The Gentlemen Series 4: Jack...

By Winter_Solstice02

2.7M 66.3K 3.1K

Gabriel is the love of my life. He is the kind of man any other women would dream of having. He is my knight... More

Jack, The Disc Jockey
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY

THIRTY ONE

52.2K 1.2K 39
By Winter_Solstice02

Monthsary


"Anong iniisip mo?" Pinulupot ni Jack ang kanyang mga braso sa aking baywang. Yakap-yakap niya ako mula sa likuran.

I was standing here at the balcony. Tinatanaw ng aking paningin ang buong siyudad ng Davao. Maliwanag ang paligid dahil na rin sa sinag ng bilog na buwan. Maganda ang panahon at malamig ang simoy ng hangin.

Impit akong napapatili dahil sa panay na pagkagat niya sa punong tainga ko. "Jack, stop it." sita ko sa kanya, but my voice was lame. I can't help but to giggle.

"Ano nga kasi ang iniisip mo?"

"Paano ako makakasagot kung kinikiliti mo ako, aber?"

Tumigil ito sa kanyang ginagawa ngunit hinila niya lang ako pasandal sa kanyang katawan. "Naglalambing lang eh."

"Jack, kung lambing lang naman, aba'y magdamag na tayong naglalambingan. Mag hunos-dili ka, Mister."

"Love, I can never get enough of you and you know that. Nakikita pa lang kita sa malayo, gustong gusto na agad kitang hilahin o takbuhin para mahalikan na agad kita. Alam mo na namang baliw na baliw ako sa alindog mo." he chuckled flirtatiously.

Kinurot ko siya sa braso. "Ang landi mo, Jack." but my face is blushing like I always do when he's around.

"Seriously, ano nga ang iniisip mo? Kanina pa ako sa likod mo ngunit hindi mo man lang ata ako napapansin. Is there something bothering you?" his tone is serious.

I lean my head against his chest as I sighed deeply. "Wala naman. Nagpapasalamat lang ako sa lahat ng ito. I mean, I have a nice job. I have a better place to live at. I have great friends. I have something to be called family. And most of all, I have a loving, sweet and caring boyfriend. I just can't ask for more, Jack. I just wish this will be forever."

"This is forever, mi amor. Sabi nila nothing lasts forever. Pero mali sila sa punto na iyon. Dahil ang pag-ibig ko sa'yo, nakatatak na sa puso ko. Mamatay man ako ngayon, mamahalin pa rin kita sa kabilang buhay. At kung sakali mang totoo ang reincarnation,hahanapin kita para maipagpatuloy natin ang ating pagmamahalan." Seryoso nitong pahayag.

Napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Ang braso ko ay agad na hinagip ang kanyang leeg and I clung to him. Pinanliitan ko siya ng mata.

"You sound weird, Jack. Gusto ko mang kiligin pero kinikilabutan ako. You don't often say those words. I mean, death. I don't like the sound of it."

Ngumiti ito at lumitaw ang cute nitong dimples. Pinisil niyo ang aking ilong at hinalikan ako sa noo. "Really? You don't find it romantic, eh? You think too much, Julianne." he glanced at his rolex watch. "May oras pa tayo, we can do some tender loving care thing." umangat baba ang kilay nito kaya natampal ko siya sa dibdib.

"Baliw to. Tara na at nakakahiyang sila pa ang pag-iintintayin natin." hinila ko siya palabas ng balcony ngunit dahil sa mas malakas ito sa akin, ako ang nahila niya.

Bumangga ang mukha ko sa kanyang dibdib. "Aray ko, ang sakit ng ilong ko. Ikaw kasi eh." reklamo ko sabay haplos sa aking ilong.

Bumunghalit lamang ito ng tawa. He held my cheeks at inangat ang mukha ko. "Ikikiss ko para mawala ang sakit." he grinned devilishly.

Sinapak ko ito. "Pumaparaan ka lang talaga, Jack."

"Isang kiss lang naman, mahal." ngumuso ito.

Pinaikot ko ang aking mata sa kanya. Ako na mismo ang humalik aa kanyang labi. It was supposed to be smack only. But he pulled my nape kaya napalalim ang halikan namin.

He kissed so good na kahit sa panaginip ko ay hinahanap-hanap ko. When his tongue seek entrance, I opened my mouth to give him access.

Nangunyapit ako sa kanyang batok at bumuntong-hininga. How can I ever refuse to this man? Just one kiss from him, and he took me above the horizon.

************

"Sorry for keeping you waiting guys." hingi ko ng paumanhin sa mga kaibigan namin. They grinned at us at may panunukso sa kanilang mga sulyap.

Kompleto na sila katulad ng aking inaasahan. Paano naman kasi ay naipit kami sa traffic. May nagbanggaan kasi sa intersection.

Kumaway ang mga girls sa akin. Tinuro ni Emerald ang bakanteng espasyo ng sofa. Nag compress sila ng konti para may sapat kaming mauupuan ni Jack.

Tumama ang tingin ko kay James na nakayuko lamang. Kanina pa ata ito umiinom.

Bumaling ako kay Ian. "Okay lang Julz. Naiintindihan naman namin kung nagbiglang-liko kayo." kumindat sa akin ito pagkasabi. Tinaas nito ang ang hawak na champagne glass. Bumuhos ang tawanan at kantyawan sa grupo.

"Dude, nagkulong lang mga yan sa kwarto nila, panigurado." si Reid na nakaakbay kay Isay.

Inalalayan ako ni Jack na makaupo sa pabilog namin na sofa. "Traffic lang, kayo naman." ngumuso lamang ako.

Ang katabi ko sa kanan na si Vernonica ay agad na nakipagbeso sa akin. "Kadarating lang din namin, pinagloloko ka lang ng mga yan."

"Para namang hindi pa ako sanay sa kanila." humalakhak ako.

"Sinabi mo pa."

Si Jack na nasa kaliwa ko ay agad na Pinulupot ang braso sa aking balikat. "Si James ang tahimik. Anong problema bro?"

Nag-angat it ng mukha mula sa pagkakaupo. Dumaan ang kalituhan sa kanyang seryosong mukha. "Are you talking to me?"

We look at each other. "Malamang dude. Ikaw lang naman ang James sa grupo." si Ian.

Tinapik ni Lawrence ang balikat nito. Magkatabi lamang sila ng upo. "Something's bothering you. What is it?"

Sa kabila ng malakas na tugtugan ay narinig ko pa rin ang marahas na singhap ni James. Minasahe nito ang pagitan ng kanyang mata. "Tumawag kasi ang lawyer ng pamilya. Ilang buwan na lang at matatapos na ang taning na ibinigay sa akin. Fvck! Until now hindi ko maisip kong paanong nagawa sa akin iyon ng mga magulang ko!"

Mukhang ang tinutukoy nito ay ang last will testament ng kanyang namayapang magulang.

"Madali lang yan bro. Hired a woman who is willing to marry you na pwede mo ring anakan. Isang taon na pagsasama nyo then annul your marriage. Tapos ang problema mo, di ba?" salita ni Ian.

"I'm not that desperate!" singhal nito sa lalake.

"Edi umpisahan mo nang mamaalam sa bilyones ng pamilya mo."

"May punto si Ian, James pero mahirap pa rin gawin ang ganun." si Reid. "Marami tyak magkakandarapa dyan to do the job. Ang problema, what if they fall inlove with you eventually? At imbes na isang taon lang, kakapit na sila sa'yo na parang tuko. Jackpot nga naman kasi di ba." Reid added while shaking his head.

"Pero may chance din naman na mainlove si James sa babae." salita.

Lumabi si James sa sinabi ko. "That will never happen, Julianne. Falling inlove is not and never be my option."

"I heard that before." humagikhik si Emerald sabay pindot sa ilong ni Lawrence. Hinalikan nito ang babae.

"Ilang buwan na lang ba?" Chris asked.

"In three months time, dude. Kailangan mabuntis ko na ang babae bago matapos ang taning. Sinubukan ko naman, okay. Pero wala akong makitang matitino. They are all bitches."

"Dahil sila lang kasi ang pinapatulan mo, James. They are your preferences. Actually, marami namang matitino dyan. It's just that you don't like women who are prim and proper, demure and serious. If you really are willing to find the right girl, tumungo ka sa mga probinsya. Maraming matitino doon." ani ni Ysabel na hinihimas ang impis pang tiyan. They're getting married in two weeks time.

"Love, sinong babaeng matino ang magpapatali sa lalakeng yan?" umilag si Jack na tumatawa pa nang akmang babatuhin iyon ng baso ni James.

"Pero let's be realistic guys. Wala ng libre sa panahon ngayon. Mapapalad tayo na nakita, nakilala at umibig tayo sa mga babae natin at ganun din sila sa atin. Ang tanong dyan pareng James, what if walang pumayag sa gusto mong kondisyon? I mean dude, pagkatapos mong anakan ang babae I don't think papayag yun na iwan ang bata sa'yo nang ganun lang? Ang hirap nun." ani ni Chris.

"Kung wala na talaga akong choice kundi maghanap ng babaeng malinis at kung sakaling pumayag, I will give her amount more then she would asked for. Seven figures." sagot ni James at tumungga ulit sa kanyang baso.

Napapito ang mga lalake. "Seven figures eh?"

"I can't believe I'm hearing this conversation." Sabi ko.

"Me too. Feeling ko nainsulto ako ha." ngumiwi si Elena. Tumango si Ysabel, Emerald at Vernonica.

"Boys. Hinay-hinay sa mga bibig nyo, alalahanin nyo mga babae rin kami." kastigo ni Emerald.

James frustratingly comb his hair using his fingers. "Enough of this. We are gathered here to celebrate the monthsary of Jack and Julianne. We are supposed to enjoy the night. Sorry for spoiling it. Sorry girls. The five of you are precious to all of us." hinging paumanhin ni James.

He summoned his waiter to bring us more drinks.

"Pomelo juice only for you sweetheart." rinig kong bulong ni Reid kay Ysabel.

"I know right." she pinched his cheek ngunit hinalikan lang din ito ng lalake.

Sa amin ay ladies drinks lang. Our boys don't want us to drink hard liquors. Pinagbigyan na lang din namin dahil pakiwari ko ay hindi magpapatalo ang mga ito. I was even surprised Vernonica nodded. She's into drinking kasi at malakas ang tolerance nito sa alak kumpara sa aming apat.

"Jack, I thought you invited Gabriel?" bulong ko sa kanyang tainga. I was expecting his brother would come here since I invited him myself.

"I did. Baka parating na siguro iyon." he answered as he kissed my forehead. Ilang linggo na kasing hindi kami nagkikita ni Gabriel. Ewan ko ngunit may pakiramdam akong iniiwasan niya kami.

"Jack." tawag ni Lawrence. Ininguso nito ang mini stage. May isang band na kumakanta ng hardcore song at ang dancefloor ay puno ng taong tumatalon sa tugtog.

Nag-angat ng kilay si Jack at humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko.

"Go Jack! Go Jack! Go Jack!" the girls cheering.

"Sige na tol. Monthsary nyo naman eh. You did this once. You can do it again. Para kay Julianne." si Chris na kumindat sa akin. I laughed.

"Yeah. You did not just nailed it before dude, but you cemented it big time." puri din ni Ian.

I glanced at Jack who is staring at me. "Don't force yourself kung ayaw mo. I will surely understand." I smiled at him lovingly.

"Sino may sabi na ayaw ko, love?" he grinned devilishly. I was shocked na gusto rin pala nito. Humalakhak ito sa reaksyon ko.

"Yun oh!" rinig kong salita ni James. Sa gilid ng aking mata ay tumayo ang lalake. "Kakausapin ko ang banda. Sumunod ka na, bro."

"Igagayak ko ang videocam. Nandito lang yun sa bag ko eh." si Vernonica na hinahalungkat ang bag nito.

Nagtawanan ang mga babae.

"Sigurado ka ba?" tanong ko ulit kay Jack. Tumayo ito at hinila rin ako. Niyakap nito ang aking baywang at ikinawit ko ang aking mga braso sa kanyang leeg.

"Siguradong sigurado. Basta para sa'yo mahal ko."

Tumango ako at hinaplos ang kanyang pisngi. "I love you, Jack."

"I love you more." bumaba ang mukha nito sa akin ngunit hindi natuloy ang aming paghahalikan dahil hinila ito ni Lawrence palayo sa akin.

"Awat muna, dude." bumungisngis ito sabay tulak kay Jack patungo sa stage.

Nag flying kiss si Jack sa akin at ganun din ako sa kanya.

They are all laughing at us!

"Jusko. Pinagdaanan rin namin yan pero ngayon ko lang napagbatid na ang corny pala." nag peace sign sa akin si Vernonica.

Umirap lamang ako sa kanya ngunit nakangisi. Walang corny corny sa dalawang taong nagmamahalan.

At katulad ng inaasahan, nahawi ang dancefloor nang namatay ang tugtog. Ang mga ako ay bumalik sa kanya-kanyang mesa.

Jack was checking the microphone after he told the band what song he's going to sing.

Rinig ko ang bulong-bulungan ng mga tao. "Si Midnight Blue. Siya si Midnight Blue. I saw him in the newspaper with his girlfriend."

"Nandito rin ang girlfriend niya."

"The gentlemen are here."

"They're with their wives and girlfriends."

The people are looking at our direction. Namula ako sa paraan ng titig nila sa akin kaya pasimpleng ngumiti ako sa kanila at dahan-dahang umupo. Inaasahan kong kukuyugin ako ng mga fans ni Midnight Blue. Pero mukhang hindi mangyayari dahil nakangiti silang lahat. The other people are ignoring what's going on. And I'd prefer them to be that way.

"Mic test." Jack uttered at sabay kaming napabaling sa kanya.

"Hi everyone. Again, I'm sorry for interrupting. Pagbibigyan ko lang ulit ang request ng mga kaibigan ko at sympre ng babaeng mahal na mahal ko. My love, happy third monthsary to us. I love you and I always will." he simply winked at me at nahulog ang puso ko sa gesture niyang iyon.

"Kailan pa kumanta si kuya sa harap ng masa?" nagulat ako sa pagsasalita ng isang tao. Nilingon ko ito.

"Gabriel!" bulalas ko. Niyakap ko siya at ganun din ang ginawa niya sa akin.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Sorry. Ngayon lang nalibre." nakipag apir ito sa mga lalake at kinumusta rin ang mga babae.

"Okay lang. Ang mahalaga, nakarating ka."

"Teka, kakanta ba talaga si kuya? He hates singing in public."

"Oo dude. Actually, pangalawang beses na ito. Kaya nga alamat para sa amin si Julianne eh. Siya lamang ang nagpakanta kay Jack sa harap ng publiko." ang sagot ni Ian.

Tumabi sa kinatatayuan ko si Gabriel at namulsa. "Mahal na mahal ka talaga ng kapatid ko, Julz." he stated.

"Mahal na mahal ko rin siya, Gab." sabi kong nakatitig kay Jack. I saw Jack nod at us. Napansin nito ang pagdating ni Gabriel.

Nag-umpisang tumugtog ang banda. At parang may dumaang anghel dahil tumahimik ang lahat at tanging musika lamang ang aming naririnig.

You're the one that never lets me sleep
To my mind, down to my soul you touch my lips
You're the one that I can't wait to see
With you here by my side I'm in ecstasy

I am all alone without you
My days are dark without a glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see

Chorus:
Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill inside

Jack stared at me the whole time. Para bang ninanamnam nito ang bawat liriko ng awit na iyon. At ang puso ko ay nag-aalab na naman sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.

Every time I hear our music play
Reminds me of the things that we've been through
In my mind I can't believe it's true
But in my heart the reality is you

I am all alone without you
My days are dark without a glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see

Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill inside

Pumalakpak kaming lahat pagkatapos niyon. The crowd is asking for more ngunit magalang na tumanggi si Jack.

Gabriel heave a sigh. "Isa siguro sa mga dahilan kung bakit nahulog ang loob mo kay kuya ay dahil sa magaling itong kumanta. Too bad, my mother didn't have a golden voice katulad ng ina ni kuya." he smiled fakely. Malungkot ang boses nito.

"Gabriel." hindi ko nagugustuhan ang kanyang sinabi.

"Tanggap ko naman Julz. Hindi ko lang alam bakit kumikirot ang puso ko ngayong nakikita kong masaya kayong dalawa. I mean, I've seen you guys often. Pero nandito pa rin pala ang sakit. Pilit ko lang pinapaniwala ang sarili kong tanggap ko na. Na maligaya ako para sa inyo. But honestly, I'm hoping na sana tayo pa rin eh."

"Gab." hinawakan ko ang kanyang braso. Agad na lumabo ang aking paningin dahil sa pangingilid ng luha sa aking mata. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya." pumiyok ang boses ko.

"I'm sorry too. I think I need to leave." nagmamadali itong lumabas ng bar.

"Gabriel!"

Lumingon ako kay Jack. Napahinto ito sa paglalakad nang makitang umalis si Gabriel. May kinakapa ito sa likod ng kanyang bulsa.

Tinuro ko ang exit telling him that I will follow Gabriel. He nod at me. Dinumog ito ng mga tao at pilit makipag picture sa kanya. Naiintindihan kong hindi nito matatanggihan ang mga tao.

Nag-excuse ako sa mga kaibigan namin. Naguguluhan ako sa inaakto ni Gabriel. Akala ko ba ay tanggap na niya ang mga nangyari sa amin.

Bakit nakita ko ang paglatay ng sakit sa kanyang mukha?

Bakit pakiramdam ko'y kinukurot ang puso ko nang makita kong nasasaktan ito?

A/N:

Malapit na! The biggest turn of event is coming!

Pss. Jacob Buenaventura! Nkakaasar ka. I will summon my six gentlemen para ipabugbog ka. Lols.

Happy evening!

















Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 138K 53
(This story is written in Filipino language mixed with a little English ) *UNEDITED / Not proofread VERSION* Unang pagkikita pa lang nila hind...
1.5M 42.8K 43
Chris Villaforte. Maagang naulila sa magulang. Namulat sa hirap ng buhay at nagsumikap na maabot ang pangarap. Aside from being a corporate lawyer, h...
367K 7.2K 30
SG: 4th He believes in love. The annoying feeling of that skipping heartbeat whenever that lucky woman was around. He want to meet that green jealou...