Rica's POV
I was not able to join the dinner last night. Naintindihan naman nina tita 'yon. Marco was not happy, though. Umalis siyang bagsak na bagsak ang mukha. Before they left, I wished him a happy birthday. Sa kabila ng nangyari sa amin ay gusto ko pa rin naman na kahit papaano ay batiin pa rin siya nang maayos.
"Let us talk tomorrow. Please rest. I love you, babe."
He said before leaving the hospital. I did not respond at hinayaan lamang siyang lumabas kasama nina tito. Pagka-alis nila ay nagkamalay na si mommy pero hindi pa rin makausap nang maayos. The doctor said, maybe because of the trauma. Hinanap niya si daddy at nang sabihin namin ang kalagayan nito y halos magwala siya sa kakaiyak.
I cried with her. Sobrang sakit sa puso habang nakikita ko siyang hawak hawak ang kamay ni daddy habang kinakausap siya at hiinihiling na gumising na. Mabuti na lang at nakaalalay sina yaya sa amin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala sila ni ate.
"Everything's gonna be alright."
Shiela sincerely said while tapping my arm. Ayoko sanang pumasok kanina pero pinilit ako ni yaya Susan. Aniya ay malapit na raw magtapos ang school year namin kaya dapat ay wala akong ma-miss na klase. She said that dad will not be happy if ever he learns that I missed my classes and failed my exams. Mabuti na lang at walang JS prom ang school namin at ang recognition at graduation na lang hinihintay na event.
"Hindi ko na talaga alam."
Sabi ko sa kaniya matapos kong ikwento ang kalagayan rin namin ni Marco. With the problems I have right now, I doubt if I can concentrate with my studies. Sa lahat yata ng klase ko buong maghapon ay hindi ako nakikinig. Lumilipad ang utak ko sa kalagayan ng mga magulang ko.
Malungkot niya ako akong tiningnan at maya maya ay lumampas sa akin ang kaniyang tingin.
"He's here."
Aniya kaya napalingon ako sa may pintuan ng cafeteria kung saan siya nakatingin. I saw Marco and Vance entering. Alam ko na agad kung saan sila patungo.
Ibinalik ko kay Shiela ang aking atensyon.
"Hi."
Bati sa amin ni Vance at agad tumabi kay Shiela. Hinila rin ni Marco ang upuan sa aking tabi nang walang imik.
"Dude..."
He then said. Their eyes seemed to communicate and after that, Vance nodded. May ibinulong ito kay Shiela at sabay silang tumayo.
"We'll leave you. May pupuntahan lang kami ni Vance."
Shiela announced. Baka may date silang dalawa dahil espesyal ang araw na ito. It's Valentines Day! Marco and I went to an amusement park then ate dinner together last year. Ngayon? Hindi ko alam.
Bumaling siya sa akin.
"We'll visit tito and tita later, okay?"
Ngumiti siya sa akin. Tumango ako bago sila umalis.
The place became so awkward after they left. Daldalan lang ng mga estudyante sa ibang table ang maririnig. Si Marco ay tahimik lang.
I know he wants us to talk. I also do. Kumpara kagabi ay mas handa na akong marining ang mga sasabihin niya. I may still be a jealous and possessive girlfriend but I learned that clear communication is a must for a relationship to work. Papakinggan ko ang paliwanag niya at kung kapani-paniwala naman ay makikinig ako. It doesn't matter if he'll lie or not. Basta ako, susubukan kong um-intindi para maayos na namin agad ito. I just wish to fix this as soon as possible. Hindi kasi namin naayos kagabi.
"Kathie is at the parking lot. I want the three of us to talk."
Mahinahing sambit niya. The mere mention of that bitch's name by him made me mad. Naiinis ako at kailangan ko pa talagang makausap at makita ulit siya. A picture of them kissing suddenly popped on my mind kaya mas lalo akong nanggalaiti.
I tried to calm myself and nodded. Nauna na akong tumayo bago pa magbago ang isip ko. I just want to clear everything yet. Ayoko nang may sumabay pang problema sa pinagdadaanan ko ngayon tungkol sa pamilya ko.
Tahimik kaming naglakad papunta sa parking lot at nang makarating kami doon ay nakita kong nasa tabi ng sasakyan ni Marco ang babaeng dahilan ng away namin. Nakasuot siya ng simpleng itim na dress at as usual, mukha siyang mabait. Medyo malayo pa lang ay mapapansin ang pamugmugto ng kaniyang mga mata. Daig pa yata niya ang akin.
"I'll have ten minutes with the two of you. Babalik pa ako ng hospital."
Walang gana kong sabi sa kanila nang makalapit na kami.
"Marco, please. I don't want to say sorry to her."
Pagsusumamo ni Kathie at hinawakan pa talaga ang braso ni Marco. Nag-init na naman ang dugo ko.
"Don't you get your filthy hands on anything or anyone I own."
Mahina pero matigas kong turan. Si Marco na mismo ang nag-alis ng kaniyang kamay mula sa kaniyang braso.
"I already told you Kathie, tell her the truth or else..."
Or else what? Malungkot na tumango si Kathie sa kaniya bago bumaling sa akin.
"I hate that fact that you have the thing that was once mine."
Masama ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nakayang sabihin iyon sa harap ni Marco.
"Pwedeng iwan mo muna kami?"
Hiling ko kay Marco at nag-aalinlangan siyang tumango bago umalis. I want a girl-to-girl talk with this girl. Ayokong nandito si Marco dahil pakiramdam ko ay hindi ang totoong siya ang makakausap ko. Iba kasi siya 'pag kaharap si Marco at iba rin kung kami lang.
Tinaasan ko siya ng kilay bago nagsalita.
"Sa pagkakaalala ko ay walang naman akong inagaw o inagaw mula sa 'yo, so what "thing" are you talking about?"
Tanong ko sa kaniya.
"I am referring to Marco."
Mataray na sabi niya. See? I don't how she can pretend like an angel in front of my boyfriend when in fact, ang sama ng ugali niya. I'm not saying that I'm not bad. I am. It's just that I show the real me all the time. Bahala na ang mga tao kung magustuhan nila ako o hindi.
"Really? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman naman bagay ang boyfriend ko. And you said he was once yours? Well, I am so sorry girl, but you let him go. 'Di ba iniwan mo siya at pumunta sa-"
"I left because I needed to. My parents-"
"Whatever the reason is, wala na akong pakialam. Ang punto ko ay ex ka na lang niya at ako na ang girlfriend niya. Besides, ayon sa kwento niya sa akin ay nagkakalabuan na rin kayo noon kaya hindi malabong maghiwalay rin kayo."
She cut me but I also cut her. I have no time for her drama.
"Now, tell me what happened yesterday. 'Yong totoong nangyari. Alam kong sasabihin din naman sa 'kin mamaya ang lahat pero tutal ay nandito ka na rin lang, sabihin mo na."
I tried to hide my irritation but I failed.
"Kung hindi lang sinabi sa akin ni Marco na kamumuhian niya ako kakalimutan niyang magkakilala kami ay hindi naman dapat ako nakikipag-usap sa 'yo ngayon. I hate you so much and you know that, right?"
She exclaimed with the same tone as mine.
"Of course! Again, don't worry, the feeling is mutual."
I faked a smile.
Bumuntong hininga siya bago nagsalita ulit.
"I went to their house early yesterday to greet him and give my gift. Before I left, I kissed him on the lips..."
I clenched my fist and tried not to talk back.
"But he pushed me and he got mad."
Malungkot na sabi niya at agad na napalitan ng galit ang emosyon ng kaniyang mga mata pagkatapos tumingin sa akin.
"That's all, bitch. I won't apologize."
Walang gana niyang turan bago sana umalis pero hindi ko napigilan na higitin siya pabalik. Before she could talk, I gave her a slap that she deserves. Of course, nagulat siya sa ginawa ko.
"My bad! Ako na lang ang hihingi ng tawad. Sorry ha, ayoko talaga sa mga babaeng malalandi. Nasampal tuloy kita. I don't usually slap girls who try to flirt with my boyfriend pero hindi kasi maganda ang mood ko ngayon. Sorry talaga."
I said with sarcasm. Padarag niyang inalis ang kamay ko sa braso niya.
"Hindi ako gaganti kasi nakatingin si Marco. Pero tandaan mo 'to, isang araw ay magigising ka na lang na akin na ulit siya. Hindi man gaya ng damit noon sa mall na kusa mong ipinaubaya sa akin, pero sinisigurado ko sa 'yo na siya mismo ang aayaw sa 'yo at sa akin pa rin ang bagsak niya."
Matigas niyang wika bago umalis. Maya maya ay naramdaman ko ang paghawak ni Marco sa aking balikat.
"I hope she told you the truth."
Aniya. Hindi ako sumagot pero yinakap ko lamang siya nang mahigpit.
I hate that he's innocent. I hate myself for hating him without hearing him first. Siguro ay nasira pa ang birthday niya kahapon dahil sa away namin. My state yesterday was not so well, pero sana ay mas kl-in-aro pa namin ang lahat, hinayaan ko pang mag-usap kami. Pero nangyari na ang nangyari. Ang mahalaga ay malinaw na ang lahat.
Kinalas niya ang pagkakayap ko sa kaniya at binuksan sang pintuan ng passenger's seat sa kaniyang sasakyan. May kinuha siya doon at nang ilabas niya ako ay nakita ko ang isang bouquet ng mga pulang rosas.
Lumapit siya s akin at inabot ito.
"Happy Valentines Day."
He uttered and smiled. I smiled back and hugged him again.
Kung anuman ang huling sinabi kanina ni Kathie ay wala akong pakialam. I'll do my best to keep this man I truly love.