Love, The Second Time Around

By HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... More

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 4: Some Unexpected Things
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 8: His Side
Chapter 9: Doomed
Chapter 10: Confrontation
Chapter 11: Their Setup
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 16: Losing It
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 19: One Sunday
Chapter 20: Together
Chapter 21: A Night of...
Chapter 22: One Step At A Time
Chapter 23: After All
Chapter 24: Parents
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 31: Well Enough
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 37: Yell
Chapter 38: Make It All Okay
Chapter 39: Rejection
Chapter 40: Sorry
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 44: Back
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 47: Yvette
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Chapter 50: Smile

Epilogue

17.9K 326 56
By HippityHoppityAzure

EPILOGUE


AFTER 12 YEARS

"AWW."

"Sorryyy!"

Mula sa sobrang panggigigil ay hinalikan ni Monic ang kanang kamay ng kanyang asawa. Nagmamaneho pa naman ito at pinagbigyan lang ang matindi niyang trip na hawakan at panggigilan ang isa nitong kamay. Eh kaso, hirap siyang kumontrol ng panggigigil kaya madalas, nasasaktan niya ito sa huli.

"Baby, mag-sorry ka rin sa daddy mo!" At dinikit niya ang kamay ni Marky sa malaki niyang tiyan. Kasalukuyan siyang nagdadalantao eh. Thirty weeks na, baby girl at-- "Uy, Gibson?!"

Nang makita ni Monic sa rear-view mirror si Gibson--ang apat na taong gulang na nilang anak--na kumakain ng isang piraso ng shanghai roll sa backseat ay kanya itong nilingunan.

"Uy, Kuya Gibs, bakit ka kumuha niyan?!" Patampo niyang sita sa anak.

Si Marky naman ay natawa at napailing. "Gibs, 'di ba sabi namin mamaya tayo ulit kakain? Pagkarating natin kay Tita Yvette?"

Ngumiti lang ang bata habang ngumunguya.

Napabuntung hininga si Monic. Napakatakaw talagang bata ni Gibson, kahit nung nasa sinapupunan pa lang niya ito. Nung pinagbubuntis nga niya ito ay naging triple ang lakas niya sa pagkain. Buti na lang, hindi siya tabain--na hindi naman namana ng kanyang anak. Dahil sa katakawan ay naging mabilog at siksik na bata si Gibson. Kaya medyo hinihigpitan na nila ito sa pagkain dahil natatakot sila na ma-overweight ito--or worse, maging obese.

"Sharap." Ngiting-ngiting sabi ni Gibson sabay sipsip sa hintuturo.

Hay, grabe!

"Kuya Gibs, stop that. Halika, punas ka na ng hands mo." Pinatayo ni Monic ang anak sa pagitan ng puwesto nila ni Marky at pinunasan ang mga daliri nito gamit ang tissue. "Malapit na tayo kay Tita Yvette. Huwag mo na galawin 'yung foods natin diyan, ha?"

"Opo." Ngiting-ngiti pa rin nitong sagot. But Monic doubted na susunod ito. Kahinaan kaya talaga nito ang pagkain! Makaamoy nga lang ito ng masarap... ay, nako.

Monic told Gibson to behave afterwards, at nag-stay put naman na ito sa backseat, ang hintuturo ay kagat-kagat habang nakatingin sa labas ng bintana. Binantayan na ito ni Monic ng tingin sa rear-view mirror. Mahirap na eh, at baka wala na silang pagkain mamaya pagkarating nila kay Yvette.

Gibson Añonuevo. Pangalawang anak na nila ito ni Marky--or pangatlo, counting Alannah in as their eldest.

Tuwing tinititigan ni Monic si Gibson, lagi na lang niyang naaalala ang pinaglihian niya noon habang pinagbubuntis niya ito. Malalaki at malalambot na unan. Madalas pa nga magtampo noon si Marky dahil mas gusto niyang kayakap ang mga unan na binili nila kaysa rito na kanyang asawa. Ayun naman ang naiisip niyang dahilan kung bakit naging tabain ang kanilang anak. Wala naman kasing tabain sa pamilya niya o sa pamilya ni Marky. Matakaw, meron pa--at siya na ang unang-una sa listahan. Pero tabain, wala talga.

Sa itsura, hati ang nakuha ni Gibson sa kanilang mag-asawa. Although a lot said na mas lamang ang namana nito kay Monic. Unlike Gabriel--ang una niyang anak kay Marky.

God, Gabriel Añonuevo.

Napailing si Monic nang isipin niya kung gaano kamukha ni Gabriel si Marky. Gabriel was already ten, at habang lumalaki ito ay lalo nitong nagiging kamukha ang ama. Pero 'yung attitude, sa kanya nakuha.

"Malayo pa po tayo kay Tita Yvette, Mommy?" Tanong ni Gibson na ikinatawa nilang mag-asawa. Grabe, hindi na talaga makapaghintay na kumain.

"Malapit na po." Sagot ni Monic sabay haplos sa malaking tiyan.

"Si Kuya Gab at si Ate Nah po nandoon na po kay Tita Yvette? Kumakain na po sila?"

Natawa na naman ang mag-asawa.

Bakit ba siya puro pagkain?!

"Gibs, wala pa do'n sina Ate." Si Marky ang sumagot sabay liko ng minamaneho.

Malapit na. Na-excite bigla si Monic, pero hindi kinalimutang sagutin din ang anak.

"Mamaya pa sila makakarating, Kuya Gibs. So don't worry, ikaw ang unang makakakain." At nakita niya sa rear-view mirror ang halos magningning na mga mata ng anak.

Nakangiti at umiiling-iling na chineck ni Monic ang kanyang cellphone. Walang text si Alannah. Hindi naman siya nag-aalala. Malaki na ito. 17 years old na at maalam na sa pagbibiyahe. Pinapasanay na nila ito sa ganon eh para hindi ito mahirapang mag-adjust kapag tumuntong na ng kolehiyo. At saka kasama naman nito ngayon si Gabriel.

Gabriel might be seven years younger than Alannah, but he was big enough to protect his sister. Likas din namang protective ito sa ate, as much as how Alannah was protective of him nung baby pa ito. Malapit ang dalawang iyon sa isa't isa eh, kaya madalas din itong isama ni Alannah sa mga pinupuntahan.

Si Gibson, malapit din naman kay Alannah. Pero sadya lang na mas malapit ito sa pagkain.

Napabuntung hininga at hawak muli sa tiyan si Monic.

Ito kayang pangatlong ipapanganak ko, anong klaseng Añonuevo paglaki? Sana naman, kasing bait na ni Alannah!

She smiled, thinking how Alannah remained a good girl eversince. Mabait, malambing, maalaga.

"Yeeey!"

Halos tumalon si Gibson sa backseat nang ihinto na ni Marky ang sasakyan sa tapat ng destinasyon nila.

"Gibs, hindi kain agad ha." Paalala ni Marky sa anak. "Tutulungan mo muna akong magbitbit ng foods natin."

"Yes, Daddy!"

Napangiti si Monic bago dali-daling bumaba ng sasakyan.

"Uy, mahal kong reyna! Dahan-dahan lang."

"He-he," tawa niya lang sa asawa, at saka tumalikod para lapitan na ang gate ng mausoleum.

The keys were with her, so siya na ang nagbukas no'n at dumiretso ng pasok sa loob.

"Hi, Yvette! Happy birthday!" Bati niya sa kanyang matalik na kaibigan habang nakatingin sa litrato nitong nakapatong sa tapat ng pinaglagakan ng abo nito. Lumapit siya roon at tinanggalan ng unting alikabok ang gilid nung picture frame.

Ang litrato ni Yvette doon ay kinuhanan nung may sakit na ito. Wala nag buhok, pero naka-turban at nakangiti. And as always, Monic found her best friend beautiful.

"Kamusta na, Yvette?" Halos pabulong na niyang tanong dito. "Sorry pala wala si Tita Malou ngayon. Nasa Batangas eh. At si Alannah, bumili ng cake kasama si Gab. Oh, and mamaya... Sana matuwa ka sa surpresa niya."

Napangiti nang malapad si Monic nang maisip niya ang plano ni Alannah sa araw na iyon.

"Hi, Yvette." Si Marky, lumapit kay Monic nang may dalang monoblock chair. "Ito na ang best friend mo. Pagsabihan mo na huwag masyadong maglikot. Kung kumilos minsan parang hindi buntis eh."

Sinimangutan ni Monic ang asawa. "Bakit mo ako sinusumbong?"

Natawa si Marky. "Nag-aalala lang po ako sa'yo at sa bunso natin." Sabay halik sa noo niya habang nakahawak ang isang kamay sa kanyang tiyan. "Upo ka na dito."

Pigil ang ngiti ni Monic nung umupo siya sa monoblock chair na dinala ng kanyang asawa, na umalis din agad para kunin na sa sasakyan ang mga binaon nilang pagkain. Gibson was helping Marky carry the foods, which made her chuckle.

Everything for food, huh Gibson?

At hinimas niya ang kanyang tiyan. Parang nagugutom na sila ng baby na nasa sinapupunan niya.

Nang balikan niya ng tingin si Yvette ay saka lang niya napansin ang isa pang litrato na nasa katabi nitong chamber. Litrato ng matagal nang yumao na tatay ni Marky.

"Hi nga rin po pala, Papa." Nahihiya niyang bati na para bang nakikita nga siya nito.

Then Monic looked around. Naka-railing na may grills ang mausoleum ng pamilya ni Marky kaya naman tumatagos ang hangin mula sa labas. Malinis din, dahil kahapon ay nagpunta na roon ang kanyang asawa upang maglinis at dalhin ang mesa't mga silyang gagamitin nila.

Napangiti naman siya nang makita ang mag-ama na kung hindi sabay ay magkasunod na lumalabas-pasok dahil sa mga pagkaing inaayos. Mukhang nag-e-enjoy ang mga ito sa ginagawa, na ikinaka-enjoy naman niyang mapanood.

Ang bilis lumipas ng panahon... Isip niya sabay balik ng tingin sa litrato ni Yvette. Parang kailan lang nung nagpunta siya sa lugar na iyon nang may matinding kalungkutan sa puso niya. Ang araw na iyon, nung dalhin nila roon ang mga abo ni Yvette.

Siyam na taon na mula nang pumanaw si Yvette, dahil pa rin sa sakit nitong leukemia. Bumalik kasi ang sakit nito, dalawang taon matapos nitong gumaling--only a few weeks after she gave birth to Gabriel. At sa pagkakataong iyon ay hindi na nito kinayang labanan ang sakit nito. They did everything, pero wala na talaga. Tanggap naman ni Yvette ang naging kalagayan ng sarili, at paulit-ulit pinapaalala sa kanya na wala siya dapat ikalungkot sa magiging pagkawala nito.

Sulit ang binigay mong pangalawang pagkakataon sa akin, Nix, kahit tatlong taon na lang ang itinagal ko mula noon. Sulit na sulit kasama kayo. Kaya masaya akong mawawala. Kaya ikaw, dapat masaya ka rin para sa akin.

Napangiti si Monic nang alalahanin niya ang huling mga salita na binitawan sa kanya ng matalik niyang kaibigan. Gabi iyon bago ito natulog kasama si Alannah. Yvette had her very last breath and spent her remaining strength hugging her daughter in their sleep.

Masakit pa rin para kay Monic ang nangyari, pero natutunan niya ring maging masaya. At least, 'di ba, hindi na ito nahihirapan. Wala na itong sakit na nararamdaman. Masaya na itong pinapanood sila mula sa langit.

"Mommy, ahhh!" Bigla siyang nilapitan ni Gibson at aktong susubuan ng hotdog na naka-stick.

"Oh, Nix, bakit ka umiiyak?!" Halos mag-panic si Marky nang makita na may luhang tumulo mula sa mga mata niya.

"Mommy..." Nalungkot na natakot ang itsura ni Gibson na nakahawak sa kandungan niya.

"Hala, okay lang ako." Natatawa niyang pinunasan ang luhang iniyak niya. Tinulungan naman siya ng asawa niya.

"Tatawanan ka ni Yvette kung nakikita ka lang niyang ganyan ngayon." Asar nito sa kanya.

"Alam ko!" Sumimangot siya. "Hindi ko lang makontrol damdamin ko ngayon eh."

Tinawanan siya ni Marky at niyakap ang kanyang ulo.

"Huwag na iyak, Mommy!" Niyakap din siya ni Gibson--siya at ang kapatid nitong nasa loob ng tiyan niya. "Hindi ko po uubusin 'yung foods. Mas marami po 'yung titira ko para sa'yo at para kay baby!"

Natawa na naman silang mag-asawa.

Pagkain pa rin hanggang ngayon!

"Hay, Gibson!" Bumitaw na sa kanya si Marky at binuhat ang anak nila. "Ugh! Ang bigat! Mas mabigat ka pa sa mommy mo at bunsong kapatid na pinagsama!"

Bumungisngis lang si Gibson sabay kain sa hotdog-on-stick na hawak.

Now, Monic felt nothing else but extreme happiness, being with her husband whose love for her never faltered--only grew stronger. And of course, with their kids.

"Daddy." That was their eldest son, Gabriel, na kakarating lang. Medyo nakasimangot itong pumasok ng mausoleum, may bitbit na box ng cake.

"Kuyaaa!" Sigaw ni Gibson.

"Ate mo?" Tanong naman ni Marky.

Ngumuso lang sa likuran si Gabriel.

Tumingin silang mag-asawa sa may gate, nag-aabang, hanggang sa makita na nila si Alannah. Nakangiti ito--as always, at kitang-kita ang kagandahang namana sa ina--minus the malditang aura.

"Prinse--" Tatawagin sana ito ni Marky, pero natigilan nang makita nila na may kasama pala ito. Isang lalaki na may hawak na dalawang maliit na bouquet ng bulaklak.

Mukhang ka-edaran lang ni Alannah 'yung lalaki. Pero alam naman ni Monic na kaklase nito ang binata--at higit pa.

"Daddy, Mommy," masayang simula ni Alannah pagkapasok nito at ng kasama sa loob. Mommy na rin siya tawagin nito eh.

All of their eyes were at Alannah and the guy, na hinawakan ng dalaga sa isang braso bago nagpatuloy sa sasabihin.

"Manliligaw ko po. Si Andy."

Monic happily and excitedly smiled, then stared up at her husband's devastated reaction.

And so it begins.

----END----

FINAL A's NOTE:

Alannah's story - "Love Me, Baby" (link: http://www.wattpad.com/166335732 )

Sorry, bitin at maiksi ang Epiligue. Hanggang diyan lang talaga 'yan. Abangan niyo na lang sa LMB yung sunod na mangyayari. :)

To all LTSTA readers naman who made it up to this point, thank you very much! Votes and ALL comments are read and very much appreciated. Thank you, thank you. :)

Sa mga umasa/umaasa naman na hindi talaga anak ni Marky si Alannah, sorry, pero anak niya talaga ang bata. Yes, I understand na "hindi ganon ka-okay" ma-end up sa lalaking "may sabit"(or the other way around), but hey, not all love story has to be "that" perfect na tipong dapat kay "the one" lang magkaanak ang isang tao. 'Di ba? O hindi rin? Hehe :)

Ayun. I hope na kahit papaano, may lesson kayong napulot sa story na ito. :)

Again, thank you very much sa sumubaybay dito sa LTSTA! :) Hope to see you on LMB, too! :)

-Azure

Continue Reading

You'll Also Like

238K 4.8K 49
Sapphira is a sophisticated and carefree woman but, commitment is her greatest weakness. She rather choose to be single for the rest of her life than...
2M 40.6K 33
(Finished) You're 19. He's 28. What's really the deal of having a relationship with an older guy? Unless it didn't start with a simple relationship...
7.5M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
523K 13.6K 27
VERDANAH D'CRUZE accidentally got herself in a one night stand with a stranger and the guy wanted to MARRY HER. Naloka siya nang bongga! Paano siya m...