Deal Breaker (Published under...

By swirlybitch

5.4M 96.2K 7.5K

Princess Nicole "Nick" Madrigal wants nothing more than to regain the independence that she lost noong nalama... More

Chapter 1: Goddamn Shoe
Chapter 2: Hala, Nas'an na?!
Chapter 3: By Hook Or By Crook
Chapter 4: Stiletto Heels, You Rock!
Chapter 5: I Should've Stayed
Chapter 6: Akala Ko
Chapter 7: Lesson No. 1
Chapter 8: Reconciliation
Chapter 9: Sweetest Instant Noodles Ever
Chapter 10: WDF?!
Chapter 11: Train Train Go Away
Chapter 12: The Sister I Never Had
Chapter 13: Love Sick
Chapter 15: Third Wheel
Chapter 16: First Time In My Bed
Chapter 17: ABC Song
Chapter 18: Back Off
Chapter 19: Good Night Gone Bad
Chapter 20: I Lo-- Ano Daw?!
Chapter 21: He Left
Chapter 22: She Got Drunk, He Got Heartbroken
Chapter 23: I Just Can't Help It
Chapter 24: His
Chapter 25: Oh No
Chapter 26: The Truth.. It's Sad
Chapter 27: What Now?
Chapter 28: Ano Na Naman 'To?!
Chapter 29: What Really Happened
Chapter 30: Moves Like Jagger?
Chapter 31: Nasaan Na Ako?!
Chapter 32: The Meet
Chapter 33: All About Us
Chapter 34: Will You Take Me Away With You?
Chapter 35: Don't Say It, 'Coz You'll Definitely Break My Heart
Chapter 36: The Truth... It Sucks
Chapter 37: Only Him
Chapter 38: Bestfriends' Day. Yay!
Chapter 39: The Phone Call
Chapter 40: Love Me, Love Me, Say That You Love Me
Chapter 41: Boy Talk
Chapter 42: Versus
Chapter 43: Dreams
Chapter 44: This Is It
Chapter 45: Dealing With It
Chapter 46: Too Late?
Chapter 47: Tragic
Chapter 48: What About Love?
Chapter 49: Points Of View
Chapter 50: Let's End This From The Start, Shall We?
SIDE STORY - Shut Up Or I'll Kiss You
OTORS NOWT: LAST NA TO! HEHEHE.
The Story Behind THE STORY.

Chapter 14: I'm Sorry

114K 2K 113
By swirlybitch

The morning I wake up all I can see is white ceiling.

OH HINDI!! Panaginip lang ang lahat?

Yung mainit na katawan nya… Yung paghawak niya sa kamay ko… Yung “you’re the only girl in my head”… pati lahat nang nangyari kagabi? Hindeee!! Ayoko!! 

Tumayo ako sa pagkakahiga ko at inikot ko yung paningin ko. Nasa ibang kwarto ako. It’s blue, actually lahat blue pwera sa puting ceiling at puting table sa gilid nang kama. Nakita ko yung bowl ng tubig ang towel. 

Nakahinga ako ng maluwag. Hindi panaginip yung nangyari kagabi. Totoo lahat.

Pero… bakit ako nandito… sa kama niya? Nasaan siya?

Nag-umpisa na kong mataranta. Kakagaling nya lang sa sakit tapos nawala agad siya?! Pero baka naman inialay na siya ng kulto niya?! Dominic! Hindi ka maaaring mamatay, hindi ka pwedeng i-alay, nagpakahirap ako kagabi para mabuhay ka. Okay, medyo O.A yung last statement.

Bumangon ako sa kama at halos tumakbo pababa ng hagdan.Walang tao sa sala niya. Pumunta ako sa banyo,wala din.Tapos sa kusina, wala pa rin.

Bwiset. Kailangan ba palagi niya kong pinag-aalala?

Nakatayo na lang ako sa sala niya, iniisip kung san kaya siya maaring magpunta. Naglakad ako papunta nang pinto baka naman naghalucinate siya, tapos nagsleepwalk. O baka naman… waaah! Bwiset ka Dominic! Pinag-iisip mo ko. Ayoko sa lahat yung gumagana yung utak ko ng ganito kaaga eh!

Pagbukas ko nang pinto nabangga ako. Di ko maalala na may pader sa labas ng pinto ni Dominic.

"Hey!! You really like bumpin' my chest do you?"

Dominic! Napatingala ako at nakatingin lang ako sa mukha niya. He’s smirking.

"Asa ka! Sa’n ka ba galing??" tanong ko habang hawak yung noo ko. Pangalawang beses na ‘to ah, may bukol na yata.

"Outside." Sagot niya. Tunog okay naman na sya, pero talaga bang okay na siya?

"Malamang komang. Ano ginawa mo sa labas?" tanong ko while I glare at him.

"Do I really have to explain everything to you?" He asked, sounding irritated. Naglakad na siya papuntang kusina. "Nagger." bulong pa niya pero nadinig ko yun.

"Anong sabi mo?" tanong ko habang sinusundan ko siya papuntang kusina.

"I said, you're such a nagger." tapos may nilapag siya sa kitchen table. May mga binili pala siya.

"Hindi ako nagger!”

"You are and don't argue anymore."

Isa-isa niyang inilabas sa mga plastik yung mga pinamili niya. Groceries?

"Hindi ako nagger sabi eh. Medyo nag-alala lang ako. Konti lang. Kasi kakagaling mo lang sa sakit, kung makapamasyal ka parang wala lang. Pa’no kung lagnatin ka ulit? Tapos mas malala. Tapos wala ako. Hindi naman parati akong nandito. Wala ka pang ----"

Naputol ako sa sasabihin ko nang biigla na lang siyang huminto sa ginagawa niya, humarap sa’kin, hinawakan ako sa magkabilang pisngi at hinalikan ako. 

Sandalian lang dumampi sa labi ko yung labi niya. Nakatingin siya sa’kin habang nakangiti, yung pogi niyang ngiti. At alam ko mukha akong tanga na nakatingin lang sa kanya habang medyo naka-nganga.

“It's for last night." sabi niya tapos bumalik na siya sa ginagawa niiya kanina. At ako, ito. Mukhang tanga na nakatulala. 

"Princess, I just kissed you. It's not like I raped you or anything."

Lumingon ako sa kanya at nakita siya na nagluluto. Tinignan ko siya ng masama. Huminto siya sa paghihiwa niya.

"You look pretty when you do that." Sabi niya.

"Pretty pala ah?!" Mas lalo ko pang tinaliman yung tingin ko sa kanya.

He squinted his eyes as if examining me. "Mmmm. now you're gorgeous." Grabe! Lakas manlandi ng lalaking to. Tumalikod siya tapos pinagpatuloy yung pagluluto niya. Nagpiprito lang siya. Eggs. Hotdogs. Tapos fried rice.

"Princess. Pakiabot naman ng salt sa cabinet."

Ayus. Matapos akong asarin, uutusan ako.

“Nurse na nga ako. Katulong pa?" pero kinuha ko din naman.

"Susunod ka din pala ang dami mo pang sinasabi."

Yung cabinet na pinaglalagyan ng salt eh malapit lang talaga sa kanya. Kaya nakita ko na nakangiti siya habang sinasabi niya yun.

"Kanino ko iaabot yung asin? Sa'yo o sa cabinet?" Tanong ko habang hawak ko na yung pinapaabot niya tapos sumandal ako sa sink, habang nakatingin sa kanya at nakangiti nang ubod ng lapad. 

"Ha?” He asked, looking confused. 

"Sabi mo paabot ng salt sa cabinet."

"Princess… are you trying to be funny?" tanong niya ulit sa’kin.

Namula naman ako dun. Pahiya lang ah.

"Hindi." pagdedeny ko. "Hindi ako nagpapatawa. Nililinaw ko lang yung sinabi mo. Tsk" Nag-pout ako sabay halik na naman niya sa labi ko.

"Kanina ka pa ah. Ano bang problema mo?” mapang-hamon kong tanong. Nakakdami na kasi eh.

"You pout. I thought you want my lips again." Painosente niyang sagot. 

Nung nagkatinginan kami sa mata bigla na lang niya iniwas yung tingin niya sa kin.

"Please stop staring." Utos niya. Eh sa matigas ulo ko kaya hindi ko tinigilan ang pagtitig ko sa kanyan.

"Princess. Please stop." Pagmamaka-awa niya. Hindi siya lumingon o tumigil man lang sa ginagawa niya.

"Ha? Itigil ang alin?" tanong ko sabay taas ng kilay. 

"Staring."

"At bakit naman ako titigil?"

"Because i said so.” 

"Talaga?" pang-aasar ko pa.

Bigla siyang humarap sa kin, pero iniiwas pa din niya yung tingin niya. Hinatak niya ko paupo sa upuan sa dining table sabay sabing. "Stay there." Sabay bumalik siya dun sa niluluto niya. Nakatalikod.

Hindi ako gumalaw, nakatingin lang ako sa likod niya at ang tanging naiisip ko…  Mmmmm… Breakfast. Hihi. Pero sandali lang ay pinigilan ko na din ang sarili ko na mag-isip ng mga kalandian.

"Are you liking the view?" tanong niya. Sa tono ng boses niya halatang nakangiti siya. Lokong ‘to. Masyado na niyang nae-enjoy ang mga pangyayari.

"Hindi." Sagot ko at sinigurado kong walang emosyon yung tono ko.

Nasundan ng katahimikan ang sagot ko, walang nagsalita, tanging tunog nang pinipritong butil nang kanin lang ang maririnig. 

At ako? Naka-upo. Nakatitig sa likod niya… sa marahang paggalaw ng tela sa bawat kilos na ginagawa niya. Nang maalala ko kung nga pala ako nandito.

It’s like seeing your girl sleeping with another guy.

Narinig kong muli ang boses nang kapatid ko. Tapos nalungkot ulit ako sa pag-ala-ala

Tumayo ako at lumakad papalapit sa kanya... inikot ko ang mga mga kamay ko sa bewang niya at inilapat ang kanang pisngi ko sa likod niya.

"What are you doing?" tanong niya. Naramdaman ko ang paghinto ng lahat. Tanging tunog nang pinipritong butil nang kanin lang ang maririnig… yun tsaka yung puso ko.

“Naalala mo kagabi, sabi ko gusto ko makipag-usap?” 

"Yeah." Tugon niya gamit ang mahina niyang boses, parang umiiwas, parang may ayaw siya marinig. 

"May gusto kong itanong sayo." Dugtong ko. Pakiramdam ko naririnig ko yung lungs niya, pero baka hindi.

"What’s that?" tanong niya. 

"Ay wala pala. May gusto lang pala akong sabihin. At dapat making kang maigi ah! Kasi ngayon ko lang sasabihin ‘to.”

Hindi siya nagsalita, naghihintay siguro… nag-aabang… atat making.

"I'm sorry."

Bulong ko. Gusto ko sana humalo sa tunog nang lungs niya at fried rice, pero halatang narinig niya. Naramdaman kong gusto niyang humarap sa kin. Pero pinigilan ko siya. Ayokong Makita niya ako. Hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko. Hindi ko rin alam kung anong makikita niya sa mga mata ko paghumarap siya.

"Hindi pa ko tapos. Wag ka muna gumalaw."

Hindi nga siya gumalaw kaya ako nagpatuloy.

"Yung kahapon. Hindi ko sinasadya. Kamay mo talaga yung gusto kong kunin. Pero hindi ko alam kung anong nangyari at si Erick yung nahatak ko. Nagsasabi ako nang totoo. Ikaw na bahala kung maniniwala ka o hindi. Hindi kita pinipilit na maniwala sa sinabi ko. At isa pa, may nakapag-sabi sa’kin na yung nakita mo ay parang seeing your girl sleeping with another guy. Hindi ko alam kung totoo yun. Palagay ko talaga, medyo O.A, pero kung ganun man yung pakiramdam, eh di sorry.”

Nabasag yung boses ko sa huling salita at tumulo ang luha ko. Yakap ko siya, at marahil nararamdaman ko yung lungkot na meron siya. Ilang segundo ding walang nagsalita, at naramdaman ko ang paggalaw niya, ang dahan-dahan niyang pagharap sa’kin. Tumingin siya direkta sa mga mata ko at yung lungkot na naramdaman ko na nangggaling sa kanya ay halata sa mga mata niya. Lalong tumulo ang mga luha ko.

Hinawakan niya ko sa magkabilang pisngi, pinunasan niya ang mga luha na dumampi sa mga ito at niyakap niya ko. Mahigpit. Sa pagpikit nang mga mata ko palagay ko puso niya yung naririnig ko, pero baka hindi. Pero kung puso niya nga yung naririnig ko, sana bawat pintig nito ay para sa akin. Medyo selfish pero hindi ko pa din maiwasang hilingin. 

"I believe you princess. I believe that it's a mistake. I believe it because you said so." tapos naramdaman kong hinalikan niya yung ulo ko. "But seeing you take other guys hand isn't like seeing you sleeping with another guy." Huminto siya panandali, naramdaman ko ang paghinga niya nang malalim. At marahil imahinasyon lang pero naramdaman ko din ang pagpikit nang mga mata niya bago niya sabihing… "It's worse. So if ever you accidentally grab somebody's hand again. I'll make sure that guy won't be able to write his name again."

1 month.

Narinig ko ang sarili ko. 

Isang buwan lang yan Nick. Isang deal na tatagal lang ng isang buwan.

Alam ko. Minsan talaga tayo ang pumipigil sa sarili nating kasiyahan gamit ang sarili nating reyalidad. Bigla kong dinilat ang mga mata ko at kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Tinignan ko siya at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Habang nakatitig siya sa kin. Nakakaramdam ako ng takot. Takot na baka kung mananatili ako sa tabi niya. Na kung palagi niya kong yayakapin pag natatakot ako… Na kapag palagi niyang pupunasan ang mga luha ko... baka hindi ko na kayaning lumayo matapos ang isang buwan..

"Princess. Are you okay?” Sa tanong niya tumulo na naman ang luha ko. Bwiset! Napakaiyakin mo Nick! Punas. Dali!

Nakita kong papalapit ang kamay niya sa pisngi ko. Humakbang ako papalayo at dali dali kong pinunasan ang mga luha ko. Singhot. Hingang malalim Iniisip ko lang na aalis ako matapos ang isang buwan, parang ayoko ng mag-isip.

"Princess. What's going on? Did I do something that made you upset? Did I hug you so tight you can't breathe again? Talk to me!"

Pero hindi ako sumasagot, nakatingin lang ako sa kanya.

"Damn! You're scaring me."

Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Bakit ba kasi kailangang ganyan siya? Inalis ko ang tingin ko sa kanya tapos nakita ko yung niluluto niya.

"Fried rice." sabi ko.

"Huh?" nararamdaman kong nakatingin pa din siya sa kin.

"Yung friend rice. Nasusunog na yata siya." sabi ko sabay turo sa niluluto niya.

Narinig kong bumuntong hininga siya. Tinignan ko ulit yung mukha niya at nakita ko na nakangiti siya sa kin. Ano ba naman Dominic. Stop smiling!

Hinawakan niya yung ulo ko sabay gulo sa buhok ko.

"You got me there." then he laughs. Yung gwapo niyang tawa… haaaay.

Tumalikod siya at inasikaso yung niluluto niya. Inutusan niya kong umupo ulit pero wala na kong balak na mag-stay sa bahay niya habang nagluluto siya.

Dali-dali akong pumunta ng sala at dumiretso na ko sa pinto. Dahan-dahan kong binuksan yun. Buti na lang walang sounds. Nung nakalabas na ko halos tumakbo na ko papuntang elevator. Hindi ko alam kung bakit ako umalis ng hindi nagpapaalam. Siguro kasi iniisip ko na baka hindi niya ko paalisin. O baka naman iniisip ko lang yun. Na baka kapag nagpaalam ako payagan naman niya kong umuwi. Sino ba naman ako para pigilan niya di ba?

Tsk! Feelingera ka talaga Nick!

Pinindot ko yung LG. Nung pasara na yung pinto ng elevator inaasahan kong may pipigil dun.

Pero wala.

Stop thinking Nick. Umuwi ka na lang at kalimutan ang lahat gaya nang lagi mong ginagawa.

Nung sumara na yung pinto nakita ko yung reflection ko. WTFUDGE??!! Grabe! Kahindik-hindik ang itsura ko! Ang gulo nang buhok ko at ang eye bags ko, juice colored!  Bakit ganito? Kanina pakiramdam ko ang ganda-ganda ko. Yun pala hindi! SINUNGALING!! Napakasinungaling mo Dominic! Tsk!

Inayos ko bigla yung buhok ko. Yung sa mata? Wala pa siguro akong magagawa dun. Pero atleast, hindi na ko kakatakutan ng mga tao kapag nakita nila ako. Medyo okay na yung itsura ko.

*Ding!*

At sa muling pagbukas nang pinto ng elevator I was transported to a different universe. Teka! Earth pa ba ‘to? Bakit may dyosa dito?

Nakatayo siya sa kabilang parte nang elevator. Waiting for her turn to go up.

Ang ganda niya. Parang super model. Lucious hair, gorgeous eyes, high cheekbones, pointed nose, kissable lips. And her body? Yung katawan na kakainggitan ng mga babae at paglalawayan ng mga lalaki.

Pumasok siya at all the while nakatingin pa din ako sa kanya.

"Miss?! Are you okay?" tanong niya.

Ang ganda din ng boses niya at nakangiti siya sa’kin. Tsk. Mali yata nasakyan kong elevator. “Miss. This is the ground floor. Do you have any plans on going up again?" She asked, still smiling the "ate" smile.

Badtrip! Kailangan ba parati na lang english ang conversation?

"Ha? Ah. Hindi. Aalis na ko. Bye." tapos nagsmile ako ng ubod ng laki sabay labas ng elevator.

Teka. Anong sinabi ko? At anong ginawa ko?? Tss. Parang mali na nag-ba-bye ako sa kanya at ngumiti na parang tanga. Tumawa siya ng bahagya. Pati pagtawa niya kagandahan pa din.

"Bye." sabi niya then the elevator door closed.

For a moment parang nakaramdam ako ng inggit. I don't usually feel this way. Good-looking naman daw ako. Yun yung sabi ng ibang tao but I really don't care how I look. Or how I talk. Or how I act. Basta ganito lang. And I don't really get envy about other girls. May kanya-kanya naman kasi tayong ganda. Yun yung nasa isip ko. Pero bakit parang ngayon naaasar ako na ang ganda niyang babae? Tsk. Never mind.

Ang goal ko ngayon ay ang maka-uwi. At yun na nga ang ginawa ko.  Pinuntahan ko yung kotse ko at nagdrive pauwi. Inaasahan ko pa rin na susulpot si Dominic para pigilan ako at tanungin kung bakit bigla na lang akong umalis. Pero nakalabas na ko ng building niya wala pa ding Dominic na nagpapaktia. Siguronga okay lang sa kanya na umalis ako. Hay.

Binagalan ko ang pagmamaneho baka sakali kasing humahabol siya o magpapakita siya.

But slowly i lost sight of the building.

And slowly i lost hope of seeing a Dominic.

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...