Chapter 27: Bitter Thought

9.1K 222 11
                                    

#LTSTA collage on the multimedia ↑↑↑ made by @__ForeverOrange__

Again, thank you very much, Orange!(Orange talaga? Haha) <3 :)

——

Chapter 27: Bitter Thought

"MORE PA PO, Mommy!"

            "Hinay-hinay lang, anak. Tignan mo, ang dumi-dumi na ng mukha mo oh? At saka hindi mo pa nauubos 'yang nasa cone mo."

            Nakatitig si Marky sa anak niya at kay Yvette na parehong nakaupo sa sahig at nakapuwesto sa center table kung saan may half-gallon tub ng chocolate ice cream at isang pack ng apa na binili ng mga ito. Siya naman ay nakaupo sa sofa, ang parehong siko ay nakapatong sa magkabila niyang tuhod, at nakapangalong-baba gamit ang isang kamay.

            "Si Nix, Marky? Hindi ba siya bababa?" Tanong ni Yvette habang pinupunasan ang dumi sa mukha ng kanilang anak gamit ang tissue. "Sayang naman 'tong binili kong ice cream."

            "Uhh, hindi yata." Sagot niya. "Sabi niya kanina matutulog daw muna siya eh. Ang aga niya kasi nagising."

            That was a lie. Ang totoo ay pinili talaga ni Monic na manatili muna sa kuwarto nito para bigyan siya ng pagkakataong makausap na si Yvette. And he actually preferred it, dealing one of them at a time. Nahihirapan kasi siyang i-handle ang sitwasyon na magkasama sina Monic at Yvette. Civil nga ang mga ito sa isa't isa, pero naroon pa rin ang tensyon sa pagitan ng mga ito eh. Tensyon na ikinakabahala niyang lumala.

            "Baka naman nag-away kayo dahil sa akin ha?" Suspetya ni Yvette nang nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa kanya.

            "Hindi ah." Depensa niya agad. "Wala namang sapat na dahilan para pag-awayan ka namin."

            "Talaga..." Tumingin sa malayo si Yvette, ang mga labi ay halos ngumuso. "Pero... halatang galit pa rin si Monic sa akin."

            Hindi na makasagot si Marky. Totoong galit pa rin dito ang kanyang nobya, pero hindi niya iyon magawang aminin.

            "Subukan mo kaya siyang kausapin, Yvette." Suhestiyon na lang ni Marky. "Kami, nag-usap lang kami nang masinsinan kaya nagkaayos kami. Kayo rin malamang, magkakaayos din kayo kung magkakausap kayo."

            Tipid lang na ngumiti si Yvette at tinitigan si Alannah.

            "Oo nga pala, Marky. 'Yung tungkol pala sa pagkuha ko kay Alannah... hindi ka naman siguro tatanggi, 'di ba?" Tinignan na siya nito at alam niya, pinapahiwatig nito na may karapatan itong kunin at alagaang mag-isa si Alannah.

            Nagbuntung-hininga si Marky at pinagdikit ang kanyang mga kamay sa tapat ng kanyang bibig.

            "Yvette... puwedeng doon natin 'yan pag-usapan sa kainan?"

            Saglit tinitigan ni Yvette ang anak nila bago tumango. "Sige..."

            Parehas nilang binilinan si Alannah na manatili lang muna roon sa sala habang kumakain ng ice cream at nanonood ng TV. Masaya naman itong umoo bago sila nagpuntang kainan at magkaharap ng umupo sa lamesa. Pero hindi magawang simulan agad ni Marky ang pag-uusap nila.

            "Ano na, Marky?" Si Yvette ang unang nagsalita matapos ang saglit nilang pananahimik.

            Napabuntung hininga ulit si Marky. Dapat ay didiretsahin na niya ito tungkol sa planong binahagi sa kanya kanina ni Monic—plano na nung umpisa ay pinag-alinlanganan niya pa pero nang marinig nang buo ang paliwanag ng kanyang nobya, ay nagawa rin niyang tanggapin at ikatuwa. Kaso... hindi na niya kayang kontrolin pa ang pagtataka at pagdududang nararamdaman niya ngayon sa ina ng kanyang anak.

Love, The Second Time AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon