The Gentlemen Series 4: Jack...

By Winter_Solstice02

2.7M 66.3K 3.1K

Gabriel is the love of my life. He is the kind of man any other women would dream of having. He is my knight... More

Jack, The Disc Jockey
PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY

TWENTY FOUR

45.3K 1.6K 84
By Winter_Solstice02

Disturbing

Agad na tumayo mula sa kanyang pagkakaupo si Gabriel nang makita niya akong papasok sa dining area. Nakaupo sa kabisera si Jack. Sa kanan nito si Tiya Leonora na nakangiti ng alanganin sa akin.

Sinalubong ako ni Gabriel at hinalikan sa pisngi. "I'm glad you're still here."

I don't understand myself why I can't hate Gabriel too much. Kung tutuusin, lahat ng ito ay nag-ugat sa kanyang desisyon. Pero ang makita ko siya ngayong buhay at nakangiti ay nagpapagaan sa kalooban ko. I can't judge him because I wasn't there when he faced his hardest battle in the first place. At kahit wala ako sa tabi niya ng mga panahong iyon, alam kong hindi madali ang pinagdaanan nito. Mahirap mag-isa. I can attest to that myself. Pero iba ang sa kaso niya. Mag-isa na nga siya, may karamdaman pang taglay. I could hardly imagine the fear he had gone through. And I'm proud of him. Dahil nalagpasan niya iyon ng mag-isa. And here he is, standing in front of me, smiling like he has no problem at all.

"Sabi ko naman sa'yo dito muna ako habang nagpapagaling ka pa. Okay na ba pakiramdam mo? Nahihirapan ka pa bang huminga?"

He shook his head. "Maayos na ako. Halika. Let's have breakfast." hinila niya ako sa kamay palapit sa mesa at pinaghila na rin ng upuan katabi ng sa kanya.

"Good morning, Julianne." bati ni Tiya.

"Good morning, Tiya." tipid kong sagot. Sinulyapan ko si Jack na nakayuko sa kanyang pagkain. Hindi ito nag-angat man lang ng tingin o sumulyap man lang.

Pinaglagay ako ni Gabriel ng ham and bacon sa aking plate. Habang ginagawa niya iyon ay kinuha ko ang bowl na may fried rice.

Maagap na kinuha ni Gab iyon. Nagbanggaan ang aming mga kamay kaya kumalansing ang bracelet na suot ko.

"Nice bracelet." komento ni Gab. This time, nag angat ng tingin si Jack at tumama ang kanyang titig sa aking palapulsuhan.

"Uhm. Thanks." sa isip ay minura ko ang sarili kong bakit hindi ko naisipang tanggalin ang bracelet na bigay ni Jack.

"Yeah. Nice bracelet." panunuya ni Jack. Bumaling sa kanya si Gabriel na may tanong sa mukha.

"From you?"

"Yeah. It's my gift for her as we mark our second monthsary. But don't worry brother. Paniguradong itatapon na niya ang bagay na yan ngayon since wala na yang halaga." mapait na salita nito at sinabayan ng tayo. Nagpunas ito sa bibig gamit ang table napkin at pabagsak na binitawan niya ito sa plato. Sa nakikita ko ay hindi pa tapos itong kumain.

Napakagat labi lamang ako habang nakamasid sa kanya. Gusto kong magsalita ngunit wala akong alam na sasabihin. So, he really knew about the 'monthsary' thing after all. At ewan ko ba, may kung anong init ang humahaplos sa puso ko.

"I don't think so. Knowing Julianne, I'm sure she will keep things which are important to her."

Jack scoffed. "Newsflash brother, I am not important to her anymore." he sighed. "I'd better get going. Enjoy the rest of the day, everyone."

Sinundan lamang namin ng tingin ang pigura ni Jack na naglalakad palayo sa dining area. Nang maglaho na ito ng tuluyan, saka pa lang ako humigit ng hininga. Kanina kasi ay parang ang sikip ng silid sa aming tatlo.

Tumikhim si Tiya. "Gab, ang gamot mo huwag mong kakalimutan."

"Yeah Tiya. I know." he smiled.

Tumayo ang Tiya. "Mauna na ako sa inyo at didiligan ko pa ang aking hardin. Kumain ka ng marami Julianne. Pakiwari ko'y nabawasan ka ng timbang."

Ngumiti lamang ako habang tumatango kay Tiya. Nang kami na lamang dalawa ni Gab, kinuha niya ang kamay ko at dinala sa labi nito.

"Gusto mo pa bang pamahalaan ko pa ang agency mo?" magiliw na tanong ko dito.

"Oo naman. The agency is doing great as I checked the numbers. Napalakad mo ito ng maayos, hon. At isa pa, lahat ng akin ay sa'yo na rin. Kaya gawin mo kung ano ang gusto mong gawin dito." he smiled.

Marahan kong binawi ang aking kamay para magpatuloy sa pagkain. Gusto ko mang magprotesta sa kanyang sinabi pero pinili ko na lamang ang manahimik.

"Julz."

"Hmm?" uminom ako ng tubig bago ko siya hinarap. Nagulat ako dahil ang lapit ng mukha ni Gabriel sa akin.

Ngiting ngiti ito habang pinapahiran ng daliri nito ang gilid ng aking labi. "Matakaw ka pa rin hanggang ngayon." he chuckled.

"Gab!" pinanlakihan ko ito ng mata.

"I missed you, Julz. So much." tinitigan nito ang aking labi and suddenly l felt uneasy.

His face getting closer to me and I was about to pull away when someone make a coughing sound.

Sabay ang pagbaling namin doon sa entrada ng dining area. Nalaglag ang panga ko nang makita si Jack doon. Akala ko ba ay umalis na ang taong ito?

Madilim ang kanyang mukha habang nakatitig sa amin. Kung nakakamatay lang ang titig ay baka bumulagta na kaming dalawa ni Gabriel. There's anger and animosity in those blue eyes.

"Kuya, I thought you left already."

"Then you thought wrong. I've made some calls in the study room. May nakalimutan din akong kuhanin sa kitchen. But continue what you are doing. Don't mind me. Just ignore me." matabang niyang sagot.

He walked past to us at tumuloy sa kusina. Nagkatinginan lang kami ni Gabriel. Tahimik na tumayo ako at nililigpit ang mga pinggan sa mesa.

Hindi nagtagal ay lumabas din si Jack na may bitbit na bottled mineral water. Kumunot ang noo ko. Yan ba ang nakaligtaan niyang kuhanin?

Sumulyap siya sa akin at hindi ko maiwasang hindi rin siya titigan. Naka navy blue long sleeve ito at black pants. He looks incredibly handsome sa kabila ng pagkakaroon ng stubble sa kanyang chin.

Nag-alis ng bara sa lalamunan niya si Gabriel kaya napakurap ako. Hindi ko napansing naglalaban ang titig namin ni Jack. At katulad ng inaasahan ko, ang puso ko ay kumakabog na naman. Kahit ang balahibo ko ay nagsipagtindigan.

"I'll go ahead." madiin na salita ni Jack.

"Baka may nakalimutan ka pa kuya. Alalahanin mo nang hindi ka pabalik-balik." si Gabriel.

"Tss." Jack replied as he walked away from us.

Umiiling-iling si Gabriel at tumayo na rin para tulungan ako. Hindi ko maiwasang malungkot. Ewan ko ba, hungkag na hungkag ang nararamdaman ko sa ngayon.

"Okay ka lang?"

Tumango ako. "Oo naman."

He sighed deeply. "Pwede ba tayong maglakad-lakad muna Julz? You can go to the office this afternoon. Kaya na ng mga tauhan natin ang agency."

"Okay sige."

Pagkatapos tawagin ni Gabriel ang katulong ay binitawan ko na ang pagliligpit. Hinawakan nito ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.

Sabay kaming lumabas ng mansyon para maglakad-lakad sa gilid ng daan. Tahimik naman sa buong village at wala kang makikitang tao na naglalakad. Kadalasan ay puro sasakyan ang dumadaan sa amin.

Gustong gusto ko ang scenery ng lugar. Malapit kasi ito sa kalikasan at sariwa ang hangin dito. Malinis pati ang paligid.

"Hindi na ba natin maibabalik ang dati, Julz?" mahinang tanong ni Gabriel na ang tingin ay diretso sa daan.

Pinaglalaruan ng flat sandals ko ang maliit na bato at sinisipa ito ng marahan. "Mukhang hindi na natin maibabalik pa Gab."

"Kinamumuhian mo ba ako kaya ayaw mo na sa akin?"

I filled my lungs with air before I look at him. "No Gabriel. I don't hate you. At first, yes nagalit ako sa'yo. Pero ngayon,nakuha ko na ang punto mo. It's just that------"

"It's just that, you don't love me anymore."

"I love you, Gab. I always do."

He smiled bitterly. "You love me, yes. But you're not inlove with me anymore. Perhaps you never did. O kung minahal mo man ako noon, kakapiraso lang siguro yun kumpara sa pag-ibig mo ngayon kay kuya."

Ang boses niya ay malungkot. Hungkag. At parang binagsakan ang dibdib ko sa anyo niyang nasasaktan ngayon.

Tumigil kami sa mini-park ng village at umupo ako sa bench. He follows and sat beside me.

Umihip ang hangin at nililipad nito ang aking buhok. Inipon ko iyon at nilagay sa kabilang gilid ng balikat.

"I just want to be honest with you, Gabriel. We have to be honest this time. And I want to be honest to myself. I've had enough lies and pretense. Gusto ko ng magpakatotoo ngayon. Ilang beses kong gustong sabihin sa'yo ang totoo noon pa man. I wanted to tell you what I've really felt recently. Gusto kong aminin sa'yo na may minamahal na akong iba. Pero lagi kitang hindi matyempuhan. Hindi kita mahagilap."

Hinarap ko siya at hinawakan ang magkabilang kamay nito. " You are right. I'm inlove with your brother, Gab. Minamahal ko si Jack. It surprises me of how deep my love for him is in just a short while. But yes, I'm honestly inlove with him." my voice shook.

"Naiintindihan ko." suminghap ito at may namumuong luha sa gilid ng kanyang mata.

"Gabriel. I just can't keep this anymore. Kasi kung itatago ko ang nararamdaman kong ito, para na rin kitang niloko. Para ko na ring niloko ang sarili ko. Pareho lang tayong masasaktan."

"Yeah. I know. I know. Actually, this is inevitable. Inaasahan ko na ito. It's just that I'm being in denial. Wala naman akong karapatang magalit sa inyo ni kuya, di ba? Dahil ginusto ko ito. Hiningi ko ito."

"Listen to me Gab. You deserve someone better than me. Yung babaeng bubuo ng pangarap mo. Yung babaeng mamahalin ka ng buong-buo. Yung aalagaan ka. Iingatan ka. Ibibigay sa'yo lahat dahil mahal ka niya. You gonna find her, Gab. In God's time and will." pinahiran ko ang luhang pumatak sa kanyang pisngi. And he did the same to me.

"Actually, nahanap ko na siya and she's sitting next to me."

Impit na umiyak ako at umiling sa kanya. Niyakap ko si Gabriel ng mahigpit. We both cried on our shoulders.

"I'm not the one for you. Pag nakita mo na ang babaeng para sa'yo pagdating ng araw, alam kong sasabihin mo na tama ako."

"I don't know if that day will ever come, Julz. Because until now, my heart beats only for you. I love you, and my love for you is selfless. I can't be selfish with you. And because of that, I don't want to burden you. I have to set you free. I want your heart to be whole again even if it means breaking mine." he said.

"Oh Gab." hinaplos ko ang kanyang pisngi. "See? You have a good soul with a good heart. And I know it. But despite of the fact that I know you're a good man, I still chose to hurt you. Nangangahulugan lang iyon na hindi ka karapat-dapat sa akin at ako sa'yo. Hindi tayo para sa isa't isa, Gabriel."

He nod sadly. "How about you Julz? What will happen to your heart?"

I smiled bitterly. "I still have my heart, Gab. Because I can still feel the pain inside it. Nararamdaman ko pa rin ang sakit. And I don't know when will it be gone."

"I think kuya really is inlove with you."

Sumandal ako sa likuran ng bench at tinanaw ang mga batang naghahabulan kasama ang magulang at yaya ng mga ito.

"I don't know Gab. Nahihirapan na akong magtiwala sa kanya. Pakiramdam ko'y puro panloloko na lamang ang gagawin niya sa akin. Pakiramdam ko'y hindi siya totoo."

Suminghap si Gabriel at bumaling sa tinatanawan ko. "I want you to be happy, Julz. And if your happiness is to be with kuya Jack, then so be it. Kung hindi ka mapapasaakin, I'd rather want you to be with my brother. Both of you deserve to be happy. You should talk."

"We will. Pero hindi muna ngayon." Tumayo ako. "Let's go home. Baka hinahanap na tayo sa mansyon. Kailangan ko pang pumasok sa ageny mo."

"Na agency mo rin." ngumuso ito sa akin. And I laughed lightly.

I snaked my arms around his waist at sabay kaming naglakad pabalik ng mansyon. Nabawasan ang bigat sa aking dibdib dahil sa pag-uusap namin ni Gabriel.

Buong maghapon ay lutang ang aking isipan sa opisina. Minsan ay tumatawag si Gabriel. Minsan ay si Brenda para makibalita.

Mag aalas sais na ng gabi ng maisipan kong umuwi. Nagpasundo ako kay Manong Nato sa kabila ng pangungulit ni Gabriel na siya na lamang daw ang sumundo. Ngunit hindi ko siya pinakinggan. Ayokong mahirapan siya sa pag drive.

Nakahimpil na ang sasakyan sa driveway ng mansyon. Nakita ko sa garage ang kotse ni Jack na ginagamit niya palagi. Nakauwi na ito?

Pagpasok ko sa loob ng mansyon ay tinanong ko ang katulong kung nasaan si Gabriel. Ang sabi kasi nito ay aabangan niya ako sa living room.

Paakyat na ako sa hagdan nang makarinig ako ng mga bagay na parang bumagsak sa sahig. Nilingon ko ang pinto ng study room nang makarinig ng mga boses.

Bigla akong kinabahan. Hindi kaya may nangyari kay Gabriel? Baka nahirapan itong huminga kaya bumagsak sa sahig?

Dali-dali ang pagbaba ko at halos pinatakbo ang distansya patungong pintuan ng study.

Hindi ako nagdalawang isip na buksan ang pintuan niyon without knocking the door.

"Gab!"

Suminghap ako sa tagpong nakita ko. Nagkalat ang mga libro sa sahig. Mga papeles at kung ano-ano pa. Sadyang tinabig ang mga iyon.

Sa ibabaw ng mesa si Wendy na nakataas ang skirt hanggang baywang. Ang blouse nito ay nakataas na rin exposing her bra.

And Jack is standing in between the thighs of Wendy. Halos malaglag na rin ang pantalon nito at wala itong pang-itaas na damit.

Pareho silang nakatingin sa akin. Pawisan na pareho ang kanilang mukha. Kagat labing kumaway si Wendy sa akin. "Hi Julz."

Jack's face is impassive. I can't read his expressions. But I'm sure he reads mine.

I'm not good in giving poker face. Pakiramdam ko'y literal na sinaksak ang puso ko sa posisyon nilang dalawa.

Napakapit ako sa door knob ng mariin. Kailangan kong humawak doon dahil kung hindi ay mabubuwal ako. Nakakapanghina ang sakit na sumasalakay sa akin.

"Lock the door when you leave. You're disturbing us." mababang boses na bigkas ni Jack.

Suminghap ulit ako. "I'm.....I'm sorry. Akala ko nandito si Gabriel." hindi ko naitago ang panginginig sa aking boses.

"Obviously he's not here." he smirked. Pero nandun ang galit sa kanyang mata.

Yumuko ako at dahan-dahang umatras kasabay ng pagsara ng pinto. Hindi ko pa halos nailapat iyon ng lubos ay mabilis na akong umalis sa lugar na iyon.

Alam ko naman na hindi niya talaga ako minahal. He never loved me for real. Handa ko namang tanggapin ang katotohanang hindi na talaga kami eh. Na madali lang sa kanya makahanap ng pamalit. Pero ang masaksihan iyon ng mismong mga mata ko ay sobrang sakit pala.

Hindi ko na tuloy alam kung ano ang dapat gawin, dapat ko na bang iwanan ang bahay na ito at magpakalayo-layo na lang? O magtatapang tapangan akong pakiharapan si Jack araw-araw para ipamukha sa kanyang kaya kong wala siya sa buhay ko?

A/N: Hindi ulit tayo komota guys :'(

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94.9K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.3M 67.4K 63
Tubig at langis? Masahol pa roon ang agwat ng katayuan nina Chantal at Jethro sa buhay. She wore and designed fancy clothes while he works as a mecha...
183K 6.6K 23
**✅FREE READ✅** Janus doesn't believe in fantasies and fairy tales. But fate decides to pull a prank on him. On April Fool's Day, a naked elf literal...