Deal Breaker (Published under...

By swirlybitch

5.4M 96.2K 7.5K

Princess Nicole "Nick" Madrigal wants nothing more than to regain the independence that she lost noong nalama... More

Chapter 1: Goddamn Shoe
Chapter 2: Hala, Nas'an na?!
Chapter 3: By Hook Or By Crook
Chapter 4: Stiletto Heels, You Rock!
Chapter 5: I Should've Stayed
Chapter 6: Akala Ko
Chapter 7: Lesson No. 1
Chapter 8: Reconciliation
Chapter 9: Sweetest Instant Noodles Ever
Chapter 10: WDF?!
Chapter 11: Train Train Go Away
Chapter 12: The Sister I Never Had
Chapter 14: I'm Sorry
Chapter 15: Third Wheel
Chapter 16: First Time In My Bed
Chapter 17: ABC Song
Chapter 18: Back Off
Chapter 19: Good Night Gone Bad
Chapter 20: I Lo-- Ano Daw?!
Chapter 21: He Left
Chapter 22: She Got Drunk, He Got Heartbroken
Chapter 23: I Just Can't Help It
Chapter 24: His
Chapter 25: Oh No
Chapter 26: The Truth.. It's Sad
Chapter 27: What Now?
Chapter 28: Ano Na Naman 'To?!
Chapter 29: What Really Happened
Chapter 30: Moves Like Jagger?
Chapter 31: Nasaan Na Ako?!
Chapter 32: The Meet
Chapter 33: All About Us
Chapter 34: Will You Take Me Away With You?
Chapter 35: Don't Say It, 'Coz You'll Definitely Break My Heart
Chapter 36: The Truth... It Sucks
Chapter 37: Only Him
Chapter 38: Bestfriends' Day. Yay!
Chapter 39: The Phone Call
Chapter 40: Love Me, Love Me, Say That You Love Me
Chapter 41: Boy Talk
Chapter 42: Versus
Chapter 43: Dreams
Chapter 44: This Is It
Chapter 45: Dealing With It
Chapter 46: Too Late?
Chapter 47: Tragic
Chapter 48: What About Love?
Chapter 49: Points Of View
Chapter 50: Let's End This From The Start, Shall We?
SIDE STORY - Shut Up Or I'll Kiss You
OTORS NOWT: LAST NA TO! HEHEHE.
The Story Behind THE STORY.

Chapter 13: Love Sick

108K 2.2K 50
By swirlybitch

Nakauwi ako ng tuyo. Salamat sa coffee shop at sa walang katapusang kwento at love advices ni Cheska. Na hindi ko naman hiningi.

Siguro dahil na rin sa kadaldalan at energy ni Cheska, napagod ako ngayong araw. Kaya naman diretso na ako sa kwarto ko, naligo at nagpalit nang damit. Nagpatuyo lang ako sandal ng buhok sabay nahiga na ko sa kama ko. Walang ibang tao sa bahay bukod sa’kin at sa mga kasambahay. Kaya naman nahanap ko ang kanina ko pa hinahanap. Katahimikan.

Tahimik ang paligid, pero maingay sa loob ng utak ko. 


"Ano na ngayon Nick?" tanong ko sa sarili ko habang nakatulala sa kisame ng aking kwarto.

Dapat ko ba siyang puntahan sa bahay nila? O hintayin kong tumawag siya?

Pero pa’no ko naman hihintayin yung tawag niya eh nasa’kin cellphone niya. Pero may landline naman. Tama. Maghihintay ako sa tawag niya. Tapos makikipagkita ako. Tapos magso-sorry ako?

HINDI.

Aamin ako sa mali ko, pero hindi ako magso-sorry.

TAMA.

Hintay ka lang Nick.






"Princess?" Narinig kong tawag sa’kin kasunod nang tatlong katok sa pinto sa kwarto ko.

Minulat ko yung mga mata ko at nakita ko ulit yung ceiling. Nakatulog na pala ako kakahinitay.

 

Dominic.


"Princess? You in there?"


Bumangon ako at naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko and set my thought of him aside. 

"Namiss kita Princess." Bungad sa’kin ng mabait kong kapatid pagbukas ko ng pinto kasabay nang mahigpit niyang yakap.

"Ano ba? Hindi ako makahinga!" saway ko sa kanya. Humiwalay siya sa ‘kin then hinawakan ako sa balikat ko.

"Kwentuhan mo ko. Ano bang ginawa mo kaninang umaga ha?" Nagbago na yung mood niiya, tunog kuya ko na ulit siya.



"Jacob. Una. Pa’no mo ko mami-miss eh nagkita naman tayo kaninang umaga. Pangalawa. Bakit kita kukwentuhan? Ayoko nga."

"Princess. I want to understand everything. So we will talk. Sino gusto mo kausap, ako o si mom?”



"Sige na, pumasok ka na." Sabay hinatak ko siya papasok ng kwarto ko. Umupo ako sa kama habang si Jacob kinuha yung upuan ko malapit sa salamin at binuhat niya sa tabi ng kama ko.

"Anong gusto mo na?” 

“Why?" tinignan niya ko ng diretso sa mata.

"Anong why ka diyan?” tanong ko pabalik.

"Why did you do what you did this morning." He asked again, mas seryoso this time.

"Hindi ko alam, it was a mistake." pag-confess ko sa kapatid ko.

 "Mistake?" he looks puzzled.

"Oo. Hindi si Erick yung dapat hahatakin ko. Si Dominic dapat. And all along akala ko si Dominic yung hinatak ko, but it turns out I'm wrong. At ang layo ko na para itama lahat ng yun.” My voice low as I finished my explanation. Hinawakan niya yung ulo ko na para akong aso. Tapos narinig ko siyang nagbuntong hininga.

"Anong ibig sabihin nang buntong-hininga mo ha?!” demand ko. 



"Wala naman. Poor guy." Tumayo siya pagkasabi niya nun at naglakad na papalabas nang kwarto ko.



"Jacob! Sandali." Huminto siya at lumingon. "Hmmm?"

“You can’t leave me with that kind of statement. “Poor guy.”  Anong ibig sabihin nun?!”

"Kung nakita mo siya the moment you grab Erick's hand..."

Hindi ako nakasagot. Ano bang itsura niya nun. Malamang galit. O kaya feeling niya napahiya ko siya.

"In a guy’s point of view, it's like seeing your girl sleeping with another guy." Dugtong ni Jacob.



"Whoa! Teka! Jacob! Grabe naman yata yun. Para hinatak ko lang si Erick. ganun na yun?"

"It hurts the same way princess." He said with a sad voice.

"Pero.." Gusto kong magpaliwanag, para ipaintindi dito sa kapatid ko na hindi naman talaga ganun yun. Pero bago ko pa man madugtungan yung unang pero ko, nagsalita na agad si Jacob.

"I understand princess. I just pity the guy." He said na parang naiintindihan niya talaga ako.



Lumabas na siya. At naiwan akong nakatulala.

It's like seeing your girl sleeping with another guy.



Hindi naman ako “girl” ni Dominic. What we have is not real. Hindi naman siguro siya masasaktan ng ganun.

Pero you saw him sa school awhile ago.



Pero baka tama si Cheska na imagination ko lang yung nakita ko.



I shook my head to take all those thoughts away. Restart. Refresh.

 

It's like seeing your girl sleeping with another guy. 

Hindi.

It's like seeing your girl sleeping with another guy.



Suddenly. Kinuha ko yung bag ko sa sahig. Kinuha ko din yung susi ng sasakyan ko sa drawer at lumabas.

Nakita ko sa sala yung nanay ko at si Jacob. Akala ko pipigilan nila ko kasi madilim na. Pero hindi nila ginawa.

“May pupuntahan lang ako!” Sigaw ko bago ako dumiretso papunta sa kotse ko. Yeah. May sarili akong sasakyan sa bahay na ‘to. Wag niyo na tanungin kung paano ako natuto mag-drive. It was a nightmare. Pero okay naman na ang driving skills ko ngayon, ayoko lang talagang ginagamit yung sasakyan. Hindi ako komportable.

I put the keys sa ignition, then drive out of the house, onto the road papunta sa lalaking iniisip na nakita niya kong  sleeping with another guy.

Habang nagdadrive, iniisip ko kung paano ko ipapaliwanag sa kanya yung nangyari. At kung maipaliwanag ko man, maniniwala kaya siya o kahit intindihin man lang ba niya ako? 

And the answer is I don’t know. I barely know hin. Ngayon ko lang siya nakilala. Ang alam ko lang na katangian ng lalaking yun eh medyo mainitin ulo niya. At napakabilis niyang magbago ng mood.

But why the hell am I being affected?! Why do I care?!





Wala na kong oras para sagutin pa yung tanong ko, nandito na ko sa  building kung nasaan yung condo unit niya. Palagay ko 15 minuto pa ko nanatili sa baba, nakatingin lang kung nasaan yung pad niya, iniisip kung papasok ba ko o hindi, at kung anong aasahan ko kung sakaling tumuloy ako.



Tapos naisip ko, not to expect anything. Just accept, since kasalanan ko naman. Well, di naman talaga kasalanan, pagkakamali lang. So… GO NICK! Aja!



It was a silent ride sa elevator, tho madaming akong kasabay, ni hindi ko sila pansin. Ang tanging iniisip ko lang ay ang makarating sa kanya para matapos na ‘to. 



**DING!

Then it stops. The door opens and I’m welcomed the coldness of the tiled floor and lifeless walls. Naglakad ako papunta sa pinto ng unit niya. Hinga nang malalim, sabay pindot ng doorbell.



no answer.



Sinubukan ko pa ng isang beses pero wala pa ding sumasagot sa kabilang side ng pinto. One last try. Pero wala pa din. Naka-benteng one last try yata ako, bago ako mainis at sipain yung pinto sa galit. Then it opened.

Kainis. Bukas naman pala. -_- 



Pumasok na ako, medyo madilim. Actually madilim talaga. Miyembro ba ng kulto tong si Dominic?



Waaahh. Mali ba na pumunta ako ditto? Baka sobrang galit niya, ialay niya ako sa kulto niya.

Hindiiii!!



"Princess?"

I heard a voice, pero parang hindi kay Dominic. Medyo paos kasi at walang buhay. Biglang nanlaki ang mga mata ko, paano kung… nasa kalagitnaan yung kulto nila sa isang ritwal?!

Oh hindi… 

Suminding bigla yung ilaw at napapikit ako sa pagkasilaw. Sa muling pagbukas ng mga mata ko, tumambad sa akin ang hubad niyang katawan.

*GULP!*



What the fudge? Bakit ganyan itsura niya?



"It's you." Mahina niyang sabi, sabay ngiti ng bahagya. Napansin kong medyo basa yung buhok niya at yung katawan niya ding hubad. Napahawak ako sa dibdib ko. Kumalma ka. Utos ko dito.

"Ako nga. At bakit wala kang suot? Ganyan ka ba sumalubong sa bawat bisita mo?”

Tumingin siya pababa para tignan ang sarili niya. “I’m wearing boxers.” He said. 

“Yeah. Which equates to nothing. Kakasuhan kita nang acts of lasciviousness.” Sabi ko sarcastically.

"I’m inside my house. You’re trespassing, ikaw dapat kasuhan.”

“Eh kasi… ano… bukas kaya yung pinto ng bahay mo. Kaya pumasok na ko. Walang breaking na naganap, entering lang.”

Hindi siya sumagot kaagad, nakatingin lang siya sa’kin. Iniwas ko yung tingin ko, nag-focus lang ako sa pattern ng boxers niya, ay sa pattern ng sahig niya.

"What are you doing here by the way?” Nagulat ako sa tanong niya kaya napatingin ako, he then leans sa wall.

*GULP*

Oh tuksooooo, hooooo.



FOCUS NICK! Ibinalik ko yung tingin ko sa sahig ng bahay niya. "Ahmmm. I'm here to talk."



"I'm sorry but I'm not in the mood to talk right now."

"Kahit hindi ka na magsalita, makinig ka lang. I'll do all the talking."



Hindi siya sumagot kaya napatingin ako ulit sa kanya, nakita ko na lang na lumalakad na siya papalapit sa akin. 

Oh no. Disaster ‘to. Wag kang lalapit. Hala. Di ko alam gagawin ko. Natataranta na ko pati puso ko. Sabi ko kalma heart. Napatingin ako sa paligid ko. Papalapit pa siya nang papalapit, inihakbang ko paatras yung paa ko. Kada hakbang niya papalapit siya namang hakbang ko paatras. Hanggang sa hindi na ko makahakbang. Dead end.

Nasa tapat ko na siya at hubad niyang dibdib ang kaharap ko ngayon. Lunok. Hingang malalim. Iniangat ko yung tingin ko para sa mukha na lang niya ako mag-focus. He’s staring down at me. Sobrang lapit niya, I can feel his breathing. And slowly he lowered his head at dumiretso sa leeg ko.

Sa ilang saglit, wala akong maramdaman kundi yung tibok ng puso ko. Sa ilang saglit wala akong maramdaman kundi yung init nang paghinga niya sa balat ko.

"Princess" he whispered. Then all my senses comes rushing back. I can feel his weight on me. I can smell his scent. And I heard him. I heard him whisper my name and it did something stupid to my heart.

Sinubukan kong itulak siya palayo. Nagulat ako na medyo naitulak ko siya. Bakit parang mas mahina siya ngayon, at mainit din siya.

He leaned down again at naramdaman ko na naman siya. Yung hininga niya malapit sa tenga ko.

"I didn't expect you to be here, but i'm really glad that you are."

And then he collapsed sa katawan ko. Muntik na kaming matumba pareho. Buti na lang nasalo ko siya agad, at nasalo naman ako ng pader.



Dinala ko siya sa kwarto niya, which is upstairs. At hindi naging madali ang eksenang yun. Pero nararamdaman kong tinutulungan din niya ko. Hindi kasi siya masyadong nagpapabigat.

Finally. nakahiga na siya sa kama niya. Now all I have to do find is someone or something to cure this handsome guy. Naghanap ako ng mga contacts niya, tapos naalala ko na hindi ko dala phone ng lokong to. Okay. Maybe an organizer? Tama. So I searched for an organizer sa bahay niya… sa buong bahay niya.

Pero wala. Kaya ang natitirang option ay doktor.  Nice. Wala akong alam na number ng doktor o ospital. Hindi ko favorite na tambayan ang ospital dati at lalong hindi ko naging bestfriend ang doctor.

Tinignan ko ng masama ang natutulog na si Dominic. Ganito ka ba bumawi? Tsk!

Wala nang ibang paraan, we have to do it OLD SCHOOL.








Kumuha ako ng maligamgam na tubig tapos towel. Inakyat ko yung bowl of water and towel sa kwarto niya. Inumpisahan ko na siyang punasan at napalunok ako nang muli ko na namang nasilayan ang kanyang magandang katawan. His wide chest, his 6-pack abs and his boxers.

Juice colored. Kailangan kong humanap nang pantakip sa maganda niyang katawan. kailangan or else.

Nakakita ako ng shirt at shorts na wala sa labahan. After ko siyang damitan, tumayo ako para bumaba ulit para humanap ng gamut, pero naramdaman kong may humawak sa kamay ko.

"Don't leave." bulong niya.

Napatingin ako sa kanya. Nakapikit ang mga mata nya, so pa’no nya nalaman na bababa ako?

"Hindi ako aalis Dominic, kukuha lang ako ng gamot mo." Sinubukan kong hatakin yung kamay ko, pero ayaw niya kong pakawalan.

"Please?" bulong niya ulit.

Umupo ako sa tabi nya sabay bulong. "Sige, dito lang ako pero mamamatay ka sa taas ng lagnat mo. Okay lang sa akin yun, ewan ko sa'yo."

Ngumiti siya ng bahagya.

"Dying would be fine as long as I'm holding your hand."

"Siraulong ‘to. Mamamatay ka na lang, pambababae pa din yang iniisip mo." sabi ko sabay hampas sa balikat nya. Nakangiti pa din siya nung sumagot siya. "You're the only girl in my head right now.”

"Asus! Pakawalan mo na ‘ko para makuha ko na yung gamut mo. Tapos pwede kang mabuhay na hawak yung kamay ko. Mas maganda yun di ba?”

Hindi ko na din mapigilang mapangiti sa kalandian na ginagawa ko. Unti unting lumuwag yung pagkakahawak niya sa kamay ko, pero bago ako tumayo I whisper a promise. "I'll be back.”



AAAND I'm back, kasama ang mga gamot at tubig. Nilapag ko muna yung hawak ko sa bedside table niya. Umupo ako sa kama niya at inangat ko yung bandang ulunan niya. Isinandal ko siya sa kin, para medyo nakaslant siya. Tapos kinuha ko na yung gamot niya at yung baso ng tubig.

"Ito na gamot mo Dominic, inumin mo na.” 

Hindi naman niya ko pinahirapan at ininom niya agad yung gamut niya.

Inihiga ko na ulit siya tapos inayos yung blanket niya. Tumayo ulit ako para bumaba pero hinatak na naman niya yung kamay ko.

"Sa’n ka naman pupunta?" he said weakly.

"Malamig na yung tubig na ipinampapahid ko sa'yo. Papalitan ko lang." angal ko.

"Hindi ba pwedeng pumirmi ka sa tabi ko kahit sandali lang? I'll be okay, don't change anything."

Napabuntong hininga ako. "Alam mo para sa isang may sakit, ang daldal mo. Babalik din ako. Praning-praning ka din eh."

He slowly let go of my hand, na parang yun na yung pinakamahirap niyang gagawin sa buhay nya.

Kinuha ko yung bowl ng tubig at bumaba ako tapos pinalitan ko ng mas maligamgam na tubig. He’s asleep pagbalik ko. Dahan-dahan kong inilapag yung mga hawak ko. Kumuha ako nang upuan at inilagay ito malapit sa kama nya. At habang nakatingin ako sa kanya, naalala ko yung dahilan kung bakit ako pumunta dito.

“I’m sorry.” Bulong ko.

Gumalaw siya nang bahagya pero hindi siya gumising. Tinuloy ko na yung dapat kong gawin, pinunasan ko na siya. Hindi pa din bumababa yung lagnat niya.

Nakailang palit ng tubig, nakailang punas, nakailang ulit din akong nagmaka-awa na bitiwan niya ang kamay ko. Pagtungtong ng mga alas dos ng medaling araw, bumaba na rin sa wakas ang lagnat niya. Hindi ko na namalayan pero nakatulog na pala ako na hawak ang kamay niya.



Continue Reading