DAME'S P.O.V
BrrrRR!!!
Anung trip ng mga teachers at lagi atang missing in action sila..haixtz!puro na lang seatwork ang pinapagawa…Spell bored!!
D.A.M.E
UwaAhH!!nakakaantok naman mamalagi dito sa room… ba't ang mga seryoso ng mga taong 'to sa pag-gawa ng seatwork nila?? Anung nakain ng mga 'to??
Napahalumbaba na lang ako at napatingin sa labas ng bintana…
I sighed and then i pouted…
"Aray-.." reklamo ko at binalingan ng masamang tingin ang salarin na siyang pumitik sa nakanguso kong mga labi… at ang herodes na 'to pinagtawanan lang ako… sino pa ba?? eh di yung seatmate ko slash BRO ko!!tss…mang-aasar na naman 'to panigurado…haixtz!! Hindi ba siya nag-sasawa sa pangungulit sa'kin!?! Eh araw-araw na niyang gawain yan eh!! Tsk!! Sarap ibitin ng patiwarik… "problema mo na naman!??nananahimik yung tao dito eh…"
"Ah tao ka pala…akala ko kasi bebe eh!!hahahahaha…"… sabi niya at humagalpak ng tawa kaya naman napalingon ang halos lahat ng klasmeyt namin… mga mukha naman 'tong mga sirang kaklase namin oh… yung totoo!! ngayon lang ba nila nakitang tumawa ang isang Drake Alonzo?!? mag reaksyon naman nila hindi na mapinta!… Masyadong agaw atensyon na si Bro ah?? Kaya naman para tumigil na siya ay……
*BoogshH*
Napahawak agad siya sa batok niya…haha oh di ba natigil siya sa pagtawa!!epektib yung ginawa ko…whahaha
"Ba't ka nambabatok!?"
"Ba't ka din nampipitik!?".. taas-noo kong sabi sabay crossed arm pa..
"Muntanga ka kasi.."
"Parang ikaw hindi?? Eh mas mukha ka pa ngang tanga sa'kin eh.. tingnan mo nga yang mga klasmeyt natin.. makatingin naman akala mo ngayon lang narinig ang halakhak mo.."
"Haha ngayon pa nga lang.. ang galing mo nahalata mo yun??haha,."…nabigla naman ako!! Ngayon!?as in ngayon pa lang!?? pinagloloko ba ako nito!? Anu siya dati pipi!??
"weh!??Oh!??di nga!?talaga!?seryoso!?"…
He rolled his eyes on me!! Uh!his cute…mukha nga lang bakla!hahaha
"Oo nga… hindi kasi ako masyadong friendly and showy sa ibang tao…"… he explained
Napataas naman ako ng kilay…"so!??bakit ngayon showy ka na!? Wag ka na ngang susunod sa'kin sa garden…at baka nga naengkanto ka na dun…hmft!"
"Haha hindi ako naengkanto nuh…sadyang ganto lang talaga ako kasi nandito ka… "… narinig ko ang paghiyawan ng mga classmate namin… inilapit niya ang mukha sa may tenga ko at bumulong sa'kin…"kasi nandito kapatid ko..".. saka siya lumayo at nag-winked pa!! Jusko naman oh!kung hindi ko lang 'to kapatid …kanina ko pa 'to nilandi!!hahaha
"AyieEhH!!"…panunukso ng ilang klasmeyt namin sa isa't-isa… yan na nga ba eh iba na ang tumatakbo sa mga utak ng tao dito…iniisip siguro nila na may something kami!hayz!!! napasapo ako sa noo…may pabulong-bulong pa kasing nalalaman eh!! "Baka magkadevelopan na kayo dyan ah!"… dagdag pa ng isa…
"yui!!may bagong loveteam na tayo oh… anu kayang magandang itawag sainyo!?"… walan'jo!pati si Loki nakikisali na din…may pahimas-himas pa ng baba niya na parang nag-iisip! !maupakan nga mamaya…
"Alam ko na!…" bigla namang napatayo si Maine na nakataas pa ang hintuturo… "why not DRAME loveteam!??"…pati ba naman siya…oh my Ghad!!
"Pwede na yan!!"…pagsang-ayon naman ni kesha habang tina-tap ang balikat ni Maine…"ang galing mo mag-isip!mana ka talaga sa'kin!hahaha…"…Napabagsak ang balikat ko at napafacepalm na lang sa mga kalokuhan ng mga 'to!! Hindi ko ba naikwento sa tatlong ungas na 'to na magiging kuya-kuyahan ko ang isang 'to!??wiw!!
Nakita kong bigla na lang lumabas ng room si Kath.. baka narindi.. maarte pa naman yun.. hehe
"tama na yan… kapatid lang ang turingan namin di ba lil'sis?".. nakangiting sabi niya saka niya ako inakbayan at siniksik ako sa kanya..
"Yup.. oo nga mga classmate.. bro ko 'to eh.. walang talo-talo..haha"
"Ai??".. pagkadismaya nila pero..
"Kapatid..kapatid!!mukha niyo.. hindi naman sa dugo kaya., pwedeng madevelop di ba guyz!?? I'm so right!!.. whahahahahahahaha.." ,. Napangiwi ako ng biglang humalakhak na parang timang si Kesha.. kasabay ni Maine at loki na nag-apir pa!! Kaibigan nga naman.. uso laglagan ganun!?!haha…
Nagkatinginan kami ni Drake sabay sabing…
"Ito??…"… sabay turo din namin sa isa't-isa! …"magkadevelopan!! NO WAY!!"… sabay din kaming napailing at winagayway ang dalawang kamay!
"Asus… 'tong dalawa oh… sa una lang yan ganyan… makikita niyo sa susunod na mga araw!iba na ang turingan nito…hahaha… oh guize?? Sinong pupusta??"…nakangising asong tanung ni Loki!gago ang isang 'to!gawin ba naman kaming pustahan??asan ang hustisya!??asan??
"Oh 500 sa'kin… magkakatuluyan yang dalawang yan…"… sabi ni Marco!P.I.O Namin!-_-!?P.I.O pa man din siya tapos naunang nag-bet.. brrR!!
"Ako din!oh.."
"1000..sakin!!WALANG FOREVER!!…"…natawa naman daw ako dun!!ba't napunta na agad sa forever!?my Ghad si Mr.Class President BitTer pala!hahaha
"Hoy!!Detective Loki!! Baka masapok kita ng wala sa oras!umayos ka!"… pagbabanta ko na ikinatawa ng iba!!
nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya nagpaalam muna ako kay Bro na magrerestroom muna ako…
Nasa may pinto na ako ng…"san ka pupunta Dame??tatakasan mo kami nuh??..".. biglang sigaw naman ni Mr.Treasurer!
"Heh!!dyan na nga kayo…"… pagtataray ko!!aba't C.r na c.r na kaya ako !baka mapaihi pa ako dito sa palda ko eh… kaya naman lakad-takbo ang ginawa ko… nasa 1st floor pa man din ang Rest room at kami ay nasa 3rd floor!!buti kung may elevator dito eh wala naman!!kaya hagdan-hagdan lang ako!!haixtz…
Nang makarating na ako sa C.r ay agad akong nagsara ng cubicle.. pero may narinig akong hikbi sa katabi kong cubicle..halah!baka mi multo dito!!whaAhH!!
Idinikit ko pa ang tenga ko sa steel na naghahati ng mga cubicle para mapakinggan pa ang iyak…oo na tsismusa na aq…so!!anu paki niyo!!dakilang curious ako eh…hehe ^_^||
Narinig kong suminghot ito kasabay ng pagpihit ng pinto… kaya dahan-dahan kong inalis ang bara ng pinto at iniawang ito ng kunti para makita kung sinu man itong umiiyak… nabigla naman ako ng makitang si Kath ito…
Ba't kaya siya umiiyak!??
Matapos niyang magsalamin at makapag-ayos ng sarili ay tuluyan na siyang lumabas ng rest room kaya lumabas na din ako ng cubicle…
"Anu kayang problema nun!?"…i mumbled as i shrugged my shoulders!aba malay ko!tanungin ba naman ang sarili!!tanga lang!?
After kung gumamit ng restroom ay dumiretso ako sa canteen… kumakalam na sikmura ko eh…
Bumili na lang ako ng maiinum at Burger saka ako nagtunggo sa Garden…dito na lang muna ako…ang ingay sa room eh!mabuti pa dito mapayapa! Walang magulo…sarap pa ng hangin! hehe ^_^
Nang maubos ko na ang kinakain ko ay naisipan kong dumungaw sa balon.. napalunok ako!nakakatakot talaga dungawin 'to… parang naiimagine kong may biglang lilitaw dito at hihilain ako papasok ng balon na 'to!
Uh oh!! BAD IMAGINATION!!!tsk!! Tsk!!
Napailing na lang ako sa mga naiisip ko! Para akong timang na tinatakot ang sarili…hmft! -_-!?
Napahinga ako ng malalim…at dumungaw ulit! Gaanu kaya kalalim 'to?? Pag nahulog ba ako dito… matitigok ako?? Ai malamang dame!babagsak ka dyan ng bali-bali ang mga buto!! Aixtz!!tanga much talaga!! minsan nakakaasar yung mismong sarili mo binabara ka!!haha
"…wishing well ba 'to?"… i mumbled at bigla na lang lumakas ang hangin kaya nagulo ang buhok ko… whaaHh!!ang buhok ko!!bagong suklay pa man din 'to!!huhu
"Oo wishing well 'to…"… napahawak ako ng dibdib sa gulat nang sa pag-angat ko ng tingin ay may kaharap na kong babae… isang mala-dyosang babae na nakangiti sa'kin ang tumambad!!nakasuot siya ng off-shoulder na white dress… at may kung anu-anung kumikinang na burloloy sa buhok at damit niya… nasa kabilang side siya ng balon at wow lang!! Ang ganda niya!she looks like a greek goddess…*O*…nakakatomboy naman ang ganda niya… walang-wala ang pagmumukha ko sa kalingkinggan niya… *^O^*
Napabalik ako sa huwestyo ng marinig kong bahagya siyang natawa…
Eh??
Anu namang ginawa ko para matawa siya!? Baliw ata 'to eh!sayang naman maganda pa man din kaso krung-krung naman… oh well…
"Im not crazy… young Lady…"
"Hehe…"…napakamot ako ng ulo…"i did'nt say that you're crazy gorgeous Lady…"
Napangiti siya…"i like you…"
"sorry po pero hindi po ako pumapatol sa kapwa ko babae at lalong-lalo na po sa mas matanda sa'kin…"… duh!??hindi ako immoral nuh!! At saka mukhang kasing-edad lang siya ni mama nuh…mas maganda lang talaga ito kay mama!hehe
"You're funny but that's not what i mean…hindi din naman ako pumapatol sa kapwa ko babae at lalong-lalo na sa mukhang anak ko na kung titingnan…"… she chuckled!pero oh my G!ang hinhin niyang tumawa…sinu siya reincarnation ni Maria Clara!?
"Hehe…"
"By the way… Young Lady… you're asking if this is a wishing well?? "…nagnod lang ako bilang sagot…nakakamesmerized naman kasi ang mga gestures niya parang hindi makabasag pinggan… "yes,this is a wishing well.. but its not an ordinary well!its one of kind… its Magical …Its Enchanted…"
"Enchanted??"…
"Yah… lahat ng hilingin ng isang tao dito ay matutupad… this well makes your dream come true…"
"Totoo po ba yan??"…i asked amusedly… alam niyo naman ako mapaniwala sa mga ganto… parang fantasy over Reality lang…
"Oo naman…pero … may kapalit!sa bawat hiling ay kailangan mong magsakripisyo ng isang bagay na sobrang mahalaga sa'yo… 'yung bagay na pinapahalagahan mo.."… ngeik!!ganun yun!? Wag na lang humiling nuh.."..pero.. ".. pero na naman!nu ba naman yan?…"ang bagay na ihuhulog mo sa balon na'to ay makakabalik din sa'yo sa takdang panahon… manghinayang ka man ngayon…magugulat ka na lang na balang araw nasa kamay mo na ulit ito…"
Parang hindi naman kapani-paniwala ang sinasabi ng magandang babaeng 'to… at sino ba 'to??ngayon ko lang siya nakita dito eh… at panu naman siya napadpad dito??
"Parang hindi naman po kapani-paniwala eh.. panu naman po yun makakabalik eh hinulog na nga po dyan?.. unless po ay sisirin ko ang lalim ng balon na'to at hanapin yung bagay na yun.. anu po yan may magic??"
Ngumiti siya..
".. sabi ko naman sa'yo kanina di ba? na ang balon na 'to ay Enchanted.. kaya wag kang magtaka kung may mga kakaibang bagay man ang mangyari.. "
"Pero mahirap pong paniwalaan ang mga sinasabi niyo.. sa mundo po kasi tayo ng realidad… hindi po sa mundo ng fantasya.. sa mga pelikula,palabas at libro lang po nag-eexist ang mga magic..".. kahit naman ako ay mahilig sa fantasy stories.. alam ko naman yung mga bagay na dapat kong paniwalaan o hindi..
"why don't you Try it.. para malaman mo na nagsasabi ako ng totoo..".. she dared me at sumilay sa kanya ang napakaaliwalas na ngiti..
"I don't want to risk anything that i valued.. ".. pabulong na sabi ko at napahawak ako sa silver necklace ko na may half-moon and star pendant.. ito ang pinakahahalagahan kong bagay., dahil bigay 'to ng kuya ko bago siya mamatay.. hindi ko kayang isakripisyo ito para lang sa isang hiling na walang kasiguraduhan..
"Risks something and gain another things.. "
"Baka pwede naman pong barya ang ilagay dyan.. di ba po ganun naman talaga kapag sa wishing well..??".. napailing siya sa sinabi ko.. at napabuntong-hininga.
"You don't understand it??don't you??.. wag kang mag-alala.. maniniwala ka din sa lahat ng sinabi ko.. Isang hiling mo ang matutupad.. dahil yun ang nakatadhanaNg mangyari.. mangyayari ang dapat mangyari… at nararamdaman kong malapit na ang araw na 'yun…"
"Anu po bang sinasabi niyo??".. is she a furtune teller in any chance?? Or the guardian fairy of this well??may kakaiba kasi sa kanya eh….. "at mawalang galang na po ah.. sino po ba kayo??"
".. you'll gonna found out soon.."
"Bakit hindi niyo pa po sabihin nga-… "
"DAME!!!!" Napalingon naman ako sa biglang tumawag sa'kin…si Bro lang pala…
At sa paglingon ko ulit dun sa babae ay wala na'to…bigla na lang nawala…halah!san na yun nagpunta?? Nawaglit lang ang paningin ko sa kanya ng ilang segundo ay nawala na lang siya na parang bula…
"..hoy!sino hinahanap mo at panay ang linga-linga mo dyan??"
"ah Wala…"
… isang hiling ko ang matutupad… nagbibiro ba siya?? Never kong ipagpapalit ang kwentas ko para lang sa isang hiling kaya malabong mangyari ang sinasabi niya…
Baliw ata yun eh… panu kaya nakapasok yun dito sa campus pero panu din siya naglaho sa isang iglap??
My gudness…
That woman…
She's Mysterious…
And
She's a totally Strange…
--------
To be continue..