Deal Breaker (Published under...

swirlybitch

5.4M 96.2K 7.5K

Princess Nicole "Nick" Madrigal wants nothing more than to regain the independence that she lost noong nalama... Еще

Chapter 1: Goddamn Shoe
Chapter 2: Hala, Nas'an na?!
Chapter 3: By Hook Or By Crook
Chapter 4: Stiletto Heels, You Rock!
Chapter 5: I Should've Stayed
Chapter 6: Akala Ko
Chapter 7: Lesson No. 1
Chapter 8: Reconciliation
Chapter 9: Sweetest Instant Noodles Ever
Chapter 10: WDF?!
Chapter 12: The Sister I Never Had
Chapter 13: Love Sick
Chapter 14: I'm Sorry
Chapter 15: Third Wheel
Chapter 16: First Time In My Bed
Chapter 17: ABC Song
Chapter 18: Back Off
Chapter 19: Good Night Gone Bad
Chapter 20: I Lo-- Ano Daw?!
Chapter 21: He Left
Chapter 22: She Got Drunk, He Got Heartbroken
Chapter 23: I Just Can't Help It
Chapter 24: His
Chapter 25: Oh No
Chapter 26: The Truth.. It's Sad
Chapter 27: What Now?
Chapter 28: Ano Na Naman 'To?!
Chapter 29: What Really Happened
Chapter 30: Moves Like Jagger?
Chapter 31: Nasaan Na Ako?!
Chapter 32: The Meet
Chapter 33: All About Us
Chapter 34: Will You Take Me Away With You?
Chapter 35: Don't Say It, 'Coz You'll Definitely Break My Heart
Chapter 36: The Truth... It Sucks
Chapter 37: Only Him
Chapter 38: Bestfriends' Day. Yay!
Chapter 39: The Phone Call
Chapter 40: Love Me, Love Me, Say That You Love Me
Chapter 41: Boy Talk
Chapter 42: Versus
Chapter 43: Dreams
Chapter 44: This Is It
Chapter 45: Dealing With It
Chapter 46: Too Late?
Chapter 47: Tragic
Chapter 48: What About Love?
Chapter 49: Points Of View
Chapter 50: Let's End This From The Start, Shall We?
SIDE STORY - Shut Up Or I'll Kiss You
OTORS NOWT: LAST NA TO! HEHEHE.
The Story Behind THE STORY.

Chapter 11: Train Train Go Away

98.1K 1.9K 69
swirlybitch

Nakadating ako sa school ng maaga. Pagpasok ko sa loob, normal na eksena. Konti pa lang ang mga tao, tapos libro agad hawak nila.

Ang gaga-aga, aral agad! Tsk! Nakakadagdag sila sa stresses ko sa buhay.

"Goodmorning Nick!", sabi ng isa kong klasmeyt. Si Irene, ngumiti lang ako. Wala ako sa mood makipag-usap ngayong araw.

Umupo na ko sa upuan ko, which is kahit sa’n mo gusto. Or kung saan may bakante. Or kung walang upuan, kumuha ka ng sarili mong upuan.

Ganito talaga sa school na pinapasukan ko, pero sanayan lang naman eh.

Umupo ako malapit sa bintana, nakita ko na naman ang malungkot na langit. Nakikisabay din siya eh no.

Hindi ba pwede ako na lang muna, sa susunod ka na?

Tapos biglang nag-umpisa nang umambon. Parang sinasabi nang langit na, Ayoko nga! 

“Eh di ayaw mo! Pwe!”, sagot ko naman sa kanya.

Hindi ako baliw, naiinis lang ako ngayon. Sa sarili ko siguro, ganito talaga ako kapag badtrip.

"Nick!" Lumingon ako sa tumawag sa kin, pagtingin ko

What the?!! Kadami nang tao at ang ingay na din. Hindi ko man lang sila napansin na pumasok na lahat.

 "Sali ka sa min?” Si Angel pala yung tumatawag sa kin, isa din sa mga kaklase ko. 

"Ha? Wala ko sa mood eh." Ang sagot ko.

Heto na naman po sila. Laro. Pinoy Henyo. O kaya Show It. O kaya Draw It. Kahit ano basta trip nila. Masaya sana eh,

kaso wala talaga ako sa mood ngayon eh. Tsk.

"Sige na sali ka na." pilit sa’kin ni Angel.

Mapilit kang babae ka ah.

"Next time na lang." sagot ko sabay ngiti.

"Ok. Next time ah." Sabi niya at hindi na ulit ako ginulo at sa ibang lugar na lang humanap ng isa pang member.

Binalikan ko yung kalungkutan ko, nalulungkot kasi siya. wala siyang kasama eh. Winelcome naman niya ako.

"Ano kayang meron kay Nick?" sabi ng isa ko pang classmate.

"Hindi ko nga alam eh." sagot naman ng isa.

Akala ba nila hindi ko naririnig? O pinaparinig talaga nila sa kin? Pinili ko na lang na wag sila intindihin, puno ang utak ko sa mga kaisipan sa ngayon, wala akong panahon sa kanila.

Ilang minuto pa lang akong nag-iisip, nagmumuni-muni, binasag na muli ng isang sigaw ang aking kaisipan.

"Nanjan na si Sir!"

Si Cheska! Oo. Siya nga, siya lang naman mahilig sumigaw sa room eh.

Pagkatapos ng sigaw KAGULUHAN. Pagkatapos ng kaguluhan. KAAYUSAN.

Wow! Expert na talaga tong mga to.

"Nick dito!" Si Cheska, sumisigaw pa din siya. Tumabi na ako sa kanya, kasi kapag pinanganak kang swerteng kagaya ko, siya talaga ang katabi ko sa seating arrangement.

Dakilang parusa!


"OKAY CLASS DISMISS." Sabay kuha ng gamit at lakad palabas ng room ng huli naming professor ngayong araw. Sabay hikab, sabay inat. May nagkayayaan mag-mall, may tumanggi, may sumama. May sumigaw sa excitement.

Tapos na ang klase namin sa buong araw, at sa buong araw ine-expect kong dumating si Dominic sa room, tapos kunin ako sa kwarto. Kasi ganun siya, he thinks highly of himself, na para bang pag-aari niya mundo. Magagalit ako kunwari syempre, pero deep inside, matutuwa ako kasi nakita ko siya, kasi pinuntahan niya ko.

Kaso… wala eh. Kahit anino niya o kaya amoy man lang niya. WALA.

Badtrip! Galit nga siguro talaga siya sakin.

Lumabas na ko ng room na walang kinakausap na kahit na sino. Naramdaman ko ang dampi nang medyo basing hangin. Mas lumakas yung ulan ngayon. Narinig ko sa isa sa milyun-milyong conversation sa room na may bagyo daw. Tsk. Wala akong payong. Very. Nice.

Pagbaba ko mula sa 5th floor, nagtatalo ang isip ko kung susugod ba ko sa ulan o papahintuin ko muna o kaya magpapakapal ng mukha at makikisukob sa kahit na sino na lang.

"Nick!"

 Lumingon ako.

CHESKA.

Wow. Sa panahong gusto mo ng tahimik. Biglang binigay ni Lord si Cheska sa ‘kin. What A Day.

Lumapit siya sabay salita. "Wala ka bang payong Nick? gusto mo sukob na lang tayo?" Alok niya sa’kin habang nakangiti at nagliliparan yung buhok niya sa lakas na din nang hangin.

Sa totoo lang mabait talaga tong si Cheska. Kaso sa sobrang pagka-nice niya, minsan naiirita na ko. Ingay kasi talga eh.

“Hindi na lang. Papatilain ko na lang siguro yung ulan."

"Papatilain? Seryoso ka? Bagyo kaya yan. Buti sana kung LOW PRESSURE AREA lang."

Napatunganga na lang ako sa LPA statement niya,

"Halika na! Wag ka na mag-isip." sabay hatak sa braso ko. Binuksan niya yung payong niya, tapos sabay kaming naglakad palabas ng gate.

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nakangiti.

"Anong problema mo?” tanong ko.

"Anong problema ko?" tanong niya ulit.

"Bakit ka nakangiti?" inis kong tanong. 

"Ahh.. Wala lang. Masaya kaya. Hindi kaba natutuwa sa ulan?"

"Hindi. Anong nakakatuwa sa ulan?"

"Nababasa ka kahit ayaw mo. At wala kang ibang choice kundi enjoyin na lang." tapos may tinuro siyang mga couples na nakapayong, ati magkakabarkada. Tatlo sa isang payong o kaya lima pa.

"Tapos it brings people closer together.” sabi niya habang nakatingin sa’kin at nakangiti, at mas dumikit pa siya sa’kin.

Weird talaga. Badtrip kaya ang ulan. Utak baliktad talaga tong si Cheska.

Nakalabas na kami ng gate, at basa na ako. Salamat nga pala sa pagpapasukob ah. Gusto ko sanang sabihin. Pero ngumiti na lang ako. Grabe pa din yung lakas ng ulan. At kahit na ayaw ko, nakasukob pa din ako kay Cheska, at nagkukwento naman siya ngayon tungkol sa pet niya. Yan ay matapos niyang ikwento ang elementary, highschool at family life niya.

Not interested.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, then I saw him. Nasa labas siya ng kotse niya. Wearing the same shirt he's wearing this morning, but not wearing the same smile. Hindi siya nakapayong. Nakatayo lang siya dun. Sa tabi ng kotse niya. Waiting. He is waiting for someone. His face looks mad and sad at the same time.

"Dominic?" bulong ko.



"Ha?" sabi ni Cheska.

Hindi ko siya pinansin. Naglakad ako papalapit sa direksyon ni Dominic.

**TIIING! TIIIING! TIIIING!**

Damn! Bakit ngayon pa?!

**Honk! Honk!**TIIING! TIIIING! TIIIING!**

Binilisan ko pa yung lakad ko at basang basa na ko ng ulan. Pero wala akong pakialam. Kailangan kong mapuntahan si Dominic. Kailangan kong makalapit sa kanya bago pa tuluyang harangan ng tren yung daan ko.

"NICK!! Sa’n ka ba pupunta? Nababasa ka! Hindi masaya yan!"

Shut up Cheska! Salamat sa paying pero mas may importante akong dapat intindihin, so shut up please!

**Honk! Honk!**

Nung patawid na ako, pinigilan ako ng train officer. Binigyan niya ko ng tingin na nakakairita. Sinubukan ko pa din kung pwede pang tumawid. Pero… "Ano ba miss??! Magpapakamatay ka ba??"

 "Kundi ako papatay sa sarili ko, malamang siya ang pumatay sa kin."

Tapos tinuro ko kung nasaan si Dominic, sabay namang daan ng tren.

"Baliw ka na ba miss?"

 “Ikaw. baliw ka ba??!!" Ginagalit ako ni koya! Hindi mo dapat ginagalit ang babaeng desperado na, basa pa sa ulan. Hindi!

"Nick! ano ka ba? Bigla ka na lang sumugod sa ulan. Kung alam ko lang na gusto mo palang maligo sa ulan eh di sana sinamahan kita."

Hindi ko siya nilingon. Nakatingin pa din ako sa kung saan dapat ako pupunta. Bakit ba kasi parang mas mahaba yung tren ngayon. ang tagal nilang maubos.

 "Nick oh." May inabot na facetowel si cheska sa kin. Nasa tabi ko na siya ngayon at pinapayungan na niya ako ulit. And I'm still waiting for the train to end.

Продолжить чтение

Вам также понравится

Whatever: The Full Story (Taglish) Louisse

Подростковая литература

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...