Chapter 19: One Sunday

13K 303 29
                                    

Chapter 19: One Sunday

7AM, NAGISING AT bumangon na si Monic kahit ayaw niya pa sana. Antok pa siya, eh. Paano ba naman, napuyat siya kakaisip sa mga bagay na ayaw na sana niyang isipin pero patuloy na gumugulo sa utak niya. Lagi na lang nitong laman si Marky, si Marky, at si Marky.

            Oh damn it. Malapit na yata akong mabaliw. Isip niya habang nagsisipilyo at nakatitig sa repleksyon ng antok at stressed niyang mukha.

            Pagkatapos maghilamos, bumaba na siya, hindi lang para mag-almusal kundi para tulungan din ang ina ni Marky sa paghahanda ng pagkain kagaya ng kinasanayan na niya roon.

            Then she got excited. Sunday ngayon, eh. Baka sabayan ulit siya ng mag-lola na magsimba.

            “Good morning, Tita Nix!” Masayang bati sa kanya ni Alannah na nakatayo sa upuan nito. Mukhang handa na itong kumain dahil sa hawak nitong kutsara at tinidor.

            Aba...

            “Good morning din.” Namamanghang balik-bati niya sa bata. Mula kasi nang makituloy siya roon ay ngayon lang ito naunang gumising sa kanya. “Ang aga mong nagising ngayon ah?”

            Matawa-tawang nagtakip ng bibig si Alannah. “Secreeet,” sabay pigil na bumungisngis.

            Nagtaka si Monic sa reaksyon at sinabi nito. Secret daw? Pero mas pinili na lang niyang dumiretso sa kusina. Sa pagpasok naman niya ro’n ay kamuntikan niya pang nakabangga si Malou—ah, no, it was not Malou. Hindi naman kasi ito ganun katangkad at kalapad ang katawan.

            Tiningalaan ito ni Monic, at namilog ang kanyang mga mata nang mamukhaan ang dati niyang nobyo na nakayuko’t mukha ring nagulat sa kanya.

            “M-Mar...ky?” Halos walang boses na lumabas sa bibig niya dahil sa pagkagulat. Parang nanggugulo lang si Marky kanina sa utak niya eh tapos ngayon, kaharap na niya?

            Napangiti sa kanya ang binata. “Good morning, Nix.” At saka ito lumapit sa hapag-kainan at nilapag ang hawak-hawak na plato ng omelette sa tapat ni Alannah. “Ayan na request mo, prinsesa ko.”

            “Yeeey!” Madaling umupo ang bata, habang nilalagyan ni Marky ng nakahain nang fried rice ang plato nito.

            Wala naman nang nagawang iba si Monic bukod sa titigan ang binata. Pilit binibilisan ng utak niya na prosesuhin ang presensya nito. Bakit? Paano? Medyo hindi niya matanggap at maintindihan ang bigla-bigla nitong pag-uwi. Not that she was against it, but... it made her feel uncomfortable. Hindi kasi siya handa. Hindi niya inaasahan na makikita niya ulit ito sa loob lang ng dalawang araw. Itsura pa naman niya ngayon—stressed, walang make-up, nakapangbahay lang. Hindi siya sanay na harapin ito nang naka-ganun lang.

            “Oh, Monic.” Lumabas na rin ang ina ni Marky galing kusina na may hawak na dalawang plato sa magkabilang kamay. Hotdog and toasted breads. “Tara, kain na tayo.”

            “Nix, tara na.” Yaya rin sa kanya ni Marky.

            Monic felt like she had no other choice but to go along with it. Kaya idinaan na lang niya sa pasimpleng pagbuntung-hininga ang nararamdamang pagka-ilang, at umupo na sa kanyang puwesto.

            Magkasabay namang umupo ang mag-ina—si Malou sa tabi niya, at si Marky sa tabi ni Alannah. Buti na lang, ‘yung bata ang katapat niya. Kaso... ganun pa rin pala. Nakaka-ilang pa rin dahil halos kaharap pa rin niya ang dating nobyo. Tapos ang utak niya pa, naglilikot at binabalikan ang lahat ng nakita at naramdaman niya nung bisitahin niya ito. At ang puso niya, ayun na naman. Nagpapaka-assuming.

Love, The Second Time Aroundحيث تعيش القصص. اكتشف الآن