Ghost Detective! (COMPLETED)

By MCMendoza21

573K 17K 570

Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng... More

SEASON I:: Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Author's Note and Trailer for Season II
Ghost Detective: Mysteries. Secrets.
SEASON II:: Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 [Part 1]
Chapter 25 [Part 2]
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 [Part 1]
Chapter 35 [Part 2]
Chapter 36 [Part 1]
Chapter 37 [Part 2]
What I want to say! [Author's say]
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 [Part 1]
Chapter 41 [Part 2]
AUTHOR's NOTE
SEASON III:: Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 [Part 1]
Chapter 46 [Part 2]
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 53 [Part 1]
Chapter 54 [Part 2]
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57 [Part 1]
Chapter 58 [Part 2]
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 [Part 1]
Chapter 62 [Part 2]
Chapter 63 [Part 3]
Chapter 64 [Part 4]
Chapter 65 [Last Part]
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part 1)
Chapter 71 (Before what happened:1)
Chapter 72: (Before what happened:2)
Chapter 73 (Part 2)
Chapter 74: Pagtatapos (Part 1)
Chapter 75: Pagtatapos (Part 2)
Chapter 76: Pagtatapos (Last part)
EPILOGUE - Part 1
EPILOGUE - Part 2
EPILOGUE - Part 3
EPILOGUE - Last Part
LAST AUTHOR's NOTE
REMINDER

Chapter 52

4.6K 140 2
By MCMendoza21

A/N : MERRY PASKOOOOOOO~~~~~ yun lang! ^__^V

*********************************************************************

RODNEY

"Den, sundan natin." Pag-aya ko kay Deniro. Naguguluhan man pero tumango naman siya agad at nagmamadali kaming tumakbo para maabutan yung si Larry Peralta.

Nung nakikita ko na yung lalaking may-ari ng ID, medyo binagalan ko na yung takbo ganun din si Den na napansin ako.. hindi ko namalayan na nakapasok na kami sa isang lugar na malayong-malayo sa nakagisnan kong lugar. Ang daming mga bahay na gawa sa kahoy at dikit-dikit, may mga lalaking matatakot ka sa hitsura dahil mga shirtless sila at makikita mo ang mga nagraramihan nilang mga tats sa katawan, at yung mga babaeng mga kasing-edad lang ata namin o mas bata pa nga na may kargang mga sanggol at nagsisigawan na mga kapit-bahay. Nasa squatter's area kami.

Shit! I never thought na may pumapasok pala sa PSA na dito sa ganitong lugar nakatira. Now, remind me why did I have to follow my instincts. Tss..

"Huy dude," tiningnan ko si Den, mababakas sa mukha niya yung takot. "This place is hell! Literally... I never thought na may nag-aaral sa PSA na dito nakatira." Tsk. Parehas pa kami ng naisip. Gusto ko sanang matawa sa nakikita kong takot sa mukha niya pero pinigilan ko dahil alam kong katulad niya lang din ako.

Naglalakad na lang kami ngayon, hirap na baka kapag nakakuha ng atensyon ma-taga kami.

Nakita ko na pumasok sa isang maliit na bahay yung si Larry at napasimangot ako dahil ang dami atang tao doon at may mga lamesa na may mga taong kung hindi naglalaro ng baraha, kumakain naman ng biscuits o yung butong-pakwan.

Don't tell me.... "Pare, may patay ata sa bahay na iyon." --Den.

Tumango ako. "Yeah.... and since nandito na tayo, let's go inside."

"Hep hep hep! Papasok? Tayo? As in?"

"Oo, oo, at OO! Didn't you heard me just now?" Nauna na akong naglakad sa kanya pero kalaunan naramdaman ko na siya sa tabi ko. Magrereklamo pa alam ko naman na wala rin siyang magagawa kundi sumunod. Like he can walk away from this place alone.

Papasok palang kami sa bakuran ng makita na kami ng isang babae na nasa 40s at isa sa mga naglalaro ng baraha. Tumayo siya at tiningnan kaming mabuti. "Sino kayo mga binata? Ay teka.. parehas ng uniporme ni batang Lar ah." Magsasalita palang sana ako nung sumisigaw na tinwag niya yung kung sinuman sa loob. "Hoy!! May mga tao dito! Mga kaklase ata ng anak mo Linda!" Hindi na pala kailangan magsalita.. ginawa niya na iyon para sa amin eh. Nice..

Nakita kong may lumabas na babaeng kahit kasing-edaran lang nung babae kanina na sumigaw ay makikita mo ang kagandahan nito at ibang-iba sa mga taong nandirito. She smiled gently as soon as she sees us. Kasunod niya si Larry, na nagtatakang nakatingin sa amin.

"Hello po, ma'am!" Medyo nagulat ako sa sigaw na bati ni Den kaya nasiko ko siya. Naka-pout naman niya akong tiningnan.

Hindi ko nalang pinansin ang mga kabaklaan niya at hinarap ko yung ginang na nanay ata ni Larry. "Good evening po, ma'am.." I greeted politely at marahang yumuko. Ganun din si Den.

"Umm.. mga kaklase nga ba kayo ng anak ko?" Tanong ng ginang pero naputol na naman ang sasabihin ko nang sumingit si Larry.

"H-hindi po nay! Pero mga kaeskwela ko lang. A-asikasuhin niyo nalang po yung mga gawain sa loob ako na pong bahala dito." Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang nanay niya at marahang tinulak papunta sa loob at saka kami hinarap. "Amm.. m-may maipaglilingkod po ba ako?"

Masyado siyang magalang at makata... hindi ako sanay.

Umiling ako sabay inabot ang ID niya. "Ah kung hindi mo natatandaan, nabunggo mo kami sa sobrang pagmamadali mo kanina at nahulog mo iyang ID mo, kaya sinundan ka namin.."

Kinuha niya naman agad yung ID at nginitian kami.

"Salamat pala kung ganun! Pero sana hindi na kayo nag-abala pang pumunta dito sa lugar na ito.. mabuti nga pala hindi kayo napansin jan ? Nakasuot pa naman kayo ng uniporme na iyan." Sabay nguso niya sa uniform ng PSA.

"Ikaw din naman nakasuot ng uniform ah,," sagot ni Den.

"Ah, kilala naman kasi ako ng mga tao dito. Ay nakalimutan ko, mabuti pa pumasok na muna kayo sa bahay at tamang-tamang nagluto si nanay ng sopas. Pasensya na kung maliit lang yung lugar namin ah."

"Ah, wala iyon. Sige papasok na kami--urg! Ano ka ba Jeff?" Siniko ko ulit si Den.

"Nahahalatang patay-gutom ka, umayos ka nga." I hissed at him. Pero ang walangya, iniwan lang ako dito. Wala na rin akong choice kundi sumunod, kanina pa ako pinagtitinginan ng mga babae eh. May mga karay-karay pang anak tinitingnan pa ako.. talaga naman.

Isa lang naman ang babaeng gusto kong makasama at makakita sa akin.

Nung nakapasok na ako ay nakita ko agad ang isang kabaong at kasalukuyan iyong tinitingnan ni Den kasama si Larry. Nilapitan ko sila at nakitingin na rin ako sa patay.. tama nga yung hinala namin kanina.. may patay nga dito.

When I look at the coffin, I saw a beautiful girl, probably in her mid 20s... mahaba na tuwid ang buhok niya at para lang siyang natutulog sa lagay niya. Pero hindi mo makakaligtaan ang mga parang sugat at pasa sa katawan niya. Tiningnan ko yung picture frame na nakapatong lang doon at napakunod ako dahil may bata siyang kasama doon. May anak na siya..

"Kaano-ano mo siya, Larry?" Katulad kanina, nakinig lang din ako sa mala-reporter na pagtatanong ni Den. Diyan siya magaling eh.

"Ah.. asawa siya ng kapatid ko, kakamatay lang din nung kuya Laurio ko last two months ago.. tapos biglaan din itong pagkamatay ni ate Theresa." Ahh.. sister-in-law niya pala ito. Parang sobrang bata naman ata?

"Eh yung baby na nanjan sa picture? Nasan na?"

Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Larry.

"Patay na din.. sabay sila ni ate Theresa." Napalingon ako agad matapos marinig iyon.

Dalawang buhay ang sabay na namatay? A-ano kayang k-kinamatay?

"....p-pinagsamantalahan... ang ate tere ko..."

O_____O ---Kami ni Den.

-___- ---Si Larry, ganyan lang.

Mukhang close sila ng asawa ng kapatid niya ah.. makikita mo yung galit at sakit sa mata niya at maririnig rin. Gusto kong magpakita ng awa pero alam kong hindi iyon ang kailangan nila.

Ito yung panahon na kailangan ang Ghost Detectives kaso naisip ko rin na ako ang bumuwag nang samahan na iyon. Ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang grupo na hindi lang sa paglutas ng kaso at pagtulong nabuo kundi dahil sa tunay na pagkakaibigan namin.

"E-eh Larry, pare.. n-nahuli na ba.. yung mga gumawa nito?" I asked.

Umiling siya at nakita kong nakakuyom ang mga kamao niya. Naikuyom ko rin ang mga palad ko, ngayon kailangan ang isang katulad ni Kayla, pero anong magagawa ko? Alangan namang sumugod ako sa bahay niya ng parang walang nangyari sa amin?

"Isa lang naman ang dasal ko eh.. ang mahuli ang may gawa nito sa ate tere ko at sa pamangkin ko..."

****

KAYLA/KAI

"....that's what happened."

Lahat sila hindi makapagsalita sa kwento ko at alam kong kahit sila hindi nasikmura ang mga nasabi ko, buti nalang tapos na kami mag-dinner. Gusto ko sanang tumawa dahil parang may summit sa bahay sa dami namin dito but I suppressed it for this is a serious matter.

Naramdaman kong nagsitayuan ang mga balahibo ko at napatingin sa gawing kaliwa ko, kung nasaan ang bintana at nakita ko siya na nakatayo doon dala ang baby niya... she's crying blood.

'Tulungan mo ako... pati ang anak ko... ikaw lang ang nakikita kong nakakakita sa akin..' Mga bulong na narinig ko. Katulad ito sa kaso ni Merceditha Peron. (Pertaining to Season 2 of GD; Chapter 22)

"Kai? Kayla, huy?" I snapped. I look at the person who calls me. "Okay ka lang? Nakikinig ka ba sa sinabi ko?" Umiling ako. Napabuntong-hininga naman siya, senyales na malapit na siyang maasar.

Kanina ko pa nga napapansin na parang maikli ang pasensya ni Mami at panay simangot niya kay Thomas at iniirapan pa ito. PMS-ing, perhaps? Iyon lang kasi ang isang dahilan niya eh.. dati na kasing nangyari yan sa kanya at sinungitan niya si... Rodney.

"Sorry, I was talking to the ghost.." Walang paga-aalinlangan na sambit ko.

I saw her eyes blinking several times at maya-maya napasinghap siya.. napatingin na tuloy silang lahat sa amin.

"What's wrong?" Asked by Gello after a minute of silence.

"Nasa bintana yung babae na kinukwento ko. She's crying and her tears is blood..." I heard several gasps. "...and she wants our help."

A moment of silence again..

"What's her name?" I look at Berry. Nakaharap na agad siya sa laptop niya at handa nang maghanap ng impormasyon.

Tiningnan ko ulit yung babae at nalaman ko na agad ang pangalan niya. "Her name is... Theresa Laviado-Peralta." I uttered.

Lahat natahimik na naman at ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng keyboard dahil sa mabilis na pagtipa ni Berry. I look at the girl again and I blinked for I don't know how many times when I saw Leira beside her and holding her baby.

"Kayla, ang cute niya.. anong name niya, ate?" Tanong niya kay Theresa. Nginitian muna siya nito bago sumagot.

"Themarry.. isinunod ko sa pangalan ng tito niya." Sagot nito. At kumpara sa lumuluha nitong mukha, ngayon ay nakangiti na ito. Na-miss ko rin yung ganitong pakiramdam.. yung napapangiti ako dahil sa alam kong may matutulungan na naman kami... ako, si Leira, at ang iba pa.

"Wow! Love mo siguro yung tito ni baby themarry.." I heard Leira, still talking to her while playing with the baby.

"Hmm.. love ko siya dahil pinunan niya ang pangungulila ko sa kapatid kong lalaki at mabait at masunurin sa akin si Lar. Alam kong hinahanap na rin nila ang gumawa nito sa akin." ---Theresa

"Ahhh.. ganun ba. Pero ate, may kapatid kang lalaki? Sino si Lar?" Madaldal na naman siya. Haayy..

"Hehe.. kakaiba kang kaluluwa Leira. Akala ko walang kaluluwang tsismosa. Hahaha" pfft! I wanna laugh too.

"Pfft."

"May problema ba, cous?" Umiling lang ako sa tanong ni Gello at nagtuloy nalang ulit sa pakikinig sa usapan nila Leira at ni Theresa.

"Pero hindi nga ate! Sino si Lar?"

"Si Larry ay ang kapatid ni Laurio na asawa ko.. ang bata ko nag-asawa no? Hehehe.. mahal ko si Lau kaya kahit ayaw ng magulang ko ay lumayas ako at sumama kay Lau. Tatlong taon na akong hindi nagpapakita sa mga magulang ko. Pero pinuntahan ko sila kagabi at.... mukhang nakalimutan na rin nila ako kaya umalis rin ako agad. Pati ang kapatid kong si Trigger. Same age sila ni Lar kaya siguro nakasundo ko ang brother in law ko." ---Theresa.

Ganun pala ang story.. isang tipikal na istorya na mapapanuod sa TV, ayaw ng mga magulang ng babae sa lalaking nagustuhan nito kaya ang ginawa ng magkasintahan ay nagtanan sila at nagpunta sa malayong lugar. Pero imbes na mapabuti, ito pa ang nangyari. Ang saklap ng buhay talaga.

"I found the info!" Napakurap ako at tiningnan ko si Berry na nakangiting tagumpay na nakaharap sa laptop niya. "I search the name of the girl kaso hindi ko siya nahanap kaya I tried to search the surname Laviado. Iyon nahanap ko! Ang Laviado ay ang may-ari ng 'L Pharmacies' na umaangat na rin at nagkakaroon ng maraming branches around the world. I hacked the personal website of the company and I found some personal information about the family. About three years ago, muntik nang mawalan ng buhay ang head ng Family na si mr. Elias Laviado dahil sa pagkawala ng panganay nyang anak na babae na si 'Thesa'. Hanggang ngayon daw ay pinahahanap pa rin ito." Mahabang litanya ni Berry.

"Paano naman natin mahahanap yung mismong babae? Eh yung pamilya lang naman niya ang nahanap natin?" Tanong ni Lindonne habang ngumunguya na naman ng pepero niya.

Narinig kong nag-tsk si Berry ng tatlong beses kaya nilingon ko ulit siya. There is this smug look on her face. "Siyempre sinabi ko muna yung background ni miss Theresa para malaman niyo. Kumbaga sa company meeting, that was an introduction. Ito na yung main topic."

Huminga muna siya ng malalim at hinarap si... Mami? O ako? Sa direksyon namin ni Mami nakatingin si Berry eh.

"What?" Iritadong tanong ni Mami.

"Init ulo ah, Mamilyn. Anyways kilala mo ba yung isang miyembro ng student organization na si Larry Peralta?"

"Oo naman! Lahat ng member ng S.O. kilala ko. Ako kaya ang presidente nila! So, what about him?"

"What about him? He is our biggest connection to the victim! Siya ang brother-in-law ni Theresa!" Sigaw ni Berry. Narinig ko naman na nagpipigil na mapasinghap si Mami sa tabi ko.

I look at her. "Kilala mo?" I asked. Tumango siya.

"Kanina lang kinausap niya pa ako and he was so eager doing his duty and actually I didn't sense any signs of sadness in him."

"Malamang ayaw niya ipakita kundi mag-aalala kayong mga members ng student Org!" Ani Berry.

Natahimik ulit kami. Pero alam ko na ang sasabihin.

Tumayo ako sa harap nila at tiningnan naman nila ako.

"We will go to Larry's house tomorrow. Alam mo ba kung saan siya nakatira?" Ako habang nakatingin kay Mami.

"Pwede kong tingnan sa student's information." She said.

Tumango ako, pero napatingin kaagad ako kay Berry. "What is it?" I asked.

"I know where he is.. medyo malayo sa PSA. Sa isang squatter's area."

Squatter's area? Hmm.. he must be a scholar, kaya siya nakapag-aaral sa Pacific Scott.

This is interesting.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 5.4K 7
BOOK 1 Kinilala kong kaibigan ay mabuti, Pagkakaibigan ay susubukin, May tunay at nagtraydor para mailigtas ang minamahal Pero sa pagdating ng araw M...
277K 9.5K 36
[C O M P L E T E D] Some says they are righteous with ethics. But some of them are obnoxious and horrible. They are like a skeleton in the closet who...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
64.3K 5.4K 98
[Mystery Thriller] (COMPLETED) (Unedited) "Beyond Life and Death the Immortality lays out once you acquired immortality you will also acquire great p...