Deal Breaker (Published under...

Da swirlybitch

5.4M 96.2K 7.5K

Princess Nicole "Nick" Madrigal wants nothing more than to regain the independence that she lost noong nalama... Altro

Chapter 1: Goddamn Shoe
Chapter 2: Hala, Nas'an na?!
Chapter 3: By Hook Or By Crook
Chapter 4: Stiletto Heels, You Rock!
Chapter 5: I Should've Stayed
Chapter 6: Akala Ko
Chapter 7: Lesson No. 1
Chapter 9: Sweetest Instant Noodles Ever
Chapter 10: WDF?!
Chapter 11: Train Train Go Away
Chapter 12: The Sister I Never Had
Chapter 13: Love Sick
Chapter 14: I'm Sorry
Chapter 15: Third Wheel
Chapter 16: First Time In My Bed
Chapter 17: ABC Song
Chapter 18: Back Off
Chapter 19: Good Night Gone Bad
Chapter 20: I Lo-- Ano Daw?!
Chapter 21: He Left
Chapter 22: She Got Drunk, He Got Heartbroken
Chapter 23: I Just Can't Help It
Chapter 24: His
Chapter 25: Oh No
Chapter 26: The Truth.. It's Sad
Chapter 27: What Now?
Chapter 28: Ano Na Naman 'To?!
Chapter 29: What Really Happened
Chapter 30: Moves Like Jagger?
Chapter 31: Nasaan Na Ako?!
Chapter 32: The Meet
Chapter 33: All About Us
Chapter 34: Will You Take Me Away With You?
Chapter 35: Don't Say It, 'Coz You'll Definitely Break My Heart
Chapter 36: The Truth... It Sucks
Chapter 37: Only Him
Chapter 38: Bestfriends' Day. Yay!
Chapter 39: The Phone Call
Chapter 40: Love Me, Love Me, Say That You Love Me
Chapter 41: Boy Talk
Chapter 42: Versus
Chapter 43: Dreams
Chapter 44: This Is It
Chapter 45: Dealing With It
Chapter 46: Too Late?
Chapter 47: Tragic
Chapter 48: What About Love?
Chapter 49: Points Of View
Chapter 50: Let's End This From The Start, Shall We?
SIDE STORY - Shut Up Or I'll Kiss You
OTORS NOWT: LAST NA TO! HEHEHE.
The Story Behind THE STORY.

Chapter 8: Reconciliation

135K 2.5K 430
Da swirlybitch

I managed to get out of the building kung saan nandun ang bahay ni Dominic nang hindi na ulit umiiyak. I just have to find away para makauwi. Para mapuntahan si Erick. May nakita akong mama sa labas nang building, nilapitan ko ito at nagtanong.

"Ahmmm. Manong?" Hindi ko ‘to normal na ginagawa. Kasalanan to nung lalaking yun, he makes me do abnormal things. Tss.

"Ano yun?" iritableng tanong nung mamang nilapitan ko.

Itatanong ko lang po sana kung pwede makihiram ng cellphone? Tatawagan ko lang po yung kaibigan ko. May isang siraulo po kasing kumuha ng phone ko at ibinato. Kung pwede lang naman po."

"Hay naku hija! Alam ko na yang modus niyo. Hihiramin niyo kunwari yung cellphone ng tao, sabay itatakbo niyo na. Maganda ka pa naman hija, manggagantso ka nga lang. Mag-iba ka na lang ng trabaho mo neng."

Tama ba yung narinig ko? Pinagkamalan akong sindikato at tinawag akong manggagantso?! Mukha ba kong sindikato? Loko tong matandang to ah.

“Hoy manong! Sa itsura kong to, pinagkamalan mo kong sindikato?! Tsk. Kung wala kayong cellphone, eh di dapat sinabi niyo na lang! ANDAMOT niyo!"

Pinag-init ng manong na yun ang ulo ko! Bwiset!

"Sandali ka lang nalayo sa kin, may kaaway ka na naman? Here. Use my phone."

 Yung boses na yun, at ang tapang niya na sundan ako.

Lumingon ako sa pinanggalingan nang boses at tama nga ang hinala ko, si Dominic nga. "The last thing I'd do is to ask for your help again."

"Pride won't get you anywhere." He answered back calmly.

"Oh? Kwento mo kay Katy Perry the Platypus." He doesn't look stunned right now, iba na ang facial expression niya. Borderline malungkot at nagsisisi.  

 Tumawid ako sa kabilang side ng kalsada. I just want to be as far from him as I can. Nasa isle na ko. He didn't follow me this time. Good. Sumuko din. 

"FINE!"

Narinig ko siyang sumigaw. Fine? As in ikukwento niya kay Katy Perry the Platypus? O fine, titigilan na niya ako?

"I'm Dominic Salazar! 'Nick' is what people call me! I call you Princess because I don't wanna get confused and I still think na mas bagay sa'yo yun."

Hindi ako lumilingon. None of the above ang sagot. Hindi ko siya gustong makita o tignan. Ano ngayon sa’kin yung mga pinagsasasabi niya. It doesn’t matter. I don’t care.

"I live here! I'm 20 year of age! Yes i'm OLD! I don't say sorry or thank you either! Because just like you, I believe that whatever circumstances people face, they make their own decisions! Even if the only choices left is do it now or never have it again."

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na makinig. Baka kasi sinisigaw niya.

"I'm sorry... for what happened awhile ago. For all that happened awhile ago. And thank you for choosing to have this deal with me.” Dugtong niya gamit ang mas malumanay na boses. The sincerity is evident. Pero bakit parang malungkot siya? He just said the words he despise. Ano bang gustong palabasin ng lalaking to?

"I like driving fast cars! I like girls and they like me too. I also love to have sex!”

God!! Kailangan niya ba talagang sabihin yun?

"And i'm not afraid that you'd fall for me... because no one does! No one does princess. People like me because i have money! I have good looks! But no one stays."

Narinig ko ulit yung lungkot sa mga boses niya, but still hindi ako lumingon. I can’t. I don’t care. Right Nick? You don’t care di ba? May taxi na huminto sa harap ko. Ibinababa ng driver yung bintana sa may passenger seat. "Miss sasakay ka?"

"Ahhhmm.” Nag-isip ako for awhile. Should I leave him? Should I walk away? Nick. I don’t care, right? So why should I stay?

“Opo." Sagot ko sa driver kasunod ang paghawak ko sa pinto nang sasakyan. Then suddenly, I hear cars skidding to a stop. People gasping. A silence dawned all over me, parang nasa gitna nang isang gyera, bago umatake ang mga kalaban. Everything is tense. Everything is silently eerie. Then all hell break lose, the silence was broken by the sound of reality – cars honking, people talking all at once.

"Oh my God! Yung lalaki!"

"Tignan natin kung anong nangyari."

My heart stopped by the silence awhile ago was now banging on my chest, wanting to get out. Alam kong may masamang nangyari, at alam ko na yung tanga-tangang lalaki na yun ang may kasalanan. Bigla na lang tumulo yung mga luha ko. I turn around to see what happened.

Malabo. Pesteng luha to oh! Pinunasan ko ang mga luha ko at hinanap ko siya. "Nasaan ka na?" bulong ko sa sarili ko.

I saw a few shocked faces but I found him. There he was, in the middle of the road. A car is next to him. I can still see the skid marks. And people are still looking and whispering.

Tumakbo ako papalapit sa kanya. Nag-umpisa na muling tumulo ang mga luha ko. Bakit ganon? Bakit parang ang layo ng distansya naming dalawa?? Tumatakbo pa rin ako. Wala pa ring tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Nang makarating ako kung nasaan siya... I slapped him hard on the face. I hate him. I hate him for making me feel this way. I glared at him.

 "Ano sa palagay mo ang ginagawa mo ha?!” I shout through my tears. Anger. Frustration. Fear. Sinuntok ko siya sa braso niya gamit lahat nang emosyon ko. “Bobo ka ba?! Suicidal?! Mas madali kung tumalon ka mula sa kwarto mo!” Hindi pa din tumitigil yung pag-iyak ko. “Nakaka-asar ka alam m--” 

Hindi niya ko pinatapos. Bigla niya na lang ako niyakap. His left hand's on the back of my neck, his right on my waist. Nasa gitna kami ng kalsada. Him hugging me. Me, crying in his arms. I wrapped my arm around his waist and burry my face against his chest. “Tinakot mo ko, alam mo ba yun?”

"I'm sorry princess." He said silently and he kissed my head.

"Siraulo ka! Alam mo yun?! Bobo ka din!” Pinaghahampas ko siya. Hinampas ko siya nang hinampas. Pero he's not letting go of me. He's still there. We're still there. He's still hugging me. Hindi ko alam kung bakit o pa’no, pero lahat nang galit at pagka-inis ko sa lalaking to, bigla na lang nawala. Kapareho nung unang beses niya ko niyakap, nawala yung takot ko.

Anong ginagawa niya sa’kin? Paalis na ko kanina. I don’t care awhile ago, di ba? Pero ngayon, I want to stay. I don't want him to go. I don't want him to leave. I don't want to leave either. I just want to be here. Here with him.

Nasira yung moment ko nung bumusina yung kotse na katabi namin. "Mga tarantad*! Wag nga kayong maglandian sa kalsada!” Sabi nung driver na muntik nang makabangga kay Dominic.

Biglang bumalik yung galit ko at this time, nakatuon sila dun sa lalaking nasalikod ng manibela. Muntik na niyang mapatay yung tao tapos hindi man lang siya bumaba, tapos ngayon sisigawan pa niya kami at sisirain yung moment ko?!

"Hoy! Umayos ka! Baka hindi kita matantsa!" Hinatak ako ni Dominic paalis dun sa kalsada bago pa ko makalapit dun sa driver at iuntog yung ulo nito sa manibela.

We stand facing each other sa sidewalk. He look at my eyes and speak. "Princess?"

Nawala na yung sadness sa mga mata niya at napalitan na ng guilt.

“Ano na namang katangahan ang sasabihin mo?” tanong ko habang nakapamewang at tinitignan siya ng masama.

"Okay, you have to stop sa mga pagtawag sa’kin ng kung anu-ano. At will you be my girlfriend?" his words became softer sa mga huli niyang sinabi.

"A-ano bang klaseng tanong yan? Eh pang tanga lang yan eh."

He glared. "Just answer me. Will you be my girlfriend?" he asked sounding irritated.

"Eh di ba girlfriend mo na ‘ko?"

"I know. But... I didn't give you any choices kahapon. I'm giving you one now. Will you be... my girlfriend?"

Anong choice?! Kung ganyan mukha mo?! How can i say no?! Kahit na may problema ang reasoning niya...

“Sinabi ko na di ba? I don't break deals. So oo. I'll be your girlfriend."

Tapos biglang ngumiti siyang ng pagka-ubod ng gwapo. At lumiwanag ang paligid, naging HD. And I feel the wind against my face, the winds chirping... Joke lang! Pero bwiseeeet! Ganito ba ginagawa niya sa lahat ng babae niya? Now. I can't blame them. Ni hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya, I’m afraid I’ll melt tapos sipsipin nang sementadong daanan yung liquid form ko. *Creepy*

Napansin ko na lang na sobrang lapit niya nung naramdaman ko yung kamay niya sa mga baba ko. Iniangat niya yung ulo ko ng bahagya so that I’m now looking at his face. Nakangiti pa din siya sa’kin. 

"I don't know how to be a boyfriend. So please bear with me. Okay?"

Nakatingin lang ako sa kanya and I feel weird. Parang unti-unti, dahan-dahan gumagalaw yung mga bacteria sa tiyan ko para i-digest yung sinabi niya.

"Ako din naman, di ko alam kung pa’no maging girlfriend. So I say, we should bear with each other."

Bear... bears. I smile. I just smiled at him. Yung totoo, yung hindi sarcastic, tapos bigla niyang iniwas yung tingin niya. Ano na naman kayang problema nito? Tsk! Kung ayaw niya ng ngiti ko, eh di wag!


"I remember. ‘Di ba aalis ka? He's waiting for you." Nakalimutan ko na. Hinihintay nga pala ako ni Erick.  "I know as your boyfriend dapat ihatid kita, but i don't like to. So... take this."

Inabot niya sa kin yun cellphone niya.

"Para sa'n  to?"

"Call him para sunduin ka."

"Pero,"

He look at me straight in the eye.. "No buts. Just go."

Pumara siya ng taxi at uminto ito sa harap namin. Binuksan niya yung pinto.

"Manong pahatid po ng babaeng to sa mall. Ayusin mo pagmamaneho mo. Kapag may nangyaring masama sa babaeng to... baka di kita matantsa." Lumingon siya sa’kin sandali, smiling. Feeling niya siguro nakakatawa yung joke niya. I smiled sarcastically back, tapos tumawa siya.

Kinuha niya yung wallet niya at kumuha ng pera para ibayad dun sa taxi driver. After niyang magbayad lumapit ulit siya sa kin.

"Sumakay ka na. Just call him and say na sa mall na kayo magkita. That's all the boyfriend that I can be for now."

He cupped my cheeks and kiss me. "You take care princess." And he said it like he meant it. Maniniwala na sana ako kaso tinulak niya ako papasok ng taxi.

“Siraulo!” sigaw ko sabay sara niya yung pinto.

Ganun ba niya kagusto paalisin ako? Tsk!


NASA MALL NA ‘KO. At natawagan ko na rin si Erick. Hay. Mahaba-habang explanation to. Tsk. Hindi pa ko nakakapag-isip ng idadahilan. Bahala na nga. 

"Nick!" Nandyan na siya. Paglingon ko, nakayakap na siya sa akin. Sobrang higpit ng yakap na yun. Alam ko medyo sweet siyang bestfriend, pero hindi ganito ka sweet.

"Teka! Di ako makahinga! Bitiwan mo nga ko." and he let go.

"Sorry. Okay ka lang ba?" Alalang-alala siya. Nakakakonsensiya tuloy.

"Okay na. Nakakahinga na. Ano ba kasing pumasok sa utak mo at bigla daw ba kong yakapin?"

"Tinakot mo kasi ako eh. Sino ba yung lalaking sumagot ng phone mo? Sabi niya boyfriend mo daw siya. At bakit iba yung gamit mong number? Sa kanya ba yan?"

"Teka! Isa-isa lang. Yung lalaki na yun, boyfriend ko nga siya. At sa kanya nga yung phone na ginamit ko pantawag sa'yo kanina."

 Mukha siyang nawindang sa mga sinabi ko. "May boyfriend ka? Ni hindi ko man lang alam na nagpapaligaw ka pala."

"Eh hindi naman ako nagpapaligaw. Makulit lang talaga siya kaya ganun."

Good nick! No lies as of the moment. 

"At yung phone mo? Binato niya ba yun?" He looked at me suspiciously.

"Ha? Hindi ah. Nabagsak ko yun. Kasi ano, nagmamadali ako na puntahan ka. Ayun, kaya pinahiram niya yung phone niya. Sweet no?" Then I smiled para hindi na siya magduda.

Pero I don’t feel comfortable or happy even. I just lied to my bestfriend. For what? Para hindi mapahamak yung Dominic na yun? Tsk.

"Talaga? Hinatid ka ba niya dito? Bakit wala siya? Hindi mo ba siya ipapakilala sa kin?"

“Hinatid?? oo naman! Sino ba namang boyfriend ang hahayaan lang na magtaxi ang girlfriend niya di ba?! Umalis lang siya kaagad kasi may aasikasuhin pa siya. Ipapakilala ko din siya sa'yo. Excited ka naman masyado oh."

Hindi na siya windang, pero parang disappointed siya.

Gusto kong hindi magsinungaling sa kanya, pero alam ko mas masasaktan lang siya kapag sasabihin ko yung totoo. Sorry talaga bestfriend. I’ll explain everything to you when it's over. I swear.

"Are you lying to me nick?"

 Stop asking me questions para di na ko magsinungaling pa okay?! But I lied anyway, which makes me feel worse.

"Ako? Magsisinungaling? Sa'yo?! Bakit ko naman gagawin yun?? Tsaka wag na natin siyang pag-usapan. Ano bang gagawin natin ngayon?"

"Ahmmm.. Kumain ka na ba?" tanong niya.

"ahmmm.. hindi pa." Sagot ko .

"Hindi ka niya pinakain?!"

"Ah.. Hindi ah.. Pinipilit nga niya kong kumain eh. Kaso nga lang sabi ko sa'yo ko sasabay."

"At pumayag siya?"

"Oo. Kaya nga ako nandito diba? Kain na tayo. Gutom na ko eh.”

"Mmmmm... Okay. Let's eat." Nakangiti na siya. Pero parang may mali pa din sa facial expression niya eh. Tsk. Di bale na nga lang, gutom na ko para isipin pa yun. Grabe. Ngayon ko lang napagtanto. Di pala ko pinakain nung lokong yun.

Tsk!

Tapos na kaming kumain at nakaupo kami ngayon sa isa sa mga benches sa mall. Tumayo si erick at nagumpisa nang maglakad palayo sa akin. Nang malayo-layo na siya, tumayo ako at bigla akong sumigaw.

 "Erick!! Gustong gustong gustong gustong gustong gustong gustong gustong gustong gusto kita!!"

Tapos ginaya ko yung pag-turo ni gumiho. Hindi ako sanay magpa-cute kahit na ilang beses na namin tong ginagawa. Kaya natatawa pa din ako kapag sinusubukan ko. Para kong tanga sa ginawa ko, pero kahit ano para lang madistract lang siya.

Isa kasi to sa mga trip namin. Ang gumaya ng eksena sa mga palabas sa TV sa isang mataong lugar. Di ko nga alam kung bakit wala pa kami sa youtube ngayon eh.

Humarap si Erick at unti-unting lumakad papalapit sa akin. Tumatawa pa din ako. Patuloy pa din siya sa paglakad papalapit sa’kin. Nahinto ako sa pagtawa nung may napansin kong parang may mali. Teka. Hindi naman ganyan ginawa ni Dae Wong ah.

Nakatingin lang ako sa kanya habang papalapit siya sa’kin. Nakakunot yung noo ko sa pagkalito. Tapos niyakap na lang niya ko bigla.

Na naman?? International Bestfriend Hug Day ba ngayon?!

"Nick. Will you be my girlfriend?"

 Hindi. Hindi “International Bestfriend Hug Day” ngayon. Ngayon ay “Will You Be My Girlfriend Day”

Nagtanga-tangahan na lang ako at hindi pinansin yung tanong niya. Kunyare unaware ako.

"Ano yun?" tanong ko.

"Sabi ko, will you be my girlfriend?" hindi na siya nakayakap ng sabihin niya yun. Nakatingin siya sa mga mata ko. Sobrang seryoso niya.

I laughed nervously. Ano nang nangyayari sa mundo? “Teka. Hindi naman yan yung ginawa ni Dae Wong dun sa palabas eh." Pinatalikod ko siya. Ayokong makita niya yung expression ko. Sumunod naman siya. "Erick, kailangan mong sumunod sa script."

"I know." Tapos may binulong siya na hindi ko naintidihan o hindi ko inintindi.

We kept on re-enacting that scene.. kaso sa iba't bang parts ng mall. Tapos naglaro pa kami. Tapos namili siya ng mga damit niya na ako ang nagjudge kung bagay ba o hindi. At nung mapagod, napagkasundo na din kami na umuwi. Hindi na namin pinag-usapan yung will you be my girlfriend tanong niya kanina. And I felt relieved that we didn’t.

Hinatid na niya ko. Normal lang kami habang nasa byahe pauwi. Nagtatawanan at nagkukulitan at nagkukwentuhan ng kung anu-ano. Then he pulled up in front of our house. 

"Nick?"

"Hmm?”

"Yung sa sinabi ko kanina... wag mo na lang pansinin yun ah." He said, looking down.

"Ah yung 'will you be my girlfriend' mong arte?” Tumingin siya at ngumiti ako. “Wala yun. Pero infareness Erick, nakakatakot yung ganun mo ah."

"Sorry kung natakot kita. Bestfriends pa din tayo diba?"

"Oo naman. Sows!"

Tapos ngumiti siya. pogi talaga nitong kaibigan ko. Pero... mas pogi si dominic..? Ha! Ewan. Bakit ba siya pumasok sa utak ko?!

"Sooo. Pa'no ba yan Erick. Babye na."

"Kaya nga eh. Nag-enjoy ka ba ngayon?"

Ngumiti ulit ako. “Oo” sagot ko and this time I didn’t lie.

Ngumiti siya pabalik. “Bye Nick. See you tomorrow.” 

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...