Western Heights: Casanova's P...

By foolishlaughter

114K 3.5K 406

*complete* Western Heights is a renowned school/academy. Known for its academic excellence, Western Heights... More

Western Heights
Chapter 1: Scholarship
Chapter 2: Gossips
Chapter 3: Sir Brent
Chapter 4: The Hierarchy
Chapter 5: Kulay Tae
Chapter 6: Which Category
Chapter 7: Asher Lance Ynarez
Chapter 8: Peasant
Chapter 9: Instant
Chapter 10: Workmate?!
Chapter 11: Hyacinth Imperial
Chapter 12: Kodigo
Chapter 14: Chef Lance
Chapter 15: Desperate Measures
Chapter 16: Pride and Dignity
Chapter 17: Kapit Sa Patalim
Chapter 18: Crazy Contract
Chapter 19: The Calm
Chapter 20: Big Ben
Chapter 21: Mama Tori
Chapter 22: The Storm
Chapter 23: It's A Date!
Chapter 24: Kilabot
Chapter 25: Theme Park
Chapter 26: Wheel of Questions
Chapter 27 : Call From Abroad
Chapter 28: His Family
Chapter 29: An Unexpected Guest
Chapter 30: Engagement Party
Chapter 31: Hand To Rely On
Chapter 32: Tom-Tom
Chapter 33: The Boss Is Back
Chapter 34: Take Out
Chapter 35: Intense Review "daw"
Chapter 36: Differences & Comparisons
Chapter 37: Hospital Disaster
Chapter 38: Friends For Real
Chapter 39: Ano 'to?
Chapter 40: He's A Total Wreck
Chapter 41: Bicol Express
Chapter 42: All Is Well
Chapter 43: First Love
Chapter 44: Surprise!!!
Chapter 45: Grandparents
Chapter 46: Mission Accomplished
Chapter 47: To The Rescue!
Chapter 48: Stay Away
Chapter 49: Spilled Beans
Chapter 50: Consequences
Chapter 51: Aftermath
Chapter 52: Emergency
Chapter 53: The Burial
Chapter 54: I'm Sorry
Chapter 55: Frame Up
Chapter 56: Us
Chapter 57: Foolish Hearts
Epilogue
Special Chapter
Castaway

Chapter 13: Collapse

1.8K 51 2
By foolishlaughter

"Be my girl."

Nanatili lamang akong nakatitig kay Asher ng ilang segundo. Sinusubukang suriin ng mabuti ang reaksyon sa mukha niya. Hinintay ko ang pagtawa niya, hinintay kong sabihin niya na nagbibiro lamang siya. Hinintay ko iyon at hindi nagsalita. Subalit wala akong nakuha. Maging siya ay parang hinihintay ang magiging reaksyon ko.

E ano nga ba ang dapat na maging reaksyon ko? Dapat ba akong tumawa? Dapat ba akong mainis? Ano ba? Hindi ko naman kasi alam kung anong gusto niyang iparating.

"Siraulo ka ba?" Ang tanging lumabas mula sa bibig ko.

Umiling siya, "Let me rephrase that. Pretend to be my girl."

"Ha?! Bakit?!"

"Just because. Tsaka wala ka namang choice diba? Ano, gusto mo bang maexpell from Western Heights and put your future into jeopardy?" Nakangisi niyang tanong sa akin.

Dahan-dahan akong napatango, hindi dahil sa kundisyon na sinabi niya. "Siraulo ka nga."

Huminga siya ng malalim, "I think you don't fully understand the situation you're in. Pwede malagay sa panganib ang buong kinabukasan mo wala kang kayang gawin to prevent that, and I'm the only one willing to help."

"Willing? Willing pa ba ang tawag dun e may kundisyon ka ngang ganyan?" Sumbat ko. "Hindi pa pwedeng tulungan mo nalang ako bilang isang mabuting mamamayan ng bansa?"

"I'm not kind, and I'm most definitely not gonna be nice to you even if I have to." Walang gana niyang sabi.

"Pero yun talaga yung kundisyon mo? Hindi ba pwedeng maging julalay mo nalang ako?"

Napakunot ang noo niya, "What's julalay?"

Hindi ko mapigilang matawa ng bahagya. Nahahawa na rin kasi ako sa mga baklang nakatambay sa kanto pag hapon, natutunan ko narin tuloy ang mga salita nila. "Julalay as in alalay." Paliwanag ko.

Umiling siya, "No, I don't need a julalay." Muli nanaman akong mapangiti nang sabihin niya iyon. ANg sagwa kasi kapag galing kay Asher. "I need someone to be my girlfriend."

"E bakit hindi ka nalang ulit manghuli ng isda dito sa school? Ang dami kayang babae dito, e diba nga marami ka nang naging girlfriend dito? Edi hindi ka na mahihirapang maghanap?"

"Ikaw lang yung magww-work. Sayo lang magiging effective."

"Ang alin?"

"Basta. Papayag ka o papayag ka? If you want... I can pay you?"

Marahan akong umiling, "Hoy Asher ah, wag mo kong inaano diyan. Alam kong ayaw mo sakin at wala ka ring paki sakin, kaya kung ginu-good time mo ko wag mo nang ituloy." Sabi ko sa kanya. "Tsaka nga pala, pinabibilin ni Brent, pumasok ka na raw." Hindi ko na muna pinansin ang huli niyang sinabi na nakakainsulto. Wala na talaga akong oras para pansinin iyon, ayoko nang dumagdag pa yun sa mga inaalala ko.

"Papasok ako if and only if papayag kang maging girlfriend ko."

"Asher di ba nga sabi ko sayo-"

"What's going on here?" Pareho kaming mabilis na napatingin sa pintuan ng classroom. Narinig ko rin ang biglang pagtago ng kopya ng History Exam namin sa likuran ni Asher. Pagtingin ko, si Hyacinth at si Rachel ang naroroon. Si Rachel ang nagtanong. "Did I hear you right, Asher? What do you mean girlfriend?"

"Hi-"

"Yes, you heard it right. I'm asking Thalia to be my girl." Lakas loob niyang sabi. Ni wala ka man lang mararamdamang pag-aalinlangan sa pagkakasabi niya at yung tono pa niya ay parang totoo talaga ang sinasabi niya.

"What?!" Tuluyan nang sigaw ni Rachel. Tapos sinubukan ulit niyang kumalma may mga hand gestures pa siyang ginawa, "Alright, I get it. Is she your week's flavor?" Taas kilay niyang tanong.

Napakunot ang noo ko nang marinig ko iyon. 'This week's flavor?' ano namang ibig niyang sabihin? Na gagaya ako sa ibang mga babae dito na papayag magpaloko sa isang tulad ni Asher? Na okay lang sa akin na makipagrelasyon kahit sandali lang dahil si Asher iyon? "Teka lang naman-"

"Hush, wala kang say dito peasant ka lang." Awat ni Rachel.

Naramdaman ko ang kaagad na paglapit ni Asher sa tabi ko, "Don't talk to her that way." Banta niya na ikinagulat ko.

Napansin kong maging si Hyacinth ay nagulat sa inasta ni Asher. "Step out of this Rachel." Dagdag pa ni Asher.

"But Hyacinth is-"

"Stop it, Rachel." Pigil sa kanya ni Hyacinth. Tapos ay tumingin siya sa akin. Noong una ay akala ko tatarayan din niya ako pero taliwas sa inaasahan ko ang ginawa niya, dahil nginitian niya lamang ako. "I wish you all the best guys. Congrats sainyo." Nakangiting bati pa niya.

Naramdaman ko sa gilid ng braso ko ang pagkuyom ng kamao ni Asher pagkatapos magsalita ni Hyacinth. Nang ibalik ko ang tingin ko kina Rachel at Hyacinth, mukha pa silang nagtatalo, pero pagkatapos lang ng isang saglit, "Lalabas muna kami, we'll give you guys some space." Paalam ni Hyacinth tapos ay hinila na niya ulit palabas ng pintuan si Rachel.

Pagkasara ng pinto, walang nagsalita sa amin ni Asher.

Ayokong magsalita, kasi feel ko wala muna akong karapatan na magsalita dahil sa palitan ng tingin na naganap kanina sa pagitan ni Asher ni Hyacinth. Pakiramdam ko hindi muna ako pwedeng magsalita kahit na ginamit ako para magsinungaling ni Asher. Kasi pakiramdam ko bigla nalang siyang-

Napahakbang kaagad ako nang biglang lukutin ni Asher ang history exam at malakas itong ibinato pababa. Kaagad din naman ako humakbang palapit sa kanya, at lumuhod upang pulutin ang tinapon niya. Mahirap na't baka magkabistuhan pa.

"You." Walang anu-ano'y mabilis akong napatayo nang marinig kong muli ang malalim na tinig ni Asher. "From now on, you will be my girlfriend."

Napakagat ako sa labi ko at huminga ng malalim, "Asher hindi ko talaga-"

Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita. Bigla na lang niyang hinablot mula sa pagkakahawak ko ang papel na kanina niyang tinapon, at naglakad na paalis. Kinuha niya ang bag niya at lumabas na ng classroom, at malakas na binalibag pasara ang pintuan.


***

"Eto po bayad tito Julio." Sabi ko kay tito Julio sabay abot ng bayad ko. Kadidismiss lang kasi namin, at free day ko ngayon sa trabaho.

Sobrang pagod din ang nararamdaman ko kaya buti nalang at wala akong trabaho ngayon. Nakakastress kasi yung inspection na naganap sa school kanina tungkol doon sa nawawalang History Exam. Bawat bag sa buong school ay binali-baliktad, at sobrang intense sa pakiramdam dahil nga minsan nang nasa bag ko yung hinahanap nila.

Sana naman magawan nga ng paraan ni Asher yun, tutal kinuha din naman niya mula sa akin. Tutulungan naman siguro ako nun di ba?

May girlfriend-girlfriend pa kasi siyang nalalaman!

"Tom-tom?" Tawag ko kaagad sa kapatid ko habang sinusubukang abutin ang buksanan ng gate. Dismissed narin panigurado iyon, half day kasi siya araw-araw. "Tom?"

Napakunot ang noo ko nang walang Tom-tom na sumalubong sa akin sa gate. Madalas kasi niyang gawin iyon. Tumungo pa ako lalo papasok.

Doon na nga ako inatake ng matinding kaba nang marinig ko ang pagsibi ng nakababata kong kapatid. Hindi na ako nagdalawang isip na bitawan ang bag ko at tumakbo na ng tuluyan papasok sa kwarto.

Naabutan ko si Tom-tom na nakatayo at umiiyak, nasa may paa niya ang mga mukhang nabitawan lamang niyang laruang sasakyan. Kaagad akong lumapit sa kanya, "Tom? Napano ka? Anong nangyari?"

"P-P-Papa!" Hagulgol niya.

Nangilabot ako nang marinig ko siyang sabihin ang salitang Papa. Natataranta kong iniikot ang paningin ko sa kabuuan ng sala kung nasaan si Tom-tom. Wala. "Tom, nasan si Papa? Tom, sagutin mo si ate, nasaan si Papa?" Nanginginig kong tanong sa kanya.

Sobrang masama ang kutob ko sa mga nangyayari.

Isang hagulgol muli ang natanggap kong sagot mula sa kanya. Hindi naman palaging ganito si Tom-tom. Matalino ngang bata ito e. Nagkakaganito lang siya kapag hindi na talaga niya alam ang gagawin. Ibig sabihin, may masama nga talagang nangyari.

Iniwan ko muna ang kapatid ko at nagmamadaling tumakbo papunta sa kwarto nila ni Papa. Una ko dapat ay buksan ang pinto, pero nang subukan ko ito, hindi ito gumagalaw na tila ba may nakaharang sa kabilang side nito. Inilusot ko ang ulo ko sa natitirang espasyo at sinilip kung ano iyon.

"Papa!!" Mangiyak-ngiyak ko kaagad na sigaw nang makitang si Papa na nakahilata pala ang humaharang sa pinto, wala siyang malay. Para akong nabuhusan ng isang balde ng nagyeyelong tubig.

"Tom-tom!! Tawagin mo si Tito Julio, bilis!" Natataranta kong utos sa kapatid ko kasabay ng mabilis na pag-agos ng mga luha sa mukha ko.

***

"Thalia, anak magpahinga ka na muna." Sabi sa akin ni Tito Julio. Tumingin ako kung nasaan mahimbing na natutulog si Tom-tom.

Umiling ako, "Hindi rin naman po ako makakatulog eh." Pagtanggi ko. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, pakiramdam ko ay wala na akong oras matulog. Natatakot kasi ako. Natatakot ako na baka paggising ko, may mangyaring masama o ulit. O di kaya naman, habang natutulog ako ay lumala ang kundisyon ni Papa.

Magpasahanggang ngayon kasi, wala paring balita tungkol sa kalagayan niya. Magtatatlong oras na kaming naghihintay nina Tito Julio at Tom-Tom dito sa labas. Nasa punto na ako na kahit kausapin lang ako ng konti, nanggigilid kaagad ang luha ko.

Kaya naman siguro mas mabilis pa sa kisap mata ang pagikot ng buong katawan ko paharap sa dalawang malalaking pintuan na may EMERGENCY na nakalagay sa itaas nang marinig ko ang pagbukas nito. Tumakbo kaagad ako palapit sa lalaking lumabas at nakaputi, "Doc? Doc, kumusta po yung tatay ko? A-ano pong nangyari?"

"Immediate family?"

Magalang akong bata, pero sa tinanong niya muntikan na akong sumagot ng pabalang. Di ba nga hinahanap ko ay yung tatay ko, tatanungin pa ba talaga ako kung immediate family ako? Pero imbes na gawin iyon, marahan na lamang akong tumango. "Opo, anak niya po ako."

"Your father is stable." Nakahinga kaagad ako nang maluwag nang sabihin niya iyon. "For the time being."

Nanatili lamang akong nakatingin kay Doc, pero sa kaloob-looban ko, nagbalik ang matinding kaba na nararamdaman ko kanina. "I'd like to speak with you in private, dear. If that's okay?"

Dahan-dahan akong tumango. Pero may parte sa akin na gustong sabihin na 'hindi', 'ayoko', kasi ayokong marinig kung ano mang sasabihin niya. Hindi na ako umaasa na isa itong good news, kasi kung ganoon nga ang sasabihin niya, edi sana nasabi na niya kanina pa sa harap ng kahit hindi immediate family member ni Papa.

Halos hindi ko na siya sundan nang magsimula siyang maglakad. Bawat yabag ng mga paa ko, ay napakabigat- napakabigat sa loob ko. Anong nangyari kay Papa? Bakit nagkaganito?

Sinundan ko si Doc papasok sa isang kwarto, tumungo siya sa upuan niya sabay senyas sa akin na umupo sa dalawang silya na nasa harapan niya. Una niyang inalis ang salamin na nakasuot sa kanya at tinignan ako nang maigi, "Ms?"

"Thalia po." Kaagad kong sagot, kahit ayoko pang marinig ang balita ayaw ko rin namang patagalin pa ang pagsabi niya rito.

"Ms. Thalia, I'm never fond of sugar coating stuff. As much as possible kahit pinagbabawal ng hospital, I always go straight to the point." Paninimula niya, tumango kaagad ako. Yun din naman ang gusto kong marinig, ayaw ko ng paligoy-ligoy pa, lalo na't kung kalagayan ito ni Papa. "Your father has bone cancer."

Doon palang, doon palang talaga naramdaman ko nang tumigil ang ikot ng mundo ko. Tipong pati ang kumurap ay hindi ko halos magawa. "Stage 2, and the cancer cells are spreading rapidly."

"I've already had this talk with your father before pero I think you should also-"

"A-alam na po ni Papa na may cancer siya?" Nanginginig kong tanong sa kanya.

Tumango siya, "I'm really sorry you have to hear it from me. Pero matagal ko nang pasyente ang Papa mo. Isang buwan na naming alam na may cancer siya."

Hindi ako nagsalita, hindi ako sumagot, hindi ako umimik. Hindi lang kasi ako makapaniwala na ganito na pala kabigat yung dinadala ni Papa. Ang akala ko, katulad lang siya ng dati na naubusan na siya ng gamot at ayaw niya lang gumastos. Pero ibang lebel na pala, ganito na pala kalala. Bakit ganoon? Ang bata pa ni Papa, pero... Cancer? Totoo ba to? Kung pwede lang maging isang malaking bangungot ito, Diyos ko, kung pwede lang. "Iha?"

Kaagad kong pinunasan ang mga luhang muli nanamang pumapatak sa pisngi ko nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng doktor. "Pasensya na po, masyado po kasing mabilis itong mga nangyayari."

"Naiintindihan ko." Malumanay niyang sabi, kitang-kita sa mga mata niya ang awa at lungkot.

"A-ano na po ba yung dapat naming gawin? May chance po ba na mawala yung sakit niya?"

Huminga siya ng malalim, "Well cancer cells are very tricky, iha. Wala silang ibang alam na gawin kung hindi ang mag multiply at sirain ang mga totoong cells ng katawan natin. We have ways to prevent them from spreading and multiplying pero we really can't guarantee na mawawala sila ng tuluyan. To be frank iha, it's not even a 50-50 chance."

Nangilabot ako sa mga sinabi niya. Dati kasi kapag napapanood ko sa mga pelikula ang sakit na ito, ang akala ko madali lang siyang lunasan, hindi pala. At ang malala pa, wala pa talaga siyang lunas. "And ang mga prevention na sinasabi ko will cost a great sum of money. Mahal." Dagdag pa niya at unti-unti na niyang ipinaliwanag ang mga kailangang gawin ni Papa at ipinakita rin ang mga presyo nito.

"But our hospital can provide you organizations na pwede niyong lapitan, mga taong pwede kayong tulungan. I'll make sure na mabigyan kayo." Mabuti nalang at mabait itong doktor ni Papa.

Pero kahit na sinabi niya iyon, alam ko sa sarili kong kulang pa yon. Walang-wala kami, ang pera namin sapat lang sa pang-araw araw namin at kung minsan ay kulang pa. Saan naman ako kukuha ng ganoong kalaking pera?

Ayaw ni Papa na kumuha pa ako ng isa pang part time, at ang ayoko namang dumagdag pa sa mga inaalala niya ito kapag sinuway ko siya. E ang kaso, wala naman akong pwedeng pagkakitaan habang nag-aaral ako di ba?

I'll pay you....

Umiling ako. Hindi. Hindi pwede.

Ano ka ba, Thalia? Bakit naman si Asher ang naiisip mo dito?

Hahanap nalang ako ulit ng isa pang trabaho, hindi naman siguro ganoon kahirap di ba?

Be my girl.

I'll pay you.

Tumigil ka, Thalia!




Don't forget to vote, comment na rin while you're at it!

#WHTCP

Continue Reading

You'll Also Like

9.2K 698 33
"Don't come after the money. It might come after you!" Philippine Crime Investigation Services (PCIS) is an underground and discreet agency which mai...
47.2K 728 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
1.6K 70 55
Compass Series #1 (Completed) Growing up in a discouraging household, Aria Solace only wanted one thing to give back to her parents. Success. She wan...
635 168 30
Sa dinami-rami nang p'wedeng bumalik, bakit ikaw pa? ••• They said, "first love never dies". But for Pauline "Pokw...