Western Heights: Casanova's P...

By foolishlaughter

114K 3.5K 406

*complete* Western Heights is a renowned school/academy. Known for its academic excellence, Western Heights... More

Western Heights
Chapter 1: Scholarship
Chapter 2: Gossips
Chapter 3: Sir Brent
Chapter 4: The Hierarchy
Chapter 5: Kulay Tae
Chapter 6: Which Category
Chapter 7: Asher Lance Ynarez
Chapter 8: Peasant
Chapter 9: Instant
Chapter 10: Workmate?!
Chapter 11: Hyacinth Imperial
Chapter 12: Kodigo
Chapter 13: Collapse
Chapter 14: Chef Lance
Chapter 16: Pride and Dignity
Chapter 17: Kapit Sa Patalim
Chapter 18: Crazy Contract
Chapter 19: The Calm
Chapter 20: Big Ben
Chapter 21: Mama Tori
Chapter 22: The Storm
Chapter 23: It's A Date!
Chapter 24: Kilabot
Chapter 25: Theme Park
Chapter 26: Wheel of Questions
Chapter 27 : Call From Abroad
Chapter 28: His Family
Chapter 29: An Unexpected Guest
Chapter 30: Engagement Party
Chapter 31: Hand To Rely On
Chapter 32: Tom-Tom
Chapter 33: The Boss Is Back
Chapter 34: Take Out
Chapter 35: Intense Review "daw"
Chapter 36: Differences & Comparisons
Chapter 37: Hospital Disaster
Chapter 38: Friends For Real
Chapter 39: Ano 'to?
Chapter 40: He's A Total Wreck
Chapter 41: Bicol Express
Chapter 42: All Is Well
Chapter 43: First Love
Chapter 44: Surprise!!!
Chapter 45: Grandparents
Chapter 46: Mission Accomplished
Chapter 47: To The Rescue!
Chapter 48: Stay Away
Chapter 49: Spilled Beans
Chapter 50: Consequences
Chapter 51: Aftermath
Chapter 52: Emergency
Chapter 53: The Burial
Chapter 54: I'm Sorry
Chapter 55: Frame Up
Chapter 56: Us
Chapter 57: Foolish Hearts
Epilogue
Special Chapter
Castaway

Chapter 15: Desperate Measures

1.8K 43 3
By foolishlaughter

"Ate? Ate!"

Kumunot man ang noo ko, nanatili namang nakapikit ang mga mata ko. Alam kong boses ni Tom-tom iyon, at alam kong kanina pa niya ako sinusubukang gisingin pero dahil sa pagod ko hindi ko na siya magawang asikasuhin pa.

"Thalia?" Ang boses na iyon naman kaagad ang nanggising sa akin. "Thalia, anak." Pagkakita ko sa mukha niya, isang napakalawak na ngiti ang bumungad sa akin.

Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko upang matiyak na hindi lamang ako nananaginip. At nang mapatunayan ko na ito, sinunggaban at niyakap ko kaagad si Papa. Doon ko na nailabas lahat ng kinikimkim ko: tampo dahil hindi sinabi kaagad ni Papa ang kalagayan niya, pagod dahil sa pagoover time ko sa Coffee Shop pati narin ang pagod na nadudulot ng Western Heights sa akin di lamang sa pag-aaral pati narin ang ginagawa sa akin ng mga kaeskwela ko at ang huli, lungkot- lungkot dahil may cancer ang Papa ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog ng nakaupo sa tabi ng kama ni Papa, pero nang masilayan kong gising na siya, nawala lahat ng antok at pagod ko. Dito kasi ako dumiretso pagkatapos ng shift ko, pagkatapos naming linisin ang ginawang kalat ni Asher.

Hinawakan ni Papa ang ulo ko, "Tahan na Thalia. Pagpasensyahan mo na si Papa."

"Okay lang naman po e, okay na kasi gising na kayo." Humahagulgol kong sabi sa kanya.

Naramdaman kong may maliliit na kamay din na bumalot sa akin, mga braso ni Tom-tom na yumakap din sa akin, ang kaninang iyak ng lungkot ko ay napalitan na ng iyak ng tuwa. Tuwa dahil kahit ang hirap ng buhay, heto at matatag pa kaming tatlo.

"Kumusta ka anak? Nag-alala ka siguro ng sobra ano?" Tanong ni Papa nang tumahan na kaming lahat. Kagaya ng dati, hindi maalis ang napakagandang ngiti sa mukha niya yung tipong kapag nakita mo siya, hindi mo aakalaing may sakit siyang iniinda.

"Ang totoo niyan Pa..." Paninimula ko. Tapos ay napaisip ako, naisip ko lahat ng pinagdaanan ko sa tatlong araw na walang malay si Papa. Una kong naisip ay ang pagod na naramdaman ko, tapos naalala ko din yung mga gabing umiiyak ako bago matulog pati narin ang pagiyak ko sa tuwing nabibigo ako sa mga inapply-an ko.

Tapos bahagya akong napangiti nang maalala ko yung nangyari kahapon. Naalala ko yung malakas at walang tigil na tawanan ng mga kaibigan ko.

Kaibigan?

Tinuturing ko na ba talagang kaibigan si Asher?

E ako kaya, ano nang tingin niya sa akin?

Pero ano namang pakialam ko kung anong tinuturing niya sa akin?

"Thalia?"

"Ay ano po, Pa?" Wala ko sa sariling tanong. "Ay oo nga pala- Basta yun na nga Pa. Hayaan nalang natin, tapos narin naman na yun. Ang mahalaga ngayon, wala akong ibang maramdaman kung hindi ang saya, kasi gising ka na." Pagrarason ko sa kanya.

"Hindi ka nagtatampo sakin?" Nakabusangot niyang tanong.

Umiling ako, "Hindi na, matitiis ba kita Pa? Naku naman."

Natawa si Papa sa sinabi ko, "Hindi mo nga ako matitiis." Pilyo niyang sabi. "Magpahinga ka na ah? Ako na bahala dito."

"Pa naman."

"Thalia, ako nang bahala." Maikli at pinal niyang sinabi, kaya napatango nalang ako.

Hindi ako marunong magsinungaling, lalo na kay Papa. Pero may mga oras lang talaga na kailangan kong gawin iyon, at sa mga oras na nagsisinungaling ako, iisang tao lang ang may alam nito.

Tumingin ako kay Tom-tom na nakatingin na kaagad sa akin. Hindi ko na siya kailangang senyasan pa, kahit bata pa siya, alam kong nagkaintindihan na kami sa simpleng tinginan lamang.

***

"Bakit ang hilig sa itlog ng mga bwisit na batang yan ha? Wala na ba silang ibang maisip? Pwe!" Reklamo ni Cait habang tinutulungan akong punasan ang katawan ko.

"Hayaan mo na. Mamaya makaisip pa ng mas malala yung mga yun."

"Hindi yun yung point ko, baliw. Ang ibig kong sabihin, bakit hindi ka pa nila tigilan. Nakakinis kasi. Hindi ba nila naiisip na nakakadagdag lang yung pagkaimmature nila sa mga pasanin mo? Alam mo minsan napapaisip nako, baka pera lang din laman ng mga ulo non at wala silang brain. Hay!" Walang tigil niyang maktol.

Hinayaan ko nalang siyang magpatuloy sa pagsasabi niya. Nakakatawa nga dahil parang mas affected pa siya kaysa sa akin.

Hindi ko alam kung masaya lang talaga ako na nagising na si Papa o talagang kumonti ang mga tinapon nila sa akin kanina.

Nagpatuloy pa nga sa pagsasalita itong si Caitlin, karamihan sa mga sinabi niya, hindi ko na narinig o naintindihan. Naawat lang siya ng malakas na pagbukas ng pinto nitong staff room kung saan sinusubukan kong maglinis ng sarili.

Pareho kaming napatingin kay Asher na kararating lang.

Walang anu-ano ay dumiretso siya sa locker niya. Sinuot niya ang apron niya, at tinanggal ang mga sapatos niya.

Pareho ring napataas ang kilay namin ni Caitlin sa pagtataka, bakit niya tinatanggal sapatos niya? Wala naman sa uniform yun...

"Itlog ba yang nasa sapatos mo?" Walang pakundangang tanong ni Caitlin.

Tinignan siya ni Asher, hindi ko sigurado kung gulat at taranta ba yung nakita ko sa mukha niya dahil agad naman itong naglaho. "Ha? Hindi no." Pagtanggi niya tapos ay hindi na kami pinansin at lumabas na siya.

"Ang dedicated naman ata bigla ni Asher sa trabaho niya?" Hindi ko mapigilang kumento.

Pero iba pala ang nasa utak nitong kaibigan ko at naglakad siya papunta sa locker ni Asher at sinubukan niya itong buksan. "Uy, anong ginagawa mo?!" Gulat kong tanong.

"Promise itlog yung nasa sapatos niya. May yellow akong nakita tapos mukha silang malagkit." Ulit-ulit niyang sabi.

"Sira, bakit naman magkakaitlog sa sapatos yun?" Nagtataka kong tanong.

"E ikaw bat ka may itlog sa katawan?"

"E diba nga sa Western- teka nga? May pinaparating ka ba?"

Ngumisi lang siya bilang sagot sa tanong ko. "Nagkataon lang siguro. Baka dumaan siya sa palengke o ano." Sabi ko sa kanya.

"Palengke, ang isang Asher? As if naman!"

"Hayaan mo na! Pareho lang kaming may itlog sa damit kung ano-ano na pumapasok sa kokote mo e. Tigil-tigilan mo na nga ang pagbabasa mo ng mga romantic na libro, nagiging hopeless romantic ka narin e." Sermon ko sa kanya. Itong si Caitlin, minsan talaga hindi na maawat.

Tinawanan lang niya ako sa biglang pagsermon ko sa kanya. Ako naman, napailing na lang at pinakalma ang sarili ko at sinubukang pigilin ang labis na pag-init ng mukha kong alam kong nakita na ni Caitlin.

"Oo nga pala, may nahanap na akong trabaho para sayo." Biglang sabi niya.

Napatili tuloy ako ng di oras dahil sa saya, "Talaga? Saan?! Ano?!" Atat kong tanong.

"E yun na nga, di ba sa pagkain yung business ng tita ko? Dun kita pinasok. Alam kong mahilig kang lumamon hanggat maari e. Libre pa pagkain mo oh!" Sabi niya.

"Yung tita mong may carendiria?" Tanong ko.

Umiling siya, "Hindi, yung tita kong pasusyal yung sinasabi ko. Siya yung nagaasikaso ng pagkain niyo dyan."

"Dyan? Saan?" Walang ideya kong tanong.

"Dyan sa Western Heights."

"Ano?! E di ba ang mamahal ng mga pagkain doon?"

Tumango siya, "Oo, bigtime yon! Nag DH kasi nang matagal kaya yumaman. Malaki sweldo dun friend!"

"E bakit hindi nalang ikaw yung doon, tita mo naman yun ah?"

"Nu ka ba, wag mo nang isipin basta tanggapin mo nalang." Pilit niya. Pero alam kong hindi niya ito kinuha para sa sarili niya dahil iniisip niyang mas kailangan ko yung trabahong yun.

Niyakap ko siya, "Babawi talaga ako sayo kapag nakaluwag ako. Ako na sasagot sa kinabukasan niyo ni Ryan."

"Lia!" Inis na bulyaw ni Cait.

***

Isang biyaya pala ang naibigay na oportunidad sa akin ng tita ni Caitlin sa canteen ng Western Heights. Dahil kasi sa mga shift ko dito tuwing breaks, naiiwasan ko ang mga kaeskwela kong hindi parin tanggap ang pagkakapasok ko sa WH ng walang category.

Three thousand pesos kada buwan ang sweldo ko dito, at sa Coffee Shop naman ay two thousand five hundred dahil part time lang naman talaga iyon. Alam ko sa sarili kong kulang na kulang parin ito lalo na't lumalala ang sakit ni Papa. Pero mas mabuti naman ito kaysa wala.

"Lia, refill mo na yung beef brocolli." Utos ni Tiya Miya. Hindi siya yung tita ni Cait, hindi rin siya yung may-ari. Siya lang yung punong-abala sa nga ganap dito sa canteen.

"Opo, Tiya." Sabi ko.

Iniangat ko ang isang stainless na tray na may lamang beef broccoli at tumungo papunta sa labas.

Organized ang sistema ng canteen ng Western Heights. Dahil narin nagbabaon ako noong unang linggo ko dito, ngayon ko lang ito nakita. Mala-buffet ang style ng canteen nila at kahit na mayayaman at spoiled brat man ang iba, striktong sinusunod nila ang linya kapag break. Marami kasing naiintimidate kay Tiya Miya. Mabuti nalang at mabait at maaalahanin siya pagdating sa akin. Gusto raw kasi niya ako dahil masipag at pursigido ako.

E wala din naman kasi akong magagawa, hindi naman para sakin to, para sa pamilya ko kaya lahat kaya kong gawin.

Habang inilalapag ko ang panibagong serving ng beef broccoli, lumapit sa akin ang grupo ng mga pamilyar na babae. Sina Hyacinth, Rachel at iba pang mga 'kaibigan' nilang hindi ko matandaan ang pangalan.

"How patethic." Syempre, si Rachel ang unang nagsalita. "Can you believe this trash?" Tanong niya sa mga alipores niya.

Kaagad namang nagsipag-tanguan ang mga ito. "I doubt malinis yang pagkain na yan, do peasants even know how to wash their hands?"

"Ang tanong, may pambili ba siya ng hand soap or kahit hand sanitizer man lang?" Dagdag pa ng isa.

Umiling na lamang ako at tinapos na ang pagaayos ng ulam. Kinuha ko ang wala nang laman na tray ng beef broccoli at umakmang bumalik na sa loob ng kitchen.

*clang!*

Pero hindi ko iyon nagawa.

"Don't you dare turn your back on me you stupid trash!"

Sa isang linggong itinagal ko dito, kahit papaano ay nagawa ko nang pigilan ang sarili ko na masaktan sa mga pinagsasasabi nila. Kasi ulit-ulit.lang naman sila, wala namang bago.

Lumuhod ako upang pulutin ang nahulog kong tray nung hinila ako paharap ni Rachel sa kanya. Narinig ko ang sarkastikong pagtawa ni Rachel sa ginawa ko. "I can't believe na may taong ganyan ka kapal ang mukha." Naiinis niyang sabi.

"You should be honored na kinakausap kita." Usap? Usap ba talaga ang tamang tawag sa mga sinasabi niya sa akin? "You know what, peasant, I will never get tired reminding you what kind of a low creature you are so better yet, leave Western Heights." Madiin niyang sabi sa akin.

Wala akong kibo, hinayaan ko lang siyang matapos sa sasabihin niya. Lagi naman kasing ganoon, sa huli mapapagod lang sila sa ginagawa nila kaya hinahayaan ko nalang.

"Why don't you leave Westen Heights?" Mabuti na lamang at hawak ko na ng maiigi ang tray dahil kung hindi, baka nahulog ko nanaman ito dahil sa biglang pagsulpot ni Asher sa likuran ko.

Napansin kong napatitig sa kanya si Hyacinth, at pagkatapos ay sa akin siya tumingin kaya agad ko ring inialis ang tingin ko.

"What are you saying?" Tanong ni Rachel kahit alam naman ng lahat na narinig niya ang sinabi ni Asher.

"If you can't stand Thalia being here, bakit hindi ikaw ang umalis?" Thalia? Tinawag ba niya talaga ako ng maayos sa pangalan ko. Pasimple kong tinignan si Asher, seryosong-seryoso ang mukha niya pero lagi naman kasing ganyan ang mukha niya, sobrang dalang ngumiti.

"Are you serious, Asher?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rachel. Medyo naiilang ako ngayon, dahil kung iisipin ay nasa gitna ako ng dating mag-ex, si Asher at si Rachel at si Hyacinth. Hindi ba nakakailang na naging boyfriend ng kaibigan mo tapos magiging boyfriend mo rin?

Pero wala naman kasi akong alam sa mga ganoong bagay. "Just mind your own business, Rachel."

"Tama na Rach (Reych), let's go." Mahinang sabi ni Hyacinth nang umakmang magsalita ulit si Rachel. "Let's go." Pinal at matipid na aya ulit ni Hyacinth sa kanila.

Tahimik namang sumunod kay Hyacinth ang lahat nang maglakad ito paalis, kahit pa hindi pa kumikibo si Rachel. Inis na sumunod ito nang mapansing naiwan na siya mag-isa.

Hinarap ko si Asher, na malayo ang tanaw. Tinignan ko kung saan siya nakatingin, pagtingin ko, kay Hyacinth nakatuon ang tingin niya.

"Salamat." Mabilis kong sabi kay Asher.

Doon lang ata niya naalala na nandito pa ako sa harapan, "I did it because ang ingay niyo." Sabi niya.

Bumuntong hininga ako. Heto nanaman tayo sa paiba-ibang mood nitong si Asher. Umiling na lamang ako at nagkibit balikat. Hindi ko nalang siya papansinin, tutal nagpasalamat na rin naman ako.

Lumakad na ako pabalik sa kitchen, subalit bago pa man ako makalayo at makarating, naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ko. Inayos ko muna ang tayo ko at ang pagkakahawak ko sa tray bago ko ito kinuha at sinagot. "Hello?"

"Thalia, anak?!" Laking gulat ko nang malamang si Tito Julio pala ang tumawag. Hindi ko kasi ugaling tignan muna yung Caller ID bago magsagot ng tawag. Bahagya akong kinabahan dahil narin sa tono ng pananalita niya.

May nangyari bang masama?

"Tito, bakit po?" Nagtataka at natatakot kong tanong.




"Yung tatay mo, nagcollapse ulit!"




Don't forget to vote, comment na rin while you're at it!

#WHTCP

Continue Reading

You'll Also Like

7.5K 1.9K 196
𝐌𝐘 𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 𝐓𝐖𝐎 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐄𝐃 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐏𝐄𝐑𝐈𝐍𝐊 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐒𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐇𝐎𝐔𝐒𝐄 _____ 𝙳𝙰𝚃𝙴 𝚂𝚃𝙰𝚁𝚃𝙴𝙳...
109K 5.5K 47
Tiana had been working hard to prove not just to herself but to everybody that she was one of the best Sentries the world had ever seen. But her fasc...
1.7M 42.7K 59
This is a story of how a simple girl will deal with bunch of guys who are unsure of their lives para makuha nya yung inaasam nyang scholarship. Makam...
9.1K 503 61
Kei Aragon, a girl who have a crush on celebrity named Rusty Fuentabella, handsome, rich, and one of the most popular actor. He is also the man Kei d...