Owning Her Innocence (R-18)

By RaceDarwin

64.2M 1.2M 125K

Callante Fontanilla was hot. Dayum hot. But for some reason, galit si Kira sa lalaki na forever kapitbahay na... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four (Part 1)
Chapter Forty Four (Part 2)
Chapter Forty Four (Part 3)
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two (Part 1)
Chapter Sixty Two (Part 2)
Chapter Sixty Three (Part 1)
Chapter Sixty Three (Part 2)
Chapter Sixty Three (Part 3)
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Epilogue

Chapter Seventy

609K 12.5K 1.6K
By RaceDarwin


 SA ILANG taon ni Callan sa kasalukuyan niyang propesyon. Ngayon lang niya tuluyang napagtanto kung gaano kahirap ang maghanap sa isang taong nagtatago. He took four freaking days to track Kira down.

 Pagod at tensyado, nagpasya agad siya na puntahan ang address na kinaroroonan nito. Papaalis na siya sa kanyang bahay nang tumunog ang cellphone niya. Nanigas ang katawan niya nang makita kung kaninong numero ang nakarehistro na tumatawag.

Sinagot niya iyon, "Dad.."

 Aminado siya sa sarili niya na dismayado siya sa natuklasan tungkol dito. Bakit hindi? Kahit ganoon ang kanyang Mama, mahal pa rin niya ito bilang magulang. At ang natuklasan niya mula sa nakaraan ay parang dumurog sa puso niya. Bilang anak, nasaktan siya para sa kanyang ina.

Pero tama si Kira. Kahit ano pa ang kasalanan ng isang magulang, handa iyong tanggapin ng isang anak.

Nagkamali si Kira nang umalis ito para sa kanilang dalawa. Hindi iyon ang magpaparaya sa kanila sa nakaraan. Hindi nito kailangan na bumitaw at magparaya.

Pinigilan niya ang namumuong hapdi sa sikmura. Apat na araw na siyang nangungulila sa asawa at ngayon na alam na niya kung nasaan na ito, hindi na siya mag-aaksaya pa ng panahon. But he have to talk with his father first.

"Anak, puwede ba na mag-usap tayo?"

"Now?"

"Yes. Kung puwede.. Dito sa bahay. May mahalaga akong sasabihin sa 'yo."

Siguro nga kailangan muna nilang magkaroon ng masinsinang pag-uusap. "Sige, Dad."

Walang dahilan para hindi siya pumayag na makiag-usap dito. Hindi naman niya maiiwasan habambuhay ang ama. Isa pa, dapat lang na makapag-usap sila para tuluyang maayos ang lahat. Kakausapin na rin niya ang kanyang ina.

Mayamaya lamang ay nakarating na siya sa kanilang bahay.

"Sir, naghihintay po si Sir Frei sa library."

Tinanguan niya ang katulong at nagpasalamat. Naabutan niya na nakaupo ang papa niya habang may binabasang libro.

"Dad," tawag niya dito nang makapasok siya sa silid.

Tila nag-aalangan na ngumiti ito. "Callan, anak.." Lumapit siya at umupo malapit dito.

"Bakit n'yo ba ako pinapunta, Dad? Tungkol ba ito sa..." Sinadya niyang ibitin ang sasabihin at tumingin ng diretso sa mga mga mata nito. Samu't saring emosyon ang nakita sa pares ng asul na mga mata ng ama. Ngunit nangibabaw ang pagsisisi.

"Gusto kong humingi ng kapatawaran, anak. Kahit imposible na mapatawad mo ako ngayon.." Kumarap ito para pigilan ang luha, pagkatapos ay lumunok. "Alam kong malaki ang pagkakasala ko sa iyong ina. I cheated on her.. Sinaktan ko siya. Aaminin ko, i desire her mother.. I really like Reina before.."

Marahas na nahigit niya ang hininga at napatiim-bagang. "Bakit n'yo sinasabi ito sa akin? Do you really want me to hate you?"

"Hindi anak. I just want to be honest. Gusto kong maging malinaw sa 'yo na kasalanan ko ang lahat. Kung pinigilan ko ang sariling magustuhan at akitin si Reina na makipag-relasyon sa akin, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Yeah, it's all my fault. At ako lang ang dapat mong sisihin." Namamasa na ang mga mata nito. "Alam kong naaapektuhan ngayon ang relasyon niyo ng asawa mo. Hindi lang 'yon. Dahil sa kasalanan ko, nawala pa ang baby n'yo. Patawarin mo ako, anak. Maniwala ka buong buhay kong pinagsisisihan ang nagawa ko. At kung maibabalik ko lang ang panahon, hindi ko gagawin 'yon. Nasaktan ko ang iyong mama noon. Ngayon nasaktan ko ikaw, si Kira at ang baby n'yo. Nasaktan ko ang lahat. Patawarin mo ako."

Mariing ipinikit nya ang mga mata. Ramdam ni Callan ang paninikip ng dibdib. Parang dinudurog ang puso niya sa sinasabi nito. Oo, nagkasala ito at gusto niya itong kamuhian. Pero kapag naalala niya ang nakalagay sa iniwang sulat ni Kira sa kanya, tila nabubura ang pagkamuhi sa dibdib niya. Parang kusang nabubura ang galit sa puso niya.

Nanginginig na bumuga siya ng hininga.

He was his father.. His beloved father. Walang kahit anong bagay sa mundo ang makakapagbago na kung hindi dahil dito, wala siya sa mundong 'yon. At handa siya ngayon na patawarin ito, tanggapin ulit at pagbigyan ng isang pagkakataon.

Alang-alang kay Kira, hindi niya bibigyan ng lugar ang galit at pagkamuhi sa kanyang puso.

Tumayo siya at lumapit sa ama. Hinawakan niya ito sa balikat, at unti-unting ngumiti. "You're forgiven, Dad."

Bumuhos ang emosyon sa mukha nito at mahigpit na niyakap siya. "Salamat, anak.. Salamat."

Napatingin siya sa pinto nang maramdaman na may nakamasid sa kanila. Naroon ang kanyang ina, may luha sa mga mata nito habang nakatingin sa kanilang mag-ama. He smiled at her. "Ma.."

Kumalas siya sa kanyang ama at lumapit naman dito.

"Anak, Callan.. Patawarin mo rin ako. Naging selfish ako at malupit sa inyo ni Kira. And i know, kasalanan ko rin ang nangyari sa baby n'yo ni Kira. I'm very sorry, son!" Ikinulong nito ang mukha sa palad at humagulhol. Agad na niyakap niya ito at inalo.

"No, 'Ma. Huwag mong sisihin ang sarili mo. It's okay.. It's okay now. Aayusin natin ang lahat ng ito. And then, we will start over again."

"Talaga? Hindi ka ba galit sa akin? Si Kira? Sigurado akong kinamumuhian ako ni Kira."

"Hindi ganoong tao si Kira, Ma. Kung kilalanin mo pa siya ng mabuti, makikita mo na hindi ako nagkamali ng babaeng minahal. She was the most wonderful woman i've ever met in my life, at wala na akong balak siyang pakawalan... Habambuhay."

"At wala na akong balak pa na guluhin kayo, anak. Tinatanggap ko na siya. Tinatanggap ko rin na nagkamali ako sa kanya. Naging masama at madamot ako sa kaligayahan mo at kaligayahan niya. Now, that i realized how much you love her.. Makakaasa ka na mamahalin ko na rin siya bilang bahagi ng pamilya natin."

Tumingin ito sa Papa niya. With such tenderness, her mother smiled. "At pare-pareho natin na kakalimutan kung ano ang nakaraan. Magsisimula ulit tayong lahat."

"God. Thank you, Ma." Mahigpit na niyakap niya ito at hinalikan sa noo. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, 'Ma."

Tila biglang naghilom ang mga sugat sa puso nila. Alam niya, wala ng lugar pa ang madilim na nakaraan sa kanilang buhay. Kakalimutan na nila 'yon.

May ngiti sa labi na nagpaalam siya sa mga magulang pagkatapos nilang mag-usap usap. Wala na siyang problema pa sa kanyang pamilya. Ngunit may kailangan pa siyang kausapin..

Kailangan pa niyang puntahan ang pinakamahalagang babae sa buhay niya ngayon.

Wait for me, Kira.


 NAGHIKAB si Kira at iniunat ang mga braso. Katatapos lamang niyang tiklupin ang mga nilabhang damit kaninang tanghali. Maghapon niyang nilinis ang attic ng bahay bakasyunan ni Callan. Yes, doon siya pumunta pagkatapos niyang magdesisyon na lumayo muna sa binata. Parang gusto niyang tawanan ang sarili. Lumayo nga siya kay Callan, pero doon naman siya sa pag-aari nitong bahay pumunta.

 Well, may karapatan na rin naman siya sa bahay-bakasyunan nito. Pinakasalan siya nito, eh, malamang na maging pag-aari na din niya 'yon.

 Mapait siyang napangiti.

 Gusto niyang batukan ang sarili. Hindi niya alam kung tama ba siya ng desisyon na lumayo sa lalaki. Kapag naiisip niya na maaaring masaktan niya ito sa kanyang pag-alis, parang gusto niyang bumalik ulit sa mga bisig nito.

She wanted to stay with him.. Pero hindi puwede.

She need to stay away from him.

She have to do this. Ang pagkakalayo nila ang makakabuti sa kanilang dalawa sa ngayon.

 Hindi niya sinasagot ang mga tawag nito. Pinatay niya ang cellphone para hindi siya matawagan ito at inihiwalay ang sim. In that way, mawawalan muna ito ng contact sa kanila. Nakisuyo din siya kay Themarie na huwag sasabihin kay Callan ang kinaroroonan niya. Hindi naman siguro ganoon kadesperado si Callan na mahanap at malaman ang kinaroroonan niya. Kaya malaki ang tiwala niya na hindi siya nito matutunton.

 Iyon ay kung hindi nito maisipan na pumunta sa San Juan. Sinuhulan din niya ang caretaker nito na huwag sasabihin sa asawa na naroroon siya.

 Tila may mahapding likido na gumihit sa kanyang tiyan nang maalala ang asawa.

Mapait siyang ngumiti.

Oo nga, lumayo siya sa binata para sa ikakabuti nilang dalawa. Gusto niya ito bigyan ng space para mag-isip.. Dahil iyon naman talaga ang nararapat. Hindi maganda ang mga nangyayari sa kanila at kung patuloy silang magsama, baka mag-away lang sila.

He was probably dead worried about her now. Kilala niya ito. Lagi nitong iniisip ang kaligtasan niya, ang kapakanan niya...

Sandali siyang pumikit bago magpasyang lumabas ng bahay. Sa limang araw niyang pananatili sa Laiya ay tila nakasanayan agad niya ang lumabas sa gabi para maglakad-lakad sa tabi ng dagat. Nakakatulong iyon sa kanya upang pawiin ang mga hindi magagandang isipin sa utak niya. Nagiging kalmado siya at nakakapag-isip ng magagandang bagay.

Malapit lang naman iyon kaya nakakabalik din siya agad kapag gusto na niya. Kinuha niya ang balabal at iniyakap iyon sa katawan niya. Maliwanag sa dalampasigan ng gabing 'yon. May mga kabataan ang nagkakasiyahan at may ilan din na turista ang naroroon. Malakas at nakakaindak ang tugtugin na umeere. Nakakatuwang panoorin ang mga nagsasayawan sa tabi ng dagat.

Napangiti si Kira at pinagpatuloy ang paglalakad. Nakita niya ang bato na lagi niyang inaakyat para doon umupo o kaya mahiga habang nakamasid sa langit.

Hindi naman iyon kataasan. May ingat na inakyat niya iyon at doon pumwesto.

Maliwanag ang kalangitan ng sandaling 'yon. Nagsisilbing ilaw ang mga nagkikislapang bituin. Parang kaysarap titigan ng buong magdamag.

 Umihip ang malamig na hangin at niyakap siya niyon. Sandaling napapikit siya. Kung nandito lang sana si Callan, wala na ang mas sasarap pa sa pakiramdam na tinatamasa niya nang oras na iyon. Pero sa kanyang isip lang ito makakasama ngayon.. Sa imahinasyon lamang niya mangyayari na yakap siya ng asawa.

 Nanginginig na nagpakawala siya ng hininga at pinalis ang tumulong luha sa kanyang pisngi. Sa drama niya at sa nakaraan ng pamilya nila, pakiramdam niya ay lalayo din sa kanya si Callan. Dadating 'yong panahon na magsasawa ito sa kanya.. Hihiwalayan siya nito, iiwan at mahahanap 'yong babaeng perpekto para dito. At siya, maiiwang luhaan at nag-iisa. Hindi niya alam kung kakayanin niya iyon. Hindi niya alam kung kaya niyang tagalan ang sakit habang nabubuhay siya.

Naalala niya ang lahat ng masasayang sandali kasama si Callan. Naaalala niya kung paano nito ipakita sa kanya kung gaano siya nito kamahal. Dumaloy sa isipan niya ang lahat ng pagkakataon na ipinadama nito sa kanya ang totoong pagmamahal. Ang pagpapahalaga nito sa damdamin niya.

Naalala din niya ang mga pagkakataon na lagi siya nitong inaasar noon. Mula noong teenager sila hanggang sa lumaki sila. Iirapan niya ito at sisinghalan, pero si Callan, nakangisi lamang at ipagpapatuloy ang pang-aasar para makuha ang buong atensyon niya.

Nilunok niya ang bikig sa lalamunan at niyakap ang sarili. Alam niya na minahal siya ni Callan. Nang mawala sa kanila ang anak nila, naroon lang ito sa kanya at hindi siya iniwan. Nakakatawa kung paano niya inisip noon na bad boy ang asawa.. Na sariling kaligayahan lang nito ang iniisip parati.

Because the truth is.. Callan was an old school gentlemen. Yes, 'yong uri na malapit nang mag-extinct na Adan. Si Callan ang uri ng lalaki na ipagtatanggol ka sa lahat ng mang-aapi sa 'yo, 'yong ipagbubukas ka ng pintuan, bibigyan ka ng jacket kapag nilalamig ka at susunduin ka kahit saan ka magpunta.

He was the type of man who would hold your hand all night, and will make you feel the most beautiful woman in the world. Yes, that's Callan..

Her beloved Callan.

Pinahid niya muli ang luha ngunit ayaw umampat ng pag-agos niyon. Kahit gusto niyang bumalik sa piling ni Callan ay parang natatakot na siya. Paano kung mas gusto din nito ang lumayo muna siya? Paano kung ayaw na siya nitong makasama pa?

Natatakot siya na pag bumalik siya, ibang Callan na ang makilala niya. Iyong Callan na labis na kinamumuhian ang ina niya.. 'Yong Callan na ayaw na magkaroon pa ng kahit anong koneksyon sa kanila..

Nananginig ang katawan niya at bumuhos ang kanyang emosyon. She found herself crying hard.. Napakaganda ng gabi, pero tila niyayakap siya ng lungkot ng pag-iisa ng sandaling 'yon.

Ngunit sa kalagitnaan ng pag-iyak niya, naramdaman niya ang mainit na pagyakap mula sa likuran niya. Natigilan siya at gulat na napalingon. Dumaloy ang tensyon sa katawan ni Kira nang makilala ang mukhang 'yon..

And that sexy blue eyes. Ikinurap niya ng tatlong beses ang mga mata upang siguraduhin na gising siya at hindi nananaginip lang.

"C-Callan.." Napalunok siya. Totoo nga na nandito ang lalaki at natagpuan na siya nito. "Anong ginagawa mo dito?"

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa 'yo?"

Sinubukan niyang kumawala sa binata, ngunit mas lalo lamang humigpit ang yakap nito sa kanya. Nagsisilbing liwanag ang mga bituin upang mapagmasdan niya ang gwapong mukha nito. Ramdam niya ang tensyon na pumupuno sa matipunong katawan nito. Tumitig siya sa mga mata nito. And damn it, it reminded her too much of a dangerous beast silently watching and stalking it's prey.

Galit ba ito sa kanya? Hindi niya napigilan ang manginig.

"Ano ba ang ginagawa mo dito, Callan? Umalis ka na. Hindi mo ba nabasa ang sulat ko?" Iniiwas niya ang mukha dito. Hinawakan nito ang pisngi niya at ipinaling upang matitigan siya ng husto.

"Nabasa ko ang sulat mo at hindi ko gusto ang nabasa ko," nakatiim-bagang na sagot nito.

"B-Bakit?"

"Dahil hindi ako makakapayag na ikaw ang magdesisyon sa kung ano ang nakakabuti sa atin. Hindi ko gusto na lumayo ka sa akin."

"Hindi ba dapat iyon naman talaga ang dapat, Callan? Kailangan natin maghiwalay."

"No, we don't need that!"

"Yes, we need it. We need time to think.. We need space. At kinailangan kong lumayo muna para makapag-isip ka.. At para makapag-isip ako kung tama pa bang ipagpatuloy natin itong relasyon na meron tayo."

Marahas na huminga si Callan at umiling. "Hindi natin dapat isipin pa kung ano ba ang tama o mali. Magiging maayos din ulit tayo, Kira. Ikaw at ako."

"Magiging maayos nga ba? Paano ang mga magulang natin, Callan? Isipin mo, magiging masaya ba tayo kung mismong mga magulang natin ay hindi magkasundo?"

"You don't understand."

Mapait na ngumiti si Kira. "Naiintindihan ko, Callan. Naiintindihan ko ang lahat-lahat.. Hindi tayo para sa isa't isa. May nakaraan na pilit hahadlang sa atin at hindi natin 'yon basta basta makakalimutan. Magsisilbing pang-araw araw na bangungot 'yon sa ating dalawa. And then, hindi tayo magiging masaya. Masasaktan lang tayo pareho at ayaw kong mangyari na kamuhian mo din ako pagdating ng araw." Sa pangalawang pagkakataon ay sinubukan niyang kumalas sa pagkakayakap nito, pero ayaw talaga siya nito pakawalan. "Callan, ano ba! Utang na loob, bitawan mo ako!"

"Hindi kita bibitawan, Kira. Kapag binitawan kita, wala na akong kasiguraduhin ko kaya ko pa na mabuhay. Kung papakawalan kita ngayon, para ko na rin pinakawalan 'yong nag-iisang babae na gusto kong makasama habambuhay."

Mariin siyang napapikit. "Please, Callan.." Nagsisikip ang dibdib niya sa iba't ibang emosyon na nabubuhay ngayon doon. Gusto niyang magmatigas, ngunit sa ginagawa ng lalaki ngayon ay parang nanlalambot ang buong sistema niya.

Hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa ni Callan. Bigla itong lumuhod sa harapan niya dahilan upang mapanganga siya.

"Ano ba ang kailangan kong gawin para huwag mo ako iwan, Kira? Sabihin mo lang kung ano. Handa kong patunayan sa 'yo na wala kang dapat na ipangamba. Huwag kang matakot na magsawa ako sa 'yo. Hinding-hindi ako kailanman titingin sa ibang babae. Remember what i told you? Ikaw lang ang babaeng handa kong pag-alayan ng buong buhay ko. Kahit ano pa ang nakaraan ng mga magulang natin, kahit ano pang kasalanan ang ginawa nila, hindi tayo damay doon. Wala tayong kasalanan doon." Napakalamlam ng mata nito at pakiramdam ni Kira ay hinihiwa nito ng patalim ang loob niya.

"You're wrong, Kira. Hindi ako naniniwala na ang nakaraan natin ang magiging hadlang.. Ang totoong hadlang ay ang paniniwala mo na hindi tayo magiging masaya dahil doon."

Nanigas ang katawan niya.

Tumayo ang kanyang asawa at mapait na ngumiti. "Kung talaga mahal mo ako, maniniwala ka na magiging masaya tayo sa kabila ng nakaraan ng pamilya natin. Pero hindi mo siguro ganoon kamahal.."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Hindi totoo 'yan!"

"Then, prove it to me." Hinawakan siya nito sa beywang. Naging possessive ang tono nito. "Tell me you love me and you're not going to leave me again."

Suminghap siya. Nahihirapan na din siya. Hindi niya kaya na magmatigas pa. Ang marinig niya itong naghihirap din ay parang bumabasag sa puso niya. Umalis siya dahil akala niya kailangan nila ng space. Pero mukhang nagkakamali siya.

Unti-unti niyang napapagtanto na tama si Callan. Hindi nila kailangan ng maghiwalay. Hindi niya kailangang lumayo.

Muling nagsimulang pumatak ang mga luha niya.

Ikinulong siya ni Callan sa mga braso nito at inalo. "You're breaking my heart, hon. Hindi ko intensyon na paiyakin ka. I hate seeing you cry. I just want you to be happy, always happy with me."

"I'm sorry.. Alam ko na ngayon na mali 'yong ginawa ko. I'm just so afraid.. Afraid that you're going to hate me."

"Why would i hate you? Iyon ang pinaka-imposibleng mangyari. Mula pa noon ay ikaw na ang mahal ko. At ipinangako ko sa sarili na iingatan kita, aalagaan at mamahalin habambuhay. Mahalaga sa akin ang ngiti mo, Kira. One smile from you and everything else can go to hell. Ganoon ang epekto mo sa akin at hinding-hindi iyon mabubura. You're my love, my life and i will do everything for you."

Hinaplos nito ang pisngi niya at tinitigan siya. "Now tell me, lalayo ka pa ba sa akin mula ngayon?"

Umiling siya. "Hindi na. Kahit ano pa ang mangyari ulit, hindi na ako magdedesisyon na lumayo sa 'yo. Hinding-hindi ko na ako ulit magtatangka."

He chuckled. "At kahit ulitin mo pa 'yon, mahahanap at mahahanap pa rin kita. But funny, apat na araw ang ginugol ko para hanapin ka. Sa mismong property ko rin pala ikaw nagtatago. Pati caretaker ko, sinuhulan mo pa para huwag sabihin sa akin."

Napahalakhak siya. At hinaplos ang gwapong mukha nito. "Mahal kita, Callan. Kung gaano mo ako kamahal, ganoon rin kita kamahal. Hinding-hindi na ako lalayo pa sa 'yo. Pangako."

Kumislap ang kulay asul na mga mata ng asawa. Hinawakan nito ang kanyang batok. At sa ilalim ng mga nagniningning na mga bituin sa kalangitan, naglapat ang mga labi nila sa isang matamis, mapakapagpigil hiningang halik..

Continue Reading

You'll Also Like

5.5K 59 11
di ka parin ba nakaka move on sa napakagandang love story nina Jamie Sullivan at Landon Carter ng A walk to remember? Then this is your chance para...
21.9M 439K 47
College days pa lang si Jeasabelle, malaki na ang pagnanasa niya kay Danrick. Kulang na lang ay mag-split siya sa harap nito makuha lang ang atensyon...
791K 26.9K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
82K 4.4K 36
JULIE MARTINEZ A woman with a wounded past. Struggling amid her sickness and a company facing a financial breakdown. ALEXIAL ANDROMIDA Known for bein...