Baka Sakali 2 (Published unde...

By jonaxx

43.9M 1M 354K

Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema di... More

Baka Sakali (Season 2)
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Pangwakas
Notes

Kabanata 11

1.3M 29.9K 7.9K
By jonaxx

Kabanata 11

Putikan

Pulang-pula ang pisngi at labi ko nang pabalik na kami sa bahay nila.

"Mabibigla ang papa mo sa pagdating natin." Sabi ko kay Jacob habang nakatingin parin sa salamin.

"Hindi siguro... Alam niyang uuwi tayo ngayon."

Tumango ako.

Gising na ang mga katulong nina Jacob. Pero unang bumungad samin si manang na nakasimangot.

"Kanina pa kayo nakarating dito, diba? Saan kayo galing?" Mataray na tanong ni Manang.

Dinalaw ako ng kaba. Bakit ba kasi tuwing may milagro kaming ginagawa ni Jacob, parang may nakakaalam. O baka talagang guilty lang ako kaya napaparanoid ako ng ganito?

"Kaka almusal-este-uhm... mag-aalmusal na kami. Galing kami sa trucking, manang."

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Jacob. Kitang-kita ko ang pag pula ng pisngi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na lang palayo kay manang.

"Sige po..." Paalam ni Jacob.

"Sige... Nandyan ang papa mo sa dining room. Mag almusal na kayo."

Nilingon ko si manang. Tumaas ang kilay niya habang tinitignan ako. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Uy, Jacob! Rosieee!"

Tumayo ang daddy ni Jacob para yakapin siya. Nagpayakap si Jacob pero nang umambang yayakapin na ako ng daddy niya ay umalma siya.

"Pa!"

"Bakit?" Tumawa ang daddy niya.

"Alam mo namang off-limits itong si Rosie, wa'g mo ng subukan!"

"Pati ba naman ako, Jacob?"

Hinintay niya ang reaksyon ni Jacob. Nag iwas lang si Jacob ng tingin at umupo sa hapag kainan. Umiling ang daddy niya at umupo na rin. Umupo din ako sa tabi ni Jacob.

"Dito ka na mag fi-field study?" Halos mapunit ang mukha ng daddy ni Jacob sa kakangisi.

Umirap si Jacob at uminom ng tubig. Ako yung nagsabi na dito siya mag fi-field study. Pumayag na siya kanina pero alam kong labag parin ito sa kalooban niya.

Bumaling ang daddy niya sakin.

"Ikaw ba, Rosie? Ikaw ba ang nagpapayag sa kanya?"

Napalunok ako, "O-Oo. Pumayag na siya. Sayang din naman po kasi kung di siya dito mag fi-field study. Sayang yung mga negosyo niyo..."

"Yan din ang sinabi ko sa kanya. Pero ayaw makinig. Akala ko nga talagang wala ng pag-asa. Ngayon ikaw lang pala ang makakapagpapayag sa kanya? Thank you, Rosie!"

Umirap ulit si Jacob at padabog na nilapag ang baso ng tubig, "Uuwi ako sa Maynila, tuwing Sabado. Pumayag lang ako kasi ito ang gusto ni Rosie. Sa oras na kakailanganin niya na ako doon, sa oras na mamimiss niya ako ng sobra-sobra at di na siya makakapayag na maghiwalay kami, hindi ako magdadalawang isip na iwan ang Alegria."

Pumikit ako sa sinabi niya.

Ilang ulit nagpasalamat ang daddy niya sakin. Nang dumating ang tanghali, nagpasya kaming mamasyal kina April. Dinalhan namin siya ng pagkain at gatas para sa baby (hindi kasi kami nakabili ng damit para sa baby niya).

"Oh, J-J-Jacob? Rosie?" Nanlaki ang mga mata niya.

Mejo tumaba na siya ng konti habang nasa kandungan niya ang baby niya.

"Hi!" Ngumisi ako.

"Hello!" Nakita kong pumula ang pisngi niya.

"Ilang taon na ang baby mo?" Tanong ko.

Nakatitig siya kay Jacob nang tinanong ko siya. Kahit nung sinagot niya ako ay kay Jacob parin ang atensyon niya.

"Uhm... Kaka one year old niya lang." Aniya.

"Hello, April Jake!" Sabay alog ko sa kamay ng baby niya.

Okay... Alam ko... At naka get over na ako sa pangalan ng baby. Hindi pinanagutan si April ng papa nung baby niya. Mejo may pagka bangag din naman kasi yun. Lasenggero pa kaya mas mabuti na rin sigurong hindi niya na pinilit. Kitang-kita mo sa mukha ng baby niya ang carbon copyng mukha ng ama niya. Nung una, naweirduhan ako nang nalaman kong April 'Jake' yung pangalan.

Pinag awayan pa namin iyon ni Jacob. Inaway ko siya dahil pakiramdam ko anak niya talaga ang batang ito. Umiyak siya sagalit. Inaway niya si April. Agad akong naguilty dahil wala namang kasalanan ang bata sa nangyari. Buti nagpaliwanag si April. Kalaunan ay nakita ko rin namang kamukha niya yung ama niya kaya paniguradong di kay Jacob.

"Kailan ka ba talaga maniniwalang wala akong ibang naka-ganun kundi ikaw? Jusko, naman, Rosie! Anong akala mo sakin, si Callix?"

Yun ang laging linya niya sakin pag pinagdududahan ko siya.

"Salamat sa pagkain at sa gatas." Sabay kaway ni April nung paalis na kami sa kanila.

Kumaway rin ako at ngumiti. May mga taong nagbago na pero nandiyan parin ang pagbabakasakaling umikot at bumaliktad ang tadhana. Alam kong hanggang ngayon ay umaasa parin siya kay Jacob. Kitang kita sa kislap ng mga mata niya habang tinitignan si Jacob.

"Rosie, gusto ko rin ng baby." Aniya.

"Haaay! Magkakababy din tayo ng marami pag settled na ang lahat." Sabi ko.

"Kung magkakababy din naman tayo sa future, bakit di na lang ngayon na agad? Parehong usapan lang naman yun, diba?"

Grabe ang logic ng kurimaw na ito. Bilib talaga ako. Tumawa na lang ako at umiling. Pinark niya ang sasakyan niya sa tapat ng Bahay ni Lola.

Nasa labas na si Auntie Precy, nag ga-gardening sa bakuran niya. Natigil siya nang napansin ang sasakyan nina Jacob.

Puno pa ng putik ang kamay niya dahil sa pag-gagardening.

"ROSIE? JACOOOOB!?" Tumakbo siya papunta samin.

"Auntie Precyyyy!" Sigaw ko sabay yakap sa kanya.

"Uy! Wa'g mo akong yakapin, puno ako ng putik." Tumawa siya.

"Miss na miss na po kita." Sabi ko.

"Miss ko rin kayong dalawa. Whoa! Jacob, grabe, tumangkad ka yata tsaka lalong gumwapo."

"OA ka naman, Auntie... E, kakauwi lang namin ng Alegria nung sem break."

Tumawa si Jacob, "Hayaan mo na. Gwapo daw ako eh."

"Kailan ba naging hindi?" Umirap ako.

Nakangiti siyang bumaling sakin.

Nag iba pa yung tono ng boses niya nang sinabing, "Talaga?"

Napatingin tuloy ako sa kanya. Sa sobrang gwapo niya, hindi kapanipaniwalang kagwapuhan, ay hindi ko na siya gaano napupuri. Para saan pa ang mga puri ko? Constant variable na ang kagwapuhan niya. Hindi ko na kailangang ulit-ulitin pa.

Naramdaman kong pumulupot ang braso niya sa baywang ko.

"Sabihin mo nga ulit, Rosie?" Bulong niya sa tainga ko.

Bumilis ang pintig ng puso ko. My goodness, ito na naman siya! Nakakakiliti na nga ang pagbulong niya sa tainga ko, mas kinikiliti niya pa ako sa boses at sinabi niya.

"Ehemmmm!" Umubo-ubo si Auntie Precy.

Kinalas ko ang kamay ni Jacob sa sobrang hiya.

"Hmmm? Pasok nga muna tayo." Sabi ni Auntie.

Pumasok kami sa Bahay ni Lola. Liningon pa ni Jacob ang bakuran bago siya nagsalita kay Auntie Precy.

"Auntie, anong ginagawa niyo sa bakuran?" Tanong niya.

Inalis ni Auntie ang gloves niyang puno ng putik. "May mga bagong bulaklak kasi ako. Nitransfer ko galing sa pots papuntang lupa kaya ito." Lumingon si Auntie Precy sa bakuran. "Ilang taon na rin akong di gumagawa nito kaya nahihirapan ako."

"Gusto mo ako na lang tumapos dun?" Nakangiting sinabi ni Jacob.

Nanlaki ang mata ni Auntie, "Nako, Jacob! Wa'g na nakakahiya sayo."

"Sige na po, marunong po ako niyan. Para di na kayo mahirapan."

Sumulyap si Auntie Precy sakin. Siguro para humingi ng tulong sa pagdedesisyon. Nagkibit-balikat na lang ako. Tumango naman si Jacob sa pagkibit-balikat ko at agad nang hinubad ang t-shirt niya. Nakabalandra na naman ang nakakatulo-laway niyang sparkling abs.

Paniguradong mababalot na naman ito mamaya ng sparkling sweat.

"Sige, salamat!" Sabay abot ni Auntie Precy ng gloves.

Agad lumabas si Jacob at nagbungkal ng lupa. Tumawa na lang ako at umiling.

Noon kasi, pag naiisip ko yung ginagawa niya dito sa bukid, parang bumababa ang tingin ko, pero ngayon, mukha akong dito ipinanganak. Binago niya talaga ang pananaw ko.

"Magkakalayo kayo?" Tanong ni Auntie Precy habang naghahanda ng merienda para samin ni Jacob.

Binanggit ko sa kanya ang desisyon namin ni Jacob.

"Oo. Yun kasi ang nakakabuti sa ngayon."

Natigilan siya, "P-Paano kung?"

"Auntie... ako naman yung nasa Maynila. Sigurado naman akong di ako makakakita ng iba doon. Nandito siya sa Alegria. Nandito ka, nandito ang daddy niya, siguro naman kung may nakikita kayong lagi niyang kasama, sasabihin niyo sakin diba?"

"Pano ka?"

"Uuwi din naman siya sakin tuwing Sabado. Ilang buwan lang naman ito. Mga dalawa o tatlo, basta mapasa niya lang ang subject na ito. Tapos makapag intern siya sa negosyo nila, okay na."

"Binili niya ang mga truck ng trucking lines nina Eunice diba?"

Natigilan ako. Oo nga pala... ngayon ko lang naisip na trucking lines nga pala yung negosyo nina Eunice!

"Actually, binili niya ang buong trucking lines. Pati yung lupa. Kalahati ng lupa na pinangalan niya sayo ay sa pamilya nina Eunice."

"Hindi na ba nagnenegosyo ang pamilya nina Eunice?" Tanong ko.

"Nag t-trucking parin, pero nasa kabilang bayan na yung trucking lines nila. Tsaka yung isang negosyo na lang ng pamilya nila ang nandito sa Alegria. Kailangan kasi ng trucking lines para sa farm nina Jacob... Para maangkat yung mga products nila papuntang Maynila. Mautak din yang si Jacob, ah? Talagang binili niya yun para di na sila mamroblema sa trucking lines."

Tumango ako.

"Natatakot ako para sa inyo." Aniya.

"Auntie... Marami na kaming pinagdaanan. Tingin niyo masisira pa yun?"

Nagkibit-balikat siya, "Oo nga naman. Pero... pag namimiss mo ang isang tao, dalawa lang pwedeng mangyari, ang ma miss mo sila lalo o ang makalimutan ang pakiramdam na nandyan sila."

Suminghap ako at napaisip sa sinabi niya, "Auntie... Hindi naman siguro. Hindi naman kami masyadong malayo. Sabado, uuwi siya sakin kaya okay lang. Kaya nga ng iba na dagat ang pagitan niila, ito pa kaya, diba?"

Tumango si Auntie Precy at, "Wa'g lang kayong magkasawaan at mawalan ng pag asa sa isa't-isa..." Malungkot ang mga mata niya nang sinabi niya ito.

May feeling akong ganito talaga yung nangyari sa kanila ni Don Juan.

"Tawagin mo na si Jacob para makapag merienda na kayo."

Tumango ako at pumunta agad kay Jacob.

"Jacob..." Ayan! Likod niya pa lang may sparkling sweat na...

Napalunok ako habang tinitignan siyang inaayos yung halaman. Umaambon na. Mukhang uulan pa yata ngayon dahil sa lakas ng ihip ng hangin.

"Merienda daw muna tsaka umaambon na.."

"Saglit na lang ito." Aniya.

Hindi ko siya nilapitan kasi baka maputikan ako. Pero dahil sobrang tagal na, sinubukan kong lumapit pa lalo. Lumalakas na rin kasi ang ulan kaya dapat na kaming pumasok.

"Jacobb..."

"Hmmm?" Nag-aayos parin siya ng halaman.

"Tsss! Tama na muna yan!" Nilapitan ko siya at kinalabit na.

May putik na sa tsinelas ko. Yung iba nasa paa ko na talaga.

"Jacobbb!?"

Bigla siyang tumayo. Kitang kita ko ang abs niyang may putik na rin.

Nakangisi siya at tinatakot niya ako sa putik.

"Tumigil ka! Malilintikan ka sakin!" Tumawa ako at tatakbo na sana palayo pero niyakap niya ako galing likuran.

Napatili ako sa sobrang gigil sa putik na nararamdaman ko na ngayon sa braso ko.

"JACCOOOOB!" Sigaw ko sabay tawa.

Tumawa rin siya, "Huli ka!"

Kiniliti niya ako. Lumakas yung ulan kaya napapikit ako habang tumatawa sa kiliti niya. Pumiglas ako nang binuhat niya ako galing sa likuran. Dahil madulas ang putik, samahan pa ng ulan, pareho kaming natumba sa putikan. Siya yung napuruhan kasi nasa likuran ko siya. Natumba ako sa dibdib niya. Pareho na kaming puno ng putik.

"Lintik ka talaga, Jacob! Shit!" Sigaw ko.

Tumatawa lang siya.

Gumulong ako palayo sa kanya pero hinawakan niya ang braso ko kaya napahiga ako sa putik.

"YUUUUCKS!" Sigaw ko.

Tumatawa siya nang pumatong siya sakin. May putik sa mukha niya habang tinititigan ako. Lumalakas na ang ulan pero malinaw ang paningin ko sa mukha niya.

Dahan-dahang napawi ang ngiti niya nang narealize kung gaano kalapit ang mukha naming dalawa. Napaawang ang bibig niya at tinignan ang mga labi ko.

Nakita ko ring napalunok siya nang tinititigan ang labi ko...

"Rosie, Sarap mong halikan ngayon... Pero marami sigurong makakakita." Pumikit siya... "Bahala na..."

Hinalikan niya ako. Wala akong lakas para pumiglas sa kanya kasi bung katawan niya ang nakapatong sakin.

Mabilis nag init ang mga halik niya. Kahit na nilalamig kami sa ulan dito, hindi ko naramdaman nang siniil niya ako ng maiinit na halik.

Naramdaman kong hinahaplos niya na ang leeg ko pababa ng dibdib.

"Jacob... N-Nasa bakuran t-tayo."

"Rosie... Alam ko." Sabi niya in between kisses.

Tinulak niya ang lupa at agad umupo sa bakuran.

"Langya! Mamatay na yata ako sa bitin!" Umiling siya at naglahad ng kamay sakin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 49K 164
Frankie (Epistolary with narration)
3.3K 136 12
Dana and Kingston set out on a quest to find an ancient potion that could potentially extend Dana's life. While finding the elixir of immortality, t...
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
21.4M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...