The Gentlemen Series 4: Jack...

By Winter_Solstice02

2.7M 66.3K 3.1K

Gabriel is the love of my life. He is the kind of man any other women would dream of having. He is my knight... More

Jack, The Disc Jockey
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY

THIRTY FOUR

41.6K 1.2K 57
By Winter_Solstice02

Hindi Importante

Sa gilid ay nakasandal lamang ako at nakahalukipkip habang hinihintay ang pagdating ng doktor. We are all here inside the conference room ng hospital. Ang mga lalake ay panay ang lakad sa loob ng silid na ito. Ang mga babae, including Wendy ay nakaupo sa mahabang table na iyon. Lamang, nasa dulo ang babae at nag-iisa. Napayuko lang din ito. Gab is standing right next to me at panay ang tingin niya sa akin. Maya't maya din ang kanyang haplos sa aking braso.

Pinapunta kami lahat dito ng doktor ni Jack para maipaliwanag ang mga nangyayari. Jack is still under sedation.

"Julz, please say something." halos bulong lamang ang boses ni Gabriel.

I shook my head. I don't want to speak right now. Ni hindi ko nga alam kung may tinig pa bang lalabas sa aking lalamunan. Ang alam ko lang, masakit ito dahil sa walang patid ko na paghikbi. Kahit paano nga ay nahimasmasan na ako after ko makainom ng tubig na bigay kanina ni Elena.

"Julz." nag-angat ako ng tingin kay Emz. She's walking towards me at agad niya akong niyakap. "Everything will be alright. Don't think too much. Don't get upset. Alam kong hindi mo maiwasang hindi masaktan sa mga nangyayari pero nakiki-usap akong magpakatatag ka pa. Kaya mo yan, nandito lang kaming mga kaibigan mo sa tabi mo at hindi ka namin pababayaan."

I nod. "Thank you."

"Come. Let's sit. Baka mamaya niyan, mabuwal ka na lang dyan nang hindi namin namamalayan." hinila ako nito patungo sa kinalalagyan nila. Tumayo si Ysabel at pinaghila ako ng upuan. Malambing na hinaplos lamang nito ang likod ko at tipid na ngumiti.

Lumapit si Reid sa babae. Hinapit nito Ysabel sa baywang. "Gusto mo na bang magpahinga sweetheart? Makakasama sa'yo at sa baby natin ang magpuyat." there's concern in his voice.

The girl shook her head. "I'm fine, Anthony. Gusto kong marinig ang sasabihin ng doktor."

"Okay. Pero after this ihahatid na kita sa condo okay? And that's an order." he smiled at her.

Ngumuso si Ysabel at niyakap ang lalake. "Opo."

"Dude. In two weeks time, kasal nyo na." it was a statement from Ian.

Tumango si Reid. "Yeah." sabay hinilamos ng palad nito ang mukha. "Pero ayokong makasal nang hindi tayo kompleto."

Nakita ko ang pagsang-ayon sa mukha ni Ysabel. Nagsalita ako. "Reid, don't think of postponing your wedding. Sa tingin ko naman ay kaya na ni Jack umattend sa kasal nyo by that time."

"Na hindi kayo magkasundo at magkakilala? Ewan ko pero hindi ko gusto ang idea na para kayong stranger sa isa't isa. I mean, alam ko naman na hindi niya rin ako matandaan pero walang kaso sa akin yun. Pero yung pati ikaw hindi niya makilala, I don't like it." puno ng pag-alala ang mababakas sa tinig ni Ysabel.

"Hintayin na lamang natin ang paliwanag ng doktor." singit ni James.

"Nagugutom ba kayo? Tatawag ako sa hotel para ipagluto tayo. After this, we can all go there and have some rest." ani ni Lawrence.

"Sorry pero hindi ako makakasama." nagsalita si Wendy na ikinagulat ko.

Nagtaas ng kilay si Vernonica sa kanya. "At sinong may sabi sa'yong imbitado ka? We're not even close. Duh."

Mabilis namang lumapit si Chris at hinagod ang balikat ni Veronica. "Wifey."

"Kalma pa ako sa lagay na ito, hubby. Chill ka lang."

Ngumuso lamang si Wendy at umirap kay Veronica.

Tumikhim si Ian. "Please do, dude. I'm famished. Langya, nakakagutom ang mga kaganapan ngayon." sagot ni Ian na umupo sa tabi ni Elena. Pinatong ang baba nito sa balikat nung huli at panay ang halik sa pisngi.

Mapait na ngumiti ako habang nakamasid sa kanila. Parang nung sang araw lang, ang lambing din ni Jack sa akin. Parang nung sang araw lang, nararamdaman ko pa ang init ng yakap at halik niya sa akin. Halos umalingawngaw pa sa puso at diwa ko ang walang patid niyang bigkas ng 'I love you' habang inaangkin niya ako.

But that Jack is gone now. He couldn't even recognized me anymore. And I don't know kung makakabalik pa ba ang Jack na iyon.

Bumukas ang pinto at pumasok ang doktor na may hawak na file sa kanyang kamay.

"Please have a seat, everyone." utos nito at tumalima naman kaming lahat.

Lahat kami ay nakatutok sa doktor na ngayon ay nakatayo sa aming harapan.

"Retrograde Amnesia is a loss of memory-access to events that occurred, or information that was learned, before an injury or the onset of a disease. Sa kaso ni Jack, nakuha niya ito sanhi ng pagkakauntog ng kanyang ulo nung naaksidente ito. Retrograde is usually temporary, could be partial or total loss of memory. But then in Jack's case, it's a partial loss. He can still remember the happenings from his past. But sadly, he has lost his recent memory." paliwanag ng doktor.

"Please explain further, doc." ani ni Gabriel.

The doctor sighed. "Well, ang naalala lamang niya ay ang mga nangyari years ago. Natatandaan niya kayo." he's pointing his fingers at the boys. "When was the time you first met?"

Tumikhim si Lawrence. "I think five or six years ago, doc."

"I see. Bukod sa inyo, ay natatandaan ka rin niya." he's looking at Vernonica.

Vernonica nodded. "Yes, doc. Sa aming lahat na babae, ako lang ang nakilala niya. Maybe because mas una kong nakilala si Jack five years ago kesa sa kanila."

Tumango ang doktor. "And you Miss? Natatandaan ka rin ng pasyente." he's referring to Wendy.

Tumingin sa amin si Wendy. Pinaikot nito ang kanyang titig sa amin bago nagsalita. "Uhm. Yeah. Ang tingin ko'y ang natatandaan niya lang ay nung panahon na magnobyo pa kami. I was still in college that time. That was barely four years ago, I think."

"So that explains everything. He lost his recent years kaya hindi nya kayo maalala." ang tinutukoy ng doktor ay kami nila Emz, Elena at Ysabel. Kami lamang kasi ang hindi matandaan ni Jack.

"Walang kaso sa amin doc kung hindi kami maalala ni Jack, pero paano po si Julianne? Siya ang girlfriend nito. She's the love of his life! And not her." bulalas ni Elena sabay nguso kay Wendy.

The doctor sighed. "Wala na akong magagawa pa sa bagay na yan, Hija."

"Maibabalik pa ba natin ang mga alaala niya doc?" Gabriel questioned.

"Amnesia could be temporary or not. May posibilidad na makakaalala siya ulit o hindi na. Pero huwag tayong mawalan ng pag-asa. Sa ngayon, he needs your full support. Pwede nyong ipapaalala sa kanya ang mga bagay bagay ngunit huwag ninyo siyang bibiglain. Baka pilitin ng pasyente na makaalala agad at mapapasama pa lalo ito sa kanyang kalagayan. Do it slowly and gradually. Iwasan natin ang maguluhan siya sa dami ng impormasyong ihahain ninyo. Hangga't maaari, hindi siya pwdeng mapressure at mastress. Hindi rin siya dapat ma-upset. Ipakita nyo sa kanya na importante pa rin siya sa buhay nyo at hindi kabawasan ang hindi niya pagkakakilala sa inyo. Normal lang din ang panaka-nakang pananakit ng kanyang ulo kaya huwag kayong mabahala kung makaramdam siya niyon."

Halos sabay na nagtanguan ang lahat. Samantalang ako ay nanlulumo lamang sa aking kinauupuan.

"Salamat po doctor." rinig kong bigkas ni Gabriel.

"Walang anuman. If you have questions, you can visit me anytime. The patient will be released three days from now. Pwedeng sa bahay na lamang niya siya magpagaling. But I will set the date kung kailan ulit ang kanyang next check-ups."

"We understand, doc. Salamat po ulit."

"If you'll excuse me. I still have some rounds to do." huling salita ng doctor bago iyon lumabas ng conference room.

Tahimik ang paligid. Ni isa ata ay walang may gustong umimik. Tunog ng upuan ang nagpabaling sa akin doon. Tumayo si Wendy at sinabit ang bag sa kanyang balikat.

"Mauuna na ako sa inyo. May gagawin pa akong mahalaga." nag-umpisa itong maglakad at nilagpasan kami.

Ngunit bago pa ito makalabas ay tinawag ko siya. She stop from leaving at nilingon ako. Her face seems questioning me.

"May sasabihin ka?"

I stood up at lumapit sa kanyang kinatatayuan. I took a sharp breath. "May itatanong ako sa'yo."

"Shoot." wika nito sabay humalukipkip.

"If Jack asked you to stay with him, are you going to do it?" mababang tono na tanong ko.

Wendy bit her lower lip at sumulyap sa mga taong nasa likod ko. "Well, If you need an honest answer, then yes. I would love to stay by his side. Kung ako ay kailangan niya, bakit ko ipagkakait ang sarili ko sa kanya kung alam ko naman na kailangan ko rin siya."

"Bitch." Vernonica's voice is on point.

Wendy rolled her eyes. "Look Julianne. Narinig mo naman ang sinabi ng doctor, di ba. Hangga't maaari, ibigay natin kung ano ang gusto ni Jack. Kung iyon ang makakabuti sa kanya, sino tayo para hindi ibigay iyon? If we really want him to gain his memory back, then I guess, kailangang balikan ang kahapon para maalala niya ang kasalukuyan."

"Huwag kang assuming, Wendy. Wala kayong kahapon. You were not his past. Kung mayroon man kayong kahapon iyon ay ang pagiging FuBu ninyo. Please, as if hindi ko alam ang mga bagay na iyan noon." lumapit si Vernonica at agad na inakbayan ako.

"Vernonica, huwag mong kaligtaan ang parteng minahal niya rin ako noon---"

"Oh yeah. Ofcourse, that part when you chose to dump him para sundin ang nais ng magulang mo dahil sa takot mong mawalan ng mana. Where in fact, doble ang yaman ni Jack kesa sa pamilya mo. But ofcourse, hindi mo yun nalaman dahil low profile lang naman kasi ito noon. Hindi showy na tao si Jack. Ang laki siguro ng sisi mo noh? Kaya ngayon gusto mong gamitin ang pagkakataong may amnesia yung tao at hindi niya maaalala kung sino ang tunay niyang mahal." panunuya pa ni Vernonica.

Wendy wrinkled her pretty nose. "Pwede ba Veronica. Hindi ako ganun kasamang tao. Alam ko naman na hindi ako mahal ni Jack. Kung minahal niya man ako noon, hindi iyon katulad ng pagmamahal niya kay Julianne. Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa kanya. Pero kung ako ang kailangan niya, wala akong magagawa. Mananatili ako sa tabi niya hangga't kailangan niya ako."

"Mahal mo ba siya?" tanong ko.

She was caught off-guard. Nanatili ang titig niya sa akin at halos hindi ito kumukurap.

"I don't remember a time I did not love him, Julianne. And yes, nagsisi akong nakipaghiwalay ako sa kanya noon. But I have pride. Ayokong malaman niyang mahal ko pa rin siya hanggang ngayon dahil takot akong masumbatan niya. At hindi ako selfish na tao, I can see he loves you so much. Bakit ko pahihirapan ang sarili ko kung alam kong walang kakahantungan ang pagmamahal ko sa kanya?"

"Kaya kontento ka na sa kung ano ang mayroon kayo ngayon?"

She scoffed. "Well, he's very good in bed pero natigil na ang relasyon naming iyon months ago mula nang dumating ka sa buhay niya. At masasabi kong mas naging matibay ang relasyon namin bilang magkaibigan. Dahil mas nabigyan namin ng chance ang isa't isa na makilala pa ng lubusan. Pero huwag kang mag-alala, hindi ako mang-aagaw. Hindi ko pag-aari si Jack. Pero kung hinihingi ng pagkakataong ariin ko siya, gagawin ko kung sa ikakasiya niya." Niligid niya ang kanyang tingin sa aming lahat. "I need to get going. Pakibalitaan ako kung anong kaganapan dito." she shrugged her shoulders off at lumabas nang tuluyan sa pinto.

"Alam mo, huwag mo munang intindihin ang sinabi ng babaeng iyon Julz. Ang mabuti pa ay lumabas muna tayo, kumain at magpahinga." wika ni Elena.

"Oo nga Julianne. Umuwi na muna kayong lahat. Ako na muna ang maiiwan dito. Sa makalawa ay darating si Tiya Leonora mula Bukidnon. May tagahalili na tayo sa pagbabantay kay kuya kahit paano." segunda ni Gabriel.

Bumuntong-hininga ako. "Hindi ko ipagdadamot si Jack kay Wendy. Kung siya ang kailangan niya ngayon, magpaparaya ako."

"My gad. Sabi nang huwag na muna nating pag-usapan ang bagay na yan eh. Malay mo naman paggising ni Jack bumalik na memorya niya. Oh Edi ang saya-saya." pumalakpak pa si Vernonica na tinawanan ng kanyang asawang si Chris.

Katok sa pinto ang nagpabaling sa amin doon. Sumungaw ang ulo ng nurse. "Excuse me po. Pero gising na ang pasyente. Hinahanap niya kayo. Pero bilin po ng doktor, hindi po kayo pwdeng magtagal. Matatapos na po kasi ang visiting hours. Kamag-anak lang po ng pasyente ang pwedeng maiwan."

Tumalon ang puso ko pagkasabi ng nurse na gising na si Jack. Nasa pinto pa lang ito ay hindi ko na magawang mag-excuse sa kanya at agad na dumaan doon. Gusto kong makita si Jack. Gusto kong malaman kung kumusta na ang kanyang pakiramdam.

Alam kong nakasunod silang lahat sa akin. Ngunit alam ko ring sinadya nilang huwag sumabay sa akin para mauna akong makapasok sa kwarto ni Jack. They're giving us a moment.

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago ko pinihit ang seradura at tinulak ng marahan ang pinto pabukas.

Nadatnan ko itong nakasandal sa headrest ng kanyang kama at hawak nito ang remote control ng tv. Hindi ako nito napansin dahil tutok na tutok ito sa palabas.

I cleared my throat. "Hi."

He peeks at me at bahagya pang nagulat. "Hello. Bakit nandito ka?"

I discreetly bit my lower lip para hindi halatang nanginginig ako sa kaba. Pakiramdam ko talaga ay estranghero kami sa isa't isa.

"Gising ka na raw sabi ng nurse."

Kumunot ang noo nito. "Oo pero bakit ikaw ang nandito?"

"Uhm. Baka kasi kako may kailangan ka."

Dumaaan ang iritasyon sa kanyang mata at agad na sinaksak ang puso ko sa sakit. Pero ang sunod niyang sinabi ang nagpaguho sa mundo ko.

"May kailangan nga ako, ngunit hindi ikaw iyon. I need my girlfriend and I want her here. Where is Wendy? I told the nurse to call her, not you!" pasigaw na bigkas nito ngunit mabilis nitong sinapo ang ulo.

Umungol ito sa sakit na naramdaman at kahit nasaktan ako sa sinabi niya ay lakas-loob akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

Hindi ito pumiglas sa pagkakayakap ko sa kanya, bagkus ay mas lalo pa nitong ibinaon ang mukha sa dibdib ko. Hinagod hagod ko ang kanyang ulo at likod.

"My head hurts....it hurts like hell." he uttered.

"Sabi ng doktor, normal lang daw na makaramdam ka ng pananakit ng ulo. Just don't stress yourself too much, Jack." patago kong pinahiran ang mga luhang nag-uunahan sa aking pisngi.

"I need Wendy. I need her......." he whispered.

Napapikit ako at naitikom ang bibig.

Pero ako ang kailangan mo, Jack. Ako ang mahal mo.

"Gusto mo bang pabalikin ko siya dito?"

"Please do. Please......" he beg.

"You don't want me here?" kahit alam ko na ang sagot, umaasa pa rin akong ibang salita ang mamutawi sa kanyang bibig.

"I don't know you. Si Wendy lang ang kailangan ko."

"Naiintindihan ko. Lalabas muna ako para tawagan siya." lumayo ito sa akin pero hawak pa rin nito ang kanyang ulo. "Masakit pa ba?"

"Nawawala na. Julianne. Julianne ang pangalan mo di ba?" sumandal ito ulit sa headrest. Inabutan ko ito ng tissue para punasan ang kanyang noong namamawis.

"Aubrey. Aubrey Julianne ang pangalan ko."

Tinitigan niya akong maigi. He roamed his eyes through my face down to my shoulders to my arms and hands.

"You have a fine skin. Honey-colored skin. What an extraordinary beauty you have." Wala pa sa loob na sambit nito.

Gusto kong mangiti. Kanina lang, pinapaalis niya ako. Ngayon naman ay pinupuri niya ako.

"Alam mo bang yan din mismo ang mga salitang ginamit mo noong una tayong magkita?"

Nagtaas ito ng kilay. "Pero ang sabi mo ay personal assistant kita. I don't fuck with my employees kaya nakakatiyak akong wala tayong relasyon." diretsang pahayag nito.

Muntik pa akong masamid sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung anong idudutong ko. "Uhm. Yeah."

"Makakaalis ka na. Bigla akong inantok, Julianne. Gusto kong magpahinga." umayos ito ng higa.

Agad na tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kanyang hospital bed. "Jack, hindi mo ba talaga ako natatandaan?"

His face darkening. His pupils dilating. "What are you trying to say, Miss Julianne? Na nagkukunwari ako? Sa tingin mo ginusto ko ito? At bakit gusto mong matandaan kita, importante ka ba sa buhay ko?"

Napayuko ako as I pressed my lips together. "Magpahinga ka na." Tumalikod na ako sa kanya at dumiretso sa pinto.

"Bakit ayaw mo akong sagutin? Simple lang naman ang tanong ko. Sino ka ba sa buhay ko?"

Umiling ako sa kanya at malungkot na ngumiti. "Hindi ako importante sa buhay mo, Jack. Huwag ka nang mag-isip pa. Magpahinga ka na. I'll see you tomorrow."

Hindi ko na siya pinasagot at lumabas na ako sa kanyang silid. Sumandal ako sa pinto at humagulhol.

Gusto kong sabihin sa kanya na ako ang mahal niya. Pero ayokong mapaisip siya. Ayokong pilitin niya ang kanyang sariling alalahanin kung ano ang mayroon sa aming dalawa. Ayokong mabigla siya. Ipapaalala ko sa kanya ang lahat ng tungkol sa amin pag tuluyan na itong nakarecover sa aksidente.

Hindi muna ngayon. Hindi pa.









































Continue Reading

You'll Also Like

557K 9.3K 40
LOVER BOY SERIES: 1 His Student, Become His Sweetest Addiction. Date Start: June 12, 2021 Date Finish: November 18, 2021 Revised: April 7,2023
90.8K 5.5K 29
This is Fortress Island Series 2: Romano, Cant't We Try BOOK 2
116K 2.6K 33
Vandros Darrick Sandoval is an elite bachelor and finally found someone whos way younger than him. Is it history repeats it self? Or this is their Ve...