Love, The Second Time Around

By HippityHoppityAzure

618K 14.2K 912

Isang babaeng nadala. Isang lalaking nagsisisi. Isang masakit na nakaraan. Paano kung muli silang magkita? Ma... More

Love, The Second Time Around
Chapter 1: Crossing Paths
Chapter 2: That Past
Chapter 3: News
Chapter 4: Some Unexpected Things
Chapter 5: Her Future
Chapter 6: She Will
Chapter 7: Independence
Chapter 8: His Side
Chapter 9: Doomed
Chapter 10: Confrontation
Chapter 11: Their Setup
Chapter 12: Chances
Chapter 13: Alannah
Chapter 14: A Mother's Favor
Chapter 15: Something Surprising
Chapter 16: Losing It
Chapter 17: What She Doesn't Get
Chapter 18: A Secret
Chapter 19: One Sunday
Chapter 20: Together
Chapter 21: A Night of...
Chapter 22: One Step At A Time
Chapter 23: After All
Chapter 24: Parents
Chapter 25: Magic
Chapter 26: Plans
Chapter 27: Bitter Thought
Chapter 28: Hate, Love
Chapter 29: Fighting Back
Chapter 30: At del Valle's
Chapter 31: Well Enough
Chapter 32: Getting Better
Chapter 33: Plea
Chapter 34: Family
Chapter 35: Surprise
Chapter 36: Happiest Birthday
Chapter 37: Yell
Chapter 38: Make It All Okay
Chapter 39: Rejection
Chapter 40: Sorry
Chapter 41: Acceptance
Chapter 42: Give Up
Chapter 43: Beg
Chapter 44: Back
Chapter 45: In A Hurry
Chapter 46: That Bitch
Chapter 48: Hold On
Chapter 49: Promise
Chapter 50: Smile
Epilogue

Chapter 47: Yvette

9.7K 223 11
By HippityHoppityAzure

Chapter 47: Yvette


ANG PAKIRAMDAM NA iyon na parang lumulutang at walang maramdaman na kahit na anong sakit, sa pagtulog lang iyon nararanasan ni Yvette. At lagi na lang niyang naiisip, ganon din ba ang pakiramdam kapag namatay na ang isang tao?

Kung oo, gusto ko nang mamatay...

And she felt her heart constrict, as her unconscious mind flew further--so much further, reaching those memories she had left in her past.

***

IYAKING BATA--GANON ang tingin ni Yvette sa kanyang sarili nung bata pa siya simula nang magkasunod na pumanaw ang kanyang mga magulang. Iyak na lang siya. At bakit naman hindi, kung ang pakiramdam niya ay wala nang nagmamahal sa kanya? Pinagpasa-pasahan lang siyang alagaan ng kanyang mga kamag-anak, hanggang sa tumagal siya sa isa sa kanyang mga tiyahin na lagi namang mainit ang ulo sa kanya. Lahat na ng pananakit, natanggap niya rito, mapa-salita o mapa-pisikal.

Nung umpisa, kinakaawaan ni Yvette ang kanyang sarili. Pero hindi nagtagal, natutunan niya na panghugutan na lang ng lakas at tapang ang kanyang bawat pag-iyak para magtagumpay siya sa buhay. Natutunan niyang tanggapin ang pang-aabuso at pananakit sa kanya ng sarili niyang tiyahin, pero hanggang doon na lang iyon. Dahil hindi niya hahayaang may makasakit sa kanya na iba pang tao.

Nang makatuntong sa high school, inilayo ni Yvette ang kanyang sarili mula sa ibang tao. Tutal naman, iba siya sa mga mag-aaral doon sa paaralang kanyang pinapasukan. It was an exclusive school, so almost all of its students were born royale, unlike her na walang yaman o reputasyon na maipagmamalaki. Ayaw naman niya talaga sanang mag-aral sa ganong paaralan, pero pinili niyang magtiis dahil scholarship iyon--libre ang mga gastusin--at alam niya na magandang reputasyon ang maibibigay no'n sa kanyang hinaharap.

Maraming nanlalait sa kanya roon. Maraming bumabangga sa kanya na taas noo niyang pinapatulan. Pero hindi pa rin nawawala ang nga pagkakataon na hindi niya mapigilan ang sarili na maiyak dahil sa sobra nang sakit na kanyang dinadala. Madalas sa may library ng paaralan niya hinahayaan ang sarili na umiyak--doon sa pinakasulok na aisle para walang makakita sa kanya.

Grabe. Umiiyak ka na naman. Hindi ka na nasanay, Yvette. Lagi niyang sinasabi sa kanyang sarili kapag umiiyak siya, tapos ay matatawa na lang siya.

"Uy, si feeling belong." Asar sa kanya ng isa niyang kaklase nang magtagpo ang mga landas nila sa Girls' CR. Pareho silang humarap sa salamin, ngunit sa magkabilang dulo, at sa repleksyon nila nagtitigan. "Paganda ka pa nang paganda, ganon ka pa rin naman. Isang basura."

Nagpintig ang tenga niya roon. Sasagutin niya sana ito, ngunit  parehas silang nagulat dahil may biglang lumabas na estudyante mula sa isa sa mga cubicle sa kanilang likuran. Kilala ito ni Yvette sa mukha, at alam niya na freshman din ito gaya niya. Hindi lang siya sigurado kung taga-anong section ito--Section B o C.

"Uy, del Valle! Huwag kang tumabi sa basura na 'yan!" Pang-aasar na naman nung kaklase niya nang pumuwesto 'yung del Valle sa kanyang tabi para maghugas ng kamay.

Tinignan naman nung del Valle ang kaklase niya sa repleksyon nila sa salamin, at mukhang naguguluhan na sumagot.

"Huwag ako tumabi sa basura? Pero... wala naman ako sa tabi mo ha?"

Napanganga roon ang kaklase niya, habang si Yvette naman ay natigilan. Hindi siya makapaniwala sa naging sagot nung del Valle. Hindi siya makapaniwalang may mag-aaral sa paaralan na iyon na papanig sa kanya nang ganon.

Kumunot nang sobra ang pagmumukha ng kaklase niya, bago ito padabog na naglakad paalis. Mukhang napahiya, kaya nag-walk out na lang.

"Aba... Ngayon lang ako nakakita ng basurang nagmamaktol." Komento pa nung del Valle kasabay ng pagsara sa gripo. At matapos magpunas ng mga kamay gamit ang panyo, tinignan siya nito sa salamin--at ngumiti--bago sumunod sa kaklase niyang lumabas.

Doon na lang napangiti si Yvette. Magmula nang pumasok siya sa paaralan na iyon, iisa lang ang tingin niya sa lahat ng nag-aaral doon. Pero mali pala siya. Meron din palang katulad nung del Valle.

Hindi lang iyon ang pagkakataon na nakausap ni Yvette 'yung babaeng del Valle. One time, so much to her disbelief and surprise, nakita niya ito sa aisle na tambayan niya sa library, nakaupo sa sahig at umiiyak.

"Uy, bakit ka umiiyak?" Pilit niya noon na hininaan ang kanyang boses sa kabila ng matindi niyang pagkabigla. Akala niya, siya lang ang nagtatago sa lugar na iyon para magmukmok eh.

Mabilis namang pinunasan nung del Valle ang sariling mukha.

"Teka, may umaway ba sa'yo?" Sunod niyang tanong. Ayun agad ang naisip niyang dahilan kasi ayun din ang dahilan niya kapag umiiyak siya roon.

"Hindi..." Nakasimangot nitong sagot sabay singhot. "Nade-depress lang ako..."

"Wow..." Nagpamewang siya, ang boses ay nagkaroon ng pait. "Ano naman kayang ikinaka-depress ng isang anak-mayaman na gaya mo? Halos nasa sa'yo na nga ang lahat, pero nagawa mo pang ma-depress? Hindi lang marunong makuntento, ganon?"

Nakasimangot siya nitong tiningala. "Hindi porket anak-mayaman ako, wala na akong karapatan na makaramdam ng ganito."

Oo nga naman...

"Eh, ano bang ikinaka-depress mo diyan?" Nawala na ang pait sa boses ni Yvette.

Pero iniwas lang nung del Valle ang tingin sa kanya at nanatiling nakasimangot.

Napabuntung-hininga si Yvette, bago piniling umupo sa tabi nito.

"Sabihin mo sa akin kung anong ikinaka-depress mo, nang gumaan 'yang pakiramdam mo." Sabi niya rito. "Willing akong makinig--nang wala nang mean side comments. Promise. Para lang talaga gumaan ang pakiramdam mo ngayon, hahayaan kitang magkuwento sa akin."

Muli siya nitong tinignan. Ang mga mata nito, may pagkagulat na may aninag ng pag-asa. At sa tingin niya, parehas sila ng naramdaman at naisip sa mga oras na iyon.

Kaibigan--puwede ko siyang maging kaibigan.

Monic del Valle. Yvette was very glad that she met someone like her. Para kasi niyang nakikita ang kanyang sarili rito. Parehas na palaban na may kahinaan pagdating sa pamilya. Parehas ng iniisip at nararamdaman sa mga bagay-bagay. Kung may pagkakaiba sila, ang nakikita lang niya ay ang estado nila sa buhay--at pagkakaroon nito ng mga magulang.

Isa pa sa pagkakatulad nila ay ang paglayo ni Monic sa sarili mula sa ibang tao doon sa kanilang paaralan. Hindi raw kasi nito gusto ang ugali ng mga estudyante roon. Mga napaka-bratty raw at sobrang taas ng tingin sa sarili, na kanya namang sinang-ayunan.

Bukod doon, may sama rin ito ng loob sa sariling pamilya. Kung ang sama ng loob ni Yvette ay laban lamang sa kanyang abusadong tiyahin, kay Monic naman ay laban sa sariling mga magulang.

Monic was an only child. Nag-iisa na nga lang, hindi pa mabigyan ng sapat na pansin ng mga magulang. Kahit ano raw ang gawin nito upang mapalapit sa mga magulang, walang epekto. Monic's parents priority was not her, but rather their family business. Kaya kapag kailangan nito ang mga magulang, lagi na lang daw itong nade-depress at naiiyak.

After finding those out, Yvette did something for the first time--ang mag-open up sa ibang tao. Si Monic lang naman ang nagparamdam sa kanya na hindi siya iba, kaya dito niya nagawang ilabas ang lahat ng totoo niyang nararamdaman, mula sa pagpanaw ng kanyang mga magulang, hanggang sa pagtitiis niya sa pag-aaral sa lugar na iyon.

"Nahihiya naman ako sa iniiyak ko." Monic said matapos niyang naikuwento ang kanyang buhay niya rito. "Kung sa akin lang, mas mabigat ang problema mo. Ikaw dapat ang mas umiiyak, pero tignan mo... ang tapang-tapang mo."

Yvette only smiled at that. Ayaw niya aminin dito na nagagawa niya ring umiyak minsan, dahil ayaw niyang makatanggap ng awa mula rito. She needed to be strong in front of others. She had to be.

Magmula noon, lagi na silang nag-uusap ni Monic. Kahit magkasalubong lang sila sa campus, nagsasabay na sila maglakad para magkuwentuhan. Hanggang pati sa break time, sila na ang nagsasama kumain. Kahit ang sama na ng tingin ng iba kay Monic dahil sa pagpili na sumama sa gaya niya, hindi ito nagpaapekto at nanatiling malapit sa kanya. At naging napakasaya ni Yvette.

Napakasaya magkaroon ng totoong kaibigan...

"Sana naging magkaklase na lang tayo..." Sabi ni Monic sabay subo ng kanin at ulam nung minsang sabay ulit silang nananghalian sa school canteen.

"Tapos seatmates tayo 'no?" Dagdag ni Yvette.

"Mm!" Ngumiti ito at nilunok muna ang nginunguya bago muling nagsalita. "'Di bale, nag-aaral naman ako nang mabuti. Kaya next year, sana malipat ako sa Section A."

"Aba, malapit na 'yon."

"Ang tagal pa kaya!"

"Ano ka ba, two grading periods na lang oh. Mabilis tumakbo ang oras kaya malapit na 'yon."

"Uhhh, excuse me." May lalaking biglang sumulpot sa gilid nila at may hawak na tray ng pagkain. Mukha itong naiilang na nahihiya na naiinis. Mukha rin itong weak sa paningin ni Yvette, pero may kung ano sa mga mata nito kaya napatitig siya rito.

"Uy," para namang nagulat si Monic sa presensya nung lalaki. "Marky."

"Puwede papuwesto dito sa table niyo? Nakakaano kasi dun sa iba... Ang weird nila. Kayo lang ang mukhang normal."

Natawa si Monic at hinayaan itong makipuwesto sa table nila--sa tapat niya.

"Yvette, si Marky nga pala. Marky Añonuevo. Transferee sa section namin. At Marky, si Yvette Legazpi. Taga-Section A at ang nag-iisang kaibigan ko dito." Pakilala sa kanila ni Monic na tinawanan niya at maging ni Marky.

Sa pagtawa nila ay napatitig na naman si Yvette kay Marky. May kung ano talaga sa mga mata nito na hindi niya malaman kung ano ngunit malakas makahatak sa kanyang paningin.

Crush? She instantly thought of the word na maaring nararamdaman niya sa mga oras na iyon pero mabilis niya 'yung inalis sa kanyang isipan. Normal mang magka-crush ang isang twelve-year old, ngunit hindi niya gusto iyon. Maybe, she was already mature that time to entertain such feelings.

Then weeks passed, at hindi makapaniwala si Yvette na naging dalawa na ang kaibigan niya sa paaralang iyon. Si Marky, mabait naman kahit minsan mukhang wala sa sarili. Kapareho nila ni Monic ang tingin nito sa mga schoolmate nila, kaya mas pinili nitong sa kanila makipagkaibigan.

Sa kada araw na nagsasama at nagkukuwentuhan sila, mas napapalapit si Yvette kina Monic at Marky. Mas napapalapit nga lang siya kay Monic, malamang dahil sa mas nauna niya itong nakilala at babae pa. Habang may unti naman siyang pagkailang kay Marky. Nung una, in-denial pa siya sa dahilan ng pagkailang niya, pero nagawa niya ring tanggapin ang katotohanan hindi kalaunan. Gusto niya si Marky. Pero hindi naman niya iyon masabi kay Monic. Masyado siyang nahihiya. Para kasing hindi bagay sa personalidad niya ang ganon. Besides, Marky didn't seem to have the same interest on her. Hindi niya yata kakayanin kung i-reject siya nito.

And more weeks passed, turned into years. From second year to their fourth year in high school, naging magkaklase silang tatlo. They remained their closeness kahit nababarkada na si Marky sa ibang grupo ng kalalakihan. While Yvette's friendship with Monic only grew much stronger. They became the best of friends, almost like sisters. Pero hindi pa rin masabi ni Yvette kay Monic ang nararamdaman niya para kay Marky. Kung bakit ba kasi naging malapit din nila itong kaibigan... Kung hindi kasi, paniguradong hindi siya mahihiyang umamin kay Monic.

Time came na nagkaroon si Yvette ng manliligaw. Somehow, she expected Marky to show jealousy pero wala eh. Todo tukso pa nga ito sa kanya na sa wakas, magkaka-lovelife na siya at si Nix na lang ang wala.

Nag-iilusyon lang ako. She told herself before deciding to say yes to her suitor. But then, she broke up with him bago sila gumraduate.

Nung college, humiwalay na siya sa kanyang tiyahin at nanirahan sa isang dorm. She had become more independent, at naging working student na lang para matustusan ang iba niyang pangangailangan. Laking pasasalamat na lang niya na hindi niya napapabayaan ang pag-aaral kaya nanatili siyang isang scholar.

She was happy and contented. Kahit medyo malungkot na hindi pa rin nawawala ang pagtingin niya kay Marky, mas masaya pa rin siya na malapit na kaibigan niya pa rin ito--at naging kaklase pa dahil parehong HRM ang kursong kinuha nila. Si Monic naman ay Education ang napiling kurso, pero hindi naman iyon naging hadlang para lumayo ang loob nila sa isa't isa, lalo na at may ilang subjects naman na naging kaklase nila ito.

Okay na ang lahat para kay Yvette, until she heard that Marky was courting one of their classmates. It hurt her, and again, decided to go into another relationship with a sophomore guy na isang buwan din siyang niligawan.

Naging masaya naman si Yvette sa naging boyfriend niya. Naisip niya na ito na marahil ang magpapalimot sa kanyang nararamdaman para kay Marky.

Yvette learned to love her boyfriend, and wholeheartedly gave him her everything. But sadly, their relationship did not even last a year.

Heartbroken, she kept it all to herself. Ayaw niyang mapahiya, kaya pilit niyang pinakita kay Monic na ayos lang siya. But her best friend knew her well enough. Kahit sinabi niyang ayos lang siya ay dinamayan pa rin siya nito at sinubukang pagaanin ang loob which she was very thankful for.

Si Marky naman, pinagaan din ang kanyang loob kahit ba wala rin siyang kinukuwento rito.

"Huwag ka mag-aalala, Yvette. Mahahanap mo rin ang lalaking para talaga sa'yo." Sabi pa nito sa kanya nang may nakakaloko na ngiti nung minsang magkasalubong sila sa university na pinapasukan nila.

Nang makalayo na no'n si Marky sa kanya, napabulong na lang siya.

"Sana ikaw na lang 'yon, Marky..."

May magandang balita naman siyang narinig hindi kalaunan. Break na si Marky at ang girlfriend nito. At pagkatapos pa no'n, naging madalas na ulit ang pagsama nito sa kanila ni Monic.

Being with Marky, Yvette realized that maybe, she was meant to confess her love for him. Pero bago iyon, alam niya, na kay Monic muna dapat siya umamin.

"Yvette... Uy, may sasabihin ako..." Parang hindi mapakali si Monic nung makipagkita siya rito para sana umamin na.

"Ano 'yun? Bakit ganyan itsura mo? Para kang natatae, Nix."

Tensyonadong ngumiti si Monic. "Eh kasiii... Hindi ko alam ang gagawin ko..."

"Gagawin saan?"

Hinawakan siya nito sa braso. Naramdaman niya ang panlalamig ng mga kamay nito bago narinig ang mga salitang sunod nitong binanggit.

"May... May nanliligaw sa akin, Yvette..."

"Oh?" Halos mapasigaw siya dahil sa excitement. Wala pang nanliligaw kay Monic eh. Hindi rin ito pala-crush, tapos ngayon, para itong kinikilig at natutuwa. "Sino 'yan ha, nang mabalaan ko nang huwag kang gagaguhin dahil kami ni Marky ang makakabangga niya. Hmp."

Natawa si Monic. "I don't think kayang banggain ni Marky ang sarili niya."

Napakurap siya. "Huh? Ano?"

Tumawa ulit si Monic, bago inulit at nilinaw ang nais ipahiwatig sa kanya.

"Hindi kayang banggain ni Marky ang sarili niya. Dahil siya ang manliligaw ko, Yvette."

And her world felt like it was starting to fall apart.

Ayos lang. Okay lang.

Madalas iyon sabihin ni Yvette sa kanyang sarili magmula nang malaman niya ang panliligaw ni Marky sa matalik niyang kaibigan, hanggang sa maging official na ang relasyon ng mga ito.

She was happy--or at least she wanted to be happy for them. Bakit kasi hindi? Napakasaya ng mga ito, lalo na ang matalik niyang kaibigan. After manligaw ni Marky ng halos isang taon, kitang-kita niya ang pagmamahalang nabuo sa mga ito.

Masaya... Pero may parte sa kalooban niya na hindi matanggap ang nangyari--na agad at sapilitan niyang iniwaksi sa kanyang isipan. It felt so wrong for her to think such thing dahil napakalapit niyang kaibigan ang mga ito.

One year, two years... hanggang sa makapagtapos na sila sa kolehiyo. Hindi siya makapaniwalang hindi pa naghihiwalay sina Marky at Monic. Hindi siya makapaniwala, kahit ba nasasaksihan niya ang mga pagtatalo minsan ng mga ito na mabilis din namang nasosolusyunan. That was just how much the two loved each other.

Yvette always smiled whenever she saw Monic and Marky so happy together. Lagi pa niyang tinututukso ang mga ito. Pero sa bawat ngiti at panunukso niya, may naiiwang sugat sa kanyang puso. As much as she wanted to feel genuinely happy for them, pero paano iyon gayong mahal niya si Marky?

Bakit ba kasi hindi na lang ako ang minahal mo, Marky? She often asked him in her mind, then ending up comparing herself with Monic. Mas maganda naman siya rito, mas maganda ang pangangatawan, mas matalino, pero ito pa rin ang nagawang mahalin ni Marky? Hindi talaga niya matanggap.

Bakit ba lahat ng gusto niya, kay Monic napupunta? Yaman, mga magulang, magandang buhay, pati lalaki?

"Ay nako, Marky!" Inis na inis si Yvette nung minsang tulungan niya ang binata na umuwi sa tahanan nito matapos magpakalasing. LQ-mode na naman kasi ito at si Monic. Paano ba naman, lakas magselos nito sa lalaking nakakasama ni Monic sa review center para sa nalalapit na licensure exams. "Tigilan mo na muna kasi si Nix! Kita mong stressed 'yung tao sa pagre-review eh!"

Naihiga na niya si Marky sa kama nito pero patuloy pa rin itong nagdadada ng kung anu-ano. Umupo pa ito at tinuro-turo siya habang nagsasalita.

"Sorry na kasi, Niksh! Hindi ko na uulitin. Pansinin mo na kasi ako, pleaaase? Mahal na mahal kita--"

"H-heh!" Tinapik ni Yvette ang kamay nitong nakaturo sa kanya. "Hindi ako si Nix! Kaya matulog ka na--"

Hinatak siya bigla ni Marky sa braso at kinulong sa isang mahigpit na yakap.

"Sorry na nga sabi eh... Hindi mo na ba ako mapapatawad?"

Kahit nanghina siya sa yakap nito ay pinilit niya itong tinulak.

"Marky? Hindi nga ako si--" This time, inangkin naman ni Marky ang mga labi niya. It was just a steady one as if meant only to shut her up and stop their argument.

Gulat na gulat si Yvette sa nangyari. Pero sa halik na iyon, pakiramdam niya ay may natupad sa mga pangarap niya. Pakiramdam niya, minahal din siya sa wakas ni Marky.

Lumalim ang halik ni Marky at naging mapusok na kanya namang ginantihan. Nang ihiga siya nito at pakubabawan, alam na niya ang sunod na mangyayari. Alam din niyang mali iyon, pero sinong makakapigil sa nararamdaman niya sa nga oras na iyon? Siya mismo, hindi niya iyon kayang pigilan. Kaya hinayaan niya ang sarili na maangkin ng lalaking iyon--na kanyang pinakamamahal.

"I love you..." It felt so good when she heard those words from Marky, whispered right to her as she let herself get crushed by his weight. "Oh, Monic, I love you so much..."

And that made her heart feel like it got slashed in half.

Okay lang... She told herself with a bitter smile, at piniling hindi iwan si Marky hanggang sa magising ito nung umaga. Niyakap pa siya nito sa ilalim ng kumot. Pero nung magkaharap sila...

"Yvette?"

Nginitian niya lang ito.

"I... Ikaw..."

Napaupo at lumayo agad si Marky sa kanya. Ang mga mata nito ay puno ng takot, na mas nagpalala naman ng sakit na nararamdaman niya sa kanyang puso. Pero nilunok niya lang ang sakit na iyon.

"P-paanong..."

"Paanong ano? Paanong may nangyari sa atin?" Casual niyang sagot. "Simple. Hinatak mo ako, niyakap, hinalikan, at... ayun na."

"Tang'na." Napasabunot ito sa sariling buhok. "Bakit... Akala ko ikaw si Nix! Bakit hinayaan mong... ito... mangyari 'to? Ah, no. Biro lang yata 'to eh. Wala talagang nangyari, 'di ba?" Para na itong mababaliw.

"Bakit naman ako magbibiro tungkol sa ganito kasensitibong bagay?" May inis na sa tono ni Yvette. "May nangyari sa atin, Marky."

Napasuntok ito sa kutson--which felt like a punch straight to her heart.

"Bakit mo hinayaanng mangyari 'to, Yvette?! Si Monic--"

"Mahal kita."

Napatitig sa kanya si Marky, hindi makapaniwala.

"Mahal kita, Marky, matagal na, kaya hindi ko napigilan na... na ibigay ang sarili ko sa'yo."

"Pero... hindi kita mahal, Yvette. Alam mo 'yan. Hindi ikaw ang mahal ko, kundi si Monic." Mariin nitong sagot na parang lason na unti-unting nanunuot at pumapatay sa kanyang puso.

Tumayo na ito, at may pahabol na sinabi sa kanya.

"Ayaw ko man, pero nakikiusap ako, Yvette. Sana hindi mo 'to sabihin kay Monic. Hayaan mong ako ang umamin sa kanya sa tamang panahon."

At iniwan na siya nito sa kama, habang madali naman na siyang nagbihis at umalis sa lugar na iyon, bago niya hinayaan ang sarili na umiyak.

Pinili ni Yvette na iwasan na si Monic matapos ang nangyari. Tuwing nagyayaya itong makipagkita, lagi na lang siyang nagdadahilan na abala at pagod sa trabaho. Kapag hindi naman inaasahang nagtatagpo ang landas nila, lagi rin siyang nagpapalusot upang maiwanan ito agad--lalo na kapag kasama nito si Marky.

Masyadong magulo ang pakiramdam ni Yvette. Mahal niya ang kanyang matalik na kaibigan, pero dahil sa pagmamahal niya kay Marky, hindi niya mapigilang mas mangibabaw ang inggit at galit sa kanya. Alam niyang maaari niyang masaktan ang damdamin ni Monic sa posible niyang maikilos, kaya hangga't hindi pa bumabalik sa dati ang kanyang nararamdaman, desidido siya na lumayo at umiwas muna rito.

Until she found out that she was pregnant. At isa lang ang maaaring ama ng kanyang dinadala. Si Marky.

That unexpected pregnancy made Yvette isolate herself again from others. For a week, pinili niyang mapag-isa para mag-isip nang malalim at gumawa ng desisyon. Pero masyado siyang nahirapan. Ayaw niyang masaktan si Monic dahil doon. Kung puwede lang ay siya na lang mag-isa ang mananagot sa kanyang sarili. Pero hindi niya kaya... Hindi niya kakayaning kaharapin nang mag-isa ang pagsubok na iyon.

Pero paano na si Monic?

Sobrang nahihirapan ang puso ni Yvette, ngunit may ibang pinaglaban ang utak niya.

Isipin mo naman ang sarili mo, Yvette! Tama na 'yung puro kapakanan ni Monic ang iniisip mo! For once, magpaka-selfish ka naman para sa ikabubuti mo at ng magiging anak mo!

At... hindi ba gusto mong mahalin ka rin ni Marky? He will now, now that you're carrying his child!

"Hindi 'yan totoo, Yvette..."

Pero ayun ang sagot na natanggap niya mula kay Marky nung sabihin na niya rito ang kanyang pagbubuntis. His words hurt her once again, pero pinili niyang magpakatatag. Binato niya sa harapan nito ang pregnancy test kit na ginamit niya maging ang mga papel na resulta ng pagpapa-check up niya.

"Sana nga hindi totoo." Sagot niya kay Marky. "Pero ayan. Ayan ang nagsasabi ng katotohanan. Now, make up your mind. Paniniwalaan mo 'yan at pananagutan ako, o hindi?"

Hindi agad makasagot si Marky. Tulala lang ito sa mga papel na kanyang binato sa harapan nito. At nasaktan na naman siya.

Ganon ba ako kahirap tanggapin at mahalin, Marky?

Lumunok siya bago muling nagsalita.

"Marky, don't worry. You can say no. And I will leave you alone with Monic, and I will just go away and live alone with this baby. Your baby."

Nilukot ni Marky ang mg papel at walang emosyon na sumagot sa kanya.

"Pananagutan kita, Yvette. Huwag mong ilalayo ang bata sa akin."

And that lit up a fire of hope inside her heart. May pag-asa pa siya kay Marky.

Yvette found her baby inside her tummy to be a lucky charm. Naghiwalay sina Marky at Monic, at nang mag-suhestyon siya sa binata na magpakasal sila para sa anak nila, hindi ito tumanggi.

Nakaramdam din naman ng konsensya si Yvette para sa matalik niyang kaibigan--na inasahan niyang itinakwil na siya. Ngunit itinatak na lang niya sa kanyang isip na kailangan talaga niyang magpaka-selfish sa pagkakataong iyon. People who knew them might hate her for that, but she'd bear it all those hate--for her baby.

Pero anong sunod na nangyari? A month before her wedding date with Marky, things started to fall apart. And her heart, started to break again.

Nag-back out si Marky sa kasal nila at iniwan siya sa pangangalaga ng ina nito. Lumayo ito, nag-ibang bansa at doon nagtrabaho, leaving her with only one explanation.

"Hindi kita kayang pakasalan, Yvette... Hindi kita kayang mahalin... Pero kaya kong panagutan ang bata--siya lang..."

Bata... Mula noon ay nawala ang kanyang amor sa batang kanyang dinadala. Hanggang sa ipanganak niya ito, hindi siya makaramdam ng pagmamahal para rito.

Buti ka pa, kayang panagutan ni Marky. Kaya ka niyang mahalin. Pero ako, talagang hindi? Ayun ang unang bagay na pumasok sa kanyang isip nang unang beses niya itong makita.

Matapos manganak, sinubsob na lang ni Yvette ang sarili sa pagtatrabaho. Suwerte na rin dahil may mas magandang career opportunity ang dumating sa kanya. Naging model siya, na nagsimula sa maliliit na proyekto hanggang sa makatanggap na siya ng mga bigatin na offer.

Sa kabila ng pagkaabala sa trabaho, pinipilit din naman ni Yvette na gampanan ang kanyang papel bilang ina sa kanyang anak na si Alannah. Pero hindi niya magawang ibigay ang buong puso niya sa bagay na iyon. Seeing Alannah always made her feel bad and bitter. Dahil kasi dito, nagmukha siyang kawawa noon. Dahil dito, ilan beses pang nasaktan ang puso niya.

She was too much consumed by pain and anger, na kahit ang sarili niyang anak ay dinamay na niya sa kanyang sama ng loob. Pero... siya naman ang may mali, 'di ba? Siya ang may kasalanan ng lahat... kaya malamang lang na bumalik din sa kanya ang lahat ng pagkakamaling ginawa niya.

"You got AML, Miss Legazpi. An acute type of blood cancer."

Cancer? Hindi iyon pinaniwalaan ni Yvette at pinagtawanan pa.

"It needs to be treated right away. 'Coz in your case... I'm sorry but, it may take your life in just a few months."

Pero pare-pareho lang halos ang lahat ng sinabi sa kanya ng mga doktor na nilapitan niya sa Pilipinas at maging sa Singapore. She was already dying. At kahit sundin pa niya ang treatment na sinuhestiya sa sa kanya, wala pa ring kasiguraduhan ang kaligtasan niya. She would die. Very soon.

Karma. Ito na malamang ang kabayaran sa mga ginawa kong pagkakamali noon.

Ayun ang naging dahilan kaya agad siyang umuwi ng Pilipinas at piniling bumawi sa kanyang anak--at para sabihin sa kanila ni Marky ang kalagayan niya. At umasa siya... na sa pagkakataon na iyon, susubukan na siyang mahalin ni Marky at buuin ang kanilang pamilya. Kahit man lang bago siya mamatay.

But what happened? Pagkauwi niya, ang sumalubong sa kanya ay ang balitang nagkabalikan na si Marky at si Monic.

Mahal pa rin ni Marky si Monic. Minahal na rin ito ni Alannah. At ang makita ang mga ito na masaya... hindi niya matanggap.

Si Monic na naman...

Pero hindi ako susuko. Not now.

And she let herself get consumed again by anger and selfishness. She did everything she could to get what she wanted--si Marky at si Alannah, without telling them her health condition dahil ayaw niyang malaman iyon ni Monic at makatanggap ng awa mula rito. Pero anong napala niya?

"Yvette, puwede bang... Puwede bang ayusin na natin 'to?"

"Si Monic... Yayayain ko na siyang magpakasal."

"Kung bakit hindi kita magawang mahalin, hindi ko alam."

"Sorry, Yvette. Hindi kita gustong saktan o masaktan, pero anong magagawa ko?"

"Fuck, Yvette! Ano bang problema mo?! Bakit ba hindi mo na lang kami tantanan?!"

"Pero kung ayun ang gusto mo, sige lang, Yvette. Paabutin mo 'to sa korte. Hindi kita uurungan."

Ayun, nakatanggap na naman siya ng mga salitang nakasakit sa kanyang puso.

"Congratulations, for being that kind of bitch again--the pathetic ones who desperately steals the same man from me who cannot even love you back."

Monic was right. She was no other than a pathetic bitch who desperately steals the same man who cannot love her back--ever.

I'm hopeless... Wala na nga akong makuha sa mga gusto ko, sumobrang iksi pa ang buhay ko.

Nararamdaman na niya ang lumalalang sintomas ng kanyang sakit. More bruises, excessive bleeding, flu every now and then--she was getting weaker every week.

Pati sakit, sinasaktan ako. Papatayin na lang ako, hindi pa gawin nang mas mabilis.

Natawa siya sa sarili niya. She was really losing it... everything.

Well, puwede ko namang pabilisin. No one would mind after all.

And she did it. Slitting her wrist the way she knew would kill her.

Pero nakatadhana yata akong mas magdusa...

Nakaligtas siya sa kanyang ginawang pagpapakamatay. At tadhana nga naman talaga, si Monic pa ang bumungad sa kanyang paggising. Hindi niya iyon inasahan, pinakalalo na ang mga salitang binitiwan nito sa kanya.

"No... Kahit kailan, hindi ko ginustong mamatay ka, Yvette."

"Ano nga bang nangyari sa atin? Paano ba tayo humantong sa ganito? Dati, okay na okay naman tayo ah? Para na tayong magkapatid noon. Then, just because of one guy, we became like this? You chose to break our friendship over that guy?"

Yvette felt her heart constrict again, then she saw her very own self, staring back at her as if she was just looking at a mirror.

"Sabi mo, wala kang makuha na kahit na anong gusto mo?" Sabi sa kanya ng kanyang sarili. "You wanted one true friend before, right? And you had it. You had Monic. But what did you do?"

Sobra siyang natamaan doon. Totoo iyon. Nung panahong nilalayo niya ang kanyang sarili sa ibang tao, humiling siya na kahit isa lang, magkaroon siya ng isang kaibigan kagaya ni Monic. Pero sinayang lang niya ang pagkakaibigan nila.

Bigla siyang may narinig na boses... Boses ni Monic. Bumubulong ito ngunit hindi niya mawari kung saan nanggagaling.

"You know, Yvette, I'd rather have you around messing my life than have you dead. Kaya sana naman, huwag mo na isiping magpakamatay ulit..."

"See?" Salita na naman ng kanyang sarili sa kanyang harapan. "After all you've done, Monic still cherishes you."

Napahawak siya sa kanyang dibdib. Her heart felt like exploding now, with too much guilt, too much regret.

"It's not yet too late."

Nakita niyang ngumiti ang kanyang sarili, at sa isang kisipmata, nagbago ang kanyang paligid.

Sa kanyang pagdilat, si Monic ang una niyang nakita sa kanyang tabi, hawak ang isa niyang kamay habang nakatitig sa kanya--nang may pag-aalala sa mga mata.

At hindi na niya kaya... Ang konsensya, ang pagsisisi, ang sakit... Yvette couldn't speak it out, so she just let herself cry and have the tears say it all for her, to her best friend.


--TBC

Continue Reading

You'll Also Like

853K 20.2K 25
(Finished) Book 1. The famous lead singer of 7PM, Zachary Knight, made a very crazy mistake - accidentally crashing the wedding of the Philippine pre...
3.1M 29.6K 54
[The Architects Series: Xander Del Valle (part 1)] Despite of having a 'secret' fiancee, Xander Del Valle needs to obey and follow what his parents...
132K 5.6K 52
Nobody wants to be caged. Nobody wants to be controlled. Pero ano bang magagawa ko? Hindi naman ako ang may gusto nito, hindi naman ako ang nagdesis...
7.4M 206K 44
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...