The Gentlemen Series 4: Jack...

By Winter_Solstice02

2.7M 66.3K 3.1K

Gabriel is the love of my life. He is the kind of man any other women would dream of having. He is my knight... More

Jack, The Disc Jockey
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY

TWENTY SIX

49.5K 1.5K 73
By Winter_Solstice02

Start Over Again

Nakahalukipkip ako habang pinagmamasdan ang buong Davao. Parang mga diyamente ang mga ilaw na nakalatag at nagkikislapan sa buong siyudad.

I glanced at the night sky. Katulad ng mga bituin ang siyudad. The stars are shining so bright na para bang nagpipiyesta ang madilim na kalangitan.

I sighed. It's been what, a week? Yes, a week mula nung huling pagkikita namin ni Jack. That night when he carried me into my room. Kinabukasan ay nalaman ko kay Gabriel na umalis si Jack. Magbabakasyon daw ito. Pero hindi namin alam kung saan. Wala daw itong sinabi.

That same day, I also packed my things at nakiusap ako kay Gabriel na sa condo na lamang ako titira.

The mansion has lots of memories of me and Jack. Wala akong gagawin doon kundi balikan ang mga sandali namin nito kung magtatagal pa ako. At baka hindi makakatulong sa akin ang pagtigil doon ng matagal. Alam kong ako ang nakiusap sa kanya na ganito muna ang mangyayari sa aming dalawa, kaya dapat kong panindigan ito.

Pero pagdating ko sa condo, umiyak lang din ako. Marami rin kasing alaala namin ni Jack sa unit na yun. Kung tutuusin ay kaya ko namang maghanap ng ibang lugar, o di kaya ay bumalik na lamang sa Manila. But I chose to stay here. Nandito ang mga totoo kong kaibigan. Nandito ang kaligayahan ko.

Makakaya ko namang pagtagumpayan ang bawat araw na iniisip pa rin si Jack. Wala rin naman kasi akong balak na kalimutan siya. Even if I would, my heart won't follow. I remember few lines from a song.

My head is saying, fool, forget him but my heart is saying, don't let go.

And yes, I won't let go. Hindi naman kasi nangangahulugan na ang pagkakalayo sa isa't isa ay maghihiwalay na ng tuluyan.

"Julz." tawag sa akin ni Elena. Sinundo niya ako kanina sa condo. Tumanggi kasi akong sumama sa pagtitipon na ito ngunit kung matigas ang ulo ko, mas na sila. At isa pa, we are going to celebrate the good news of Isay being pregnant. Hindi agad namin naicelebrate noong nalaman namin ang tungkol dito sa ospital dahil mahina pa si Emz noon. And I'm happy for her. We all are.

I look at her and she gave me that 'lets get inside' gesture. Tumango ako at sumunod sa kanya papasok sa penthouse nila Emerald.

Sa dining area ay nakaupo sila Emz at Isay. Parehong karga ng mga ito ang kambal. Sa center table ay ang macbook ni Emz. Nasa Skype si Vernonica ngayon. Nasa Palawan kasi ang mag-asawa para ipagpatuloy ang kanilang honeymoon. Naging maiksi lang kasi iyon noong manganak si Emerald.

Nabulabog ang mga girls nang nalaman ng mga itong ang nangyari sa amin ni Jack. Medyo nagtampo pa nga ang mga ito dahil hindi ko daw agad sila sinabihan. At ang pagtitipon na ito ay paniguradong tungkol sa bagay na iyon.

"Nandito na si Julianne." rinig kong sabi ni Isay na nakatingin sa laptop. Lumapit ang dalawang yaya at kinuha ng mga ito mula kay Emz at Isay ang mga supling.

Nginitian nila ako. I smiled back at them. Lumapit ako sa kanila at hinalikan sa kanilang pisngi. I missed them.

"Maupo ka." salita ni Emz. Ilang linggo palang buhat ng manganak ito ngunit hindi mahahalatang galing lang sa pag-anak. Mukhang hiyang ito sa pagiging ina. And I'm sure Lawrence is taking good care of his wife and their babies.

I sat at nilapit ni Isay ang laptop sa harap ko. Veronica waved at me.

"Kumusta?" bati ko.

She rolled her eyes. "Ikaw ang kumusta na?"

I laughed softly. "I'm good."

"Good? Well, it seems you don't look good at all, Julianne. Your eyes are sad, you look pale and damn, you're so thin!"

Sinulyapan ko ang mga babae at tumango tango sa akin. Wala ba akong kakampi dito?

"Julz." tinapik ni Isay ang palad ko. She looks radiantly pretty too. Mukhang hiyang din ito sa pagiging buntis. At wala kasi itong alalahanin kaya halatang masaya si Isay. And so with Elena. Nagmumukha akong lantang gulay sa paligid nila.

Kung may nakikita man akong pag-alala at concern sa kanilang mata, I'm sure it's all for me.

"We are deeply bothered about the two of you. Nagulat kami ng nalaman namin na naghiwalay kayo ni Jack. Na umalis si Jack. Hindi ka nagkukuwento sa amin. Paano mo nakayanan ang lahat ng iyon ng mag-isa? You know we are always here for you, don't you? Nag-aalala kami sa'yo, Julz." si Isay.

Pinatong ko ang isa kong palad sa ibabaw ng palad ni Isay. "Kaya ko, Ysabel. Ako pa." pagak na tumawa ako.

Si Veronica ay umiiling-iling. "Oh well, napagdaanan din namin yan. Alam mo naman siguro ang kwento namin di ba? Hindi madali pero pilit pa ring nagpapakatatag para sa sarili. I understand you, Julz. We've been there, done that. It's just that I want you to know that you are always welcome to knock our doors anytime you like. Don't hesitate to contact us. We are a family, remember?"

"Thank you." emosyonal na sagot ko.

Lumapit naman si Elena at niyakap ako mula sa likuran. "Alam mo, ang masasabi ko lang, kung pwede pang buuin ulit, pipilitin. Kung maari pang magkabalikan, susubukin. Pero kung nakakapagod na, tatagan mo lang ang loob mo para malagpasan mo ang lahat ng ito, Julz. But I'm not telling you to give up Julz. Dahil ang alam ko, if it's your true love, it'll be worth the fight. Worth the suffering. Worth the pain. And definitely worth a chance. And Jack is your one true great love. And so are you to him. Huwag kang tumulad sa aming apat na pinalipas ang ilang taon bago namin pinaglaban ang pagmamahal namin sa kanila. It took years bago namin pinatawad ang isa't isa. Kung maaari namang magkapatawaran ng mas maaga, gagawin. Pero siyempre, huwag mo ring pilitin ang sarili mo kung alam mong hindi pa talaga kaya."

"Elena is on point, Julz." salita ni Emz. "You deserve to be happy. Don't let pride control your happiness. We are human and human tends to commit mistakes. But humans have hearts, and we have a heart to love and forgive. Give yourself a chance to be happy."

I nod at them. Hindi ko mapigilang hindi maiyak sa kanilang sinabi. "I know and I will. I just need time. Medyo mabilis kasi ang mga kaganapan kaya halos sabay-sabay na bumagsak sa akin ang sakit. Pero alam kong kaya kong mapatawad. Dahil naniniwala naman ako na pag mahal mo ang isang tao, hindi ka mapapagod magpatawad lalo na't pag alam mong karapat-dapat siyang patawarin. Sa ngayon, I'm still recuperating but I'm getting there. Pag nagkita ulit kami ni Jack isang araw, kaya ko ng ngumiti sa kanya. Kaya ko ng titigan siya. Kaya ko ng mahalin ulit siya. At mamahalin ko siya ng paulit-ulit." my voice faltered.

Halos sabay silang napasinghap at lumapit sa akin. They hugged me so tight pero natawa ako sa kanilang ginawi. Natatawa na naiiyak. Ganun din sila. May luha rin sa kanilang mga mata.

"Join kami sa group hug na yan!" nilingon ko ang mga lalake na pababa sa hagdan. They're all smiling at us.

Kumawala ang mga babae sa akin at isa-isa nilang nilapitan ang kanilang mga lalake. Nagyakapan muna ang mga ito.

I almost rolled my eyes ngunit nakangisi. Halos natawa din ako kay James dahil ganun din ang inakto niya katulad ng sa akin.

These couples really can't get enough with each other. But I find it romantic. The boys really are possessive with them. Ipupusta ko ang buhay ko, handang magpakamatay at pumatay ang mga lalakeng ito para sa kanilang minamahal.

"Julz." tawag ni Lawrence at lumapit sa kinauupuan ko. Isa-isa ring nagsilapit ang iba. Lawrence kissed me on the top of my head, followed by Reid, Ian, and James. Natunaw ang puso ko sa concern nilang lahat sa akin.

"Humihinga pa ako, kung itatanong nyo lang kung kumusta na ako." tawa ko.

"We can see that. Pero obviously, you don't look okay. Pero mas malala ata si Jack sa'yo." iiling-iling si Ian.

"What do you mean?" bigla akong kinabahan.

Tumikhim si Reid at yumakap kay Isay mula sa likuran. "He's still breathing, don't worry but he's such a mess."

"Nag video conference kaming anim sa taas, ayon, umiiyak yung gago nung sinabi namin na nasa baba ka lang. Missed ka na daw niya." Lawrence winked at me.

Ngumuso ako. Pinagloloko lang ako ng mga ito. "Nasaan daw siya?" pasimpleng tanong ko.

Nagkibit balikat sila. "Ayaw niyang sabihin eh. Hinayaan na lang namin." si James.

"Okay." Sana man lang nagsabi siya kung saan siya para hindi naman ako mag-aalala.

"Are you worried of him?"

"Ofcourse I am. Sana man lang nagsabi siya kung saang lupalop na siya ng Pinas."

"Or rather, saang lupalop ng mundo. I bet nag out of the country yun. Baka nasa America yung gagong yun. Naka sweatshirt at bonnet kanina eh. Mukhang ginaw na ginaw." ani pa ni James.

Napakurap ako. Nasa ibang bansa?

"And oh, sabi rin pala ni Wendy, kumusta daw. They're together. That asshole." si Ian na nagmura pa.

I inhaled sharply. Parang ayaw iproseso ng utak ko ang sinabi ni Ian. Magkasama sila? Tumungo ako at umiyak.

Magkasama sila!

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang palad at humagulhol doon. Ang sakit lang. Hanggang kailan ba ako sasaktan ni Jack?

"Ian naman eh!" kastigo ni Elena.

"Sira-ulo ka talaga, bro. Huwag kang maniwala dyan Julianne. Niloloko ka lang ng Ogag na ito." boses ni Reid.

Umiling ako. "Totoo di ba? Magkasama sila nung babaeng yun? Huwag nyo ng pagtakpan pa si Jack!"

"Julianne." Lawrence called my name. "It's not true. Ian was just bluffing. Believe me."

Naningkit ang mata ko habang tinitignan si Ian. Nag peace sign ito sa akin sabay kamot sa batok. "Sorry po." wika nito ngunit inirapan ko lamang.

"Tama na yang asaran na yan. Let's have dinner, everyone. Alam kong gutom na tayong lahat." salita ni Emz.

Inabutan ako ng tissue ni Isay. Tinanggap ko iyon at nagpunas ng luha sa aking pisngi. "Tama na ang iyak Julianne. Baka magkasakit ka na niyan. Ipaghanda na lang natin ang mga bakulaw na ito." she smiled.

Tumayo ako at dumiretso kami sa kitchen para tumulong sa paghahanda ng mesa. Pero sa isip ay hindi ko mapigilang hindi magduda. Baka nga kasi magkasama ang dalawa ngayon. Malaman ko lang na totoo ang sinabi ni Ian, magkalimutan na kami ni Jack.

Bandang alas dose na ng madaling-araw nang makauwi ako sa condo. Ipinilit ng mag-asawang Lawrence na doon na lamang daw ako matulog sa penthouse pero tumanggi ako. Doon din kasi magpapalipas ng gabi ang magnobyong Reid. Ayoko lanng makaabala pa. Sobra-sobra na ang ginawa nila para sa akin. And besides, I need to get to work tomorrow. Marami akong iinterviewhin.

Habang nakahiga ako sa kama ay hindi ko mapigilang balikan ang mga sandali namin ni Jack. I know being apart from him is the hardest but I need to get used to this. This is for the best for the meantime. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ito, dahil kung tatanungin ko ang puso ko, nais na nitong bumalik si Jack.

Sinulyapan ko ang stereo. Ilang gabi na rin na wala si Midnight Blue. Marami ang nagtataka at nagtatanong kung nasaan na ito at ang laging sagot ng mga DJ ay nagpapagaling daw ito.

I sighed. Nagpapagaling sa puso niyang sugatan? Did I really hurt him too much? Sobra ba ang ginawa ko sa kanya?

I felt uncomfortable kaya napabukas ako ng mata. Pagtingin ko sa radio clock ay mag-aalas dos na pala ng madaling-araw. Hindi ko akalaing nakaidlip na pala ako. Sumandal ako headboard. Pakiramdam ko kasi may kung ano o sino ang nakakatitig sa akin. At pakiwari ko pa nga ay may humaplos sa pisngi ko.

Pinilig ko ang ulo ko. Bunga lang siguro ito ng ilang gabi kong pagpupuyat. Bumangon ako at hindi na nag-abala pang patungan ng roba ang nighties ko.

Lumabas ako ng room para tumungo sa kusina. One full glass of fresh milk might help me get back to sleep. Minamasahe ko ang aking leeg habang naglalakad patungong komedor.

I opened the door of the refrigerator and get a carton of fresh milk. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw dahil bukas naman ang post lamp . After I drink a full glass of milk, hinugasan ko ang baso at tinaob sa gilid.

Imbes na bumalik sa kwarto ko, tinahak ko ang papuntang balcony. Umihip ang hangin at bigla akong nakaramdam ng lamig.

Nagtatago ang buwan sa likod ng mga ulap. Mukhang uulan mamaya ah.

Nanlaki ang mata ko nang may anino akong nakita mula sa aking likuran. Malakas na suminghap ako nang may brasong pumulupot sa aking baywang. Hinila ako nito para sumandal sa matigas nitong dibdib.

"Who----"

Isang kamay ang tumakip sa bibig ko, stopping me from screaming. "You're going to awaken the dead, love....."

Love.......

That voice is so achingly familiar.

Natulala ako. My heart beats erratically. His breathing fanning through my nape sent shivers down my spine.

He pulled me closer against his chiseled chest and he burried his face on my neck, inhaling my scent.

"I missed you, I missed you so badly that I can't survive another day without you. Don't send me away, love. Not now. Please." he beg and I began crying.

"Who said I'm sending you away? I've been waiting for you for quite awhile now, in case you didn't know." I answered hoarsely.

"Oh thank God." agad na hinarap niya ako at hindi na niya ako binigyan pa ng pagkakataong pagmasdan ang hitsura niya na ilang araw ko ng hindi nakikita.

Agad na inatake nito ang labi kong nakaawang at hindi na ako nag-alangan pang gantihan ito sa paghalik. I missed his lips. I missed his warm body. I missed all of him.

Naghiwalay ang aming labi para sumagap ng hangin. Nilayo niya ang katawan niya sa akin at naglahad ito ng palad.

"Hi. I'm Jack Aragon. The big brother of Gabriel. The owner of Aragon Tower, J&G FM, and I'm also working as a DJ. My codename is Midnight Blue. I'm single but I'm not available anymore. My heart has been owned now by the woman who's wearing the bracelet that I bought for her. And that woman happens to be standing in front of me." he sighed as he clipped some of my hair strands at the back of my ear.

"Let's start over again, Julianne. And I'll make sure there'll be no pretense and lies this time." he said huskily.

Nakamaang ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin at itutugon sa lahat ng kanyang sinabi.

He held both my hands and kissed my nuckles. "Can we start all over again? Can you give me a chance to prove that I'm worthy of your love?"

I saw sadness and nervousness flickered in his eyes. There was even insecurity in his deep, raspy voice. He seems scared of my answer.

I nod. "Yes. I'll give you a chance. But not just because you deserve it but simply because I love you. And I think that's enough reason for me to let you in." I smiled shyly.

His eyes sparkled with unshed tears. His face beams and I was dazzled.

"Liligawan ulit kita. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang dapat kong gawin and I'll do it in a heartbeat and without hesitation. I will prove to you that my love is real."

I put my finger across his lips. "For a good start, I want you to shut up and kiss me."

He grinned and my heart skip a beat. "I'm gonna kiss you like there are no mornings to come, love." hinapit ulit ako nito.

Ngunit bago pa lumapat ang labi nito sa akin, napatingin ito sa langit. "Oh! it's morning, love."

Tumango ako ngunit patuloy ako sa pag-iyak. What the heck is wrong with me! Why am I so emotional?

"Don't cry my love. Hinding hindi na ulit kita sasaktan at paiiyakin, Julianne. I promise. Mahal na mahal kita, higit pa sa iniisip mo."

"Oh Jack!" yumakap ako sa kanya. Sobrang saya ko na nagbalik na siya. Sapat na siguro ang isang linggong walang kumunikasyon.

"Hush now. Let me give you that kiss you're asking for."

"A kiss you're dying to have as well." I teased him.

"Guilty as charged, Ma'am." ngisi nito.

Tinaas ng daliri nito ang baba ko at napapikit ako. When his lips touched mine, I became alive again.

Definitely alive again.

A/N: weeehh...Nagbalikan na sila. Sige na lang at Kawawa naman. Julz, yung darating na twist, Ikakamatay mo yung sakit. Promise. Lols.

Hello mga bhe!

Pakota ulit guys ha! Lab you all!











Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 30.5K 38
Nagulat si Trick nang pagkatapos ng isang buwang pagkawala ng kanyang ama mula nang lamunin ito ng dagat, bigla itong sumulpot. Ang lalong nakapagpab...
34.8K 1.9K 18
The filming for their upcoming movie was finally done. Francesca Ingrid Loreto has never been more thrilled and excited for her vacation after months...
387K 10.9K 37
"I love being wed to you. Having the one person with whom you want to spend your entire life is wonderful... Nothing outside of us can change what is...
183K 6.6K 23
**✅FREE READ✅** Janus doesn't believe in fantasies and fairy tales. But fate decides to pull a prank on him. On April Fool's Day, a naked elf literal...