Owning Her Innocence (R-18)

By RaceDarwin

64.1M 1.2M 125K

Callante Fontanilla was hot. Dayum hot. But for some reason, galit si Kira sa lalaki na forever kapitbahay na... More

Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four (Part 1)
Chapter Forty Four (Part 2)
Chapter Forty Four (Part 3)
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two (Part 1)
Chapter Sixty Two (Part 2)
Chapter Sixty Three (Part 1)
Chapter Sixty Three (Part 2)
Chapter Sixty Three (Part 3)
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Epilogue

Chapter Fifty Six

429K 9.8K 635
By RaceDarwin


 PAGKATAPOS ng ilang oras na iginugol ni Kira sa loob ng parlor, maganda na ulit ang bagsak ng buhok niya. Sumasabay sa kanyang galaw ang hanggang balikat na buhok niya. Feel na feel tuloy niya ang maglakad sa mall.

 Napapangiti na lang ang dalaga kapag may mga lalaking napapalingon sa pagdaan niya. Pakiramdam tuloy niya ang ganda ganda niya. Hindi niya tuloy maiwasan maalala si Callan. Naku, kung kasama lang niya ang binata. Nakakasigurado siyang nakasimangot na ito at binibigyan ng matalim na tingin ang mga lalaking pinadadaanan siya ng tingin.

 Dumaan muna siya sa isang fast-food chain nang makaramdam siya ng gutom. Nakasakay na siya sa taxi pauwi ng mag-ring ang cellphone niya. "Hello, Thems. Napatawag ka. May problema ba?" pagsagot niya sa tawag ng kaibigan.

 "Hay, naku, Kira! Nandito na naman si kulit!" may bahid ng pagkairita na sabi ni Themarie.

 "Sinong kulit?"

 "Eh, sino pa ba? E, di 'yong bestfriend mong nagpapalipad hangin sa 'yo."

 "Sino? Si Hunt?"

 "Yes, yes! At nandito na naman siya.. with his gorgeous face and hot body."

Natawa si Kira sa komento ni Themarie. "Ano naman ang ginagawa niya d'yan? Nililigawan ka ba niya?"

 "Ugh. Ofcourse not! Kahit gwapo siya at saksakan ng hotness, di ko siya type noh."

 "Oo nga pala. Mga tipo ni Andrew ang type mo. Bad boy type."

Napangiti si Kira nang mawalan ng imik si Themarie. "Nandyan pa ba si Hunt?"

 "Ah, oo. Ang kulit nga. Sabi ko sa kanya na wala na siyang pag-asa sa 'yo, pero ayaw pa rin sumuko. Kahit yata ipa-harrass ko kay Cadyuth, hindi aalis."

 "What!"

 Napahagikhik ito. "Ano kasi.. Pinapasok ko si Cady sa office mo, tapos sinabi ko kay Hunt na nandoon ka at dahil gusto ka nga daw makausap, pinapasok ko siya doon. Not knowing na nandoon ang beki! At inilock ko ang pinto ng office mo!"

 Napahalakhak si Kira. Parang nagp-play sa utak niya ang eksena na maaaring mangyari habang nakakulong sa office niya si Cad at Hunt. "Loka ka. Baka mamaya masampahan ng kasong pananamantala ang empleyado ko, ha."

 "Naku, hindi 'yon. Mukha nga'ng nakaraos si Hunt paglabas ng office mo."

Gayon na lang ang lakas ng halakhak niya sa loob ng taxi. "Bruha ka! Sige, hintayin mo ako d'yan." Dapat na niyang kausapin ng masinsinan si Hunt. Kung totoo man siguro ang nararamdaman nito sa kanya, hindi na niya dapat pa na paasahin ito sa wala. Didiretsahin na niya ang lalaki.

 Pagdating ng dalaga sa Shakira's ay binati siya ng gwardya at pagkatapos ay sinalubong siya ni Themarie. Tila nakahinga ng maluwag ang itsura ng kaibigan nang makita siya. "Glad you're here!"

 "Nasaan na?" tanong niya. Itinuro nito si Hunt na nakaupo sa isang mesa. Mukhang kanina pa ito naghihintay doon. Nakaramdam siya ng guilt. Dapat ay tinapat na agad niya ito nang nakaraan.

 Humugot siya ng malalim na hininga bago nilapitan si Hunt. "Hi!" bati ni Kira. Napangiti ang binata ng makita siya. "Kira." Tumayo ito at bigla siyang niyakap.

 Napakurap siya. "H-Hunt.."

 "I miss you. Saan ka ba pumupunta? Ngayon lang ulit kita natyempuhan dito." sabi nito nang umupo na sila. "By the way, here's the flowers for you."

 "Hunt, i'm here to tell you something."

 "Ano 'yon?"

 "But me let me start by asking you, ano ba talaga ang gusto mo mangyayari? Tatapatin na kita kasi you're a friend and i value our friendship so much."

 "Gusto kita, Kita. I want to court you and i want you to love me. Matagal na kitang gusto at matagal ko na 'yon ipinaparamdam mula noon.  Hindi mo lang pansin, pero lihim kitang minamahal."

 Nagbukas-sara ang bibig ni Kira. Pagkatapos ay napapikit ng mariin. "Pero hindi na puwede ang gusto mo, Hunt. You can't court me now. You can't make me love you because i'm already inlove with someone else. At ang lalaking 'yon ay handa kong mahalin habangbuhay."

 Nakita niya ang paglarawan ng lungkot at pagkabigo sa mukha ni Hunt. Nalaglag ang balikat nito at napatungo.

 Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan at pinisil iyon. "Come on, Hunt. I know you will find someone na mas makakahigit sa akin. And maybe, she can love you and make you see things in different way. Minsan talaga dumadating tayo sa punto na masasaktan tayo at makakaramdam ng pagkabigo. Pero alam mo ba kung ano ang maganda doon? Nasaktan man tayo at nabigo. May dumadating pa rin para mahalin tayo ng mas higit pa sa pagmamahal na inalay sa dati nating minahal."

 Matagal na tinitigan siya ni Hunt, tila pinag-aaralan ang buong anggulo niya. Kapagkuwan ay napangiti ang binata. "Okay. I respect your decision. Maybe, i have to let go the feelings i have for you."

  She smiled tenderly. "Thank you. I believe you will find that girl for you. Saan pa at maraming naghahabol sa 'yo, di ba?"

 Tumawa si Hunt. "Oo. Pero mukhang ito na rin naman ang huling beses na makakatuntong ako dito."

 "Huh? Bakit naman?"

 "Katakot-takot ang inabot ko doon sa isa mong empleyado."

 "Sino doon?"

 "Yong bakla! Tangina, nagnanakaw ng halik!"

Hindi napigilan ni Kira ang mapahalakhak. "Kaya maghanap ka na ng girlfriend agad para di ka na manakawan pa. Anyway, kumain ka na ba?"

 "Hindi pa nga, eh." Ngumisi ito. "Bakit, may balak ka bang pakainin ako?"

 Umingos siya. "Heh. Si Cad ang magpapakain sa 'yo, gusto mo?" Namutla ang mukha nito kaya agad niyang binawi ang sinabi. Natatawa na tinawag niya si Themarie at nag-order para kay Hunt.

 Natapos ang araw na 'yon na hindi niya masyadong naaalala si Callan. Pinilit niyang aliwin ang sarili at pigilan na huwag makaramdam ng lungkot. Babalik din naman ito at makakasama ulit niya. Isang linggo lang. Isang linggo lang itong di niya makakasama.

 Bakit pakiramdam niya ay matagal itong mawawala?

 Oh, no. It's just her.

Bumuntong-hininga siya.


 Ngunit kinaumagahan habang umiinom siya ng mainit na gatas ay muli na naman siyang nangungulila kay Callan. Maaga siyang nagising. Maganda naman ang gising niya, ngunit aminado siya na hindi kumpleto ang tulog niya. Hinahanap ng katawan niya ang mainit na katawan ni Callan sa tabi niya. Kapag katabi niya kasi ang binata, parang ito na ang nagiging unan niya. Pero kagabi, kailangan niyang gumamit pa ng ilang unan para kunwari ay maramdaman niya na may katabi siya.

 Hindi pa ito nakakatawag sa kanya hanggang ngayon. Mamaya pang tanghali niya inaasahan ang pagtawag nito. Natigil siya sa paghigop ng gatas ng marinig niya ang ugong ng papalapit na sasakyan. Isang magarang kulay itim na kotse ang tumigil sa harap ng kanyang bahay. Napatayo ang dalaga at disoriented na sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri. Hinaplos ang pisngi upang siguraduhin na wala siyang dumi sa mukha.

 Bumaba ang isang malaki at matangkad na lalaki sa kotse. Namukhaan agad niya ito. Ang lalaki ay walang iba kundi ang bodyguard ni Mrs. Chavelly Fontanilla.

 Si Hector.

 Mabilis na inayos niya ang pagkakasuot ng maluwang na T-shirt ni Callan sa katawan niya. Hindi niya alam kung bakit biglang nag-iba ang tibok ng puso niya. Tila bumigat din ang paghinga niya.

 "A-Anong kailangan nila?" tanong ni Kira sa lalaki.

Tumutok ang mata nito sa kanya at pinadaanan ng tingin ang katawan niya. Kahit alam niyang walang malisya sa paraan ng pagtingin nito, hindi pa rin niya maiwasan ang mag-init ang pisngi. He was Chavelly's bodyguard. Malamang ay ito ang nagpadala sa lalaki para pumunta doon sa bahay niya.

 "Ipinasusundo ka ni Ma'am Chavelly, Ms Martinez," diretsahan at walang paligoy-ligoy na sabi ni Hector.

 Nagulat si Kira. "B-Bakit daw?"

 "Gusto ka niyang makausap ngayon."

 "Teka lang, alam ba ni Callan ang bagay na 'yon? Kung hindi pa, magpapaalam mo na ako.."

 "There's no need, Ms. Martinez. Lihim lang kay Sir Callan ang magiging pag-uusap n'yo ni Ma'am dahil ikaw lang ang gusto niyang makausap."

 Nagsalubong ang kilay ng dalaga. Ngunit hindi nakaimik. Nakakabigla. Gusto niyang magtanong kung bakit siya gustong makausap ng ina ni Callan ng lihim. Pero sigurado siya, kung ano man ang gusto nitong pag-usapan nila ay hindi iyon maganda. She could sense it.

 Tumikhim si Hector at naiinip na tumingin sa kanya. "Puwede ka na ba magbihis, Ms. Martinez?"

 Wala na siyang nagawa kaya tumango na lang siya. "Okay. Liligo lang muna ako ng mabilis. Maghintay ka lang ng fifteen minutes, please."

 "Take your time."

Continue Reading

You'll Also Like

620K 22.4K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
30.9M 585K 42
"You're invited to Temptation Island."
29.5M 523K 39
(R-18) Three years ago, iniwanan ni Kim si Diego. He was her first everything. Her first love. Sa kabila ng lahat, nagawa siya nitong lokohin at ipag...
10.3M 303K 56
Midnight Mistress is now live! Temptation Island Series| R-18