DAME'S P.O.V
Inhale..
Exhale..
WhoahH!!kinakabahan akong pumasok.. nandito na ako sa harapan ng gate ng school na papasukan ko pero ilang minuto na akong nakatayo dito ay hindi pa rin ako pumapasok.. parang na-glue na nga ata ang mga paa ko dito eh..
Eh naman kasi… dinadaga ang dibdib ko…mababait naman siguro ang magiging classmates ko di ba??sana nga!! Sana hindi sila bullies.. haynaku naman..
Bagong paaralan.. bagong pakikitunguhan..
Mag-aadjust na naman.. hay!!
"Ija.." pagtawag sa atensyon ko ni manong Guard..
"Po?"
"Napansin ko lang kasi.. kanina ka pang nakatayo dyan.. wala ka bang balak pumasok?? Ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase..."
"Ah.. eh.. hehe.. papasok na po.. kinakabahan lang.." i said demurely with an awkward smile on me..
"Transferee??"
"Opo eh.."
"Ah kaya naman pala.. oh cia pumasok ka na ija.. at baka malate ka pa.. at wag ka ding kabahan.. mababait naman ang mga tao dito..." nakangiting saad ni manong guard.. kaya napangiti na din ako.. kung si manong guard ay mabait sana yung iba din ay ganun.. i wished that everythings here would fine..
Napahigpit ang pagkapit ko sa strap ng bagpack ko at naglakad na papasok..
"Salamat po.." sabi ko na lang ng malagpasan ko na siya at bahagya din akong yumuko bilang respeto ...saka ako naglakad na ng diretso..
Nagpunta muna ako sa registrar office para malaman ko kung saang section ako kabilang.. sakto namang may teacher ang nag-logbook.. at napag-alamanan ko na siya pala ang adviser ng section kung saan ako papasok kaya ito ako ngayon kasabay siyang naglalakad papuntang room namin..
Hindi naman siya mukhang strikto.. mukha nga siyang mabait eh.. she's pretty too.. and i guess she's still in a mid 30..
"What's your name ija?" Biglang tanung niya sa'kin..
"i'm Daniella Mesha Santiago Po Mam.."
Napatango-tango lang siya..
"Your beautiful.. pwede ka sanang maging muse ng IV-Sardonyx kung napaaga ka lang ng pasok… kaso naka-elect na kasi ng class officers… sayang… by the way, you've already missed the lessons for almost a week .. anyways, just borrow a notes from your classmates para naman makahabol ka sa topics.. okay??".. paliwanag niya sakin.. sayang naman nuh!? pang-muse pala ang beauty ng lola niyo!hahaha
"Opo mam.."
"Nandito na tayo.. " napansin ata niyang medyo kinakabahan ako kaya ti-nap niya ang balikat ko.. "relax Daniella.. they won't bite.." pagbibiro ni mam.."let's go.." yaya niya sa'kin papasok ng room..
Pagkapasok namin may nagsusulat ng kung anu-anu sa blackboard..
may nakaupo pa sa teacher's table..,
yung mga upuan wala na sa line..,
may naghahagisan ng gamit..,
May nagtsitsismisan at nagtatawanan ng wagas…
Sa madaling salita..
Ang gulo-gulo nila!!!oh my Goodness!! >.<
"Pacensya na.. ganyan talaga sila kapag walang guro.. matino na sila sa lagay na yan.. " mam said then she chuckled..
Eh?? Matino na sila sa lagay na yan??? Seryoso???
"Goodmorning Class!"
Sabay-sabay silang napalingon sa direksyon namin.. at nagkumahog na inayos ang mga upuan at ang mga sarili nila..
"Goodmorning po Mam!!"
Napabaling naman ang mga tingin nito sakin kaya napalunok ako… makatunaw tingin naman sila!! Ngayon lang ba sila nakakita ng mala-diyosang pagmumukha??hahaha joke lang po… ^_^Y
"Uhm..,by the way class..as you can see, im with the new transferee here.. .. so let us welcome her.. "
"Welcome uhm.." sabay-sabay silang napatigil at nagbulong-bulungan.. eh??bakit kaya?? May mali ba sa'kin?? Halah??baka naman ayaw nila sakin dito??
"Anung problema class?" Pagtatakang tanung din ni mam..
then A Girl with blonde hair raise her hand..
"Yes, Kath.."
Tumayo naman yung girl..
"Mam kasi po.. hindi pa po namin siya kilala.. mabuti po siguro kong malaman muna namin yung name niya bago i-welcome??"
Napalo ng ulo si mam.. at napatawa ng mahina.."yah!yah! I'm sorry class nawala lang sa isip ko.. uhm.. Daniella.. please introduce yourself.. and say something about you.."
WhoahH!!yun lang pala!! Akala ko naman ay ayaw nila sa'kin.. parang nakahinga ako ng maluwag dun ah..
"Hi.., im Daniella Mesha Santiago..,but you can call me Dame for short.. im 16 years old na nga pala.. " pagpapakilala ko sa sarili ko.. yan lang ang sinabi ko kasi baka abutin kami ng siyam-siyam dito kapag yung buong pagkatao ko na ang sinabi ko sa kanila...hehe
"may boyfriend ka na ba?" Biglang tanung ng isa kong classmate..
"Hah?"
"Pwedeng manligaw?" nagsitawanan naman sila pero Anu raw??parang nabibingi ata ako… Ligaw?! 1st meeting tapos ligaw agad?? Ang loko-loko naman ng mga 'to!!
"Guys!!quiet!! Enough for that nonsense Que..okay.." pagtaas ng boses ni Mam pero hindi naman yung tipong nakakatakot.. "and you, Daniella.. i mean Dame right??".. i nodded.. "you can sit beside..." naglakbay ang tingin ni mam sa mga upuan.."ow.. There.." turo ni mam sa nag-iisang upuang bakante sa last row.. sa may bintana.. yes!!sa may bintana ako..haha ang swerte naman pero.. "beside with Drake.." eh??ba't lalaki ang katabi ko?? Sige na ... parang hindi naman siya mayabang kung titingnan.. at saka gwapo din..haha oo na ako na malandi.. hahaha kapasok-pasok lumalandi!!haha pero etchus lang.,
Nagpunta na ako sa upuan ko,at habang naglalakad ako.. sinusundan nila ako ng tingin!! WhaAhH!!nakakatense naman oh!! Kung pwede lang silang pagsabihan na "BAWAL TUMINGIN!!" SAna ginawa ko na.. oh di kaya ay maglagay ako ng karatola sa likod ko pati na din sa noo ko na wag akong tinggnan.. eh!!nakaka-awkward naman kasi!!
"Excuse me.." sabi ko dun sa guy na makakatabi ko with matching ngiti pa yan ah.. tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa.. nakaramdam tuloy ako ng hiya..
Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago umatras ng konti para makadaan ako..
Agad ko naman siyang dinaanan at naupo na lang..
Anu ba kasi problema nila sa itsura ko at ganun na lang sila kung makatingin sa'kin lalo na ang katabing kong 'to!??kung tinutusok ko kaya 'yang mata niya nitong ballpen ko.. tss.. nagkamali ata ako ng first impression sa kanya..mukhang suplado sya sa totoong buhay!hay!! Sayang gwapo pa naman!!
Wag na nga lang pansinin!!
Nagsimula na si mam magdiscuss ng lesson at ako naman ay hindi maka-concentrate kasi naman nakikita ko sa peripheral view ko na nakatitig siya sa'kin… tss!! Oh my Lord… pwede po bang bulagin mo muna 'tong katabi ko kahit ilang minuto lang!?? Joke lang po Lord… hehehe
Naman eh!! Nu ba yan??
Huminga ako ng malalim at binalingan siya… lakas ng loob lang yan mga dude…
"…ah excuse me lang ah… anung problema mo sa'kin at panay ang tingin mo!?" paBulong kong sabi sa kanya… hindi yung tonong pang-suplada ah… tonong painosente ang ginamit ko…hehe
"Excuse me din…but i'm not staring at you… im looking outside the window…" sabi niya sa bored tone niya…
Aray!!pahiya!!
yan kasi assuming much…
Napayuko na lang ako at ibinaling na lang ulit ang tingin kay mam… napahiya tuloy ako bwisit!!
*Kriiiing*
Yes!!!! Breaktime na!!! Makakakain na rin at makakaalis sa awkward situation na 'to.. horray!!
Haixtz!!kaso nga lang wala naman akong kasamang mag-snack…whaaHH!!loner ang pheg ko… siguro ngayon ay kumakain at nagkukulitan na ang mga bruha kong kaibigan dun sa dati kong skul… :( hay!!namimis ko na talaga sila…
Paglingon ko sa katabi ko… wala na 'to… wow!!gutom na ata masyado at mas nauna pang lumabas ki mam… txktxk!! That's what you called…"EXCITED!!!"
nagliligpit ako ng gamit ko ng may lumapit sa'kin… yung tatlong classmate ko…
"Hi…" bati ni girl na mayroong sobrang straight na buhok…
Lahat silang tatlo ay nakangiti sa'kin kaya nginitian ko din sila pabalik…
"We're here to make friends with you… by the way… im Kesha…"
"Maine here…" pagpapakilala naman nung girl with chinky eyes…ang lalim din ng dimples niya… nakakainggit naman…
"Loki at your service…" the guy said sabay winked sa'kin…
"Loki!?? The mythical detective??"… pagbibiro ko…
"Nanunuod ka din nun??"
"Yup… one of my favorite anime.. ang ganda kaya.."
"Yeah right.. sa tingin ko ngayon pa lang magkakasundo na tayo..".. nakatawang mungkahi niya.
"Mukha nga.." nakangising sabi din ng dalawa.
"It's Daniella right??" Tanung ni Maine na medyo nag-aalangan pa..
"Ya… but calling me Dame is much fine…"
"Ow yeah… sabagay ang haba naman ng name mo.. so Dame gusto mong sumabay sa'min mag-snack??" …yaya ni Maine sa'kin…
"Pwede?" Nahiya naman ako…hehe
"Of course… we're now friends afterAll…so let's go… hehe nagugutom na kasi ang mga dragon ko sa tiyan.. "
Yun nga nagpunta na kaming sabay sa canteen.. at madami na din kaming napagkuwentuhan.. naitanung na din nila kung bakit daw ako lumipat ng school.. At nakapag-share na din ako ng ilang impormasyon about myself.. ganun din naman sila..
"Ay..maalala ko pala.. need mo ng notes di ba??" Biglang tanung ni Kesha sa'kin..
"Oo eh.. kailangan ko para maka-cope up dun sa mga na-missed kong subject lessons nung nakaraang lingo..".. paliwanag ko sabay kagat ng sandwich na binili ko..
"Pwede kitang pahiramin kaso.. hindi kompleto ang notes ko eh.. wala ka din namang mapapala sa dalawang iyan.. hindi kasi sa kanila uso ang salitang magsulat.. haha ang tatamad niyan eh.."
"grabe siya oh!"
"Oh sige na ikaw na ang masipag.. Maine ang korona ni Kesha asan??"
"Ito na oh..",. Tumayo si Maine na may parang bitbit sa kamay saka lumapit kay Kesha at ipinatong ito kunyari sa ulo nito.. "Reyna ng Etchusera!haha"
Nagtawanan naman kami..
"Ewan ko sa inyo.. hmp!"
*kriingG*
"Hay!naku time na ulit.. panira ng moment oh.."
"Tara na balik na tayo.. si mam sungit pa man din ang sunod na subject.."
------
To be continue...
Please also read my another story.. complete na po yun..entitled…" CLASH OF HEARTS" thanks po..