Chapter 5: Her Future

15.9K 370 16
                                    

Chapter 5: Her Future

“MAGANDANG GABI PO, Ma’am Monic,” bati kay Monic ng mayordama nilang si Berta, pagkauwi niya.

                Nginitian niya ito at inabot ang mga bitbit niyang mga paper bag. “Paki-akyat na lang po ang mga ‘to sa kuwarto ko.”

                “Sige po,” inayos ng mayordama sa mga braso nito ang mga paper bag. “Nasa kainan na nga po pala sina Senyora.”

                “Mm, okay. Salamat po.” At dumiretso na si Monic sa kainan ng tahanan nila.

                Doon, naabutan niya ang kanyang ama na nakaupo sa dulo ng table. Sa kaliwa naman nito ay nakapuwesto ang kanyang ina. At parehas nang kumakain ang mga ito.

                The old couple had this look na masyadong kagalang-galang. Sa pananamit nila, halatang-halata na mataas ang estado nila sa buhay.

                “Mom, Dad.” Monic called them with her brightest smile.

                Tinignan naman siya ng mga ito. Her mom with a half-smile, and her dad—well, as always, tinignan lang siya nito nang seryoso.

                “Come here, Monic. Eat with us.” Sabi ng kanyang ina.

                She nodded. Pero bago siya umupo ay hinalikan niya muna ang mga magulang niya sa pisngi.

                Pagkaupo niya ay mabilis siyang hinainan ng isa sa mga katulong. Main course agad.

                Dapat, busog na siya. But she felt hungry again. Siguro gusto lang talaga niyang makasabay ulit sa pagkain ang mga magulang niya.

                Tahimik lang silang kumakain, like the usual. At sa mga ganung pagkakataon, hindi maiwasang mainggit ni Monic sa ibang pamilya.

                ‘Yung ibang pamilya, masayang nagkukuwentuhan habang kumakain. Naroon ang tinatawag na bonding at closeness sa mga miyembro nito. Pero sa kanila? Walang ganun. Nararamdaman lang niya na pareho ng dugo niya ang dumadaloy sa mga magulang niya. Pero closeness? Wala talaga. Her parents might be sitting just a few feet away from her, but she always felt like they were miles away.

                Monic bit her lower lip at that thought. Naaawa siya sa sarili niya sa pagkakaroon ng ganung pamilya. Pero anong magagawa niya? Ito ang pamilyang binigay ng Diyos sa kanya. She had no other choice but to live with it.

                “By the way, Monic,” nagpunas ng bibig ang kanyang ina gamit ang table napkin. Na-tense naman siya sa biglang pagsalita nito. “Umuwi kami ngayon dito para kausapin ka about a... well, a very important matter.”

                Uminom siya ng tubig at nagpunas ng bibig bago sumagot. “What is it, Mom?”

                Her dad sipped water and wiped his mouth with a table napkin, just like what she just did. “Going straight to the point, Monic. We are already choosing a man for you to marry.”

                Napanganga siya.

                “Monic,” her mom softly called. “You see, 26 ka na. And you never had any more relationship after what you had with—”

                “Stop.” Mahina pero mariin niyang pigil sa kanyang ina who was just about to say Marky’s name.

                Mukhang natauhan naman ito. “Ah, yes. Sorry, dear. But, listen to this. ‘Yung mga lalaking pinagpipilian namin ng tatay mo, they are much better than that guy.”

Love, The Second Time AroundWhere stories live. Discover now