MIJUSHA : MiSSY GLANCE BLACHE...

Par YURiMikA

7K 581 435

“Friends forever?” si Missy “Friends forever!” sabay na sabi ni Shan at Julienne “Oh magkakasama na naman kay... Plus

MISSY GLANCE nga di'ba?
Kabanata Una
Kabanata Dalawa
Kabanata Tatlo
Kabanata Apat
Kabanata Lima
Kabanata Anim
Kabanata Pito
Kabanata Pito (ikalawang bahagi)
Kabanata Walo
Kabanata Siyam
Kabanata Sampu
Kabanat Labing-Isa
Kabanata Labingdalawa
Kabanata LabingTatlo
Kabanata Labing-apat
Kabanata Labinglima
Kabanata Labing-anim
Kabanata LabingPito
Kabanata LabingWalo
Kabanata LabingSiyam
Kabanata LabingSiyam -IkalawangBahagi-
Kabanata Dalawampu
Kabanata Dalawampu't Isa
Kabanata Dalawampu't-dalawa
Kabanata Dalawampu't Tatlo
Kabanata Dalawampu't Apat
Kabanata Dalawampu't Lima
Kabanata Dalawampu't Anim
Kabanata Dalawampu't-Pito
Kabanata Dalawampu't Walo
Kabanata Dalawampu't Siyam
Kabanata Tatlumpu
Kabanata Tatlumpu't Isa
Kabanata Tatlumpu't-Dalawa
Kabanata Tatlumpu't Tatlo
Kabanata Tatlumpu't-Apat
Kabanata Tatlumpu't Apat *part 2*
Kabanata Tatlumpu't Lima
Kabanata Tatlumpu't Pito
Kabanata Tatlumpu't Walo
Kabanata Tatlumpu't Siyam
Kabanata Apatnapu
Epilogue

Kabanata Tatlumpu't-anim

53 5 6
Par YURiMikA

- to be honest, naiinis ako sa sarili ko dahil ang tagal ko bago makatapos ng story, ang tamad ko kasi! kaya ito ayaw ko na ng maraming happenings, ENDING AGAD haha xD JOKE! Enjoy reading :)

*********************************

Pagkatapos maayos ang mga gulo na nangyari sa relasyon namin ni Venn, naging maayos naman ang lahat. Hindi na nagpapakita pa ng signs si Janna na may nararamdaman pa siya para kay Venn, nagtanong din sa akin si Janna if okay lang daw ba na maging friends kami, at ramdam ko na hindi yun peke lang, nakikita sa mata niya ang sincerety ng magtanong siya. Ayaw niya daw kasi na yong magiging asawa ng bestfriend niya ay hindi niya kapalagayang-loob. At dahil hindi ko na rin naman nararamdaman ang inis ko dati kay Janna, pumayag na din akong maging kaibigan niya.

At tungkol naman sa amin ni Venn, ayun yong gwapo kong boyfriend, simula ng maayos na ang mga problema namin, pinipilit niya na paghandaan namin ang kasal namin.

At bago ako pumayag sa suggestion niya na yun, nanghingi muna ako ng sign, sabi ko kapag niyaya ako ni Venn magsimba sa simbahan na pinangarap kong pagganapan ng kasal ko, papayag na ako sa gusto niya. Kasi diba may ganung nature tayong mga babae, naniniwala tayo sa mga signs haha!

At alam niyo ba kung anong nangyari?

Dalawang linggo matapos kong hingiin ang sign na iyon, inaya niya akong magsimba kami sa Divine Mercy Shrine, at yun mismo ang simbahan na gusto kong pagganapan na kasal namin.

Kaya pagkatapos naming magsimba at nang kumain kami sa restaurant nila Juls, sinabi ko sa kanya na pumapayag na akong asikasuhin niya ang kasal namin.

Sobrang excitement din ang nararamdaman ko ng mga oras na yun, at si Venn mas excited pa yata sa akin dahil kinabukasan mismo noon ay nagpapunta na siya ng wedding coordinator sa bahay, grabeng gulat ang makikita mo sa mukha nila Mommy at Daddy eh, si Venn naman tatawa-tawa lang.

Si mommy at daddy, nilubos-lubos ang mga oras nang pagiging dalaga ko, may times na sa kwarto nila ako pinapatulog just like the old times.

Nagawa pa nga naming maglibot sa mga bansa sa south-east Asia, at grabe lang ang tawa ko. Kasi naman sila Mommy para akong kinidnap, galing ako sa work nun tapos kukunin ko na dapat ang gamit ko sa locker pero may biglang nagpiring sa mata ko at nilagyan ng tape ang bibig ko tapos tinali ako. Nong tanggalin ang tali sa akin nakasakay na ako sa sasakyan namin, at nakangiti ng malawak si Daddy, hindi ako nakapagpaalam kila Shan at Juls pati na din kay Venn. Tawa ako nang tawa nong ikwento sa akin nila Shan kung ano pinagagawa ni Venn nong nawala ako, akala daw ni Venn tumakas na ako para sa kasal, kung ako din sa sitwasyon ni Venn mababaliw din ako, di na kasi biro ang halaga na ginastos niya sa wedding preparations, para kasing ewan, ayaw niyang maglabas ako ng pera para sa wedding, kaya na daw ng family niya lahat ng gastos. I-save ko na lang daw yong pera ko para sa mga appliances ng magiging bahay namin.

Sobrang saya ko sa mga lumipas na buwan, para lang akong naglalaro sa mga ginagawa namin, sukat ng gown, tapos pumunta kami sa Johnson’s Catering service sa Bulacan para magfoodtasting. Doon ko nalaman na may allergy pala si Venn sa crabs. Sobrang natense ako ng bigla siyang mamantal habang nagda-drive siya pauwi, at sinabing nahihirapan daw siyang huminga, mouth-to-mouth resuscitation ko daw siya, hindi ko tuloy alam kong iiyak ako o tatawa sa sitwasyon namin eh. Buti na lang at may baon siya laging gamot para in case na umatake ang allergy niya masulosyunan agad.

At tungkol naman sa mga kaibigan ko, pinilit nila akong sila daw dalawa ang gagawa ng mga invitations. Namalay-malayan ko, one week before ng wedding namin ni Venn, wala pa rin palang natatanggap na invitation si Janna, nagtatampo na yong bruhang yon kasi kinalimutan daw siya, nang tanungin ko naman ang mga kaibigan ko ang sabi ba naman sa akin nawala daw sa isip nila. Mukhang bitter pa kay Janna ang mga yun haha!

Kung iniisip niyong masyadong mabilis ang kasal namin ni Venn. Well, hindi naman masyado. Six months preparation ang ginawa namin, napakaatat kasi ni Venn, baka daw kasi makahanap ako ng mas gwapo sa kanya at baka magbago pa daw ang isip ko.

Natutuwa pa ako sa kanya kasi lahat ng request ko about sa wedding, binibigay niya talaga. Rebember his promise on the restaurant, gagawin niya na daw lahat ng dapat niyang gawin at hindi ko na siya kailangang utusan. Yan ang gusto ko sa kanya, may pagkukusa :)

***********************

Nagtrip pa sila Juls at Shan na gawan ako ng bridal shower, pero dahil on the go nga ako lagi kapag ganyang mga kalokohan pumayag ako pero sinabi kong gusto ko three days before the wedding.

At ang lalaking sumayaw sa harapan ko alam niyo ba kung sino?

Walang iba kundi ang lalaking kina-inlove-an ko noong college days, naalala niyo ba yong sinabi ko sa inyong lalaki na gustong-gusto ko pero trinato lang akong little sister, siya yun!

Hindi ko alam kung paanong napapayag nila Shan na sumayaw si kuya Renz para sa akin, bilib na talaga ako sa fighting spirit ng mga kaibigan ko.

Ang nakakatuwa pa kila Sai ay inipon nila lahat ng college friends ko tapos isa-isang pinag message sa akin.

Nakakaiyak lang yong mga message nila, sobrang nakakatouch.

Pero ayoko na ikwento yong message nila Shan at Juls sa akin, di nakakaiyak eh puro kalokohan lang.

_____ ang bilis noh? haha! ayoko na pahirapan pa sila Missy at Venn, enough na siguro yang mga pagsubok nila xDD pero malay niyo topakin ako, at pahirapan ko pa siya ulit :)))

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
486K 23.2K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
27.5M 700K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...