Deal Breaker (Published under...

By swirlybitch

5.4M 96.2K 7.5K

Princess Nicole "Nick" Madrigal wants nothing more than to regain the independence that she lost noong nalama... More

Chapter 1: Goddamn Shoe
Chapter 2: Hala, Nas'an na?!
Chapter 3: By Hook Or By Crook
Chapter 4: Stiletto Heels, You Rock!
Chapter 5: I Should've Stayed
Chapter 6: Akala Ko
Chapter 7: Lesson No. 1
Chapter 8: Reconciliation
Chapter 9: Sweetest Instant Noodles Ever
Chapter 10: WDF?!
Chapter 11: Train Train Go Away
Chapter 12: The Sister I Never Had
Chapter 13: Love Sick
Chapter 14: I'm Sorry
Chapter 16: First Time In My Bed
Chapter 17: ABC Song
Chapter 18: Back Off
Chapter 19: Good Night Gone Bad
Chapter 20: I Lo-- Ano Daw?!
Chapter 21: He Left
Chapter 22: She Got Drunk, He Got Heartbroken
Chapter 23: I Just Can't Help It
Chapter 24: His
Chapter 25: Oh No
Chapter 26: The Truth.. It's Sad
Chapter 27: What Now?
Chapter 28: Ano Na Naman 'To?!
Chapter 29: What Really Happened
Chapter 30: Moves Like Jagger?
Chapter 31: Nasaan Na Ako?!
Chapter 32: The Meet
Chapter 33: All About Us
Chapter 34: Will You Take Me Away With You?
Chapter 35: Don't Say It, 'Coz You'll Definitely Break My Heart
Chapter 36: The Truth... It Sucks
Chapter 37: Only Him
Chapter 38: Bestfriends' Day. Yay!
Chapter 39: The Phone Call
Chapter 40: Love Me, Love Me, Say That You Love Me
Chapter 41: Boy Talk
Chapter 42: Versus
Chapter 43: Dreams
Chapter 44: This Is It
Chapter 45: Dealing With It
Chapter 46: Too Late?
Chapter 47: Tragic
Chapter 48: What About Love?
Chapter 49: Points Of View
Chapter 50: Let's End This From The Start, Shall We?
SIDE STORY - Shut Up Or I'll Kiss You
OTORS NOWT: LAST NA TO! HEHEHE.
The Story Behind THE STORY.

Chapter 15: Third Wheel

123K 1.9K 81
By swirlybitch

SA BAHAY:

Pumasok ako sa loob. Walang tao. Palagi na lang walang tao.

Pumunta ako sa kusina at nandun sila manang and the gang. Nag-aalmusal sila

"Oh Nick. Bakit nandito ka?" tanong ni Julia na taga-Mindoro. Ssa sa mga kasambahay. Mas matanda lang siya sa kin ng isang taon.

"Ha? Ayos sa tanong ah." natawa na lang ako. Para kasing ako siya. Always asking the wrong question.

"Ay. Hindi naman sa ayaw ka namin dito. alam mo naman ate Nick, ikaw lang nakakausap namin ng ganito dito." si Clarita naman yun. 16 years old, tiga-bulacan siya. Anak siya ni Manang na siyang pinakamatagal na dito. Wag niyo na tanungin ang pangalan ni manang. Kung sa anak niya nga Clarita ang ibinigay niya, pano pa kaya ang pangalan niya diba?

"Eh bakit niyo tinatanong kung bakit ako nandito?" Nakapout na naman yung lips ko. Dumiretso ako sa ref para kumuha ng isang basong tubig. Pagkainom ko sa tubig. Nilapag ko yung baso sa sink tapos sila hinarap.

"Nick. Sabi kasi ng nanay mo na baka daw mamaya ka pa." Si manang na yun.

"Oo nga Nick. Sabi pa niya wag na daw kami magluto para sa breakfast mo." Si ate Marlyn naman yun.

"Ha? Bakit naman niya sasabihin yun. Teka. May hindi kayo sinasabi sa kin eh. Ano ba yun? Dumating ba si tanda?" sabay taas ng isa kong kilay.

"Hindi dumating si tanda no. Sus! Nick! Wag ka na magmaang-maangan diyan. Ano? Masarap ba ang luto niya?"

nakangiting sabi ni Mocha, ang pinakakikay sa lahat ng kasama naming dito sa bahay.

"Mocha! ano ka ba naman?" saway ni manang

"Para nagtatanong lang eh." sagot niya. Sabay subo ng pagkain.

"Ha? Anong masarap ang luto." tanong ko. Naguguluhan pa din ako. Sabay tumawa sila. Ganito sila palagi, pinagtatawanan ako. Trip talaga nila ko eh. Tsk.

"Iba na talaga pag may boyfriend. May nagluluto para sa'yo." Si Mocha ulit.

Boyfriend?

Luto?

Teka. Yun yung eksena kanina ah. Biglang nanlaki yung mata ko tapos lumapit ako sa lamesa nila sabay hatak ng silya. Pagkaupo ko. “Tumawag ba siya dito?" tanong ko sa kanila.

"HINDI!" sabay tawa na naman sila.

"Eh pa'no niyo nalaman na… ano… yun na yun… pano niyo nalaman?"

"Eh kasi po. Umagang umaga, pumunta dito yung boyfriend mo. Sinabi na napuyat ka daw kagabi kaya hanggang ngayon tulog ka pa." sabi ni Julia.

"ANO?? Pumunta siya dito? Siraulo talaga yun. Pa’no kung-"

"Kung ano? Sows! Ano bang ginawa niyo at napuyat ka Nick?! Ha?!" pangungulit ni Mocha.

"Pano kung mabinat siya. May lagnat kasi siya kagabi. Tapos napuyat ako kakapunas sa kanya." sabi ko habang nakakakunot ang noo at nakanguso.

"Weeh?! Yun ba talaga yun?" -Clarita.

"Oo nga. GRABE utak niyo. ka-berde ah!" sagot ko.

"Eh kasi naman. Ano bang ginagawa ng dalawang magkasintahan di ba?" si ate Marlyn naman yun.

"Kung ano yung sinabi ko. Yun nga lang yun." pagdepensa ko sa sarili ko.

"Eh bakit namumula ka.." kalmadong sabi ni manang.

"Hindi kaya. Ako?! Namumula? Sus." sabay talikod at labas ng kusina.

"HAHAHAHAHA!" Dinig hanggang sa labas ng kusina ang tawa ng mga bruha.

"Mga bwiset! Hahaha." sigaw ko sa kanila.

At sumagot naman sila nang isang malakas na tawanan.

Umakyat ako ng kwarto. Pagkabukas ko agad ng pinto, inimbitahan agad ako ng kama ko. Hindi naman ako tumanggi. Nahiga ako doon at nakita ko na naman yung puting ceiling.

Napabuntong hininga ako.

Bigla kong narinig si Justin Timberlake. Justin Timberlake? Anong ginagawa niya sa kwarto ko? Siya ba ang premyo ko dahil sa pagresist ko kay Dominic? Ayus! kung ganyan naman palagi eh. Resist lang ng resist. Hehe.

Tumayo ako para hanapin si JT. Papunta na ko sa cr. Malay mo nandun siya. May nakita akong umiilaw sa side table ko, at dun din nanggaling ang boses ni JT.

Badtrip. Ringtone lang pala yung naririnig ko.

Tinignan ko kung sino yung tumatawag, walang pangalang nagfa-flash sa phone niya. At kahit na may pangalan wala pa rin akong balak na sagutin kung sino man ang tumatawag. Di ko naman phone to eh.

Huminto sa pagkanta si Justin, pagkakita ko sa screen.

20 missed calls.

Huwatda??!!

20 missed calls?!

Sino naman ang tatawag sa kanya ng ganito kadami, baka naman importante. Tsk.

**I'M BRINGING SEXY BACK! YEAH!**

‘Yan na naman siya. Sasagutin ko ba? Pa’no nga kung importante?

Nick! Pa’no kung it's a matter of life or death?

Okay.

"Hello?" I asked hesitantly.

"Are you that idiot that you couldn't even answer that goddamn phone?!" Si Dominic.

Pero ano? Sino sinasabihang idiot ng lalaking to?! Ako?! Aba siraulo to ah!!

"Tinawag mo kong tanga?! Siraulo ka pala eh! Kung wala kang sasabihing matino dapat hindi ka na lang tumawag!" nararamdaman kong namula bigla yung mukha ko sa galit.

"What?! Did you just cursed me?! Do you want to die? You left this house without a word and you're cursing me?"

"Eh bakit mo ko tinawag na tanga??! Pinapainit mo na naman ang ulo ko Dominic!"

"Huh! *pause*"

*toot*toot*toot*

Agh! Aba! Siraulo talaga! Pagbabaan daw ba ko ng phone?! Kapal ng mukha! Sino siya para sabihan ako ng tanga? At mas lalong sino siya para babaan ako ng cellphone?

"Waaahh! Bwiset!"

Binato ko yung hawak ko sa kama, tapos dumiretso ako sa cr. Binasa ko yung mukha ko ng tubig. Habang nakatingin sa salamin di ko pa din maiwasang isipin kung gaano kakapal ng mukha ng Dominic na yun. Buti na lang at kumalas ako sa pagkakayakap ko kanina. Tsk.

**I'M BRINGING SEXY BACK! YEAH!

Tumutunog na naman yung lintik na cellphone na yun.

Badtrip!

Nagdecide na lang akong maligo. Bahala ka diyan kumanta mag-isa JT.

Napuyat ako kakaalaga sa kanya tapos ano? Tatawagin niya kong tanga na kahit pagsagot ng lintik niyang phone hindi ko magawa? Hindi naman yata tama yun.

***************

Yun na yata ang pinakamatagal kong pagligo. Halos umabot ng isang oras.

Pinapagawa niya talaga ako ng mga abnormal na bagal.

Paglabas ko sa cr, hindi ko na naririnig si JT. Tahimik. Paghinga ko lang ang naririnig ko.

Nagbihis na ko.

at…

GAWD! Ngayon ko lang naalala, may pasok nga pala ako! Tumingin ako sa orasan. Waahh! tapos na ang dalawang subjects ko! Nagmadali akong nagbihis at tumakbo papalabas.

WAAAAAHH!

May quizzes ako dun sa naunang dalawang subjects. Tapos may reporting ako sa susunod na subject.

Dominic!! Kasalanan mo tong lahat.

*************

SA ROOM;

Ang ingay. Lunch break kasi eh at naalala ko, wala pa pala akong kinakain simula kanina. At nagugutom na ko.

"NICK!!" sabay may lumapit at niyakap ako. Kumalas din siya sa pagkakayakap at tinignan ako.

"Kanina ka pa namin tinatawagan. Hindi ka ma-reach. Sa'n ka ba nanggaling? Nag-aalala kami sa'yo."

kilala niyo na siguro kung sino siya.

"Cheska. May naging problema lang ako. Praning lang?" sagot ko. Habang kinakalas ko yung pagkakayakap niya.

"Pero kahit na. Bakit ba hindi ka matawagan?" nakakunot na yung noo niya.

"Sira yung phone ko. Nung isang araw pa. Teka. **pabulong** May pagkain ka ba dyan? Di ako nakakain sa bahay sa pagmamadali eh.”

"Ha? Oo naman." hindi pa din nawawala yung kunot ng noo niya. Hinatak niya ko papunta sa upuan.

Habang naglalakad kami.

Classmate 1: "Uy Nick! Aga mo para bukas ah."

Classmate 2: "Haha Oo nga. Muntik ka nang ma late."

Classmate 3: "Buti na lang maaga kang pumasok. Wala kang namiss na quiz."

"HAHAHAHA" sabay sabay silang lahat.

Tapos may naramdaman akong humawak sa balikat ko. Si cj. Nakatingin siya ng seryoso sa kin at sinabing.

"Ayos lang yan Nick. Di pa huli ang lahat."

Ngumiti na lang ako at sinundan si Cheska. Mga adik talaga mga classmate ko. But they made me feel better. I made the right decision na pumasok. Di pa nga huli ang lahat.

Pinaupo ako ni Cheska sa upuan katabi ng upuan niya. Tapos binigyan niya ko ng pagkain. Tahimik yata siya ngayon o dahil lang sa kumakain ako kaya hindi pa siya nagdadaldal?

Nang matapos kong ubusin yung tinapay na binigay niya.

"Thanks sa pagkain." I genuinely smiled at her. Naapreciate ko talaga na may pagkain siya.

"You're welcome.” She smiled back. “So nick. what really happened?" there she goes. Umpisa pa lang po yan mga kaibigan.

"Okay lang ba kung mamaya na lang? May report ako ngayon eh. Kailangan ko pa siyang aralin." Palusot ko.

"Mmmm. Okay. Sige. Aral ka muna. Pero mamaya. Hindi ka pwede tumakas. Okie?"

Tumango na lang ako. Tumayo siya at nagumpisa nang lumayo sa kin.

"Pero Nick, teka lang." sabay balik ulit sa upuan na malapit sa kin. Akala ko pa naman titigilan na niya ako.

"Ano yun?"

"Nakita mo ba yung papel na nilagay ko sa bag mo kahapon?"

"Ha? Anong papel?" sabay tingin sa bag ko. Wala naman akong nakitang ibang papel dun.

"Ano? Di mo nakita? Tsk. Pero alam ko nailagay ko yun kahapon eh."

"Ano ba yun?" Tanong ko. Curious syempre.

"Ha? Wala, never mind. Mag-aral ka na muna diyan. Mamaya na tayo magkwentuhan."

"Ow. Okay." Sabi ko. Iniisip pa din yung papel na sinasabi niya. ano naman kaya ang nakasulat sa papel na yun? At bakit sa bag ko pa niya talaga nilagay? Tinignan ko yung bag ko. Di naman siya mukhang basurahan.

Hmmm…

***********************

Natapos na ang reporting ko, tapos chill lang sa last subject. Tapos na ang school hours. Konti na lang matatapos na tong "almost disaster" na araw na to. Naglalakad na ko palabas ng school.

"...nga eh. di ba nick?"

"Ha?" Biglang kong naalala na kasama ko pala si Cheska.

"Tss! di ka naman pala nakikinig. Sayang lang laway teh. Tsaka effort." pero nakasmile pa din siya. Weird talaga siyang babae.

"May iniisip lang kasi ako." sabi ko. Kahit wala naman talaga. Gusto ko na lang matapos tong araw na’to.

"Ah… hobby mo nga pala ang pag-iisip." tumahimik siya. Sa wakas,  sabi ko sa sarili ko.

"Ngapala. Hindi mo pa nakukwento kung anong nangyari sa'yo." Mas lalong nagliwanag ang mukha niya. Pa’no naman ako makakapagkwento eh ikaw tong salita ng salita. Tsk.

"ah. Wala. Napuyat kasi ako kagabi."

"Ano naman pinagpuyatan mo?"

Si Dominic.

Napuyat ako dahil sa pesteng aroganteng lalaki na yun.

"Review. Tama. Nagreview ako para sa quizzes."

"Awts. Tapos hindi ka man lang nakapagtake. Sayang naman pinagpuyatan mo."

"Sayang talaga. Nagpuyat pa ko, sayang lang lahat." sabi ko habang iniisip si Dominic.

"Minsan kasi dapat hindi masyado mageffort. Para di masyadong nakakadisappoint sa bandang huli. Pero, bawi ka na lang sa mga susunod na quizzes." She said followed with a smile.

"Tama. Tama lahat ng sinabi mo." Psychic talaga tong tao na to.

**HONK! HONK!

Dire-diretso pa din ako sa paglalakad, malayo naman ako sa kalsada. So hindi ako o kami ang binubusinahan ng kung sino man yun.

**HONK! HONK!

"Uy! Nick! Si Erick oh."

"Ha? Erick? Hahaha. Naghahallucinate ka lang. May klase pa yun."

"Nick!" boses ng isang lalaki and he's running towards us. Napahinto kami.

Si erick nga, pero "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Ano ka ba naman Nick. Syempre. Sinusundo ka niya. ayie!" tukso ni Cheska.

Tumingin ako sa kanya and give her my stop-butting-in look.

"Wag mo nga siyang takutin. Tama naman siya eh. I'm here to fetch you." sabay kinuha niya yung bag ko sa balikat ko.

“Wow Erick, english yun ah. Pero tsaka na yun, di ba may klase ka pa? Wag mo sabihin na nag-cutting ka?" sabi ko sa kanya.

"Tsk! Ganun ka ba kaimportante para mag-cutting ako at sunduin ka?" Nakangiti niyang sabi sa kin. Obviously nang-aasar na naman siya.

"Bakit hindi ba siya importante Erick?" nakangiti ring tanong ni Cheska.

Bakit parang ako lang ang hindi nag-e-enjoy sa set up na to?

I forced a smile. Wala lang para makijoin lang sa smiling attitude nilang dalawa.

"Your smile looks fake Nick. Stop doing that." sabi ni Erick sabay tawa.

"Anong fake? Cute nga ni Nick eh." sabi ni Cheska habang nakatingin sa mukha ko.

"You two stop okay? Pagtalunan daw ba ngiti ko."

"OKAY!" sabay na sabi nilang dalawa. Tapos sabay din silang tumawa. GAWD! Ano bang nakakatawa?! Bakit parang may joke na silang dalawa lang ang nakarinig o nakagets. Badtrip ah. OP lang?

Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Erick yung kamay ko. "Ano? Di pa ba tayo aalis?"

"Ha? Ah. O sige. Lika na." sabi ko habang nakatingin sa mga kamay naming magkahawak.

Bigla namang binitawan ni Erick yung kamay ko. Naramdaman ko lang na nakatingin sa min si Cheska.

"Ahmm. So Cheska, gusto mo bang sumabay?" tanong ni Erick.

Tinignan ko si Cheska. "Ha? Eh wag na lang. Pero kung mapilit ka eh di sige." nakangiting sabi nito.

Bigla akong napalingon nung tumawa si Erick. Hala. Nababaliw na yata ang bestfriend ko. Nakita niya yatang i'm staring at him.

"Nick alam kong gwapo ako. Pero kailangan mo ba talaga akong titigan ng ganyan?"

Sasagot sana ako, kaso bigla niya kong hinatak papunta sa kotse niya. Binuksan niya yung passenger seat. ‘Dun ako palaging umuupo. Ever since. Nagmumukha kasing driver ko si Erick kapag sa backseat ako.

Nung papasok na ko.

"Ahmm. Nick? Pwede bang diyan na lang ako? Nahihilo kasi ako kapag sa likod ako nakaupo eh." sabi ni cheska while standing at my back.

Nilingon ko siya and i look at her in disbelief. Teka. Ano ulit sabi niya? Dun daw siya sa posisyon ko?

"Ah. Ganun ba? Okay lang sa kin. Sa’yo Nick?" sabi ni Erick yun. Nandun naman siya sa other side.

Huwat?! Bigla kong nilingon si Erick. Another huwat??!!

"Salamat!" sagot ni Cheska sabay pasok niya kotse at upo sa passenger seat.

Hala. Hala. Anong nangyayari sa mundo? Can someone splash me with ice cold water PLEASE!!

"Nick? Hanggang kailan mo balak tumayo diyan?" si Erick. Hindi pa pala siya pumapasok.

Wag mo na kong ihatid!! Pero hindi ko sinabi yun. Sumakay na lang ako at naupo sa back seat.

*************************

Habang nakaupo sa back seat. Si Erick at Cheska ay walang humpay na nagkukwentuhan sa harapan.

Kwento.

Tawa.

Kwento.

Kwento.

Tapos tawa ulit.

Grabe ang saya-saya naman nila. Badtrip!

Imbes na tignan sila. Binuksan ko na lang yung bag ko at kumuha ng libro. I always keep a book (fiction novels) inside my bag. Just in case awkward situations like this happen.

"Bago?" sabi nilang dalawa ng sabay, pag-angat ng paningin ko. nagkatinginan sila pareho sa’kin, nakangiti.

Bigla kong sinara yung libro ko.sabay naman silang napatingin sa librong sinara ko.

Juice colored! They're killing me. Kailangan ba talaga synchronized sila?

"Oo bagong libro. Pero bigla kong naumay magbasa." tapos binalik ko yung libro sa bag.

"Ah okay." sabi ni Cheska. "Malapit na tayo." dugtong niya.

SA WAKAS! Sabi ko sa sarili ko.

After 5 more minutes of torture tolerating them.

"Dito na lang." sabi ni Cheska. Biglang huminto yung sasakyan sa isang eskinita na parang may pagkamagulo. Madaming tao. Factory yata ng bata tong lugar eh. Parang yung amin lang dati. Pero mas active yung factory dito.

"Dito ka nakatira?" tanong ko.

Nilingon niya ko sabay ngiti. "Yup!”

"Sa’n dito bahay mo?" tanong ni Erick. Napalingon ako sa kanya dahil may kung ano sa boses niya. Pity? Worry? Hindi ko lang sigurado.

"Dun pa sa looban. Pero dito na lang, baka di makalabas ng buo yang kotse mo eh. hehehe."

She's still smiling. She's…

"Sige. Maraming salamat sa paghatid. Sa uulitin." tapos bigla na siyang lumabas ng sasakyan.

"Nick. Dito ka na. Baka magmukhang driver mo pa ko." sabi ni Erick. Lumabas ako para lumipat.

"Nick. Salamat talaga sa paghatid." Niyakap niya ko nang mahigpit bago niya ko papasukin sa loob ulit nang sasakyan."

Pagkasara ko sa pinto. Hindi pa siya pumasok sa looban na sinasabi niya, hinintay pa niya kaming umalis at habang papaalis kami. Nakangiti pa rin siya at kumakaway.

Nung hindi ko na siya makita.

"She's a lot like you. Isn't she?"

Napatingin ako kay Erick. A lot like me? Si Cheska?

"Ha?" ngumiti siya pero nawala din bigla, parang guni-guni lang.

"English lang ba niya ang naiintindihan mo?" Tapos tumawa siya. pero alam kong hindi siya masaya. I'm still looking at him and there's a crease on his forehead. Then he continued speaking.

"Si Cheska kako, parang ikaw dati."

"Dati?" ngayon may kunot na din sa noo ko.

"Oo. Bago mo malaman lahat... ganun ka kasaya. Ganun ka din kadalas ngumiti." Yung creased sa noo niya nawala. Hindi ko alam kung posible ‘to pero he look calmly sad.

"Erick..."

Lumingon siya sandal sa pagtawag ko sa pangalan niya.

"Uy Nick! Hahaha. Ano ka ba? Wag mong masyadong seryosohin yung sinabi ko."

Hindi ko pa din tinatanggal yung tingin ko sa kanya. Tapos out of the blue bigla kong natanong. "Am i a dysfunctional bestfriend?"

It takes him a few seconds para sumagot.

"Kailan ka ba naging functional?" tapos tawa. Akala ko pa naman matino yung isasagot niya.

"Naman eh! Ang seryoso ng tanong ko oh. Ano? Wala ba kong kwentang kaibigan?"

He stopped the car at hinarap niya ako. He's smiling. He's always smiling.

"Kung wala kang kwentang bestfriend… palagay mo nasa tabi mo pa ko ngayon?" tapos mas lumaki pa yung ngiti niya na mas lalong nagpagwapo sa kanya.

"Hindi ko alam. Baka wala kang ibang kaibigan bukod sa kin. Kaya pinagtya-tyagaan mo ‘ko." Sagot ko.

"Medyo nga. Pero ngayon, kaibigan ko na si Cheska. Kaya baka ipagpalit na kita."

Nagsalubong yung dalawang kilay ko sa sinabi niya. "Mukha ngang ang saya niyo kanina eh."

"Mmm… Kaya ba kanina ka pa walang imik?" Nakataas yung isa niyang kilay. Napansin niya pala yun.

"Wala naman akong sasabihin. 3 years na tayong magkakilala kaya wala na tayong mapagkwentuhan. Kayo ngayon pa lang nagkausap kaya pinabayaan ko na kayong dalawa."

"Ah… So anong tawag mo dito?" then he smiles his nang-aasar-ako-maasar-ka smile.

Inadjust ko yung pagkaka-upo ko at hinarap ko na talaga siya ngayon.

"Ehh hindi naman natin pwedeng pag-usapan yung ganito ng kaharap siya. Malaman pa niyang dysfunctional ako."

"Suus! nagseselos ka lang eh." Sabay ngiti ulit.

"Ha! Ako magseselos? Hahaha! May boyfriend kaya ako no!" sabay tawa ulit.

"Ah. Oo nga pala." Bulong niya. And suddenly, nag-iba ang mood sa loob ng kotse.

Bumalik ako sa dati kong pagkakaupo tapos tumingin ng diretso.

"Nick?" sabi niya. Mababa pa din yung boses niya, parang malungkot.

"Mmmm?" still not looking at him.

"Are you happy?"

Nagulat ako sa tanong niya. Am I happy? Nag-isip ako kung anong isasagot. Ano nga ba?

"Nevermind." sabay lingon sa akin. "Basta pag ‘di ka masaya. I'm here." then he touched my cheeks.

Nanlaki ang mga mata ko at bigla din niyang tinanggal yung kamay niya sa pisngi ko.

"Tsk. Tama na nga ang drama." Then he starts the engine of his car and drive both of us back home.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...