Ghost Detective! (COMPLETED)

By MCMendoza21

572K 17K 570

Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng... More

SEASON I:: Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Author's Note and Trailer for Season II
Ghost Detective: Mysteries. Secrets.
SEASON II:: Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24 [Part 1]
Chapter 25 [Part 2]
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 [Part 1]
Chapter 35 [Part 2]
Chapter 36 [Part 1]
Chapter 37 [Part 2]
What I want to say! [Author's say]
Chapter 38
Chapter 40 [Part 1]
Chapter 41 [Part 2]
AUTHOR's NOTE
SEASON III:: Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 [Part 1]
Chapter 46 [Part 2]
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 [Part 1]
Chapter 54 [Part 2]
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57 [Part 1]
Chapter 58 [Part 2]
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 [Part 1]
Chapter 62 [Part 2]
Chapter 63 [Part 3]
Chapter 64 [Part 4]
Chapter 65 [Last Part]
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part 1)
Chapter 71 (Before what happened:1)
Chapter 72: (Before what happened:2)
Chapter 73 (Part 2)
Chapter 74: Pagtatapos (Part 1)
Chapter 75: Pagtatapos (Part 2)
Chapter 76: Pagtatapos (Last part)
EPILOGUE - Part 1
EPILOGUE - Part 2
EPILOGUE - Part 3
EPILOGUE - Last Part
LAST AUTHOR's NOTE
REMINDER

Chapter 39

5K 152 2
By MCMendoza21

JERRY

Malalim ang iniisip ko hanggang sa makapasok dito sa kwarto at pabalya kong hiniga ang sarili sa kama, iyon pa rin ang nasa isip ko. Yung mga sinabi ni Kayla.. it didn't crossed my mind about that possibility kasi.. sino bang maniniwala sa mga nakakakita ng multo? Ng mga kaluluwa at higit sa lahat nakakausap pa? No one, right?

It's hard to believe what she said.

Paano ko ito ipapaliwanag sa ahensya nang hindi ako mapapagalitan o mapagtatawanan? How can I possibly tell to chief Blast about this?

"Tang ina!.. baka mapatay ako nang mga yon. Lalo na si tito Harrold." I blurted to myself and sighed deeply.

I need to think about this carefully.

Nawala ako sa pag-iisip ng marinig ang cellphone ko na nagriring sa loob ng bulsa. Walang lingon na sinagot ko ang tawag. "Hey."

"'Hey' your face! Lumabas ka dito sa harap ng bahay niyo kami. Kasama ko si Ace. Bilis! Nabibilad ang kagwapuhan ko at hindi ako makapapayag." I immediately recollect myself and run towards the gate. Nakita ko agad si Adrian na nakasandal sa sasakyan niya habang nasa loob ng driver's seat si Ace na unang nakakita sa akin.

"Hay salamat!" Sarcastic na pagkakasabi ni Ace. Hinarap naman ako agad ni Adrian at agad na silang pumasok sa bahay hanggang sa kwarto ko.

"Hoo~! Tangna, ang init sa labas! Magpapasko ba talaga?!" Agad na reklamo ni Adrian at pabagsak na naupo sa black leather sofa. Si Ace naman sa bed side ko at ako ay nahiga ulit na ginawa ko kanina.

Tahimik sila at hindi ko alam ang iniisip at ganon din naman ako na tinitimbang kung sasabihin ko ba sa kanila ang nalalaman ko. Knowing Adrian pagtatawanan niya lang ako. Ewan ko lang sa isa pero alam kong magrereact siya katulad ng kay Adrian.

Well, its now or never. Huminga muna ako ng malalim at tumikhim na nakapagpakuha ng atensyon nila. "Guys, may sasabihin ako. Nakausap ko kanina si Kayla.."

"Oh, ano daw sabi? Tungkol ba 'yan doon?" Adrian asked. I nodded. "Okay, spill it."

"I'm not sure how am I gonna say this, but.. Tsk. Okay its now or never."

"Para namang ang hirap ng sasabihin mo dude." Si Ace. Tinignan ko siya ng masama na nakapagtaas ng kamay niya. "Woah-woah.. nagagalit ka agad? Para namang magko-confessed ka ng pag-ibig sa isang babae at hirap kang sabihin."

"Damn it! Its more than that, Ace. Kung kayo ang nasa sitwasyon ko baka mahirapan din kayong sabihin ang sasabihin ko! It sounds absurd and hard to believe kaya alam kong pagtatawanan niyo lang ako." Ngayon naging seryoso na ang pagkakatingin nila sa akin at pinukulan pa ako ng masamang tingin ni Adrian na parang sinasabi niyang sabihin ko na.

Well, I don't have a choice.

"Kayla told me everything. Kung paano nila nalalaman ang mga killer ng napakabilis at napakadali at hindi kayo maniniwala--"

"Eh kung sinasabi mo na kaya ng diretso ng hindi ka nahihirapan--"

"NAKAKAKITA AT NAKIKIPAG-USAP SIYA SA ISANG MULTO!! There! I said it!"

Inaasahan kong marinig ang malutong na tawa at pang-aalaska nila ni Ace pero ang tanging naririnig ko lang ay ang pagkabigla ni Ade, si Ace naman tahimik lang at biglang lumalim ang pag-iisip. Matagal kaming ganun, parang tuliro at hindi alam ang sasabihin pero si Ace din ang bumasag ng katahimikan namin.

"Posible ang sinabi niya.. pero matanong ko lang, Jerry," tumikhim si Ace na parang may nagbara sa lalamunan niya. Nakatingin ako sa kanya. "Huwag mo sanang mamasamain pero... Kulto lang ang makakagawa ng ganon."

Napaawang ang labi ko sa naisip na pinahihiwatig ni Ace sa sinabi niya pero agad ko din dinismiss ang pag-iisip ng ganon. "No! Kayla is not like that! Alam ko yon dahil matagal ko siyang nakasama at parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Yes, hindi siya pala-kaibigan o anti-social siya at sa totoo lang medyo weird siya minsan pero hindi siya Kulto! Ace naman, mag-isip ka ng ibang magandang dahilan!"

"Oo na, oo na! Ang init ng ulo ah. Isang possibility lang naman yon, at hindi pa ako tapos sa sinasabi ko!" Sigaw niya sa akin.

"Oh, ano palang isa pang naiisip mo?" I asked him. Si Adrian nananahimik pa rin.

"Alam niyo ba yong 'ESP'? Saka yung paranormal? Baka isa doon ang taglay ng kinakapatid mo." Nakikita ko kislap sa mga mata ni Ace. Glistening from excitement.

Medyo weird nga pala mag-isip si Ace.

"ESP? Di ba ESP saka Sixth sense iisa lang? Tapos ang paranormal yung mga nakakakita lang ng multo pero hindi ko alam kung nakakausap din nila. Now this is interesting.." Nabibigla akong napatingin kay Adrian sa sinabi niya.

Hindi si Adrian ang tipo na maniniwala sa mga ganyang bagay. Nakakabigla lang na may ganyan siyang side. Madaldal at makulit si Adrian, yung pagiging playboy niya pa, pero bukod doon wala rin ako masyadong alam sa kanya kahit na sabay kaming nag-training at magka-partner rin kami kadalasan sa mga missions. Ma-sikreto siyang tao. Si Ace naman kasi kailan ko lang nakilala dahil hiwalay na nga kami ng missions ni Adrian two years ago pa. Pero mas masasabi kong mas kilala ko si Ace kesa kay Adrian.

Nahulog ulit kami sa mas malalim na pag-iisip hanggang sa may naalala ako.

"Paano nga pala natin sasabihin 'to kay chief Blast?" I suddenly asked.

Natahimik at nanigas sila sa sinabi ko at kalaunan ng nakabawi sa gulat ay sabay silang nagmura. Ako din napapamura sa isipin na sasabihin namin ito kay Chief Blast. Baka paputukan nalang kami ng bomba noon. Si chief Blast kasi yung tipo ng tao na dedikado sa trabaho at hindi siya tumatanggap ng mga 'baka ganito', 'baka ganyan', in short mediocre works. He wants definite and sure answers to his questions. Walang hindi sigurado o pagdadalawang-isip.

Bahala na lang mamaya. Sa ngayon kakausapin ko ulit si Kayla.

****

KAYLA

Pagkatapos kong sabihin kay Kuya Jerry yung tungkol sa Ghost Detectives at sa kakayahan ko.. hindi man lang siya nagsalita at pinag-paliwanag lang ako tapos umalis na siya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya sa akin o kung naniniwala ba siya sa mga pinagsasabi ko kagabi. I also learned from nanay Felicidad na bumisita sila Kuya Adrian at may isa pa raw lalaki kay kuya Jerry at dumiretso daw agad sa kwarto ng huli. Malamang ako at yung sinabi ko ang pinag-usapan nila.

Pero mas naguguluhan at naninibago ako sa pagiging tahimik ni Leira. Kung ano yung pwesto niya kagabi ay ganun pa rin hanggang ngayon and I don't know why is she acting like that. Nag-sorry na nga ako ng maraming beses pero still no response from her. I'm hearing her murmuring from time to time and I tried to asked her but to no avail. I'm starting to get pissed pero iniintindi ko nalang siya. Maybe she's just depressed dahil wala si Feli. Wala siyang mapo-possessed.

Iniwan ko nalang siya sa kwarto at dumiretso ako sa kusina habang nag-GM sa buong GDs.

To : Mystery Club Members

(I already told kuya Jerry about us, about my secret ability, pag-uusapan natin later. 2pm sharp.)

Wala kaming classes ngayon dahil weekends kaya makakapag-usap talaga kaming lahat. Nag-reply pa sila ng 'okay' at 'i'll be there' pero iba ang hinihintay kong reply. Hanggang sa kumakain na ako ng breakfast ay wala pa rin yung text ng Rodney na yon. Busy ba siya o natutulog pa rin? It's almost 11.

I was about to bite my sandwich when someone kissed my cheeks. Ayon sa pabango ay alam ko na kung sino ang lapastangan na nag-interrupt sa pagkain ko.

Lapastangan na nagpakilig sayo. Sabi ng ewan kong utak.

"Good morning kiss from your handsome manliligaw and soon-to-be boyfriend. Good morning babe." Sino pa ba? Eh di si Rod.

Hindi ko siya kinibo at nagpatuloy ako sa kinakain ko. Nakikita kong umupo na siya sa tabi ko at nagpatimpla ng kape kay nany Felis saka kumuha ng loaf bread at nagpalaman ng peanut saka kumain. At home na at home siya no? Pansin niyo yon?

Pinipigilan kong ngumiti at uminom ng juice at tumikhim. "So, what brings you here?" I asked.

"Wala man lang bang good morning?" He asked.

"Good morning. Now, happy?" Tumango siya ng nakangiti habang kumakain pa rin. "Now answer my question."

Nilunok niya muna ang kinain at uminom ng juice para siguro makapagsalita. "Anong question kasi? Hehe nakalimutan ko eh,"

"What. Brings. You. Here." Syllables ko pang sinabi.

"Wala lang.. nauna lang ako dahil alam kong nag-iisip ka ng malalim at inaalala ang mga bagay-bagay na sa totoo lang hindi naman mahalaga. And to greet you personally. Ayokong nagtetext lang." Mahabang paliwanag niya.

Nagpatuloy na ulit kami sa pagkain pagkatapos ay iniwan ko muna siya sa sala at maliligo muna ako. Nakikita ko pa rin si Leira na nakaupo sa pwesto niya kanina pero walang kibo at hindi man lang lumingon ng pumasok ako. Kahit pagkatapos kong maligo wala pa rin siyang kibo.

What is wrong, Leira?

****

JERRY

"ANO BANG KALOKOHAN YAN!? Multo? MULTO?!! Tsk! Huwag ka ngang manggago jan at baka tumilapon ka nalang sa sulok ng hindi mo namamalayan.. multo? Tss.."

Eto na nga bang sinasabi ko. Nahagisan pa kami ng mga papeles sa mukha. Pero hindi naman nagpatibag si Ace at matapang lang siyang nakatayo sa harap ni Chief Blast, na nagngingitngit sa galit.

"Pero totoo ang sinasabi ko!?" Si Ace. Hinawakan ko siya sa balikat, ganun din si Adrian dahil lalong nagagalit si chief Blast sa sinasabi niya. Wala kasing may lakas ng loob na magsalita sa amin ni Adrian dahil kilala namin kung paano mag beast mode si chief Blast kaya nagprisinta si Ace na magsabi.

"Pwede layu-layuan niyo ako at baka ihagis ko sa inyo itong baso na 'to, matigas to, nakakabasag ng banga! Layas!!" Akmang magsasalita pa si Ace pero hinila na namin siya palabas ng office ni Chief.

Nagpunta muna kami sa rooftop ng building.

"Gago, bakit mo binigla!? Alam mo naman kung paano magalit si chief eh! Tsk! Ngayon pano maniniwala yon sa sinasabi natin? Puro ka banat, hindi ka muna nag-iisip!" Naaasar na turan ni Adrian. Ako nakatahimik lang.

"Ako na nga ang tumulong ako pa ang walang isip?! Hoy Adrian, kung ikaw nasa sitwasyon ko siguradong hindi mo na iisipin ang galit ng matandang yon para lang masabi ang totoo! I don't beat around the bush!" Ngayon ko lang nakitang galit si Ace.

Medyo nakakabigla. Sabagay, sa pagkakakilala ko sa kanya alam kong ugali niya na walang pasensya kaya sasabihin niya talaga ang nasa isip niya. Pero may tama rin si Adrian, dapat inisip niya muna ang sasabihin niya. Ibang klase pa naman si chief Blast.

Nananahimik kami ng may biglang tumikhim mula sa pinto.

"Naniniwala ako sa inyo." Agad kaming tumayo ng maayos at nagbigay-galang. We salute and he just nodded.

"Sir Harold." Tama, si Tito Harrold na daddy ni Kayla nga ang dumating. Pero akala ko nasa Macau sila ni Tita Agatha?

Mukhang napansin ni Tito ang pagkalito ko kaya nagsalita siya agad. "I left my wife to Macau for a while para tingnan ko kayo. I was there, nandun ako habang sinasabi mo, Ace, ang mga nalaman niyo tungkol sa anak ko."

Wala akong makitang emosyon sa mata ni tito Harrold. Hindi ko alam kung galit siya pero kalmado naman ang boses niya.

"S-sir Harrold.." Tinignan ni Tito si Adrian.

"Yes, Ade?" Tawag ni Tito sa palayaw nito. Narinig ko ang malalim na paghinga niya bago nagsalita.

"A-alam niyo po ba.. yung tungkol po kay..."

"Yes. I know about my daughter's ability to see and talk to a ghost. Mula bata palang siya ay alam na namin ang tungkol doon."

Nakaawang ang mga labi namin at hindi alam ang ire-react o sasabihin kaya ngumiti si Tito Harold. Naglakad siya papalapit sa amin at tumingin sa langit.

"When Kayla was five, naririnig namin siyang nagsasalita sa loob ng kwarto niya. At first, binalewala namin yon dahil baka naglalaro lang siya with her dolls. Pero when she turns 7 years old.. Doon nadiskubre ng asawa ko na may kakayahang makakita at maka-kausap ni Kayla ang mga multo. Kakalipat lang namin noon sa Batangas dahil sa trabaho ko, two or three months palang kami sa residence na yon. Masayang nagkwento sa amin si Kayla na may mga kaibigan daw siyang nakilala kaya naging masaya rin kami para sa kanya.. hanggang sa dinala ni Kayla ang mga kaibigan niya at ipakilala sa mommy niya. Nababahala si Agatha na tinawagan ako at agad na pinaghanap niya ulit ako ng bahay para malipatan. I asked why and she is freaking while telling me about our daughter.

Inisip pa nga namin na ipa-consult siya sa psychiatrist dahil baka nagha-hallucinate si Kayla o yung tinatawag ng mga doctor na 'schizoprenia' pero pinakalma ko ang asawa ko at sinasabi ko sa kanyang mawawala rin yon sa sistema ni Kayla hanggang sa lumipas nga ang mga taon. Akala namin wala na ang ability niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ni Agatha kapag narinig niya ito kaya Jerry.."

Tinignan ako ni Tito habang nananahimik lang kami sa kwento niya. "Yes po, Tito?"

"Huwag mong ipagsasabi, ninyong ipagsasabi ang ability na ito ng anak ko. Ako nang bahala kay batang Blast tungkol dito. Good day, young detectives." Sabay naglakad siya hanggang sa makalabas.

Hindi kami makapagsalita.. Hindi ko alam ang sasabihin.

Ngayon ko lang narinig kay Tito ang ganitong istorya. Hindi ko ito narinig sa kanya sa tagal ng paninirahan ko sa kanila, naiintindihan ko naman na para rin kay Kayla at kay Tita Agatha ito. Mahirap siguro para sa magulang na nakikita nila na ang nag-iisa nilang anak ay may ganitong kakaibang abilidad na kahit kailan ay hindi madaling matatanggap sa lipunan. Maraming mapaghusga na mga tao, maraming mag-aakusa ng kung anu-ano, masasaktan si Kayla na hindi ko rin naman papayagan.

"Hindi ba dapat na tanggapin nalang nila iyon? I never mean to pry but to accept Kayla's ability is like a support to her.. kasi kung ang magulang niya nasasaktan dahil may ganun siyang abilidad mas lalo naman ang taong may kakayahan na ganun, which is Kayla. I just don't understand." Turan ni Ace na parang naguguluhan talaga.

"Hindi mo naiintindihan kasi hindi ikaw ang nasa posisyon ng mga magulang ni Kayla. Anyways, Kayla's sixth sense had been a great help to solve those mysteries. Medyo nakakakilabot na medyo exciting. Nag-iba tuloy ang tingin ko kay Ganda." Segunda naman ni Ace.

"Lets go to my house." Biglang nasabi ko.

"Which house?"

"Sa bahay nila Tito. I'm sure nandun ang grupo ng 'Ghost Detectives'." I said habang pasakay ng elevator.

"Woah! Ghost Detective!? Pwedeng sumali kaya!?" Sinamaan namin ng tingin si Ace. "Masama ba?"

"Shut up, Ace!"

****

KAYLA

Pagkatapos naming mag-usap na mga GDs, umakyat na agad ako sa kwarto at hihiga na sana pero nagulat ako sa salubong ni Leira sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan sa mga titig ni Leira sa akin. Straight siyang nakatingin sa mga mata ko at gusto ko nang umalis sa tingin na yon pero nakikita ko ang walang emosyon niyang tingin at nakakapanibago ang Leira na nakikita ko.

"L-leira... B-bak--"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla siyang napasapo sa ulo niya, na parang may masakit dito. Hanggang sa napasigaw siya.

"Ah! Ahh--aray, ulo ko..."

Agad ko siyang nilapitan at tangkang hahawakan pero hindi ko nagawa dahil tumatagos lang ang kamay ko sa kanya.

"A-anong nangyayari?! Leira, what's wrong.."

Then in a blink of an eye, she disappears.

Continue Reading

You'll Also Like

47.8K 1.1K 69
Alex'Sky notes Yung inakalang normal na pagpi-fieldtrip lang nila Mary Rose, Kyla, Aliyah, Jhoana, at Lourdes ay hindi nila inakalang mapapad si...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
310K 3.1K 14
Book 1: The Lumen Princess Book 2: Awakening of Darkness Book 3: Enchanted Naging mapayapa ang Magus World sa loob ng ilang taon. Ngayon ay masaya ng...
3.4M 86.8K 21
Kasal-kasalan. Bahay-bahayan. Paano bang hindi mahuhulog ang loob nina Erica at Charlie sa pagpapanggap nila bilang mag-asawa? Written Šī¸ 2015-2016 (...