rose, Kyla, Aliyah, Jhoana, at Lourdes ay hindi nila inakalang mapapad si...
1.1M 48K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...