Chapter 9: Doomed

13.4K 316 11
                                    

Chapter 9: Doomed

GRADUATION DAY OF Little Ones Nursery School soon came. Ang kukyut lang ng mga bata na naka-toga. Nawala tuloy bigla ang stress na nararamdaman ni Monic dahil sa pinagdaraanang problema.

            Napapangiti siya sa tuwing napapansin ang pagka-walang malay ng mga bata sa nagaganap. Buti na nga lang sumusunod ang mga ito sa mga instructions nila at naaalala pa ang ilan sa mga pinagpraktisan nila kahapon—mula sa pag-upo, pagpila, pag-akyat ng stage at pagtanggap ng diploma. Maayos tuloy na natapos ang buong event.

            “Teacher Niiix!” Mabagal at papataas ang boses na tawag ng isang batang lalaki kay Monic. It was Gary, ang pinaka-makulit niyang estudyante, na ngayon ay nag-aabot ng isang stem ng rose sa kanya. “Thank you po for teaching, and for, and for taking good care of meee!”

            Natatawang tinanggap ni Monic ang bulaklak at saka pinanggigilang yakapin ang bata. “Thank you rin, Gary! Nako, mag-behave ka na sa magiging new school mo ah? Bawal na kasi talaga ang makukulit na kids doon.”

            “Yes po, Teacher Nix! Promise ako na magbe-behave na po!”

            Natawa lang ulit si Monic, at saka pinagbigyan ang request ng mommy ni Gary na makuhanan sila ng litrato. Bukod kay Gary ay may iba pa siyang estudyante na lumapit sa kanya para magpaalam, magpasalamat at magpakuha rin ng litrato for remembrance.

            Nangingilid na ang luha sa mga mata ni Monic dahil sa ginagawang pamamaalam ng mga estudyante niya. And she hated it. Always. Every year. Ang sakit kasi talaga mapahiwalay sa mga bata na matagal na niyang nakasama.

            Hindi ako dapat malungkot! Dapat masaya ako para sa kanila! Paulit-ulit niyang paalala sa sarili habang pilit na nginingitian ang bawat bata at magulang na lumalapit sa kanya.

            “Teacher Niiix!” May bata na namang sumigaw sa pangalan niya. This time, boses ng isang batang babae. Nang hanapin niya kung sino iyon, nakita niya na si Alannah lang pala. Magiliw itong tumatakbo habang nakasunod sa likuran ang ama nitong si Marky na may DSLR camera na dala.

            Naalala bigla ni Monic ang baked macaroni na binigay ni Marky sa kanila ni Teacher Riz two days ago. Sa pag-alala niya roon ay nakaramdam siya ng pagkailang. Alam niyang alam ni Marky na paborito niya iyon. Madalas pa nga nila iyon kainin dati sa isang fast food resto nung sila pa. Hindi niya tuloy lubusang maisip kung nanunudyo ba ito tungkol sa nakaraan nila o ano.

            She was feeling bitter, thinking na si Marky ang dahilan ng problema niya ngayon. Bakit ba kasi bumalik pa ito sa buhay niya? Naging magulo tuloy ang ilang bagay sa kanya—ang damdamin niya, at nadamay pa pati ang pamumuhay niya.

            “Teacher Nix!” Todong naka-ngiti si Alannah nang makalapit ito sa kanya. Napangiti rin tuloy siya sa kabila ng pait na nararamdaman. Napakagandang bata naman kasi talaga ni Alannah. Tapos may suot pa itong medal.

            “Uy,  Alannah. Congrats sa pagiging second honor mo.” Pinat niya ito sa ulo. “Keep it up, ah?”

            Tumango-tango ang bata.

            “Nix,” tawag bigla ni Marky. “Puwede ko kayo kuhanan ng picture?”

            “H-huh? Nako, huwag na Marky. Makita pa ni Yvette ‘yan.” Bitter siyang natawa.

            Speaking of Yvette, hindi nga ito dumalo sa graduation ng anak na hindi niya alam kung ikakainis niya ba o ikakatuwa. Nakakainis kasi naaawa siya sa bata. At nakakatuwa rin kasi hindi na niya kinailangang kaharapin ito na ayaw na niyang mangyari pa.

Love, The Second Time AroundOnde as histórias ganham vida. Descobre agora