Deal Breaker (Published under...

By swirlybitch

5.4M 96.2K 7.5K

Princess Nicole "Nick" Madrigal wants nothing more than to regain the independence that she lost noong nalama... More

Chapter 1: Goddamn Shoe
Chapter 2: Hala, Nas'an na?!
Chapter 3: By Hook Or By Crook
Chapter 4: Stiletto Heels, You Rock!
Chapter 5: I Should've Stayed
Chapter 6: Akala Ko
Chapter 7: Lesson No. 1
Chapter 8: Reconciliation
Chapter 9: Sweetest Instant Noodles Ever
Chapter 10: WDF?!
Chapter 11: Train Train Go Away
Chapter 12: The Sister I Never Had
Chapter 13: Love Sick
Chapter 14: I'm Sorry
Chapter 15: Third Wheel
Chapter 16: First Time In My Bed
Chapter 17: ABC Song
Chapter 19: Good Night Gone Bad
Chapter 20: I Lo-- Ano Daw?!
Chapter 21: He Left
Chapter 22: She Got Drunk, He Got Heartbroken
Chapter 23: I Just Can't Help It
Chapter 24: His
Chapter 25: Oh No
Chapter 26: The Truth.. It's Sad
Chapter 27: What Now?
Chapter 28: Ano Na Naman 'To?!
Chapter 29: What Really Happened
Chapter 30: Moves Like Jagger?
Chapter 31: Nasaan Na Ako?!
Chapter 32: The Meet
Chapter 33: All About Us
Chapter 34: Will You Take Me Away With You?
Chapter 35: Don't Say It, 'Coz You'll Definitely Break My Heart
Chapter 36: The Truth... It Sucks
Chapter 37: Only Him
Chapter 38: Bestfriends' Day. Yay!
Chapter 39: The Phone Call
Chapter 40: Love Me, Love Me, Say That You Love Me
Chapter 41: Boy Talk
Chapter 42: Versus
Chapter 43: Dreams
Chapter 44: This Is It
Chapter 45: Dealing With It
Chapter 46: Too Late?
Chapter 47: Tragic
Chapter 48: What About Love?
Chapter 49: Points Of View
Chapter 50: Let's End This From The Start, Shall We?
SIDE STORY - Shut Up Or I'll Kiss You
OTORS NOWT: LAST NA TO! HEHEHE.
The Story Behind THE STORY.

Chapter 18: Back Off

127K 1.9K 516
By swirlybitch

Nagising ako nang maramdaman kong may kung ano sa labi ko. Pagdilat ko, mukha ni Dominic yung bumungad sa 'kin. Tinulak ko siya ng ubod ng lakas.

"Anong ginagawa mong siraulo ka?!"

Nakangiti na naman siya na mapang-asar.

"Waking you up. I tried to do this the normal way, pero tulog na tulog ka eh. So I tried this and it worked." He answered, beaming.

"Hay! Grabe! Hindi ka lang baliw. Rapist ka pa. Tss!"

Pinunasan ko yung labi ko. Hindi naman sa hindi ko nagustuhan yung halik niya. Ang problema. luging lugi na yung labi ko. Hindi pa ba siya nagsasawa?!

"Rapist?! Ako nga 'tong abused sa 'ting dalawa eh. Tapos I'm the rapist?!"

"Huh?! Abused? Ikaw?! Haha! Baka naman ang abused para sa'yo ay abusado?!"

Namula na naman yung mukha ko sa inis! Aga-aga mang-asar ng lalaking to. We glare at each other for awhile hanggang sa tumunog yung alarm. Napatingin kami sa orasan. 5:30 na daw ayon sa maingay na device.

"Maaga pa pala?" bulong ko sa sarili ko.

"You have classes today right?" tanong niya. Narinig pala niya. Hindi ko siya sinagot at tumingin lang ako sa kanya.

"Breakfast?" he said smiling.

"Hindi na." Tumayo ako tapos nagayos ng buhok. Again. Short hair. Easy fix. Nag-umpisa na kong maglakad pababa ng hagdan. Pagdating ko sa dulo. Nandun din siya kasunod ko.

"You're not going anywhere. Not this time." Nakangiti pa din siya. good mood yata talaga siya ngayong umaga. Kinuha niya yung braso ko tapos dinala ako sa kusina. Everything's prepared. Anong oras kaya gumising tong taong ‘to?

"I prepared everything ahead, just in case tumakas ka ulit."

Naappreciate ko yung ginawa niya. Gumising siya ng maaga para dito. Napatingin ako sa kanya. At di mapigilan ng labi ko ang mangiti.

"Isang buong pamilya ba papakainin mo?"

He laughs. “Nope. It's just for the two of us."

Tapos inayos niya yung upuan.

"Anong ginagawa mo?"

"Inaayos yung upuan mo para sa pag-upo mo."

"Kaya kong umupo kahit hindi mo ayusin." Hinatak ko yung upuan sa kanya sabay upo, mapatunayan ko lang ang sarili ko. “See?”

Umiiling siya pero nakangiti pa din. Umupo siya sa tabi ko.

Dominic! Will you please stop smiling. You're making it hard for me to get mad at you.

Nag-umpisa niyang lagyan ang plato ko ng mga pagkain. I just stared at him.

"What?!" tanong niya nang mapansin niyang nakatingin lang ako sa kanya.

"Mukha ba kong may sakit sa'yo Dominic? Do I look like I can't get my own food."

"No. I just find you… fragile."

Fragile?! Ako?! “Fragile ka dyan!" Tinusok ko ng tinidor yung hotdog na nilagay niya sa plato ko, tapos nginuya ko yun ng bonggang bongga, again, just to prove my point.

"Good girl." sabay hawak sa ulo ko.

Tinapik ko yung kamay niya. "Itigil mo nga yan" saway ko sa kanya.

Pero hindi natitinag ang ngiti niya. Hay. Nakaka-asar na ah.  Nung nakita kong nilalapit na naman niya yung kamay niya sa ulo ko, kinuha ko yun and twisted it.

"Isa pa Dominic, mapuputol kamay mo sa 'kin."

"Aw. Stop! Okay. I'll stop!" kasabay ng sigaw niya ang pagbitaw ko sa kamay niya.

"I've been good to you this past few days, but it doesn't mean I can't be bad Princess."

Nakita kong hawak-hawak niya yung kamay niya. Nasaktan ba talaga siya? Umaarte lang yata to eh. O baka naman napalakas. Naku. Baka nabalian na siya ng buto.

Dumiretso ako sa pagkain, I’m still worried sa kamay niya. Pero di ko pinapakita. Napansin kong wala siyang kinakain kahit na isa.

"Hindi ka ba gutom?" tanong ko.

"Nope. I just had my breakfast in bed awhile ago. Remember?" Tukso niya.

"Stop smiling. Nakaka-asar na yang ngiti mo."

Hinawakan ko yung labi ko kasunod nang pag-iling. "Kawawa ka naman lips. You're being abused by this bastard."

Tumawa lang siya at nagpatuloy na kami sa pagkain. Nung maubos ko yung pinaglalagay na pagkain ni dominic sa plato ko. Tumayo ako.

"Are you going to school with the same clothes you wear yesterday?"

"Ewan. Baka umuwi muna ako sa bahay. Tapos doon na ko magbibihis. Teka." Humigop muna ako ng mainit na kape.

"You'll be late if you do that." He said.

"Isang subject lang naman eh." Naglakad na ko papunta sa pinto. Bubuksan ko na sana pero hinatak na naman niya ako. This time sa shirt.

"Dominic! Aack! Nasasakal ako."

Binitawan naman niya ako. Humarap ako sa kanya and I glared at him.

"Sabihin mo nga sa kin, kailan ka titigil sa paghatak sa kin ha?!"

"I'll stop the moment you stop walking away from me." he's serious.

"I'm not walking away. I'm just.. -"

"You are and stop arguing. 'Coz I'm sure I'll win this time." seryoso pa din niyang sabi.

Nakatingin lang ako sa kanya, feeling like dumb for even trying to justify myself. He's right. It's always me who's walking away.

"I think it's time for you to take a bath." tumingin siya sa relo na nasa sala.

Take a bath? Me? Sa bahay niya? Nasisiraan na ba siya talaga?

"Just go to the bathroom upstairs. Everything you need is there."

"Haa?!" Una. May banyo sa taas. Putcha! Hirap na hirap ako sa pag-akyat-baba nung nakaraan para kumuha ng tubig. Leche. At ngayon gusto niya na doon ako maligo.

"Maliligo ka sa sarili mo o ako magpapaligo sa'yo?"

"Ha?! Maliligo na." sabay takbo ko sa taas. May CR nga dun, pero hindi mo mahahalata kung hindi mo hahanapin talaga.

Malaki at maayos ang banyo niya. May shower room at may bath tub. Malinis. Malinis ang cr niya para sa isang lalaki ah. Yung cr na nakita ko kasi nung highschool ako na pangboys, medyo madumi. Ay hindi pala. Madumi talaga.

Pagtingin ko sa salamin. Wow ulit! Napakadisaster pala ng itsura ko. Tsk. Tsk.

"Princess! Don't forget to lock the door!" sigaw ni Dominic galing sa baba. Tinignan ko yung lock. Nailock ko naman pala.

Muli kong binigyan ng pansin yung kinatatayuan ko ngayon. Yung salamin nasa ibabaw ng sink, tapos sa sink may pair ng toothbrush na nakalagay sa isang baso. Isang blue. Isang pink. May nakatira ba ditong ibang babae? Tapos sa kaliwang part ng wall ng cr, may dalawang towel. Pink at blue ulit. Definitely my other girl na nakatira dito. Babaero talaga.

Bago ko pa man masaksak ang babaerong si Dominic sa imagination ko, narinig ko ang pagkatok niya sa pinto ng banyo. "Princess?"

"Bakit?!" inis na sabi ko. Girlfriend mo nga ako, may kasama ka naman sa bahay na to. Bwiset ka Dominic! Bwiset!

"All the pink ones that you see are yours. Feel free to use them. Okay?"

Ha? Akin lahat ng pink na bagay na to? Bakit? Hala?

"Pati tong toothbrush?"

"Yup. The pink one. The blue's mine."

"Kailan mo to binili?" tanong ko habang hawak yung toothbrush na pink.

"The moment you've become my girlfriend."

Namula yung pisngi ko. Putcha! Am I blushing?! Nick! Maligo ka na nga lang!

"Ah sige. Salamat. Maliligo na ko. Wag ka na diyan sa pinto."

"Okay." tapos hindi ko na ulit narinig yung boses niya.

Naligo na ako, pagkatapos ko.doon ko lang na realize. Wala pala akong damit. Tsk!

I scan the whole bathroom. I saw sa baththub may clothes. Jeans. White shirt. and underwear.

Sinuot ko lahat, sakto naman. Wait. Pa'no niya nalaman yung size ng underwear ko? tss. Baka may iba pa siyang ginawa bukod sa halikan ako kanina. OH MY!

Lumabas ako ng banyo. Bumaba. Hinanap ko si Dominic. Handa na kong komprontahin siya, pero he’s nowhere to be found.

"Dominic?!" sigaw ko.

"What's wrong this time?" Kakalabas niya lang sa banyo sa baba. Naligo din pala siya and he's wearing nothing but a towel to cover his down part. Napalunok ako tapos talikod.

"Wala ka bang damit?! Magbihis ka nga!"

Naramdaman ko siya sa likod ko, his chest touching my back.

"Right now? I don't have any." bulong niya sa tenga ko.

Nanginig ako sa lapit, bulong at bagong ligo na amoy niya. Wooooh! Hirap!

Nick! Magpigil ka!

Hinarap ko siya and I tried to avoid looking at his 6 pack abs Tinignan ko siya sa mata ttapos sinuntok ko sa mukha.

"Kung wala eh di magbihis ka! Bastos na bata to! Akyat!"

Nakangiti siya sa kin habang hinahawakan yung parte na tinamaan ng kamao ko. Baliw na talaga siya. Kakasuntok ko lang sa kanya ah.

Hinawakan niya yung pisngi ko bago tuluyang umakyat sa taas.

"Hey princess. Don't look."

Pumunta ako sa kusina bago sumigaw. "Mamatay na tumitingin!" Pero hindi ko alam kung bakit ako ngumingiti. Nahawa na yata ako sa kabaliwan ng lalaking yon.

"Let's go." Yaya ni Dominic, matapos niyang magbihis at puntahan ako sa kusina. Pero teka!  “Ano yang suot mo?"

"Damit?"

"Alam ko. Pero bakit ganyan?" galit kong tanong.

At parang wala talaga siyang alam, tinignan pa niya yung suot niyang damit bago inosenteng ibinalik yung tingin sa’kin.

"Why are we wearing a couple shirt, Dominic?"

"Are we?" and obviously he's fighting a smile.

Nilapitan ko siya sabay hampas sa braso niya. “Tumigil ka nga! Hubarin mo yan!"

"Alam mo, nakakalito ka na ah. Kanina pinagbibihis mo ko. And now you want to see me shirtless. Kapag nag-insist ka, iisipin ko na talaga na gusto mo ang katawan ko."

"I don't want to see you shirtless. I want you to change your clothes. Magkaiba yun."

"I can't." Sabay tinuro niya yung laundry basket niya sa ilalim ng hagdan. "Lahat sila nandoon na."

Frustrated. Napagdesisyunan ko na ako na lang yung magpapalit nang damit. Paakyat na ko sa hagdan para magpalit. Kahit yung shirt ko kahapon, okay na yun. Wag lang magcouple shirt.

"If you change your shirt now. You'll be late."

Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakaturo sa orasan. Napatingin tuloy ako doon and shoot! 6.30 na pala.

"Yung bag ko?!" Kinatok ko yung ulo ko. "Nasa bahay pala! Tsk!”

"Nasa kotse ko na. Pinadala ng mommy mo kanina. Let's go."

Nauna na ko sa pinto. Malelate na ko. Ang alam ko from here to school, more than 1 hour ang byahe. Pagdating namin sa elevator and the moment its door shut. Tt's the first time na nakita ko kaming dalawa together at the same time. We really look like a couple.

Back Off! SHE'S MINE! nakasulat sa shirt niya.

Back off! HE'S MINE! nakasulat sa shirt ko.

Grabe! Nakakasuka! Nagulat ako nung bigla siyang umakbay.

"Ngayon ko lang na-notice. We look good together."

"We don't!" sabay tulak sa kanya.

"We do, and you noticed it too. Don't deny it." sabay akbay ulit. "I love us." Dugtong pa niya.

I look like an idiot staring at him. Staring at his handsome face. Nakawala na naman yung mga butterflies sa tiyan ko at nanghihina ulit yung tuhod ko.

"I lo--"

*ding!

DEYM! Nasa baba na pala kami. At kasabay nang pagbukas ng pinto ng elevator ang paghihiwalay nang repleksyon naming dalawa.

Maaga kaming nakarating sa school, harurot ba naman kung magpatakbo ng sasakyan si Dominic. Daig pa may-ari ng kalsada. Tss. Naging mabilis ang byahe so no time to talk.

"Drive safely." sabi ko bago bumaba ng kotse.

He chuckled. "Seriously Princess? Drive safely? Is that the best thing you can say to me?"

"Alam mo ang choosy mo. Eh di drive recklessly. O kaya magtrip ka sa kalsada, banggain mo lahat. Kunwari bump car."

This time tumawa na talaga siya. "You're amazing." then he touched my neck. Nilapit niya lang yung ulo ko sa kanya and then kiss my forehead. Di rin nagtagal, he let go.

"Study hard." Sabi niya.

"Seriously Dominic? Study hard? Is that the best thing you can say to me?" Lumabas ako ng kotse at hindi ko na hinintay yung sagot niya sabay tawa. Hindi ko alam kung anong nakakatawa, but i'm enjoying this. A LOT.

Bumisina siya. Nilingon ko naman and then he wave goodbye at umandar na yung kotse niya palayo.

Papalapit na ko sa entrance gate nang bumusina na naman ulit yung kotse. Lumingon ako. Ano naman kayang trip ng lalaking to? Paglingon ko, it's a different car. Lumabas si Erick sa kotse.

"Nick!" nakangiti siya.

"erick. Oh. Pa'no mo nalamang nandito na ko?"

Hindi siya sumagot at may inilabas lang na chocolates.

"Para sa'n yan? Di ko pa naman birthday ah. Di mo rin birthday."

"Mmmm. Let's just say it's a peace offering. Medyo hindi maganda yung paghiwalay natin kahapon kaya I'm here to appologize."

I looked at him at naisip ko na lang na ang swerte ng magiging girlfriend niya.

"Appology accepted. Lahat ba yan sa kin?" tanong ko nang nakangiti sa mga tsokolate. Bahagya siya tumawa bago tumango.

“Ayus! Kakain na ko ng isa ah."

"Maaga pa naman. Mas okay kung doon ka sa kotse kumain. Kesa makita nang lahat kung ga’no ka kasiba."

Oo nga no. Mukha kong tanga pag dito ako. Pumunta kami sa kotse niya. Pumasok. At inumpisahang lantakan yung chocolates.  "Gahd! This is good."

Noong nakaubos na ko ng dalawang chocolates, biglang may naramdaman akong hindi maganda.

"Nick, okay ka lang?"

"No." Hinawakan ko yung tiyan ko.

"Why what's wrong?"

"Naje-jebs ako. Madami ko pala kinain kaninang umaga. tss."

"Hala! Nick naman oh. Iba talaga trip mo eh no. Nasaan na yung ID mo, papasok tayo."

Kinuha ko yung bag ko tapos kinapa ko yung pocke kung nasaan yung ID ko. Inabot ko yun kay erick.

Hindi gumagalaw si Erick. Badtrip. Ngayon pa daw ba ma-stroke? Natatae na yung tao oh. Tinignan ko kung saan siya nakatingin. “ANAK NG TIPAKLONG!" Napatalon ako. Si Dominic! At ang sama nang tingin niya kay Erick.

Lumabas ako bigla sa kabila nang pagwawala nang tiyan ko.  "Dominic? Bakit ka bumalik?"

"I forgot to tell you something." He answered coldly.

Ahhh! Yung tiyan ko. Anak ng tinapa. Lalabas na yata!

"Pwede mamaya na lang. May emergency kasi." Sabay pulupot ng mga braso ko sa tiyan ko.

"Emergency? If there's an emergency why are you seating in his car eating those goddamn chocolates?!" He almost shouted.

"I'll explain later."

"Why not now Princess?!"

"Hindi pwede ngayon kasi… anak ng! Natatae ako! Ok? Taeng-tae na ko!"

"What?!"

"I'm about to give shit!" Sigaw ko sa kanya out of frustration.

Nagulat ako ng bigla niya kong binuhat, tapos inagaw niya yung ID ko kay Erick. Tumakbo siya sa gate.

"My girlfriend's about to poop." sabi niya sa guard. Hindi na nakapalag yung guard at nagdali-daling tumakbo si Dominic.

"Hold it princess! Just hold it!"

"I'm holding it hard!"

"Then hold onto it harder!"

"Shut up! Lalong lumalala eh!"

"Okay. Inhale! Exhale! Inhale! Exhale!" Sinabayan ko siya sa paghinga.

"Where's the goddamn comfort room?!"

"3rd floor." Sagot ko habang patuloy pa din na pinipigil ang lahat.

"What a school. After this year, you'll change your school okay?"

Nagumpisa na siyang umakyat ng hagdan, pagdating sa 3rd floor alam mong pagod na siya.

"Where is it?"

"Sorry. 4th floor pala."

"What?!!"

"Umakyat ka na lang! Lalabas na eh!"

Umakyat pa siya and finally… a cr. Ibinaba niya ako kasunog nang tanong kung handa na daw ba ako. Umiling ako sabay sabing walang tissue.

“God! Princess! You're killing me. Can you wait a little more?"

"No." nakita kong parang nagiisip siya kung anong ipapagamit sa kin.

"Here." Sabay abot ng panyo niya.

"Seryoso ka?" gulat na gulat kong tanong.

"Dead serious. Just go inside and take this."

Hindi na ko lumaban. Kinuha ko yung panyo at nagmadaling tumakbo sa cr.

********

He's looking at me as if I just got out of the delivery room and gave birth to our first child.

"How's it?"

"Success." Sagot ko nang nakangiti. Ngumiti siya pabalik at naglakad papalapit sa’kin. Hinawakan niya ko sa may bandang bewang at inilapit niya ang katawan naming dalawa.

"You're driving me crazy." He whispered.

"Baliw ka na kahit nung wala pa’ko.”

"You're wrong. I'm crazy because of you. And I'm loving every minute of it."

"Tumigil ka nga! Parang natae lang ako eh." Tumawa siya. Hinampas ko siya and then he zips his mouth.

"Oo nga pala. Bakit ka bumalik?" tanong ko.

"Ah that. Tomorrow. I'll introduce you to my friends." Sagot niya.

"Friends. Yung ka-pustahan mo?"

"Yup. Sa isang party."

"Party? Formal na naman?"

"Yeah."

"Oh no."

Bigla nawala ako sa pag-uusap naming ni Dominic nang marinig kong tinatawag ang pangalan ko. Si Erick, sumunod pala siya dala ang mga chocolates ko. Kukunin ko na sana yung chocolates pero biglang inagaw ni Dominic sa kamay ni Erick yun sabay tapon sa basurahan.

"Hala! Anong ginawa mo?" Lumapit ako sa basurahan at doon ay tinignan ang mga chocolates ko kasama ang iba pang klase ng basura…  "Oh hindeee! Chocolates ko.." T.T

"Don't worry princess. I'll import the best chocolate maker from belgium to make you chocolates."

Nilingon ko siya. Hindi siya nakatingin sa kin habang sinabi niya yun. Naglalabanan sila nang tingin ni Erick na parang mga bata.  Tumawa si Erick – a very sarcastic laugh.

"You get her wrong. Kahit bilhin mo pa ang Belgium, hindi siya kumakain ng ibang chocolate. There's only one chocolate brand that she love, at yun yung tinapon mo."

"What is it that you like?" tanong ni Dominic, ignoring Erick’s statement. At napapansin kong nawawalan na siya ng pasensiya. Meron ba siya nun?

"Stay away from her." sagot ni Erick.

Ano bang pinaguusapan ng mga to? Tss. Hindi nakakatuwa ah. The tension's getting worse.

"I think I should be the one saying that to you. I'm the boyfriend."

"I'm the bestfriend. Do you have any idea how deep is our relationship?"

"Bestfriend. Yes dude. And that’s all that you’ll gonna be.”  Lumapit siya kay Erick. “Know where you should stand."

"Is she some kind of a property to you? I've been with her for more than 3 years now. And you just know her for how long… a week? Huh. Do you think that'll scare me?"

"I'm not scaring you. I'm telling you to back off! And don't try stealing her away from me. 'Coz I won't let you."

Lumapit na ko, this is not turning out to be good.

"Nick! Goodmorning!"

Oh nice. Cheska. For the first time, I'm thankful na nandito siya.

"Cheska! Goodmorning!" bati ko pabalik, hindi niya alam kugn gaano ako kasaya na makita siya. Now do what you do best. Break the tension.

"Erick! Nandito ka. Wow. Goodmorning sa'yo!" sabi ni Cheska pleasantly. Kakaakyat niya lang din.

Hindi sumagot si Erick, kaya tinapik ko siya sa balikat. “Huy! Goodmorning daw." Tumingin si Erick sa akin, tapos kay Cheska, sabay ngiti.

"Goodmorning."

"Dominic." sabi din ni cheska with the same enthusiasm. Siguro naalala niya si Dominic nung minsang umuulan.

"I'll get going." Ni hindi man lang niya pinansin si Cheska. Suplado. Lumapit siya sa kin and then he kiss my lips. “Goodbye princess." He whispered followed by his apologies para sa chocolates.

He still look upset as he walk away.

"Mauna na rin ako nick." Paalam ni Erick at nakita ko na naglalakad na din siya paalis. Hinawakan ko siya braso, "Don't hurt him and don't hurt yourself."

"I can't promise you anything." sabi niya without looking.

"Please?"

He stared at me in disbelief. I think it's the first time na narinig niya kong gamitin yung salitang yun.

"Are you begging?"

"I am? Ewan. Just please don't hurt each other. Okay?"

Hinawakan niya yung kamay ko and he remove it slowly. Tumalikod siya. "I can't promise you anything Nick." tapos naglakad na siya paalis.

Bakit ba kasi ganito?

"Nick are you okay? Malelate na tayo." Hinatak ni Cheska yung kamay ko. "Let's go."

Dumating naman kami on time, right before mag-attendance si prof.

Walang nangyari sa araw ko. Boring sa loob ng room. Buong araw yung isip ko naglalakbay sa kung saan saan.

Una sa conversation na nangyari dun sa dalawa. Bakit ba kasi kailangang ganun sila mag-usap? Hindi ba sila pwedeng mag-usap ng matino? At ano yung pinag-uusapan nila. Parang mga tanga lang. Pagmamay-ari ba nila kong dalawa? Tsk!

Cheska: "Wala daw prof Nick. Hindi ka pa ba aalis?"

Ako:"Ha?"

Cheska: "Nag-aaya silang mag-mall. sasama ba tayo?"

Cheska, do you really have to ask me kung sasama TAYO?

Ako: "You can go if you want. Matutulog na muna ko sa bahay."

Cheska: "Ow. Then sabay na tayo umuwi. I love walking with you, you know."

Ako: "Okay."

Tumayo ako. Gathered my things. Naglakad palabas kasunod si Cheska. As usual, dami kwento ni mamang. Naalala ko tuloy yung lugar kung saan namin siya hinatid. But the way she talks and the way she moves, parang hindi siya bagay sa lugar na yun.

"Cheska."

"Yung pagkakagawa niya eh parang kaka- ha? Teka. Nagsalita ka ba?"

Tumango ako.

Ngumiti siya.

"Ano yung sasabihin mo?" tanong niya.

"Ahmm. Yung dating pinagdalhan namin sa'yo. Doon ka ba talaga nakatira?"

Mas lumapad yung ngiti niya. "Nahuli mo ko dun ah. You're right, hindi ako doon nakatira. I'm just doing a social service there."

"Ahh. Okay.” Tama ba yung nakita ko, parang may sikreto si Cheska. Yung mata niya parang may tinatago, pero parang kumislap din yung mata niya at the same time. As if excited at something.

"You'll know it soon." She said.

"Know what soon?” tanong ko.

"We all have secrets don't we?" Niyakap niya yung braso ko. "Wag ka na masyado mag-isip. Nakakapagod yan." Tapos nag-umpisa na ulit siyang magkwento.

**************

House:

Nakita kong nasa sala ang nanay ko. Himala. Hindi yata siya pumasok ngayon.

"Princess? Can we talk?" yung tingin niya puno pa rin ng understanding at pagmamahal, as if hindi ako nakitulog sa bahay ng lalaki the other night.

Tumango ako at pinasunod niya ko sa opisina niya sa bahay. I've been to her office just once. Umupo siya sa leather sofa at pinaupo niya ko sa tabi niya.

"About what happened yesterday…"

Ako: "I know, and I'm not going to apologize."

Mrs. Madrigal: "I'm not asking you to."

Ako: "Yung sa'min po ni Dominic. We're not doing anything, kung nag-aalala ka doon.”

Mrs. Madrigal: "I'm not. I'm more worried about how your Lola's words affect you."

Ako: "Gusto ko sanang sabihin na wala lang yun, pero nasaktan ako sa sinabi niya. Wala naman po kasi siyang karapatang insultuhin ng ganun sila mama’t papa."

Mrs. Madrigal: "I'm sorry princess."

Sabay hinawakan niya yung mga kamay ko.

Ako: "Don't be sorry. Hindi po ikaw yung may kasalanan sa 'kin, o kila mama’t papa. If I would hear any apologies, it should be from her."

Mrs. Madrigal: "We both know that she won't do that."

Ako: "Yeah. Siguro sa kanya ako nagmana no?"

She laughs lightly. "Maybe. But princess. I don't want anything that happened last night affect the three of us. I'm also worried about that."

"No worries. Katulad ng sinabi ko po kanina, it’s not your fault.”

Niyakap niya kong bigla. "I love you princess."

"Thank you." Is all that I muttered.

After that conversation, umakyat na ko para makapagpahinga kaso bigla namang may kumatok sa kwarto ko. Tsk! Sakto na naman.  Tumayo ako papunta sa pinto at pagkabukas ko. Niyakap na lang niya kong bigla. "Namiss kita Princess."

"Jacob! Ano ba! Bitiwan mo ko! Di ako makahinga!" he then let go of me.

"Nabalitaan ko yung nangyari kagabi."

"Kagabi pa yun. Tapos na. Kaya kalimutan mo na."

"Okay. By the way, princess. I have a surprise for you." his eyes twinkling. Excited.

"Ha?! Surprise? Para sa’kin?"

"Yup. Remember the girlfriend that I have that I'm telling you so many times before."

Naalala ko, the moment that we became close. He keeps on telling me about this girl he's crazy about. Tumango ako in recognition. "Yeah. The girlfriend that I don't believe you have."

"She's here.” He said.

"Oh?! So totoo siya?" I asked laughingly.

"Ofcourse! At excited siyang makita ka." He's smiling so wide. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. Hinatak niya kong bigla papalabas ng kwarto at pababa ng hagdan.

"So she's here. As in here, here?"

"Yup. Sinabi ko na sa'yo kanina di ba? You're not listening princess."

"NICK, Jacob. It's Nick. Hindi princess."

Pagdating naming sa paanan ng hagdan, nakita ko ulit yung nanay ko. And she's with an uber gorgeous girl.

"Cass. She's here." Sabi ni Jacob. Lumingon yung babae sa amin and she's smiling beautifully. Kinuskos ko yung mata ko. Is she for real? Tapos narinig ko yung tawa niya.

"She's really like that." Nakita kong magkatabi na sila ni Jacob at nakahawak na kaagad yung kapatid ko sa bewang niya. Infairness, they look good together. Almost picture perfect.

"Hi. I’m Cassandra. You can call me Cass."

"Ahh… Hi." Muntanga kong sagot. Pero habang nakatingin ako sa kanya, parang nakita ko na siya, she's just wearing a different dress and she's wearing her hair differently.

"Nagkita na ba tayo?" tanong ko.

"I don't think so. Pero if ever na nagkita na tayo, I hope I treated you well."

"Ah… hehehe. Baka nga hindi pa."

"So, princess. What do you think?" tanong ni jacob. He's beaming, para siyang batang binigyan ng bagong laruan.

"Gusto mo talagang sabihin ko?" sabi ko, teasing him.

"Nevermind." sabi niya. Natakot ang loko. Haha.

"What? Why?" tanong ni Cass. "I want to hear you"

"No. Sometimes she can be really rude, kahit wala sa lugar." Sagot naman ni Jacob.

"Ano?! Siraan daw ba ko?! Lagot ka sa'kin mamaya. Pasalamat ka may kasama ka ngayon." Banta ko sa kanya.

"Thank you Cass." then they kiss, sa harap namin ng nanay namin.

"Okay. Okay. Enough kids. Why don't we celebrate this day? Barbecue party?"

"That would be great." Cass answered.

I hope so.

I thought.

Continue Reading